Chapter 21
21
“Alam mo bang makakapili sila kung lalaki o babae ang mga magiging anak nila?” Sabi pa niya habang hinahayaang gumapang sa kamay niya ang itim na langgam. And yes, we are talking about ants, particularly the queen ant.
“Ows?” Sabay subo ng gulay sa plate ko. Dinala nga niya ako sa isang buffet restaurant at mukhang sinusulit talaga namin ang bayad kasi kanina pa kami dito simula nung nag open para sa dinner at ngayon nga malapit ng magsara. At sa kawalan ng pag uusapan, napagtripan niyang ikwento sa akin ang buhay ng mga langgam na pinagtangkaan kong patayin nung makita ko na gumagapang sa bulaklak na binigay niya sa akin.
“Yes. Habang egg pa lang, the queen ant could choose kung lalagyan niya ito ng sperm o hindi. Kung hindi niya lalagyan ng sperm then lalabas ito as a male worker ant and kung lalagyan naman niya then magiging female worker ant ito or pwedeng maging queen ant.” Mahabang paliwanang niya. Naaliw naman ako na knowledgeable pala siya sa life cycle ng mga langgam at aaminin ko na hindi ko alam ang mga bagay na sinasabi niya.
“Kung female ant ka, bakit gugustuhin mong maging worker kung pwede ka naman pa lang maging queen?” Angs arap kaya ng buhay Reyna?
“Bakit ikaw ba gusto mong manganak ng manganak ng walang pahinga sa loob ng humigit kumulang 30 years? The queen ant have the longest life among insects. And besides if the female ant wanted to be a queen, she have to leave the colony and choose another colony. Pero kung gusto mo talagang maging queen at manganak taon taon, ngayon pa lang pag iipunan ko na.” Pakiramdam ko nag init ang buong mukha ko sa sinabi niya. At bakit napunta sa akin ang usapan? At talagang sa lahat ng pwedeng I compare sa akin, sa langgam pa talaga.
Peo instead na magalit, hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya dahil kapag ginawa ko yun, mapupunta na naman sa kung saan saan ang usapan namin. Tinuloy na lang naming ang pagkain naming hanggang sa sumara ang resto.
And then it became awkward. Naglalakad kami papunta sa kotse niya at hindi kami nag uusap. Supposedly ihahatid na niya ako kasi dinner lang naman ang napag usapan namin at tapos na kami sa masaganang dinner pero mukhang ayaw naming dalawang umuwi pa.
I was about to ask him kung may plano pa ba siyang iba when our hands brushed.
“Aw.” Tapos nilayo ko ang kamay ko sa kanya. Sabay tingin ng masama.
“Wag mo nga akong kinukuryente dyan!” Angal ko pa sabay pagpag ng kamay ko. Aware naman ako na paminsan minsan talaga na nangyayari ito na nakukuryente ang isa tao pag nadidikit sa isang tao kaya hindi ko binigyan ng malisya ang nangyari dahil hindi ako malisyosang babae.
“Hindi ah. Ikaw tong dikit ng dikit sa akin.” Dun na tumaas ang kilay ko pero ngumisi lang siya sa akin at kinuha ang kamay ko na nakuryente niya.
“Sabihin mo lang kung gusto mo nang makipag holding hands sa akin Doc. Wala namang problema sa akin.” Hinila ko ang kamay ko pero di niya binitiwan.
“Ang kapal mo talaga.”
“I know.” Proud pa siya nung sinabi niya yun. Sa totoo lang, hindi ba siya naaapektuhan ng insulto?
“Maglakad lakad nga muna tayo para matunawan ka.” AT nagsimula na siyang maglakad habang hawak pa din ako kaya ang kinalabasan, akay akay niya ako.
“Ang sabihin mo, gusto mo lang mag hang out pa sa akin.” Tiningnan niya ako at ngumisi siya ulit.
“Ang galling mo talaga Doc. Pakiss nga!” Nilapit pa niya nag mukha niya sa mukha ko. Sa sobrang gulat ko sa gagawin niya, napanganga na lang ako. I should have stopped him or much better, slapped him. Pero ito ako ngayon at natutulala sa kanya. Nakatingin lang ako sa mukha niyang sobrnag lapit na sa mukha ko. Namamalikmata pa ata ako kasi parang biglang nagging clear sa akin ang mukha niya. Pati ang maninipis niyang pores nakikita ko. Simula samay kahabaang kulot na buhok niya nakatakip ang iba sa noo niya, sa kilay niyang medyo makapal pero hindi kalat, to his deep setted eyes na ngayon ko lang na realize na ang kulay ay hazel brown. Kung hindi mo pakaktitigan ang kanyang mga mata hindi mo malalaman ang totoong kulay nito, because it was hidden underneath his long and thick lashes. And then there comes his celestial nose that gave him a boyish, almost playful feature. And then my gaze turned to his lips. And he smiled. And his smile took my breath away or baka kanina pa ako di humihinga at hindi ko lang napapansin because I am anticipating for his kiss. A kiss that didn’t come. Instead, I felt him tuck my hair behind my ear. Shit! Gumaganun ang peg. Pang teenager. At ako naman, pakiramdamako sinisilaban ang pisngi ko sa init.
