Chapter 14: Owners
"Main job mo maging auto mechanic or may iba pa like clerical work?"
"Wala akong stable job. Lahat, part-time lang."
Kanina ko pa inaayos ang records ni Jensen at marami naman siyang naka-lineup na schedule, hindi lang talaga organized lahat. Halatang natigil sa trabaho ang tagaayos niya. Wala namang problema sa naumpisahan. Organized kung tutuusin. Hindi nga lang talaga tinapos.
Kanina pa ako dinadaldal ni Jensen. Hinayaan ko na lang kaysa hanapan niya ako ng birth certificate o kahit anong legal documents at wala akong maibigay agad. Hinanapan pa nga ako ng ID, ang sabi ko na lang, wala akong dalang kahit na ano dahil kakilala ko naman ang dating nakatira dito para magdala pa ako ng identification cards.
"Bakit hindi ka napag-aral ng parents mo?" tanong na naman niya. Nangangalumbaba na lang siya habang tinititigan ako at ang ginagawa ko sa laptop niya.
"Wala nga kasi kaming pera," naiiritang sagot ko kasi pang-apat na beses na niyang naitanong 'yon mula pa kanina.
"Hindi ka na bumalik sa studies?"
"Nag-alternative learning nga ako para di na 'ko mag-high school, di ba? Goldfish ka?"
"Ay, oo nga pala, my bad. Akala ko, alternative learning 'yong nag-aral ka ng automotive to clerical job. Iba pala 'yon, hahaha!"
Ang bobo talaga nito kausap. Dinaan lang talaga lahat sa mukha at posture, e.
"Yung husband mo, ano'ng work?" usisa na naman niya.
"Construction worker," bored na sagot ko.
"Oh . . . saang contractor siya?"
Pati ba naman contractor, kailan pang tanungin? Ano ba?
"On call lang siya," sagot ko na lang. "Kasama ko siya dati kapag maghahakot kami ng buhangin saka graba. Laborer siya tapos driver ako."
"Really?" bilib na bilib na sagot niya. "You don't look like a driver talaga, Ram. I'm serious." Nagtaas pa siya ng kanang kamay para manumpa. "I mean, your vibe really is something. Para kang It Girl. You're 32 na, right? Ako kasi, 30 pa lang ako. You're two years older than me pero you look younger, to be honest. Tapos ang cool mo pa pumorma. You've fixed our car pa. And you're doing my spreadsheet too."
Hindi talaga siya maka-recover sa vibe at aura ko na kanina pa niya pinupuna. I'm not sure if I'm oozing with an "expensive" vibe for him to notice that I don't look like a normal citizen in this country.
"After I pay you for the car repair and dito sa organizer, uuwi ka na?" tanong niya.
"Malamang."
"Saan ka nakatira ngayon?"
"Kasama ko yung friend ko. Sa San Juan."
"San Juan . . . ?"
"San Juan sa Metro Manila."
"Oh! That's too far from here. Talagang dumayo ka rito para maghanap ng work?"
"Oo nga, makulit."
"Grabe, ang layo pala ng travel mo. Pero sa Taft naman ako sa Makati. Malayo rin dito. I'm here lang kasi may schedule dapat kami ng pag-monitor ng progress dito sa rest house. Last year pa namang plan 'yon. Unexpected lang ang nangyari sa barkada ko kaya ako lang ang available ngayon."
Busy sa pagsasalita si Jensen nang may biglang lumabas na inline comment sa isang cell ng inaayos kong column.
[ CD Visionary: I'M PRETTY SURE, YOU'RE NOT JENSEN. ]
Saglit na tumaas ang magkabilang kilay ko dahil lumabas agad ang isang editor sa ginagalaw kong file.
[ CD Visionary: LEAVE THIS FILE. PLEASE. ]
Sumulyap ako sa katabi ko kung nakikita ba niya ang mga nire-resolve kong comment pero tuloy lang siya sa pagdaldal habang nakatingin sa phone.
"Since you will work sa 'kin, need ko na bang bawasan ang sched ko sa club? I love hanging out with my friends, not sure if puwede kitang dalhin. Baka kasi magalit ang husband mo, you know?"
Mabilis akong nag-reply doon sa nag-iiwan ng comment.
[ Jensen Faminialago: New secretary ako ni Jensen. ]
[ CD Visionary: I don't care. Don't touch this file. ]
[ Jensen Faminialago: E, sa na-touch ko na. May magagawa ka pa ba? ]
[ CD Visionary: I don't like your tone. New secretary ka, and you converse like that? YOU ARE FIRED AND LEAVE THIS FUCKING FILE ALONE. ]
[ Jensen Faminialago: LOL. Make me. ]
Sayang, hindi ko pala siya puwedeng i-kick out since siya ang owner ng file at naka-share lang kay Jensen ang access. Hassle.
Mukha namang chill lang si Jensen, pero itong friend niya, parang ang init ng ulo. Well, dapat na siguro akong masanay ngayon pa lang. Hindi nga halatang mag-best friend sina Ninong Leo at Ninong Clark kahit mukha silang hindi magkakasundo dahil sa opposite mood nila.
