Chapter 23

23.

“Ayoko!” Todo iling ako dahil sa sinabi niya.

“Bakit ayaw mo? Dapat nga matuwa ka kasi ipapakilala kita sa Mommy ko.” Napangiwi ako sa sinabi niya. 

“Eh kasi…”

“Eh kasi?” Naghintay siya ng sagot ko. Paano ko ba sasabihin ang gusto kong sabihin na hindi siya ma-ooffend?

“Kabago bago pa lang natin tapos ipapakilala mo na ako agad. Ni hindi pa nga tayo sure kung magkakatuluyan nga tayo. We don’t have to involve our families. Saka na pag sure na tayo.” Ang hirap kasi kapag naghiwalay ang couple tapos close sila sa pamilya ng isa’t isa. Parang ang mangyayari hindi lang ang gf or ang bf ang hiniwalayan niya kundi ang buong pamilya nito. Kaya as much as possible, ayaw kong makipagkilala muna sa pamilya ng mga naging boyfriends ko lalo na kung bago pa lang kami. At sa case namin ni Jayson, ganun din ang pananaw ko. Two weeks pa lang kami. It’s too early.

Naging kami nung gabing hinatid niya ako. Hindi naman na ako nagdeny pa kasi sobrang obvious naman na ako. Ewan ko nga ba kung bakit hindi ko napigilan ang emosyon ko kahit na ayaw ko talagang maging kami. At hindi na rin niya ako pinahirapan.

 

“Hindi ka naman bibitayin kung aminin mong may gusto ka sa akin. Masaya nga yun kasi nagkakagustuhan tayo. Bakit mo titikisin ang sarili mo? Ano ba ang masama kung maging bf mo ako?” Sabi pa niya.

 

“Kasi playboy ka!” Asik ko sa kanya.

 

“Ayaw mo nun, mararanasan mong magkaboyfriend ng playboy? It is a privilege. Mga VVIP lang ang nakakaranas nun. ”At talagang proud siya sa pagiging playboy niya. Ang sarap batukan.

 

 

“Anong VVIP?” Daming alam ng lalaking ito.

 

 

“Very very Important Person. And you’re a VVIP for me.”

 

 

“May VVIP ka pang nalalaman dyan. Hahantong lang din sa isang bagay ang  lahat. Sasaktan mo lang ako.” Yun naman talaga ang dahilan kung bakit iwas ako ng iwas sa kanya. Dahil alam ko kung saan ako pupulutin pag nagustuhan ko siya. Pero wala, kahit anong iwas ang gawin ko, di pa din ako nakawala. And now I’m doomed.

 

“Malamang masasaktan ka. Nagmamahal ka eh. Katulad kanina, di ba nasaktan ka. Hindi ka pa umaamin niyan.  It’s inevitable.  And I can’t guarantee that I won’t hurt you because I can’t control the situation all the time. Hindi din ako mangangako sayo ng walang katapusang kaligayahan, only a fool would do that. We have to face the reality that I might hurt you and you might hurt me but we can make each other happy. So why don’t we take the risk of being hurt in order for us to be happy?” And he has a point. At wala na akong maisagot. Who would have thought na masasabi niya ang bagay na yun? Paano nga ba ako liligaya kung hindi ko itatry. Kung palagi na lang akong matatakot.  

 

 

“Ano deal? Pumayag ka na at nang makakain na tayo. Nagugutom na ako.” He said impatiently na para bang nakikipagtawaran lang kami ng bedsheet sa divisoria. AT bakit ba bedsheet agad ang naisip ko?

 

 

“Okay.” Yun ang isinagot ko kasi nagugutom na din ako. Okay. Palusot ko lang yun. What else could I do? And maybe, he is worth the riskso I wanted to give it a try.

 

 

“Good. Sige na pakiss na ulit.” And he kissed me. Just like that. Naging kami. After that we ate dinner. Nagluto siya ng corned beef kasi nga gutom  na kaming dalawa.No mushy words, no candlelit dinner, no make out pero nakakapagtaka na parang gumaan ang pakiramdam ko. At pakiramdam ko ang saya ko. Mas masaya pa nung mga panahong hinahabol habol ko siya sa school namin.

