Chapter 40

40

“Wala akong pampalit ng damit.” Reklamo ko sa kanya nung magising ulit ako for the 3rd time. Yes, for the 3rd time dahil simula nung hinalikan niya ako, hindi na ako nakalabas sa cottage niya. Binigyan lang niya ako ng robe pagkatapos kong maligo kagabi. Hindi na din kami lumabas, nagpadeliver siya sa cottage.

Okay na ba kami? I think so. Para na nga kaming naghahoneymoon sa mga ginagawa namin. It’s as if we’ve been separated for a decade and we can’t get our hands off each other. Para kaming fireworks na sinindihan kahapon when our lips touched. Sparks fly and things got out of hand. Hindi na kami nakapag usap. I think there is no need for words. Or maybe what we are feeling are beyond words.

“Kukunin ko mamaya.” He said while nuzzling my neck.

“Kagabi mo pa yan sinasabi. Inumaga na, wala pa din akong maisuot.” AT hanggang ngayon nakabalot pa din ako ng kumot.

“But I like it that way.” He said huskily.

“Hindi ka ba napapagod, nagugutom…”Sabi ko pa. We just can’t lie in this bed forever. Nagugutom na ako.

“Hindi. You are enough. Pero sige na nga. Kukunin ko ang mga gamit mo sa cottage para hindi ka na magreklamo.” At lumabas nga siya ng cottage para kunin ang mga gamit ko. Pero bago siya lumabas, nag flying kiss muna siya. Natawa na lang ako. Pagkabalik niya, nag ayos lang ako ng sarili ko tapos lumabas na kami para kumain dahil sa totoo lang, gutom na gutom na ako. At siguro ganun din siya dahil sa dami ng inorder niyang pagkain. And everything went well. Nagkabati na kami, naging sweet na ulit kami. Sinusubuan pa niya ako and everything is going well until his cellphone ring.

Nung una hindi ko pinansin at siya hindi din niya pinansin. But the caller is persistent kaya napatingin ako sa cellphone niya na nagriring pa din. At nakita ko ang caller ID. Marianne.

Automatic na tumaas ang kilay ko at tumingin kay Jayson. Hindi ako nagsalita. Hinintay ko ang susunod niyang gawin. Tumingin muna siya sa akin at tumingin sa cellphone niya.

“Must be important.” Sabi niya tapos kinuha na ang cellphone niya sa table tapos sinagot ito. Hindi ako nagsalita.

“Marianne.” Sabi niya.

“Wala ako dyan. I’m out of town.”Sabi niya. Habang nag uusap sila, I am weighing my emotions at hindi ko maiwasang hindi mainis. I know it is irrational for me to feel this way pero hindi ko maiwasan.

“No. I’m with Roselyn.” Sabi pa niya bago binaba ang phone. Naiinis talaga ako pag naririnig ko ang pangalan pa lang ni Marianne.

“Nagpapasama sa OB.” Sabi niya nung binaba na niya ang phone.

“Bakit sa’yo nagpapasama? Ikaw ba ang Tatay?” I said bitterly which earned a smile from him.

“Chill. Wag kang mag alala, ikaw lang ang gusto kong anakan.” And he winked at me. Pero kahit yun, hindi nakaalis sa inis na nararamdaman ko. Nakasimangot ako hanggang sa matapos kaming kumain. Kahit nung nag yaya siyang magswimming hindi ako nagpaunlak. Kaya hindi na din siya nag swimming at dumiretso na lang kami sa cottage niya.

At habang naglalakad kami, tingin siya ng tingin sa akin. Hinaharot pa niya ako pero wala siyang reaction na nakukuha. Hindi ko maatim na na makipagharutan sa kanya dahil sa inis na nararamdaman ko. Alam kong mali na sa kanya ko ibunton ang inis na nararamdaman ko kay Marianne lalo na at kakabati lang namin. At mali din na hinahayaan kong sirain ni Marianne ang araw namin pero hindi ko mapigilan ang inis.

At siguro napansin na din ni Jayson na badmood na ako kaya hindi na niya ako kinulit. Hinayaan na lang niya ako hanggang sa makarating kam sa cottage niya.

“Maupo ka.” Biglang sabi niya pagkapasok na pagkapasok ko sa cottage na para bang nag uutos lang siya sa isang bata. At dahil nga naiinis ako, padabog akong naupo sa upuan habang nakasimangot.

Nakasandal siya sa pinto ng cottage at pinagmamasdan ako while his arms are crossed in front of him.

“Anong kinagagalit mo? Anong pinagmamaktol mo? Ano na naman ang kasalanan ko? ” Biglang tanong niya sa tonong naiinis.

“Wala!” Paismid pa na sabi ko. Ohhh.. how I hate myself for feeling this way. Hindi ko maintindihan kung bakit nagagalit ako saq walang kwentang bagay.

“Wala naman pala eh bakit nakabusangot ang mukha mo pagkatapos kong kausapin si Marianne sa phone?”

“Bakit kasi kailangan mo siyang kausapin sa phone?” I blurted out.

“Siempre tumatawag.” He said in exasperation.  

