Chapter 13
13
Nagpupuyos ako sa galit. Halos hindi ako makapaniwala. No…hindi talaga ako makapaniwala na dahil lang sa isang inumin matatapos ang engagement namin ni Emerson. Just because of a drink! A goddamn drink! Kulang na lang sipain ko ang basurahan na nadaanan ko dahil sa frustration.
Maybe Roselyn it was never meant to be.
Sabi ng isang bahagi ng isip ko. I immediately dismissed the thought. Hindi pwedeng ‘it was never meant to be’. Ang tagal ng panahon at ang daming oras na inukol ko para sa relasyon namin ni Emerson kaya hindi pwedeng maghihiwalay kami ng dahil lang sa hindi kami meant to be. Hindi ako naniniwala sa destiny destiny na yan. Life is how you make it and I want to marry Emerson. Nakatatak na sa buong pagkatao ko na siya ang pakakasalan ko. Na brainwash ko na ang isip ko na kami na talaga habangbuhay. Nasanay na ako na siya ang boyfriend ko, na siya ang fiance ko at siya ang magiging asawa at ama ng mga anak ko. Kumbaga, I am already in my comfort zone tapos parang bigla akong pinalayas ng dahil lang sa walang kakwenta kwentang rason?
I stomped my feet in frustration. Kung wala lang ako sa public place, nagsisigaw na ako.
“Hi! Mukhang masama ang timpla mo Doc.” Napatingin ako bigla sa nagsalita and I saw the grinning Jayson.
Kung minamalas ka nga naman. Siya ang kahuli huling lalaking gusto kong makita. Bumuntong hininga ako at inalis ang tingin ko sa kanya. Ayaw kong pansinin siya kasi pag ginawa ko yun sa kanya ko maibubunton ang lahat ng galit ko at hindi tama yun. Hindi niya kasalanan ang nangyari at walang kaalam alam ang tao.
“Bakit nag iisa ka dito sa labas ng resto? Nasaan ang fiance mo?” Sabi pa niya at alam ko na nakalapit na siya sa akin dahil ramdam na ramdam ko na ang aura niya.
“Andun sa loob. Naimpatso sa pagkain. Patay.” Walang kagana ganang sabi ko. I heard him chuckle na parang amuse na amuse sa mga sinasabi ko. Tiningnan ko ulit siya ng masama tapos naglakad palayo sa kanya.
“Kailangan mo ba ng maghahatid sa’yo, magandang doktora?” Sabi pa niya habang nakasunod sa akin. Hindi ba ako titigilan ng lalaking ito?
“No thanks.”
“C’mon Roselyn hindi ka dapat nagmumukmok ng dahil lang sa isang lalaki.” Napatigil naman ako sa paglalakad at napatingin sa kanya.
“And what made you say na nagmumukmok ako?” Mataray na sabi ko at may kasama pang taas ng kilay.
“Its’ written all over your face. Halatang halata na nag away kayo ng fiance mo. Lalapitan ko sana kayo kanina para batiin pero bigla ka na lang nag walk out kaya sinundan kita.” Naningkit ang mga mata ko. Is this guy stalking me again?
“Which you should have done. I can manage on my own.” Pinaara ko ang dumaang taxi pero may pasahero ito.
“Alam mo kung mahal ka talaga ng lalaki gagawin niya ang lahat ng gusto mo kasi ikaliligaya mo yun. At kung ano ang ikaliligaya mo dapat ikaliligaya din niya.” Tumaas lalo ang kilay ko. Kelan pa naging love guru ang isang playboy? Hindi na lang ako nagcomment sa sinabi niya.
“Alam mo Roselyn, hindi ka niya dapat inaaway lalo na at ikakasal kayo. Kung ako ang nasa katauhan ng fiance mo, I will give you everything that you want. Hindi ako magrereklamo. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo. Ibibigay ko ang lahat ng hiling mo.” Napabuntong hininga ako at tiningnan siya ng mataman. Kung hindi ko lang siya kilala, masasabi ko talagang seryoso siya sa sinasabi niya. Na concern siya sa akin. Pero hindi eh! Kilala ko siya. Psychiatrists niya ako and not to mention na naging schoolmate kko siya dati at alam ko ang takbo ng bituka niya.
“Pwede ba Jayson? Brokenhearted ako kaya wag mo akong digahan. Wala pa ngang 30 minutes na nag away kami ni Emerson. Wala ka ding pakundanagn ano? Wala kang pinipiling oras at panahon!” Singhal ko sa kanya. Napanganga siya. Akala niya siguro katulad ako ng mga babaeng naloko niya na kunting landi lang niya bibigay na agad.
“Gusto ko lang naman makatulong.” Pakunsensiya pang sabi niya.
“Hindi ko hinihingi ang tulong mo and I don’t need it because I can handle myself well. Siguro ang pinakatulong na lang na maibibigay mo sa akin ay ang hayaan mo ako. Kung ayaw mo na pati ikaw ay madamay sa galit at inis ko, tigilan mo na ako. Tigilan mo na ako kasi wala ka namang mapapala sa akin dahil alam ko ang motibo mo. Pwede?” Mahabang litanya ko.
“Do you need a ride home?” Sagot naman niya na para bang walang narinig. Naningkit ang mga mata ko at pinandilatan ko siya.
“Bahala ka sa buhay mo!” At naglakad na naman ako palayo sa kanya pero hinabol niya ako. Hindi talaga nakinig ang sira ulo. Uhhh! Kabwisit.
“Hannah?” Napatingin ako bigla sa nagsalita.
“Marianne…Tita!” Sabi ko naman at pinigil ang hindi mapangiwi. Kung minamalas ka nga naman.
“It’s nice to see you. Wow! You look great.” Nakipagbeso ako sa kanila at I saw Marianne look at me from head to toe. Pinigilan ko ulit ang sarili kong mapaismid. Sa lahat ng pwedeng makita, bakit ang mag ina pa na ito?
“You both look great too.” Sabi ko na puno ng kaplastikan.
“You are alone?” Tanong ni Marianne sa akin na halatang nakikipagplastikan din sa akin. At alam ko na kapag sinabi kong oo, kung ano ano na namang tsismis ang kakalat sa angkan namin.
“Of course not. I’m with my fiance.” Tapos tumingin ako sa paligid and I saw Jayson behind me. Walang isip isip na hinawakan ko ang braso niya para makaharap niya sina Tita.
“Tita, Marianne, this is my fiance Jayson. Jayson, this is Tita Marivic and her daughter Marianne.” Pikit matang sabi ko. Bahala na si Batman.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top