Chapter 12: Basic


I honestly had no idea why Cali and Rex didn't mention anything about Coco for the past eight years, as if his name was taboo for us to talk about.

Last month, nagkita pa kami ng magkapatid. Nasamahan pa nga ako ni Cali sa graduation ceremony ko abroad, tapos hindi man lang nila nasabi na halos isang taon na palang pabalik-balik sa ospital ang namatay na girlfriend ni Coco tapos hinahanap pa pala ako.

Although, ang reason naman nila ay ayaw nilang mangialam at dapat ko 'yong irespeto gaya ng pagrespeto nila sa desisyon kong iwan ang pinsan nila, pero may something off talaga, especially may kung ano sa akin na kilala silang dalawa at sila pa ang mauunang magdaldal kung may balita ba sa pamilya nila—kahit nga madalas, wala namang mahalagang ibabalita—para lang makapagdaldal.

Another night with Coco, and his glares were keeping me quiet for almost an hour after our dinner. Masama ang tingin niya sa akin pero tingin ko, mas masama ang tingin niya sa wedding band na suot ko na simpleng singsing na lang yata para sa aming dalawa ngayon—kung totoo ngang wala na talaga itong halaga.

I wanted to keep this ring because I felt like it was my guide once I planned to go back home. Siguro kaya kong isuko ang laptop at phone ko sa holdaper, basta hindi itong singsing. Tapos ngayon, gusto nang bawiin ni Coco.

Ilang beses ko sa kanyang sinabi na babayaran ko, manahimik lang siya. At dahil alam din niyang wala akong pambayad, kailangan ko na talagang gumawa ng paraan para makapagbayad ako para sa singsing ko.

Nangutang ako kay Cali—malamang wala siyang maipampapautang na 350 thousand pesos sa akin kaya nanghiram na lang ako ng sampung libo dahil balak kong mag-apply sa mga kilala kong lugar na siguradong araw-araw may hiring.

Living with Coco right now feels so illegal. Kailangan kong magtago kapag kailangan kong mag-charge ng phone at laptop. Kung may kukunin ako sa ref, dapat hindi niya nakikita. Feeling ko nga, mapagagalitan ako ng doktor kapag nalaman n'on na nagtitiis ako ng ihi dahil lang makikita ni Coco na gagamit ako ng toilet—kahit pa sinabihan na niya akong wala siyang pakialam kung ano man ang gamitin ko sa condo niya basta hindi ang drafting table niya o mga gamit sa work.

Maaga na akong natulog kaya maaga rin ang gising ko. Yung sure akong hindi siya magigising din. Luckily, hindi siya bumangon nang buong madaling-araw at nakaalis agad ako ng condo unit niya bago pa ang six a.m.

Alam kong maraming opportunity na meron sa Manila, however, Mama blocked all those opportunities for me. At dahil kailangan kong mabayaran ang 350 thousand kay Coco para sa singsing ko, dapat akong magtrabaho agad. Tama nang nasusumbatan ako dahil sa mga bagay na tapos naman na. Ayoko nang magdagdag pa ng iba.

Wala pang araw, nagpa-service na ako papunta sa bus terminal na may rutang pa-Olivarez. Meron kaming tinatambayan dati ni Coco na malapit sa branch doon ng SB. I'm not really sure if nandoon pa rin iyon until now, pero hoping akong nandoon pa rin iyon.

I texted Cali para may silbi ang kadaldalan niya ngayon.

Me: Cali

Cali: What?

Me: Luh? Ang bilis ng reply. Ba't gising ka na?

Cali: Ask mo muna if natulog ako.

Me: LOL baby pa more

Cali: LOL at least ako may sariling bahay saka kasal sa asawa.

Me: Punyeta ka to death

Cali: HAHAHAHA ano nga?

Me: Punta akong Tagaytay

Cali: Ay, wow. Nangutang para mag-Tagaytay? Ay, wow talaga.

Me: GAGI MAG-A-APPLY AKO NG WORK!!!

Cali: O, bakit ka galit?

Me: Ang judgmental mo kasi!

Cali: Sabi ko lang, wow. Galawang guilty talaga ang Damaris Lauchengco, opo. Tsk tsk tsk.

Me: Ewan ko sa'yo judger
Anyway, baka hanapin ako ni Coco, sabihin mo naghanap ako ng work

Cali: Paano 'pag hindi ka hinanap? Iyak ka?

Me: puta ka talaga ever

Cali: HAHAHA 'ge, ingat na lang sa biyahe. 'Pag di ka hinanap nito, labas na 'ko diyan, ha?

Me: Oo na, nagsasabi lang ako sa 'yo kasi baka hanapin ako tas wala ka na namang sabihin

Cali: Wala naman kasing nagtatanong about sa existence mo LOL. Feeling special. Ako lang special dito, uy.
Bye na. Umiiyak na naman si Chewy. Text ka 'pag wala ka nang pera para makauwi.

