CHAPTER 8: TIME WITH YOU

Chapter 8: Time With You

“Not bad.”

Muntik na akong mapatalon mula sa kinatatayuan ko nang may magsalita sa gilid ko. kanina pa ako wala sa sarili at nakatingn lang sa tubig na mula sa fountain.

Naniningkit ang mga matang hinarap ko si Nikon at tinaasan ng kilay. “Anong sabi mo?” tanong ko.

Naupo siya sa sementong bahagi ng fountain kung saan hindi siya mababasa. “I said not bad. Sabi nila hindi ka raw matalino ngunit malakas ang loob mo. From how I see, you’re not that bad.”

Puto, kung makipag-usap ‘to akala niya naman close kami? Binigyan ko lang siya ng malamig na tingin bago ibinalik sa tibug ang paningin. I let all the thoughts drown. Akala ko ay tapos na ang mga hirap na pinagdaanan namin dahil sa nangyari but why do I feel otherwise?

“Problem?” sabat ulit ni Nikon.

“None of your business.”


“Make me invest in that business,” wika niya sa pabirong paraan ngunit mukhang hindi nagbibiro ang mukha niya. “To be honest I like your idea about preservezeer.”

“Class hours’ over kaya ayaw ko ng pag-usapan pa ‘yan,” pambabara ko sa kanya. Actally, what I wanted to say is that ayaw ko ng kausap. Edit, ayaw ko siyang kausap.


“Very witty idea lalo na at ang mamahal na ng mga gulay ngayon. Lalo na rito sa 1st ward. No more agricultural lands since the Capital already converted most to commercial lands.”

I exhaled sharply at muli siyang tiningnan nang masama. Siomai, parang gusto kong na literal na magkaroon ng pamatay na tingin. I really want to give him a deadly glare. Ang dami-dami ko na ngang iniisip tapos dadagdagan pa niya! Ipapaalala pa niya sa akin na hindi maganda ang takbo ng ekonomiya ngayon. Putong inflation!

“Pwede ba Nikon? Ang dami ko nang iniisip! Wag mo nang ipaalala pa iyan,” naiinis na wika ko. Pabida masyado, sarap niyang lunurin sa fountain. Pusangina niya.

Tinalikuran ko siya at mabibigat ang mga hakbang na bumalik na lamang sa dorm kaysa sa mas lalo akong mabwesit sa kanya.

Pagdating ko sa bldg. L-1485 ay wala akong taong naabutan doon. Looks like none of them went back here after the class. Pagpasok ko ay sinalubong ako ng nakangiting si AndE.

“Hello Sunny,” masiglang bati niya.


Nakangiwing tiningnan ko si AndE. Buti pa sa siya walang problema. Hindi na niya kailangan isipin ang napakaraming bagay dahil nakaprogram na ang lahat ng solusyon para sa mga problemang haharapin niya. Samantalang ako. Ano bang kasalanan ko noong previous life ko at parang ang daming problemang sumasampal sa akin ngayon?

“Kumusta ang project ninyo?” tanong niya ulit.

Nilagpasan ko siya at naupo sa sofa, leaning my head on the headrest. Puto, I should be somewhere celebrating my success but why do I don’t feel like doing so?

“Malungkot ka? Hindi ka ba pumasa? Di bale ikaw naman ang pinakamatalino sa lahat.”

Tiningnan ko nang masama si AndE at tumayo. I checked the memory chip on her nape at gaya ng hinala ko ay program iyon na gawa ni Coco. The soothing AndE who will comfort people and tell them they are the best. Muli akong naupo at nagslouch sa sofa.

“Maliit ba ang marka mo?”

Putomaya mo AndE ah, masyado kang madaldal. Pero sabagay, kailangan ko ng kausap ngayon na hindi toxic gaya ni Nikon. I gues AndE’s the best thing for that.

“Hindi naman,” wala sa sariling sagot ko. “Sa katunayan ay isa ang proposal ko sa mga napili ni Ma’am Venna,” sagot ko sa kanya. Yes I am having a serious talk with a robot but please don’t judge me.

“Congratulations.” Pumalakpak si AndE ng tatlong beses. “Deserve na deserve mo talagang maging bahagi ng Special Class.”

“AndE wala ng special class.”

Tumango-tango lamang siya at bahagyang umilaw ang kanyang mata, bagay na nangyayari kapag may nalalaman siyang bago. “Lahat ba kayo sa dorm na ‘to ay napili?”

Napabuga ako ng hangin at tiningnan siya nang malungkot. Naka-display pa rin sa mukha niya ang ngiting matamis. Iyong tipong nakakatanggal ng pagod. Unfortunately, my weariness is at a different level because I’m more on ‘mind weary’ than ‘body weary.’

“Muntik na.”

AndE blinked few times. “Muntik na?”

