Chapter 9

9

Napakamot ako ng ulo ko habang tinitingnan si Jaysonsa habang kumakain. Pagkatapos naming maglunch kanina ni Emerson, my fiance, at nung makabalik na ako sa clinic, andun na siya. Patiently waiting for me. At dahil nga may usapan kami, kahit na walang siyang appointment, wala akong nagawa kundi ang harapin siya. At ang tinamaan  ng magaling, inabot na kami ng alas sais ng gabi hindi pa rin tapos ang pagtatanong niya. Hanggang sa niyaya na nga niya akong magdinner kasi daw may itatanong pa siya. At para daw isang bagsakan na lang ang tanong niya at hindi na siya pabalik balik sa akin.

Pumayag naman ako siyempre kasi para nga naman hindi na siya maya maya pabalik balik sa akin. Kahit na nga ba sabihing nagbabayad naman siya.

Pero mag iisang oras na kaming  kumakain dahil sa dami ng inorder niya at sa bagal niyang kumain, ay wala pa siyang ni isang tinanong sa akin. Ang mga tinanong niya ay mostly mga personal questions such as saan ako nagcollege, saan ako nagmed, and personal things such as saan ako nakatira.

And now, as I look at him, while he is slowly nibbling on his steak, his intentions becomes quiet clear to me. Lalo na nung ngumiti siya sa akin na parang nagpapacute. No! Not parang! Nagpapacute talaga. Napailing ako at hinintay ko siyang lumunok.

“Tell me, Jayson, nilalandi mo ba ako?” Napatigil ang pagtusok ng tinidor na hawak niya sa steak na kakahiwa lang niya.

“Ha? Hindi ah!”  Dirediretsong sabi niya. Ay, ang walanghiya! Nilalandi nga niya ako. Kasi kung hindi, dapat hindi ganun kabilis ang pagtanggi niya. Kung hindi totoo ang sinabi ko dapat normal lang ang ginawa niya. Hindi yung nagrereact siya agad na parang defensive.

“Neknek mo!” Sabi ko sa kanya!

“Paano mo naman nasabing nilalandi kita?” Tumingin na siya sa akin ng diretso pero huling huli na siya. His initial actions betrayed him at gusto kong sabunutan ang malanding lalaki na ito. Bibiktimahin pa niya ako. Akala niya sa akin? Highschooler?

“I wouldn’t be a Psychologist for nothing.”

“kung alam mo na pala bakit mo pa tinatanong?” Bakit nga ba?

“Siempre dahil gusto kong maconfirm.”

“Then you are not a good Psychologist because you still need confirmation.” Mayabang na sabi niya. Nasalang naman ang ego ko. Loko loko to ah! Akala ko ba nabawasan ang yabang ng mga lalaki kapag may ED? Bakit yung kay Jayson ay hindi?

“Gago!” Hindi ko napigilang sabihin.

“You should not say that to your patient.” Sabi niya na may ngiti na sa mga labi. Ni hindi man lang nag effort na itago ang pagkaamuse niya sa akin.

“Bakit?  Isang doctor ba ang turing mo sa akin nung dinala mo ako dito? Dinala mo ako dito para pormahan, para landiin.” Tapos ngayon kung maka-Patient siya para namang Kataas taasan, kagalang galangan, kapita pitagang anak ng bayan. Pwe! Kung hindi ko pa alam.  

“Kung magsalita ka parang sa motel kita dinala ah.” He sound offended but I know that he is not offended.

“Eh di salamat at hindi mo ako sa motel dinala. Aalis na ako. Salamat sa dinner. No! Charge it to me. Wag ka ng magbayad sa mga susunod na session mo sa akin.” At sisiguraduhin kong hindi na tayo aabot ng dinner.

“Alam kong mayaman ka na ngayon at may mayaman ka na ding fiance but you don’t have to insult me by paying our order.” Nabagabag naman ang pagkadoctor ko dahil sa pinakita niyang expression at sa klase ng pananalita niya. As a doctor, we should make our patient feel good not feel bad.

Pero paano naman niya nalaman ang tungkol kay Emerson?

Umupo ulit ako and I have decided to clear things with him once and for all.

