Chapter 22

6/18/2014

22.

Time flies so fast when one’s having the time of his life.

Ganun nga siguro ang nangyari kasi simula nun palagi na kaming lumalabas at hindi ko na tinatanggihan ang mga pagyayaya niya. Dahil doon  mas lalo kong nakilala ang pagkatao niya. Hindi lang pala siya panay kalokohan.

Ang ineexpect ko kasi ay isang playboy na lalaki na walang ginagawa sa buhay at puro yabang lang ang alam. A total bum na umaasa pa din sa magulang. Pero hindi pala. I discovered that after high school naging independent na siya sa mother niya. At paminsan minsan nagkukwento siya tungkol sa father niya. Pero kadalasan, if possible, napapansin kong umiiwas siya sa topic na yun.

Pero hindi kami. Wala kaming relasyon. Walang usapan na ganun. Simula kasi nung nakakagulat niyang ‘I need your love’ declaration hindi na siya nagsalita tungkol sa feelings niya sa akin. Nagbibigay pa rin naman siya ng bulaklak at mga regalo sa akin pero hindi na nga lang ako sure kung nanliligaw ba siya o gusto lang niyang magbigay.

Nung minsan, tinanong ko siya kung bakit binigyan niya ako ng bulaklak ang sabi niya sa akin nagbigay daw kasi ng dividend ang isa sa mga company kung saan may investment siya kaya naisipan niya akong ibili ng bulaklak.  He is thoughtful in a way. Napangiti ako sa naisip.

“Oi Doc, tama na ang daydream, andyan na ang reality.” Sabi ng secretary ko and indeed I saw Jayson.

“Ba’t andito ka na naman?” Kahit anong oras sumusulpot na lang siya sa clinic ko. Palibhasa, hawak niya ang oras niya kaya magagawa niya ang lahat ng gusto niya.

“Here.” At nilapag niya ang maliit na cartoon ng curly tops sa taas ng table ko. Napakunot ang noo ko at tumaas din ang kilay ko. Seriously? Curly Tops? Bakit hindi choc nut o kaya boy bawang? Hindi naman sa namimili ako ng regalo kasi hindi naman siya kuripot sa pagbibigay sa akin ng chocolates.

“Bumaba ang stock ng San Miguel  kaya yan na lang muna.” Nanlulumong sabi niya sabay pasalampak na umupo sa upuan sa harap ng table ko. Parang naluging intsik. Pinigil ko ang mapangiti. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako nangingiti. It’s been happening often lately. Yung mapapangiti na lang ako ng walang dahilan. May kutob na ako sa nararamdaman ko, pero ayaw ko pang I confirm. Baka nakalaklak lang ako ng happy pill ng hindi ko alam. 

“So namumulubi ka na niyan?” I appeared unaffected pero natatawa ako sa itsura niya. First ko siyang nakitang naapektuhan dahil sa mga stocks niya. Yes, he is into stocks trading. He have investments in a lot of companies. He sits in board meetings sa ilan sa mga companies kung saan siya may stocks. In fact pinagmamayabang niya yun kasi daw he got paid just by sitting for a few hours and pretending to listen.

“Hindi pa naman. Kaya pa naman kitang buhayin at bilhan ng lupa’t bahay pag kinasal na tayo. But I doubt kung kaya ko pang bumuhay ng isang dosenang anak kung magtuloy tuloy ang pagbagsak  ng stock market.” Hindi siya nakatingin sa akin kaya hindi ko alam kung seryoso siya sa sinabi niya o hindi. At ako naman, pinilit na kinakalma ang nagwawalang puso ko.

“So nagpopropose ka na niyan?” Kumalma ka Roselyn. Sabi ko pa sa sarili ko.  And why are you talking about weddings? Ni hindi nga kayo magboyfriend. Pero siya naman ang nauna di ba? Nakikisakay lang ako. At sa estado niya ngayon, ang sama naman kung tatablahin ko pa siya. Eh di sakyan ko na lang ang trip niya. And besides lagpas na ako sa stage na napipikon at naaasar kapag dumidiskarte siya. Nasanay na ata ako sa mga palipad hangin niya.

“Hindi pa. Tsaka na pag napagaling mo na ako. Nakakahiya naman sayo.” Baliwalang sabi niya. Come to think of it. Hindi na siya nagpapacheck up sa akin.

“Paano kita mapapagaling, di ka naman nagpapacheck up.” Sita ko sa kanya. Aba at may plano pala siyang gumaling. Akala ko nga nakalimutan na niya ang problema niya. Ang mangyayari pala, yun pa ang magiging hadlang sa amin. Naks, kung maka –amin naman ako parang kami na. 