"Jensen," tawag ko.
"Yep?"
"Saan nakatira yung barkada mong co-owner nitong rest house?"
"Not sure ngayon. Ang sabi niya, baka sa Pasay muna siya. Why?"
Pasay. Mabuti naman. Akala ko, malapit lang dito sa area.
"Wala, curious lang," sabi ko na lang. "Ngayon, wala ka pang work. So, dito ka muna sa Tagaytay . . . until when?"
"Hindi ako stay-in dito, ha? If that's what you mean. Uuwi pa rin ako sa Taft bago gumabi, or basta kapag dumating na si Kuya Rodel. May mga naiwan kasing tool box dito and ipinade-deliver ng owner sa Guada. Wait ko lang yung driver ko na makabalik tapos uwi na rin ako agad."
"I see. May chance ba na bumalik ka rito bukas?"
"Yes, I will, of course. Bukas daw aayusin ang dining area. Need i-supervise 'yon. Kung nandito lang si CD, siya sana ang magmo-monitor."
"All right. Pupunta agad ako rito tomorrow morning. Mga anong time ka pupunta?"
"Define morning."
"I'll be here at seven."
"Grabe, ang aga naman! Tulog pa 'ko niyan!"
Pakialam ko naman kung tulog pa siya?
"Sabihan mo na lang ang caretaker na nandito na ako by seven. Papasukin lang nila ako, kahit wala ka pa, I'll start checking the whole place, then gagawan kita ng another to-do list related dito sa rest house. Puwede mo 'yang i-follow up sa contractor o kahit sa friend mo, depende sa mauunang matapos na work. Wala akong makitang plan dito sa file mo na related sa pag-supervise dito sa lugar na 'to. We have to note your schedule."
"Oooh. Yes! That's a good idea. You're good. I like it. Sige, I'll talk to Mang Agustin about your request."
Mabuti naman at pumayag siya, kahit pa wala naman akong interes mag-note ng mga supervisory task niya rito sa rest house.
Gusto ko lang talagang umalis nang maaga mula sa condo ni Coco para hindi niya ako maabutang tambay sa unit niya. Hiyang-hiya naman ako sa utang kong 350k na hinamon ko pang mababayaran ko tapos paupo-upo lang ako sa sofa niya.
Nagkalkal pa ako ng mga pending task ni Jensen. Pinag-handle pala siya ng corporate account sa manufacturing company nila. Hindi na ako nagulat na isa sila sa leading paper manufacturers at distributor sa bansa. Kinder pa lang ako, nakikita ko na ang brand nila sa pad paper na ginagamit namin sa school. Surprisingly, kanila pala 'yon.
Humawak siya ng managerial position pero umalis din agad. Ang dami raw kasi niyang gagawin. Tamad.
But I understand the sentiment, probably because Papa has the same opinion. Ipinasa tuloy ni Papa lahat ng trabaho kay Mama. Kaya eto ako ngayon, walang kakampi, kasi na kay Mama lahat ng influence, 'kainis.
Kung isa-summarize ko ang lahat ng kuwento ni Jensen mula pa kanina, babagsak lang ang lahat sa tambay lang siya ngayon at umaasa siya sa maangas na CD Visionary na 'to para ayusin ang buhay niya. At itong rest house ang plano niyang gawing "work" dahil parerentahan nga raw nila sa mga potential client na naghahanap ng magandang vacation spot dito sa Tagaytay. I asked for another plan, pero 'yon lang daw muna sa ngayon ang alam niya. Kung may side hustle pa sila sa rest house, wala pa siyang idea.
Feasible naman kaya hindi na ako nag-react. Investment din kung tutuusin. Pero sana na-keep ang lomihan. If ever magka-chance, aalukin ko si Jensen na maghanap ng cook na nagluluto ng masarap na lomi rito sa area, baka sakaling makakuha ako ng commission.
"Jensen!"
Sabay pa kaming lumingon ni Jensen sa likod dahil doon sa galit na sumisigaw.
"Hala, shit!" Nanlalaki pa ang mga mata ni Jensen nang magkapalitan kami ng tingin. "I think that's CD. Wait."
Ibang klase din 'tong barkada ni Jensen. Kaya pala hindi na nag-reply kanina.
Tumayo si Jensen at tumungo na sa pintuan ng open area kung nasaan kami.
"Ang sabi ko, walang gagalaw ng file mo, right? Explain what's the meaning of—"
I could easily tell that he was as shocked as me after I met his eyes. Jensen was trying to block his way before he reached the table where I was sitting.
"CD! Sorry, dude. Alam ko, hindi kita na-inform. Unexpected kasi talaga lahat, promise! But she's doing good naman. Trust me, she's okay. Anyway, meet Ram. She's my new assistant. Ram, this is Connor Dardenne. Siya yung friend na sinasabi ko." He faced Coco to explain again. "Don't worry, dude, hindi ko siya girlfriend or side chick or whatever. She's married, and she knew Sir Venus. Siguro, puwede kayong mag-usap regarding sa organizer ko, para ma-clear agad ang schedule nating lahat. Okay? Okay! Sit down."
No shit.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top