“Muntik nang kaming lahat. Sa kasamaang palad, hindi napili ang research ni Trench,” malungkot na wika ko. Napalis ang ngiti ni AndE at napalitan iyon ng simangot na nagpapakita ng napakalungkot na ekspresyon.

“Si Trench?"

Wala sa sariling tumango ako. “Oo si Trench.”

It must be very hard for him to cope with the current situation. Ayaw kong mag-judge but maybe Trench is accustomed to life wherein people see him as high and mighty. A life where people acknowledge him as god-like. Where people highly respects him and truly believes in his capabilities and intelligence. Unfortunately, those days are gone.

Ngayon ay parang nomal na mamamayan na lamang ng Capital si Trench. As he lost some important people in his life, his power also vanished. Kasabay ng pagkawala ng mga taong mahahalaga sa kanya ay ang pakawala ng autoridad ng pangalang Grande. Kung dati ay halos manginig ang lahat kapag naririnig ang pangalag Grande, ngayon ay wala na iyong ganoong epkto.

The effect was actually worst. Kapag sinabing Grande, people will think about how unlucky they were. Grande has become a name that people used to make fun of nowadays. Kung sino pa ang mga walang alam, sila pa ang maraming sinasabing hindi maganda. Puto, why does the world is full of people like that?

Ang daming sinasabi, wala namang laman. Walang sense, walang kabuluhan, walang kwenta. If they only know how Marie and Curie sacrificed! Curie sacrificed herself sa halip na patayin niya si Trench that might also end up having Triangle killing his own mother. Do they have idea how Gon sacrificed?! Wala. Wala silang alam. Wala silang ginawa pero sila pa ang may ganang magsalita ng ganoon?

"Pero bakit?" tanong ni AndE. "Pinaghirapan niyang gawin ang research niya kagabi. Maganda naman ang ideya niya na tungkol sa walk-in holographic technology ah. Bakit hindi napili?”

Bigla akong natigilan at napatingin sa kanya. "Walk-in holographic technology?"

Tumango si AndE. Puto, hindi ba't iyon ang pinakanagustuhang proposal ni Ma'am Venna? The one she said that it's Triangle's? Ibig sabihin ay kay Trench talaga 'yon?! Puto, hindi pa rin nagbabago si Trench!

"May ginawa rin siyang isa pa kanina pero halos kalahating oras lang niyang tinapos dahil wala na siyang oras," dagdag ni AndE. Puto siomai kutsinta, suman, siopao hotdog! He put Triangle's name on the best propsal he created at sa kanya naman ang isang minadali lamang.

Maybe Triangle didn't make his. Looking at him, parang mas gusto lang niyang magmukmok kaysa sa gumawa ng mga Academy requirements. Wala rin siya sa sarili kanina. Well, wala siya sa sarili most of the times.

Biglang bumukas ang pinto at may pumasok. Hindi na ako nag-abalang lumingon pa dahil binati na ni AndE ang bagong dating.

“Hello Traingle.”

Nanigas ako sa kinauupuan ko nang huminto sa tapat ko si Tatsulok. Sa isang balikat niya ay nakasukbit ang kanyang backpack at gaya ng nakasanayan niya ay nakabukas ang lahat ng butones ng suot niyang polo, displaying his black shirt na may dirty statement. Magulo ang kanyang buhok--- I mean palagi namang magulo ang buhok niya, but now mukha iyong magulo na mas ginulo pa.

Napatayo ako at hindi inalis ang tingin sa kanya. For a while I saw a lonely expression on his eyes. The looks that seem like asking to comfort him. To protect him and to tell him that everything will be better soon. To assure him that things will turn out fine one day. But sadly, I cannot just say those words dahil isa lamang ang sigurado ako.

Sigurado akong wala pang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari sa Capital. Walang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari sa kanila ni Trench dahil mahirap ipaintindi sa ibang tao ang lahat ng bagay. For them the Grandes are nothing but people who they once fear but now? Not anymore.

The lonely expression vanished in a split second at napalitan iyon ng mga matang walang pakialam. Matang puno ng galit at pighati. Puto, I thought only Trench could pull off such blank stares but he also does.

Akmang tatalikod siya ngunit nauna ko siyang tawagin kaya napatigil siya.

“Tatsulok...”

He stopped but he didn’t look back. Humakbang ako palapit at tumayo sa likuran niya. It took me a lot of courage before I was able to voice out my concern. “Hanggang kailan ka ganyan? Hanggang kailan mo ipapadama kay Trench na nawala na sa kanya ang lahat maging ikaw?”

Humakbang ako patungo sa harap niya at tiningnan siya nang diretso. A smirk appeared on his face. The smirk that I always hate about him but I also like. Puto, ang labo ko.

He pushed his hair back off his forehead and maintained that annoying smirk on his ringed lip. “Ah, so this is about Trench?”