  

“Paano ako magpapagamot sa’yo eh nililigawan kita. Kapag  nagpacheck up ako sayo at pinag hubad sa harap mo sa tingin mo may mukha pa akong manligaw? Kinakalimutan ko na ang ang katotohanan na nakita mo na ang lahat sa akin para naman hindi ako mahiya kapag kaharap ka. But don’t worry I am trying.” Oo nga naman may point siya dun. Pero ano daw? Nanliligaw siya sa akin? O well…sige na nga.

“What do you mean trying?” Bigla akong kinabahan. Ano klaseng pagtatry ang ginagawa niya. Don’t tell me na nililigawan pa alng niya ako ay nambabae na siya. Aba ang kapal namna ng mukha niya pag nagkataon.

“Na magpagaling.” Baliwalang sagot niya. Binuksan pa niya ang dala niya sa aking Curly Tops at kumuha ng isa tapos kinain. Di ba para sa akin yan? Bakit siya ang kumakain? Pero hindi nay un importante. Ang importante ay ang pinag uusapan namin. 

“At sa anong paraan?” Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng kilay ko. I felt like a nagging wife or maybe a nagging girlfriend na pinaglilihiman ng asawa o boyfriend. Peor hindi ko mapigilan ang sarili ko. I am dying to know.

“Sa ibang psychiatrists ako nagpapacheck up ksi hindi na pwede sayo. Sa una pa lang dapat hindi na ako nagpacheck up sa’yo.”

“Sino namang psychiatrists yun? Baka maya maya kung kani-kanino ka lang pumupunta.” Makauspa nga yang psychiatrists na gumagamot sa kanya. I’m sure kilala ko yan.

“Dr. Villamor. Ni-refer din siya ni Tamadao.” Malapit nang maubos ang curly tops ko. Nag isip ako ng mga Villamor na kilala ko pero walang pumapasok sa isip ko.

“Babae ba o lalaki?”  

 “Air base.” Sabi niya.

“Ha?” Hindi ko bigla na gets ang sinabi niya. At mukhang di naman niya nahalata. He crumpled the empty box of the curly tops at pinaglaruan ito na parang bola.

“Joke lang. Babae din katulad mo. Sexy din, katulad mo. Smart din, katulad mo.” Unti unting kumukunot ang kilay ko dahil sa mga sinasabi niya. Pakiramdam ko umuusok ang ilong ko pero pinipigilan ko ang sarili ko. Wala! Wala akong karapatang magalit. Ano naman ngayon kung sa ibang sexy at smart niya gusting ipatingin ang… ang  ED niya?

So what if nagpoalit siya ng doctor? Madami naman akong pasyente. Hindi lang siya.

“At maganda din tulad mo.” Umismid na lang ako.

“Ganun? Okay.” I said curtly.

“Bago ka lumabas, itapon mo ng maayos yang basura mo.” Sita ko sa kanya kasi nilapag na lang niya basta basta ang box na ginawa niyang bola. Hindi ko siya tiningnan. Nagkunyari akong nagbabasa n g patients record. Pero gusto kong I crumple ang pagmumukha niya.

“Hindi pa ba tayo uuwi?” Sabi niya sabay kuha ng hawak kong patient record na tumatakip sa mukha ko. Naka patong na ngayon ang dalawang siko niya sa table ko and his face is resting on his palms.  

“Mauna ka na.”

“Kaya nga ako pumunta dito kasi sinusundo kita tapos pauunahin mo ako? Nasaan ang hustisya doon?” Reklamo niya pero nakangiti. Hindi ko pinansin ang ngiti niya dahil naiinis ako.

“Nasa supreme court.” Pabalang na sagot ko.

“Ahhh…nagjojoke ka na. Tara na. Kanina pa umuwi ang secretary mo. At bakit ba ang tagal mong basahin ang record na yan eh dalawang line lang naman ang nakasulat. At isa pa, gutom na ako.” Tumayo na siya at kinuha ang bag ko na nasa gilid ko. Wala na akong nagawa kundi ang magligpit. Na hostage na niya ang bag ko. And besides, wala akong dalang kotse kasi may usapan kaming magdidinner sa labas.

Siya na ang nagsara ng clinic ko. At wala akong imik habang naglalakad kami palabas ng building. Ni hindi ko tinangkang kunin ang bag ko na dala pa rin niya hanggang ngayon. Nauuna na din akong maglakad. Kahit nung pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya, ni hindi ako nagpasalamat. Umuukit sa isip ko ang sexy, smart and beautiful psychiatrist niya.  

“Saan mo gustong magdinner.” Tanong niya nung nasa daan na kami.  Wala pa din akong imik.