“Kung ganun will you marry me?” Bumalik ako sa kasalukuyan dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya?

“Ano ka? Hindi naman ako buntis para magpakasal agad agad.

“So kailangan pa muna kitang buntisin para pumayag kang magpakasal at para pumayag ka na makilala ka ni Mommy. Tara na bubuntisin na kita!” Akmang hihilahin nya ako pero di ako tuminag sa kinauupuan ko. Tumingin lang ako sa kanya ng nakataas ang kilay.

“Sigurado ka?” Nakataas pa din ang kilay ko.

“Na papakasalan kita? Oo naman.” Walang kagatol gatol niyang sagot. Pero hindi yun ang ibig kong sabihin.

“Hindi. Na bubuntisin mo ako?” Nakita ko siyang namula. Napangiti ako. Paminsan minsan lang ang pagkakataon na makita ko siyang namumula and this is one of those rare times. Ngayon ko lang yan nadiscover nung naging kami na. 

“Oo naman.Kung papayag ka ba bakit hindi?” Aba talaga naman. May lahing Andres Bonifacio ata siya. Atapang a tao.Aputol a kamay, hindi atakbo.Aputol a paa, hindi atakbo.Lupaypay a ulo, hindi atakbo.

 

Pinigilan kong tumawa.

“Hindi naman. Iniisip ko lang kung kaya mo.” Considering that…pero hindi ko na sinabi yun dahil alam kong nakuha naman na niya ang ibig kong sabihin. Pero mukhang nagkamali ata ako.  

“Minamaliit mo ako?”Sabi niya na mukhang nainsulto sa sinabi ko. Hindi nga ata niya naintindihan ang ibig kong sabihin.  

“Hindi ah! Malaki nga eh.” Naibulalas ko na nagpainit naman sa buong mukha ko.

“Ano?” Thank God at hindi niya narinig ng maayos.  

“Hindi kita minamaliit. Ang ibig kong sabihin, you know, clinically speaking…you are still…”At tumngin ako sa crotch niya. Namula ulit siya.

“Eh di subukan natin.” Talaga namang hindi siya tumatalikod sa hamon ano?

“Tumigil ka nga dyan!” Nasabi ko na lang dahil sa sobrang awkward na ng usapan namin. Hindi na ako dapat naaasiwa sa ganung usapan dahil sa propesyon ko. Pero iba pala pa gang kausap mo ay boyfriend mo. Nagkakaroon na ng malisya ang dating normal lang na usapan para sayo.

“Eh di tara na. She’s waiting for you. And besides Rose, it’s her birthday. Birthday gift mo na lang sa kanya.” Sabi niya na punong puno ng pakiusap ang boses. At makakatanggi pa ba ako kung ganyan na ang usapan? Kahit pa sabihin nating hindi ko pa naman navivisualize ang sarili ko bilang manugang ng Mommy ni Jayson.   

And so, I end up having dinner with Jayson and her Mom. Magiliw ang ina niya sa akin at nakakapalagayang loob ko naman siya. Not bad for a mother in law. Maganda ang mother niya pero wala akong nakitang similarity sa kanila ni Jayson except for the shape of the face. Napaisip tuloy ako kung ano ang itsura ng ama niya.

And when we are about to eat our dessert, may kumatok sa pinto na binuksan naman ng mother niya. Hindi agad namin nakita kung sino ang dumating but I already heard murmurings from the living room. At siguro narinig din yun ni Jayson dahil bigla na lang siyang tumayo .

“Saan ka pupunta?” Nagtaka ako sa ginawa niya lalo na sa klase ng pagtayo niya. Parang may kasamang dabog. Pero hindi niya ako pinansin. Instead, he headed straight to the living room at sumunod naman ako.

There we saw his Mom talking to guy who looks exactly like Jayson.

“What is that guy doing here?” Napatingin ako kay Jayson dahil sa galit sa boses niya. Nakkunot pa ang noo niya.

“He is your father Jayson. Don’t talk to him like that.” Sabi ng kanyang Mom pero hindi man lang natinag ito. Seriously, hindi ko naisip na ganun ang galit niya sa ama niya. Basi sa expression niya, pakiramdam ko, anytime papalayasin niya ito.