“So lahat ng tawag niya sasagutin mo?” And the rational side of me is already shouting for me to stop it. Pero…pero…nagngingitngit talaga ako at may pakiramdam ako na kapag di ko maipalabas ang sama ng loob ko, hindi ako matatahimik.

“Siyempre. Kabastusan naman na hindi ko sagutin ang mga tumatawag.”

“Pero naiinis ako kapag tumatawag siya sa’yo. Naiinis ako pag nagkakausap kayo!” I blurted out.

“Bakit?”

“Anong bakit?”

“Bakit ka naiinis at nagagalit kapag nag kakausap kami?” He further proved. Napatingin ako sa kanya at hidni ko na nakita ang naiinis niya na expression kanina. His expression right now is hopeful.

Napalunok ako.

I know very well that communication is the key to a harmonious relationship. Bilang psychologist, ilang beses ko ding pinayo ang ganyan sa mga pasyente ko, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko maapply sa sarili ko at sa relasyon namin ni Jayson.

Nung kay Emer, it was easy. It was easy so say I love you and I don’t have to say that I am jealous because I was never jealous with any girl. Hindi dahil sa sobrang bait ni Emer. May mga panahon na may nadidikit din sa kanyang babae at may naglalandi din nama sa kanya dahil desirable naman talaga si Emer and well…ideal. Pero kahit kalian hindi ako nagselos. Hindi ako naging insecure. I am always sure na hindi niya ako ipagpapalit at kung ipagpapalit man niya ako, ano naman ngayon? I can always live without him.

Pero ngayon, hindi ko masasabi ang mga bagay na yun. I feel that I wioll be devastated kapag nawala si Jayson sa akin.  And I feel so territorial with him that I’m afraid that I will be choking him in the end.

Yet, despite everything that I am feeling, I can’t bering myself to say how much I love him. How jealous I ma of other girls. And it sucks. I never thought that saying I love you will be this hard.

“Rose…”Putol niya sa pagmumuni muni ko. KInakabahan ako. Something is telling me that I should say it or else I will mess everything up.

Kinagat ko ang labi ko. Pati ang mga kamay ko nagpapawis. Parang kanina lang ako ang naiinis. Ngayon, ako itong parang nasa interrogation room.

“Bakit hindi mo masabi?” Frustrated na sabi niya.

“Mahirap ba talagang aminin na nagseselos ka kay Marianne? Na mahal mo ako? Give me an ego boost. C’mon.” He said encouraging me. Pero wala pa ding lumabas na kahit anong salita sa mga bibig ko.

What is wrong with me?

Narinig ko siyang bumuntong hininga at naupo sa pinakamalapit na sofa with a slumped shoulder. Hindi siya nakaharap sa akin. Nakaharap siya sa bintana na nakatanaw sa dagat.

“Kung hindi mo kayang sabihin sa akin na tayong dalawa lang at magkaharap pa tayo, paano mo masasabi sa ibang tao? Paano mo maipapaalam sa iba ang pagmamahal mo kung mismo sa akin hindi mo maamin? Ako,  kahit kailan hindi ko kinahiyang ikaw ang minahal ko. Ma PDA akong tao. Kaya pinapakita ko na mahal ko ang isang babae. At wala akong pakialam sa sasabihin ng iba makita man nila akong ganun ka vocal at ka expressive sa babaeng mahal ko.  Bahala silang mainggit at maeskandalo. And come to think of it, simula nung naging tayo, I never heard you say those words. Paano nga ba naging tayo?” Mahina ang boses niya. At hindi ko alam kung sarili ba niya ang tinatanong niya o ako. But nevertheless, I answered him.

“You kissed me.” Sabi ko pa. Gusto kong sampalin ang sarili ko.

Napalingon siya sa akin. Nawala na ang lungkot na kanina naririnig ko sa boses niya.

“Ganun? Naging tayo dahil hinalikan kita. You’re right.” Tapos tumayo siya at lumapit sa akin.

Nung una hindi ko alam kung ano ang gagawin niya. Napatingala pa ako sa kanya nung malapit na siya. Tapos hinawakan niya ang dalawang balikat ko at itnayo niya ako. And before I could even voive my protest, he is already kissing me.

A deep and searing kiss. At wala na akong nagawa kundi ang pumikit at damhin ang halik niya. And then I am already kissing him back. Nakasampay na din ang mga braso ko sa balikat niya. Nakalimutan ko na naiinis ako sa kanya. And I can’t help but moan when his tounge proved deeper. I lost all sense of time and space. I am so lost na halos hindi ko napansin na tumigil nap ala siya sa paghalik sa akin.

“There.” He said, breathing heavily. Napakurap ako. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya.

I looked up at him. Umiwas siya ng tingin sa akin.  Tapos inalalayan niya akong maupo which I am thankful kasi sa tingin ko nanginginig pa ang mga tuhod ko.

“Ayan binawi ko na ang halik ko. Hindi na tayo. Kung gusto mong maging tayo, sabihin mong mahal mo ako. Hindi yung dinadaan mo ako sa dahas.” Ano daw? I blinked again. Still, disoriented.

Nakatingin lang ako sa kanya.

  

“Dahas? Dahas?” Hindi makapaniwalang sabi ko.

 “Kelan ko ginawa yun?” Wala sa sariling tanong ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top