Nakatulala pa din ako sa kanya nung tumalikod siya na may ngiti sa mga labi tapos naglakad. Nahimasmasan naman ako sa pagkatulala ko at gusto kong murahin ang sarili ko. What the heck happened?
But damn it! He is one hell of an attractive guy. No wonder naging stalker niya ako. Yan siguro ang nakita ko dati sa kanya kaya ko siya type.
“Bakit iba ang kulay ng mata mo?” I asked nung nakaupo na kami sa may isang bench facing the sea. AT para na rin mawala ang awkwardness sa pagitan naming dalawa.
“Panong iba?”
“It’s hazel brown. Too light for a Filipino.” Napayuko siya at tumingin sa semento.
“I inherited it from the sperm.” Malamig na sabi niya. Sa semento pa din nakatingin. I wonder what’s interesting about a cement. Gusto ko na yung itanong sa kanya. But then by the sound of his voice, I’ve concluded that it’s not the cement. It’s the topic.
“You mean from your father?” Siguro nga, masasabi niyang pakialamera ako kasi kahit na alam kong hindi na siya comfortable sa topic, dinedeadma ko pa din at tinatanong sa kanya. But then I was curious. He referred to his father as a sperm. Wala pa akong narinig na anak na nagrefer sa ama nila bilang isang sperm. Siya pa lang.
“No. He is not my father. He is just a sperm donor. Magkaiba ang ama at ang sperm donor.” This time the bitterness or maybe anger is so evident in his voice na napatingin ako sa kanya. His lips are set and his jaw clenched.
“Ooohhh.” Yun na lang ang nagawa kong sabihin. What else can I say? Hindi ko alam ang kwento ng buhay niya so I cannot give him an advice or whatever. At ayaw ko ring pilitin siyang magkwento because I don’t want to impose on him.
“Nakilala ko lang siya recently and he demanded that I change my name because I am carrying my mother’s surname. What an ass.” And this time I am sure na hindi bitterness ang nararamdaman niya kundi galit. What did his father do to deserve such an anger from him? I wanted to know. Nangangati akog malaman ang rason.
“Jayson…” And I also wanted to comfort him. Lumalabas ata ang maternal instinct ko o kahit ano pa man ang nararamdaman ko but I felt tenderness towards him. Parang sa ngayon, hindi siya ang Jayson na mayabang at playboy. Hindi siya ang Jayson na iniiwasan ko. He is like any boy who’ve been hurt since childhood. Gusto ko siyang yakapin at aluin at halikan at hubaran…oopppsss. Kala ko ba boy? Pero hindi ba pwedeng hubaran ang boys?
I smack myself mentally. Kung saan saan na naman kasi napupunta ang isip ko. Seryoso pa naman ang usapan namin. Baka sabihin ni Jayson, nag eemote siya pero ito ako at pinagnanasaan siya, which is not true.
“Don’t! Don’t look at me like that. Don’t look at me with pity in your eyes. I don’t need that.” Mas lalo akong naawa dahil sa sinabi niya. Napabuntunghininga ako. Ilang beses ko na bang napatunanayan sa ibang mga pasyente ko na kadalasan ang pinapakita ng isang tao ay kabaliktaran ng totoong nararamdaman niya o ng totoo niyang pagkatao. At sino ang mag aakala na isa si Jaysonsa sa mga taong yun.
Because underneath his playboy and happy go lucky image, is a lonely man. Bakit ba hindi ko nakita agad? Masyado ba akong nabulag sa image na pinakita niya dati nung high school pa lang kami? Ako itong psychiatrist sa amin. I should have known better yet I am the first to judge him. I felt awful.
“I don’t need your pity Roselyn. I need your love.” At biglang siyang tumingin sa akin na nakangiti sabay kindat. Muntik na akong mahulog sa bench.
What the hell!
Bakit biglang napunta doon ang usapan namin?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top