Me: Sure. Thanks

Cali: Lakas mag-thanks, as if namang susunduin kita. Magtatanong lang ako para sabihin ko sa kanilang na-kidnap ka. Ewan ko na lang kung hindi mag-panic sina Ninang Mel hahahaha

Me: gagi siraulo ka.
Sige na bye na

Hindi ako nagpaalam kay Coco, pero hindi naman ibig sabihin na gusto ko siyang mag-aalala dahil bigla-bigla na lang akong nawawala sa unit niya nang walang pasabi kung saan pupunta.

Kung masama pa rin ang loob niya sa akin at sa pagkuha ko sa singsing kong para sa kasal naming dalawa, well, tapos naman na 'yon. Puwede naman siyang magalit, hindi ko siya pagbabawalan pero akin pa rin ang singsing ko.

Alas-siyete ng umaga, namumuo na ang traffic sa Pala-pala pa lang. Naka-air-con bus naman ako kaya hindi problema ang init.

Noong teenage days namin nina Coco, bihira kaming mag-private service, lalo si Cali, kapag dadayo ng probinsiya. Ayaw ni Cali na naghahanap ng private car service. Ang hilig-hilig niyang sumabit sa kung saan-saang sasakyan. Kahit hindi naman punuan sa loob, sasabit pa rin siya tapos sisigaw sa biyahe habang tumatawa.

Kami ni Coco, laging bus lang ang gustong sakyan. Ayaw ni Coco sa jeep o sa tricycle.

Ayaw niya sa jeep, hindi dahil maarte lang siya. Ayaw niya kasi noong second time na sumakay kami ng jeep, naholdap kami at umuwi siyang walang wallet at phone. Pinagalitan siya nina Tita Jae, Tito Rico, saka ni Lola Diyosa. One week siyang grounded because of that kaya auto-pass ang jeep after that incident. Pareho lang din naman kaming naholdap pero wala namang sinabi sina Papa sa akin maliban sa wala ba akong sugat or anything na dapat ipa-opera.

Ang issue naman niya sa tricycle, palagi siyang nauuntog dahil sa bubong. Hindi rin naman kasi siya maliit na tao kaya normal na sigurong mauntog sa kung saan-saang bubong. Ayaw yata niya ng paulit-ulit na lang.

Ako, wala akong issue sa pag-commute. Kahit kabayo lang ang sakyan ko, wala namang problema, e. Mangabayo ako mula Manila hanggang Tagaytay, I don't care. But I think, mas mahal pa rin talagang bumili ng kabayo kaysa sa puhunan para sa tricycle.

Madaling-araw ako umalis pero halos tanghali na ako nakababa sa Olivarez. Sumakay agad ako ng tricycle papunta sa dating rest house nina Lola Lita. Meron doong bulalohan at lomihan. Balak ko sanang pumasok bilang driver nila kasi sure akong hindi ko na kailangan ng credentials para sa trabaho. Nakapagmaneho na nga ako ng ten-wheeler na maghahatid ng graba para sa pagpapatayo ng extension ng rest house nila, ano lang ba ang ibang sasakyan na mas maliit pa? Saka galante silang mag-tip kaya babawi na lang ako roon. May libre pang bulalo saka haluhalo kahit nakatambay lang. Sulit na sulit.

However, the disappointment came.

"Ay, sorry, ma'am. Matagal na pong patay si Lola Lita. Wala na rin ho rito sina Boss Venus. Nasa New Zealand na nakatira."

Parang gusto kong magdabog pagkasabi n'on ng caretaker. Hindi ko siya kilala pero sigurado akong kilala siya nina Lola.

Wala na raw ang mga pakay ko rito sa area, paano kaya 'yon?

"Um, sino ang bagong owner nitong lugar? Puwede kong makausap?" sabi ko.

"Si Sir Jensen po ba? Sakto po, nandiyan. Pasok kayo."

Oh, thank God.

Pagtapak ko sa loob ng rest house, sobrang nanibago agad ako. Hindi na gaya ng naaalala ko ang lugar. Maybe eight years was long enough to change the whole plan for this place.

Isa itong rest house dati nina Lola Lita na dinarayo talaga ng mga tourist kasi overlooking ng Taal Volcano tapos ang sarap pa ng lomi. Lalaban sa mga cook namin ang cook nina Lola. Saka sobrang friendly nila. Isa sa favorite destinations namin nina Coco itong rest house noon kasi puwede kaming umeksena sa work ng mga tao rito bilang past time.

Sa left side, hindi hinarangan ang overlooking ng Taal, but the original huts were relocated, and they created an infinity pool on that side to appreciate the view of the whole scenery. Good choice, though.

Sa right side . . . ang kalat, as in. Parang hindi pa tapos? O under renovation pa rin? I think may iba pa silang plano for that side kasi garden lang 'yon dati.

May iba lang tanim gaya ng ampalaya saka patola na may sariling trellis para gapangan ng baging.

Iba na rin ang itsura ng rest house. Wala na rin ang ancestral house na ang ingay ng kahoy na sahig kada tinatapakan.

"Dito po tayo, ma'am," pagturo ng guard at dumayo pa kami sa parking lot ng lugar—na sa pagkakatanda ko, basketball court noon. "Ser, may naghahanap po sa inyo."

"Ha? Sino?"

Nagtama agad ang tingin namin ng lalaking nakatingin doon sa nakabukas na hood ng pulang Vios.

