Chapter 4
4
“I-ikaw yun?” I swear namutla talaga siya nung sinabi niya yun.
Napangiti ako pagkakita ng reaksiyon niya. At hinihintay ko na lang na tumakbo siya palabas ng clinic ko. Pero hindi yun nangyari. He just looked at me at nawala na ang pamumutla niya.
“You’ve changed.” Sabi pa nito na lalong nagpangiti sa akin.
“Of course. Lahat naman ng tao nagbabago. Ikaw nga rin nagbago na.” Hindi pa din niya inaalis ang tingin niya sa akin.
“So, what brought you here Mr. Jayson Aldueger?” Napakurap siya pagkasabi ko nun. At biglang naging balisa ang tingin niya. He became uneasy katulad ng mga iba kong pasyente.
Feeling ko lang gusto na niyang lumabas ng clinic ko pero siguro dahil sa hiya, hindi niya magawa. At isa pa hindi na siya pwedeng mag act katulad ng dati na todo takbo kapag nakikita ako.
Nakita ko pa siyang bumuntong hininga ng ilang beses at hinayaan ko na lang siya.
“You see, Doc, alam kong nakakahiya lalo na at kilala mo pala ako, but I was assured by my friend that you are the best doctor for this kind of case.” I listened intently at him like what a doctor should do.
“Doc…I can’t…ahmmm… damn, nakakahiya.. You see.. It’s hard for me to have an …” Naghintay akong tapusin niya ang sasabihin niya but I already have an inkling on what he is going to say.
“Doc…I can’t perform you know…in bed. It’s hard for me to have an erection.” Tumango tango ako pagkatapos niyang masabi ang gusto niyang sabihin. At kahit na inanticipate ko pa, nagulat pa din ako. Imagine, ang ating playboy, ngayon isa ng invalid sa bed? What happened Jayson?
“I see, you have an erectile dysfunction? You see Jayson, as a doctor, hindi ko naman na yan binibigyan ng malisya ang mga ganyang bagay. It’s perfectly normal for a guy like you…” nanlaki ang mga mata niya.
“Normal lang ang ganitong kondisyon?” Gusto kong matawa sa itsura niya. Parang nakakita siya ng kadamay sa sinabi ko.
“No. But its perfectly normal to be shy at first.” Hindi kasi ako pinapatapos. “Don’t worry, I’ve handled plenty of patients with a condition like yours kaya wag ka ng mahiya sa akin.”
“For a start, I need to know some things for me to diagnose the cause of your condition. The questions are quite sensitive but you need to understand that it is needed for me to correctly assess the findings. ” Nakatingin lang siya sa akin. At tumango.
“When was the last time you’ve had an intercourse?” Namula siya bigla sa tanong ko.
“Last month Doc, and since then, nahihirapan na akong you know…”
“Okay. And when was the last time you’ve had a hard on?”
“This morning and last night when I was at the bar making out with someone. But when I brought her to my condo, and we are about to do it, it suddenly become limp. Ganyan palagi ang nangyayari Doc. Nakakahiya sa kanila. At first I thought kaya nangyayari yun ay dahil may ginawa ang girl na ayaw ko pero kalaunan halos yan ang nangyayari sa lahat.” So hanggang ngayon playboy pa din ang sira ulo. He is talking in plural, ibig sabihin, iba iba. Tsk tsk. Some things never changed.
“Baka nasobrahan ka.” Biro ko sa kanya.
“Pwede ba yun?” And obviously he took it seriously.
“Just kidding. Anyway, sabi mo nga you were still able to have a hard on when making out and during the morning.” Tinanong ko pa siya ng kung ano ano. Like kung naoperahan ba siya. History ng cancer, bisyo. Etc.. And all his answers are negative.
“Jayson, for now, bibigyan kita ng request for the tests that you have to undergo for us to make sure that there’s nothing wrong with you physically. For now, strip.” Tumayo ako sa upuan ko. Napanganga siya.
“What!?’ Namutla na naman siya at pinigilan kong mapangiti. At para matago ang pagngiti ko, kumuha na lang ako ng gloves. Ahhhh, the perks of being a Urologist.