“Huh! Since when? At bakit mo pa siya pinapapasok sa bahay na to?”Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi naman na bago sa akin ang broken family but I never experienced it firsthand. And I didn’t expect that Jayson could talk to her mother like that. Na para bang napakalaking kasalanan na pinapasok ng Mommy niya ang Daddy niya.

“Ma, Don’t tell me…”Tumingin siya sa Mommy niya.

“Oh my God Ma! Don’t tell me, nakipagbalikan ka sa kanya?” By the look of his mother alam kong tama ang sinabi ni Jayson. And I heart him grunt.

“Pagkatapos ka niyang buntisin at iwanan, makikipagbalikan ka pa sa kanya? Hindi ka pa ba natuto? Anong gusto mo? Buntisin ka ulit niya at iwanan?” And she slapped him. I gasped. He is trully upset pero masyado naman atang below the belt ang sinabi niya sa kanyang ina.

“Jayson..”Yun lang ang nakuha kong sabihin. Ayaw kong makialam pero hindi na tama na sigawan at insultuhin niya ang Mommy niya.

“Let’s go.” Baling niya sa akin at hinatak ako. Tumingin ako sa Mommy niya na mukhang iiyak niya at sa ama niya na nakatiim ang bagang.

Siya pa ang kumuha ng bag ko at nagmamadaling lumabas ng bahay nila. Wala pa din siyang imik hanggang sa makasakay kami sa kotse. Hindi din ako nagsalita. Hinayaan ko siya kasi alam kong he needs time for himself.

“Pasensiya ka na sa nangyari.” Sabi niya pagkarating namin sa apartment ko at nasa harap na kami ng pinto.

“Tama ka. Dapat hindi na kita sinama. Yun pala ang sinasabi niyang surpresa. Yeah right, I was indeed surprised,”Bitter pa din siya. But he needs to be reminded na Nanay niya ang sinigawan niya at ininsulto.

Hinawakan ko ang kamay niya.

“Alam mong hindi tama ang ginawa mo sa Mommy mo.” Malumanay na sabi ko.

“Hindi rin naman tama ang ginagawa niya. Hindi rin naman tama na pinapairal niya ang katangahan niya.” Napangiwi ako as sinabi niya.

“Mommy mo pa din siya and you shouldn’t have treated her that way. And your father, you may hate him pero ama mo pa din siya and you can’t treat him like that. Mga magulang mo sila and you should respect them and their  decision. At isa pa napag uusapan naman ang lahat Jayson.” Nakita ko siyang bumuntong hininga at kumunot ang kilay tapos napapikit.

“You better get inside. Lumalamig na.” At kasing lamig ng gabi ang boses niya. Tapos hinalikan lang niya ako sa pisngi at tumalikod na. It’s obvious na ayaw niyang pag usapan ang nangyari.

“Jayson…” Pero siyempre hindi ako papayag. Ayaw ko siyang makitang ganyan na parang ang bigat bigat ng pakiramdam. Hindi ako sanay na ganyan siya.

“Cut it out Rose.” Mahina ngunit madiin na sabi niya. I should have stop right there. Dapat hindi na lang ako nagsalita.

“But Jayson, all I’m saying is…” Pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko. He cut me off.

“Rose, mas mabuti sigurong wag mo munang pakialaman ang buhay ko. Ang pamilya namin or kung ano man ang meron kami.  After all, girlfriend pa lang naman kita. Hindi pa naman kita asawa.” Nagulat ako sa sinabi niya at nasaktan. Oo nga at hindi ko pa din naisip na magpakasal sa kanya. Hindi pa ako nangangarap na panghabangbuhay kami.

Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. He just told me to mind my own business. Pumikit ako at bumuntong hininga. Tiningnan ko lang siya ng medyo matagal at nakita din niya siguro ang epekto ng sinabi niya.

Babalik na sana siya nung magsalita ako.

“Okay, I get it.” Sabi ko na lang at tumalikod sa kanya sabay pasok sa loob ng apartment ko.  

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top