I think he was my age, or a bit older, I guess. He was wearing a black short-sleeved shirt tucked in his white slacks. Pupusta ako, sa pagkaka-fit pa lang ng katawan niya sa damit, laman 'to ng gym every week. His watch is expensive. Hmm, malakas na ang kutob kong hindi ito kaano-ano nina Lola Lita. Maybe he bought this place based on his aura. His hair was neatly cut, chill lang ang tingin, manipis ang labi at ang straight ng panga. If ever I'd get someone who could pose for something expensive for a magazine cover, he's good material. The confidence carried everything so well. Good for him.

"Hi! Good morning," bati niya.

"Good morning. I'm Ram. Dati akong worker dito, and magtatanong lang sana ako kung kaano-ano mo si Lola Merlita?"

"Merlita?" I could see the confusion on his face.

"Si Boss Venus, kilala mo?"

"Oh! I knew him! I bought this place kay Sir Venus. Why pala?"

"I'm lo—naghahanap kasi ako ng work. Dati akong nagda-drive para kina Lola."

"Oh really?" He scanned me deeply from head to toe as if he were checking if I was telling the truth. "Again, driver?"

"Yeah."

I could read his face, parang duda pa siya sa sinasabi ko.

"Um . . . hmm . . . sorry, miss, confused ako. Driver ka before . . . nina Sir Venus."

"Yeah."

"And now looking ka ng work . . . dito."

"Yeah."

Napahimas siya ng baba habang nag-iisip.

At talagang habang nag-iisip, sa katawan ko lang siya nakatingin? Ano ba'ng meron sa katawan ko?

Naka-black tank top ako pero may leather jacket naman ako. Basically, hindi bastusin ang itsura ko. Naka-denim jeans and boots pa nga ako, hindi naman ako mukhang pugante.

Gumilid ang tingin ko sa Vios na kanina pa niya tinatambayan. Itinuro ko 'yon.

"Kotse mo?" tanong ko pa.

"Ha?" Nilingon niya ang kotseng itinuro ko. "Well . . . family car 'yan, and—"

"Gumagana?"

"That's my problem right now. I called the auto shop, mamayang three p.m. daw dadating ang mechanic nila. But I'm still checking it, baka lang nainitan ang makina."

Sinilip ko naman ang kotse niyang nakabukas ang hood. I checked the engine and the transmission. Naalala ko na naman ang kotse ko abroad. I need to have a car kasi wala naman akong ibang service papasok sa uni. Hindi ko naipasok 'yon sa garage, sana hindi na-tow sa paid parking lot na ilang araw ko nang hindi nababalikan.

After checking the upper part, nag-request na ako sa kanya. Tapik-tapik ko ang gilid ng hood at hinarap siya. "Kailangan ko ng work. Sorry kung magiging pushy ako pero kailangan ko kasing magbayad ng utang. Aayusin ko 'tong kotse mo bago pa dumating ang mechanic na tinawagan mo, kapalit bibigyan mo 'ko ng work."

Saglit siyang natahimik habang nakatitig sa akin.

"Deal?" asiwang tanong ko.

"Um . . ." Itinuro niya ang kotse. "Aayusin mo ang car namin . . . and bibigyan kita ng work."

"Kapag naayos ko, bibigyan mo 'ko ng work. Kapag hindi, aalis ako, isipin mo na lang na hindi ako nag-e-exist."

"Manghihingi ka ng work because . . . may utang ka?"

"Yes," mabilis kong sagot. "Don't worry. Hindi ako nangutang sa loan shark." I raised my left hand. "My wedding band is not . . . fully paid. Binabawi na ng may-ari ang pera, at wala akong work ngayon. Kailangan ko 'tong mabayaran ASAP."

"Oh that's sad. Where's your husband?"

"He's . . . working. Medyo complicated ang setup namin ngayon pero ayoko talagang kunin itong singsing sa 'kin. I need work right now. Kina Boss Venus sana ako manghihingi ng trabaho, pero baka lang makatulong ka. So . . . deal na ba?"

"Hmm . . ." Himas-himas na naman niya ang baba at tiningnan na naman ako mula ulo hanggang paa. "All right. Let's put it this way." He placed his hands on his waist and explained, "I'll consider it. Kapag hindi mo naayos, pass. Kapag naayos mo, I'll check kung may ibang work pang okay for you. Commercial space naman ito once natapos na ng contractor namin ang buong lugar. Baka mabigyan kita ng ibang offer."

"What if hindi ako nakapag-high school? Elementary graduate lang ako. Hahanapan mo pa ba ako ng records? Kailangan bang college graduate?"

"Oh . . . kahit Grade 7?"

"Financial problems. Grade 6, sarado na rin ang school ngayon. Masipag akong mag-work. Nagtrabaho ako sa farm. Mekaniko rin ako. Madali lang 'tong kotse mo."

"Aw, okay, I see. Sige, I'll consider. Check ko na lang kung kaya mo 'yan. If not, wait natin ang mechanic."

"Okay! Simulan ko na," chill na sabi ko at nagpatunog pa ng daliri.

Basic.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top