“I said strip, I need to look at it.” Tiningnan ko ang crotch niya at automatic na tinakpan niya ito. Napatawa ako ng mahina.
“You need to what?” Parang hihimatayin na siya sa sinabi ko.
“I need to look at it. Don’t worry Jayson. I’ve already seen plenty of it. Of all shapes, sizes and colors. Wala na sa akin kahit makita ko pa yang sayo. After you’ve stripped mahiga ka sa patients bed. ” AT tinuro ko ang kama na nasa adjoining room ng clinic ko.
“Fee paki assist si Mr. Aldueger sa examination room.” Agad naman na dumating ang ang secretary ko.
“Maghuhubad din ako sa harapan niya?” Halos hindi makapaniwala na sabi niya. Napangiti ang secretary ko.
“No. She’ll guide you to the examination room.” At ito na nga ang ginawa ng secretary ko. After a while lumabas na ang secretary ko at sinabing okay na.
Napapangiti at napapailing na lang ako habang papunta sa examination room. God! He is acting like a prude virgin! Siguro nga nakarma na ang lalaking ito. Sa dami ba naman ng babaeng pinaiyak. Hmm…A though cross my mind nung makita ko siyang nakarobe at nakatayo sa gilid ng examination bed.
“Higa!” I said with autority. Lalong lumaki ang mga mata niya at pinigilan ko ang mapatawa. Kahit kailan ang amusing talaga nito.
“D-Doc…” Oh My God! Bigyan niyo pa po ako ng matinding pagpipigil na hindi matawa ng malakas.
“Gusto mo bang gumaling?” Seryosong sabi ko and I tell you sobrang hirap nitong ginagawa ko.
“O-Oo naman Doc. Pero Doc—Roselyn…kailangan pa bang gawin to?” Nauutal na sabi niya. Nangangatal pa ata ang labi niya.
“Aba! Papaano ako makakapagbigay ng tamang assessment kung hindi mo yan papaeksamin?” Sabi ko pa din ng buong seryoso. Be professional Roselyn. Nakita ko siyang tiningnan ako ng pailalim bago atubiling humiga sa kama.
“God…ohh God!” Usal niya habang nakahiga. Kinakagat ko na ang labi ko para pigilan ang tawa ko. Talaga naman oh. Sa oras ng kagipitan talagang kung kailangang kumapit sa patalim kakapit.
Napapikit siya nung dahan dahan kong binuksan ang robe niya. Sinadya ko talagang idahan dahan para mas may effect.
At pinilit kong hindi mapanganga when I saw it. Gosh Roselyn, you’ve seen all shapes and sizes. What’s the difference now?
Nothing. Pilit kong sinasabi sa sarili ko at pilit na ibalik sa huwesyo ang sarili ko. Iba pa din pala pag kakilala mo at crush mo dati ang chenecheck up mo.
“Is it done?” Tanong niya. Natauhan ako.
“Not yet.” Sabi ko.
“Ma-matagal pa ba?” Tense na tense na sabi niya.
“Nagmamadali ka?”
“Oo. Ikaw hindi?’ He said in a sarcastic manner.
“Okay!” At buong lakas kong pinitik ang testis niya.
“Aaaahhhhhhhhhhh!” Buong lakas na sigaw niya.
“Shit! Damn! Damn!” Napaupo siya bigla at napatayo tapos tumalon talon. Lumayo naman ako ng kunti habang inaalis ang gloves ko.
“Fuck! Why did you do it!” Nanlilisik ang mga mata niya sa akin habang hawak hawak ang precious niya.
“Sensitive naman pala eh. Kahit wala pang tests I can say that your problem is mostly psychological. We will still wait for the tests to confirm but I already advise you to look for a psychiatrists.” Yumuko ako para itago ang tawa ko. Ahhhh! I wanted to capture that moment at ireplay yun. For sure, I will have a time of my life just replaying that video.
“Ba-Bakit ka nakangisi?” Mukhang nakarecovr na siya kasi napapansin na niya ang reaction ko.
“Huh? Hindi ah! Guni guni mo lang yun.” At isinara ko na ang pinto ng examination room at nagtatakbo papuntang CR at doon bumunghalit ng tawa.
Hindi na ako magtataka kung hindi na siya bumalik.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top