I puffed some air and eyed him unbelievably. “No!”


“Nawalan ako Sunny,” sagot niya sa malamig na boses.

“And so did Trench!” sigaw ko. Wala akong pakialam kung nakatunghay lamang sa amin si AndE sa gilid. I don’t care even if she’ll record this scene and play it later for Coco to watch. “Nawalan ka lang ng nanay, tita at kapatid! But Trench also lost them all... and he’s losing you too.”

How I wanted to hug him and beg him to be back to the old Triangle. Kahit araw-araw pa niya akong paliguan ng pancake mix, ayos lang sa akin. Basta lang hindi ang Tatsulok na ito. He thinks he torments himself but he is actually tormenting other people.

But things aren’t like that. I’m fully aware of such fact. Natatakot ako na kapag sinubukan kong yakapin siya ay baka itulak niya ako. I am Sunny Gallego and I have very high pride kaya hindi matatanggap ng ego ko ang itulak ng kung sino man.

“Tatsulok please...”

“Please what?” Puto, malamig pa sa yelo ang kanyang boses.

“This is not you,” wika ko. Hindi siya nagdalawang-isip na salubungin ang mga tingin ko. I’m not backing down either.

“Bakit? Kilala mo ba ako?” tanong niya.

“Ang alam ko mayabang at masama ang ugali mo, no debate on that. But you are also someone smart and lively kahit pa napakasama ng ugali mo. I would rather see you smirking at me everyday, throw me eggs and lather me in a pancake mix than being this... This dull and silent Triangle.”

The corners of his mouth was slightly lifting but I know he’s not up for smiling but a smirk. Nakatitig lang siya sa akin at walang sinasabi. He remained like that for few moments and before I grow uncomfortable with his stares, he looked down and nodded.

“Alright.”

Namilog ang mga mata ko. “Alright?” Positive response ba iyon? Or nah?

“Give me this night. This whole night,” wika niya at mas lalong namilog ang mga mata ko at napaatras ako kasabay ng pagyakap ko sa sarili. Pusangina!

He looked annoyed. “ I don’t mean that.”

Napabuntong-hininga ako. “Buti naman.”

“Stay with me this whole night and I promise to be back to the old me.”

Unti-unti akong napangiti at tumango sa kanya. “Okay.”

***

“Where are you going?” tanong ni Megan nang makita akong naglalagay ng mga gamit sa bag ko. Suot ko na rin ang jacket ko at tinali ko ang buhok ko. “Oh my God, is that Jack Daniel’s?”

Isinara ko ang bag ko upang maitago ang bote na naroon.

“Oh my God Sunny, are you drinking without me?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Come on I’m up for a drink right now.”

“Lasengga,” mahinang bulong ko.

“May sinasabi ka ba?” She asked with a brow raised.

“Oo meron. Sabi ko lasengga.”

She frowned and watched my every move. “Saan ka pupunta? Where are you taking that JD with you? Who’s drinking with you? Why aren’t you asking me for a drink?”

I rolled my eyes atisinuot ang backpack. “My God, you’re clingy. Buti na lang hindi natin gusto ang isa’t-isa. Paano na lang kung gusto natin? I’ll be stress with your possessiveness.”

“Bold of you to say that but I’m only asking question because of that JD and not because of you, wake up Sunny,” sarkastikong wika niya.

“Whatever Megan,” sagot ko at naglakad patungo sa pinto.

“You’re not really taking me with you?” nanggagalaiting wika niya.

“Bye Megan!”


“Sunny!” Hindi ko na lamang pinansin ang boses niyang umalingawngaw sa bawat sulok ng silid.

Tahimik na bumaba ako sa hagdan at lumabas ng dorm. Almost 9 and everyone are on their respective rooms. Maybe some are resting especially KL who was drunk nang umuwi siya at dinamay niya pa ang roommate niyang si Coco! He came to with, reeks in alcohol while shouting “Sunny Mylabs!”  Sabi ni Coco ay nagyayang uminom si KL para i-celebrate ang success niya.

Tinahak ko ang madilim na daan ng Academy. Madilim ang daan but my eyes can adjust. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang pamilyar na toolshed. Noong una ako makapunta rito ay ang praning ko. Puto ang daming pumapasok sa isipan ko noo. What if hampasin ako ni Tatsulok ng pala? Cha-chop-chopin at ilalagay sa loob ng water sprinkler at ididilig sa mga halaman ang dugo ko? Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang ma-praning.

Pumasok ako sa loob and the place wasn’t like the way it was the first time I’ve been there. Hindi ko na kailangang hintayin si Tatsulok dahil nakabukas na ang sahig na may cable car. He must have opened it before I arrived.