“So, alam mo naman na pala na may fiance na ako. Na ikakasal na ako. Kaya hindi ko alam ang rason mo kung bakit nilalandi mo pa ako.” Tiningnan ko siya at tiningnan din niya ako.

“Hindi pa naman kayo kasal.” Kumunot ang mga kilay ko and I saw his eyes smile. So, may plano talaga siya?

“So ano ang ibig mong sabihin? Paghihiwalayin mo kami tsaka ka papasok sa eksena?”

“No! hihiwalayan mo siya and you will come running to me.” Aba! Ang kapal ha!

“Lakas ng apog mo ah! I am telling you Jayson. Wag mo na ituloy kung ano pa man ang balak mo. Kumbaga sa manliligaw basted ka na.” Tumaas lang ang kilay niya. Ni hindi apektado sa sinabi ko.

“At kahit kailan hindi ko ipagpapalit ang fiance ko sayo.  Because he’s everything that you are not.” May pagmamalaki kong sinabi.

“Uh huh?” May pagdududa pang sinabi niya na para bang gawa gawa ko lang ang mga sinabi ko at wala naman akong ebidensiya. Eh kung isupalpal ko kaya sa harap niya si Emerson? Ewan ko lang kung hindi siya manliit.

“Yes. Uh-huh! For once, sa physical appearance pa lang talong talo ka na.  Straight ang buhok niya at hindi kulot. Hindi messy. He ‘s neat at hindi mukhang hindi nakakita ng shaver ng ilang dekada.” Hinaplos nito ang stubbles na one day old na ata.

“Physically, di hamak na mas pogi siya sayo, financially more stable and emotionally … stable too.” Nangunot ang noo niya.

“Sinasabi mo bang baliw ako?”

“Hindi ko yun sinasabi. Ikaw dyan ang nagcoconclude. See your immaturity? Not to mention na hindi siya flirt na katulad mo, seryoso siya sa relasyon namin at responsible siyang tao. Wala na akong mahihiling pa sa kanya kasi kusa siyang maalalahanin…” Humikab siya pero binaliwala ko ang pang asar na hikab niya. Nagtuloy tuloy lang ako.

“Mabait at  maalalahanin.”

“Yeah, twice na yung maalalahanin thing. I already heard it.” Bigla akong nawala sa litanya ko tungkol kay Emerson. Na cut ang flow of ideas ko dahil sa pagsingit niya. Pero siempre hindi ako titigil para tumigil na siya sa plano niya.

“In short, wala akong rason para pagtaksilan siya para sayo. Masyado ko namang ininsulto ang fiance ko kung ikaw lang ang ipapalit ko sa kanya at masyado naman akong tanga kung ipagpapalit ko siya sa isang tulad mo. Lang. No offense meant.” Taas kilay kong sinabi.

“May no offense meant ka pang nalalaman eh kanina mo pa niruruyakan ang pagkatao ko. Ang sakit mo magsalita!” Wala akong pakialam. Basta tigilan mo lang ako. Okay na din sa kain kahit di ka na bumalik bilang pasyente ko.

“Sinasabi ko lang ang totoo.”

“Okay. You are entitled to your own opinion. But other girls will say otherwise. “ Nanlaki ang bibig ko sa sinabi niya. After everything that I’ve said, hindi pa rin siya natinag?  

“But, I am telling you Roselyn, hangga’t hindi pa kayo kasal may pag asa pa ako. Even if he’s everything that I’m not.” Buo pa din ang self confidence niya nung sinabi niya yun. I wonder kung saan niya hinuhugot ang self confidence na yun.

At dahil sa inis ko, inismiran ko siya at tumayo na ako sa table at umalis na. Hindi niya ako pinigilan. Nakatatlong hakbang na ako nanatili pa din siyang nakaupo.

At ako ang hindi nakapagpigil. Lumapit ulit ako sa kanya at hinarap siya.

“Bakit hindi mo muna ibigay ang lahat ng pag asa na nararamdaman mo sa lupaypay mong sundalo?” Tumaas lang ang kilay niya. Tumalikod na ako ulit. Pero di pa ako nakakadalawang hakbang nagsalita siya.

“Tabingi ang skirt mo! And my soldier is stirring because of it.” Napanganga ako. Buti na lang nakatalikod na ako sa kanya.

Padabog kong inayos ito at nagmamadaling lumabas ng resto.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top