“Gusto ko ng umuwi. At isa pa, mababa ngayon ang stocks, maging practical ka. Hindi yung gabi gabi sa restaurant ka nagdidinner. Matuto kang magtipid.” Kahit na alam kong ubod siya ng kuripot at sa akin lang ata siya hindi nagtitipid. Kahit nga gusto niya ng sports car hindi siya bumibili kasi daw, kung bibili siya ng ganung sasakyan, eh di ipapatayo na lang niya ng bahay.

“Hindi naman ako ganun kapulubi.” Reklamo niya.

“Basta gusto kong ng umuwi. Ihatid mo na ako.” Sabay tingin sa may bintana at I crossed my arms in front of me. May irap pang kasama. Bumuntonghininga na lang siya at hindi na nagsalita tapos hinatid na ako sa bahay.

Wala kaming imik buong byahe. He also didn’t attempt to strike a conversation. Nahalata ata niyang bad mood ako. Kaya naman pagkatigil na pagkatigil niya sa harap ng gate ng bahay ko, agad kong binuksan ang pinto na may kasamang dabog.

Lalabas na sana ako nung pinigilan niya ang braso ko.

 “Bakit ka nagseselos?” Mahinahong sabi niya pero ang laki ng impact sa akin. Kanina ko pa dinedeny ang bagay  na yan at nung sinabi niya yun, para siyang nagpasabog ng bomba a harapan ko.

 “Hindi ako nagseselos?” Pinilit kong alisin ang pagkakahawak niya sa braso ko at binitiwan naman niya. Tapos dumukwang siya sa banda ko at isinara ang pinto ng kotse sabay lock nito.

Then he looked at me. Nag iwas ako ng tingin.

“Hindi nga ba?” He further proved. Pinilit kong magingneutral ang expression ko.

“Bakit naman ako magseselos sa ibang psychiatrists? May karapatan ka namang magpalit ng doctor. It’s no big deal.” Kalmadong sabi ko.  Pero hanggang doon lang pala ang pagkakalmado ko kasi nung tiningnan ko siya na nakatingin din sa akin nawala ang pagkacalm ko. Bumuhos ang lahat ng emosyon ko. And I couldn’t stop myself

“Ano ba naman sa akin yun? Ano naman ngayon kung maganda, sexy t smat ang bagong psychiatrists mo? Eh di dun ka na sa kanya!” Nag iinit ang sulok ng mga mata ko. I blink plenty of times to stop the tears while cursing myself for feeling this way. Sinasabi ko na nga ba eh. Aaarrgghhh!

“And can you please open this damn door? Bakit ba ayaw mo akong palabasin ng kotse mo?” PInilit kong buksan ang pinto kasi anytime tutulo na ang luha ko dahil sa bwisit na selos na nararamdaman ko. This is so inconsequential. Ni wala akong karapatan magselos pero ito ako ngayon naiiyak.

Pero bago ko pa masira ang pinto ng kotse niya, hinila na lang niya ako at hinalikan. Nagulat ako sa ginawa niya kaya naman ilang Segundo nang magkalapat ang mga labi namin, nakatulala pa din ako. Natauhan lang ako nung mas lalo niya akong hinapit palapit sa kanya and he deepened the kiss. Napapikit ako.

And I kissed him back. Napahawak na din ako sa balikat niya.

I always wonder what’s in a kiss na ang daming nangyayari dahil lang sa isang kiss. Kaya naman sa mga naging boyfriends ko whenever we are kissing, iniisip ko palagi kung ano ang mangyayari. Ganun ba talaga ka powerful ang oxytocin na napapawala nito ang katinuan ng isang tao? And so far, sa part ko hindi naman ganun. Whenever my boyfriends kahit na kay Emerson, when they wanted to bring it to the next level, kaya ko pa naman tumanggi.

Pero ngayon, I cannot even think of the oxytocin and the psychology behind kissing. All I can feel is his lips against mine. How his lips brushed my lips and how sweet it is. But it is not only sweet. It is something else. It is so addicting kaya naman hindi ko na pala alam na nakakapit na ako sa batok niya and is pulling him towards me.   Kahit siguro maubusan ako ng hininga, hindi ko pa rin mapapansin because I was busy discovering the wonders in Jayson’s kiss.

Hindi ko pa nga namalayan nung tumigil na siya. Well, hindi naman talaga siya tumigil. Nakalapit pa din ang lips niya sa lips ko, but we now have enough breathing space. Well, if you can call a centimeter as enough, then that’s it. 

“She’s beautiful, sexy and smart. She’s also 43 years old and married with 4 kids. Hindi po ako pumapatol sa mga matrona.” And he kissed me again and I kissed him back pero saglit lang.

“Now let’s have dinner and we’ll talk about your jealousy. Ipagluluto mo ako kasi yun ang practical at para hindi tayo mamulubi Doc.” He then unlocked the car door at lumabas ng kotse. Wala sa sariling sumunod ako. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top