Sumakay ako roon at tahimik lamang. What am I doing? I hate to say this pero minsan pabida ako. I see myself as someone who is an important heroine in a story where in I will meet a lot of challenges along the way but still succeeds in the end. That my story will end with the sentence they live happily ever after.  But life isn't always like that. Minsan ay they live lamang at hindi happily. Minsan pa nga ay mahirap i-achieve ang they live.

Pagdating ko sa secret hideout ni Tatsulok ay halos hindi ko na makilala ang lugar.  Wala na ang mga nakakamanghang bagay na lumulutang sa ere dahil sa kung ano mang research na ginagawa niya. Ang long table na naglalaman ng mga miniature models ay nakataob at nagkalat sa sahig ang laman niyon.

Anong bagyo ang dumaan dito? Puto sayang naman!

Nakaupo sa sofa si Tatsulok at nakatingin sa kawalan. Tiningala ko rin ang kisame at tiningnan kung ano ang naroon. Wala naman. I cleared my throat to get his attention. Nakuha ko naman ang atensyon niya at napatingin siya sa akin.

“Nandito ka na pala,” wika niya at umayos ng upo. Bahagya akong tumango at lumapit sa tapat niya.

“What happened to the place?” Isn’t this place precious to him? Anong ginawa niya?

“Hindi ka ba nakita ng mga sentinels?” Napatingin siya sa suot niyang wristwatch. “Madalas ganitong oras sila nagroron--”

“Triangle.” I know that he’s dodging my question. Gusto ko lang namang ilabas niya lahat ng pighati niya. I’m willing to listen. Umupo ako sa tapat niya at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa kanyang tuhod. “Tell me how exactly you feel Triangle. Kahit isigaw mo sa harap mo, umiyak ka, magwala, let it all go.”

Malungkot ang kanyang mga mata at pilit siyang ngumiti bago tumingin sa malayo. Probably to hide his tearing eyes. “You know it all, what’s the point of sharing?”

“I’m willing to listen,” wika ko. “Every details of it, tell me. You know what? I have something here.” Inilabas ko mula sa bag ang dalang Jack Daniel’s. I found few disposable cups on his side table kaya kinuha ko iyon at nagsalin ng alak.

Tahimik na tiningnan lang niya ang bawat galaw ko at nang inabot ko sa kanya ang baso ay tinanggap naman niya iyon at ininom.

“Come on, tell me how you feel.”

Tinitigan niya ako na para bang may nababasa siya sa mukha ko. His tears were on the brink of falling down but he did his best not to let it flow. Muli siyang ngumiti nang pilit at binawi ang kamay niyang hawak ko. Sumandal siya at tumingin sa malayo. I sat there, waiting for whatever he will say.

“H-hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa buhay ko,” he finally said, with a heavy breath. “Pakiramdam ko nawala na ang lahat sa akin. I lost a brother, I lost a mother, I lost everything.”

I opened my mouth to say something but no words were coming out of my mouth. I’m not a good speaker. I speak without thinking so mas mabuting manatili na lamang akong tahimik kaysa sa may mali akong masabi. Pinili ko na lamang na magsalin ng alak sa baso niya at bahagyang sinimsim din ang alak na nasa baso ko.

“Pakiramdam ko ako na lang mag-isa sa buhay ko.” He paused to smile bitterly. “The gods have forsaken me. That’s what I felt. Everything around me was misery, blackness and lethargy.”

“Tatsulok hindi lang ikaw ang nawalan,” wika ko. “We all lost something. At kung magiging ganyan ka, I don’t want to say this pero siguro tama si Trench, Gon died in vain and everyone else too. I know there are wounds-- invisible wounds that are very painful, even painful than anything that bleeds but can we just go on and make it worth it?”

Tumingin siya sa akin at bahagyang tumango. “That’s why I’m asking for this time with you.”

“What does it has to do with me?”

Siya na ang nagsalin ng alak sa baso niya at diretsong ininom iyon. “I should clean my own mess from now on. I’ve been in misery because of the feeling that I lost everything. Ayaw kong iyon din ang maramdaman ng pinsan ko.” He smiled at yumuko. “Sleep with me.”

Halos maibuga ko na ang iniinom at nanlalaki ang mga matang napatingin sa kanya. “A-anong pinagsasabi mo?” Anong tingin niya sa akin? Easy girl?

“I don’t mean that way. Just give me this time, sleep beside me. Hold me tightly and never make me feel alone tonight. Hagurin mo ang likod ko. Hum me a lullaby. Let me press my face on your neck like I always do to Gon. Just tonight, please?” he asked in a sincere voice. Nakangiti siya ngunit sumisigaw ng kalungkutan ang kanyang mga mata.

Right now, he’s not the Triangle Grande Bermudo that I used to know. He’s a lost kid, looking for someone to make him feel better. He’s drowning with all the pain and he’s looking for someone to makes him afloat. He’s looking for someone to paint the blackness that surrounds him. He is asking me to do it.

And I don’t think I’d be able to say no.

#

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top