CHAPTER 5: ANOTHER GHOST OF THE DEAD

Chapter 5: Another Ghost of the Dead

"Tri, bakit ba gustong-gusto mo si Batman? No offense ah, ang pangit kaya ng bat! Ang creepy tingnan," nagtatakang tanong ng batang si Pentagon sa kakambal. His twin brother grabbed the action figure that he was scrutinizing for a minute.

"Akin na nga 'yan! He's the best okay? Wala siyang superpower pero naliligtas pa rin niya ang Gotham," sagot ni Triangle at ngumiti sa hawak na batman.

"Not enough to like him," sagot ni Gon. Sinubukan niyang agawin ulit ang action figure ngunit nailayo na iyon ng kambal niya.

Ngumiwi sa kanya ang kakambal. "Bakit, ikaw? Sino ba ang paborito mong superhero?"

Malawak ang ngiting hinarap ni Gon ang kapatid. "Ang paborito kong superhero ay ang Powerpuff Girls!"

"Ano? Powerpuff Girls?" Triangle asked.

"Oo!" sagot ni Gon. "They save the people of Townsville! Girl power!"

"What makes them better than Batman?" tanong ni Triangle at humalukipkip habang hinihintay ang eksplinasyon ng kapatid.

"They're better than Batman kasi gawa sila sa sugar, spice and everything nice!" masiglang sagot ni Gon.

Triangle frowned. "And Chemical X."

Bigla na lamang siyang hinawakan sa balikat ng kambal at pinaharap. "Wait, how do you know about that? You like Powerpuff Girls too?"

"No!"

"Gusto mo eh! Aminin mo!"

"No, never!"

"Kunwari ka pa! Yey parehas kami ng gustong superhero ng kapatid ko! Yeheeeey!" Nagsimulang tumalon-talon si Gon at halos isayaw na ang kapatid na nakasimangot lamang sa kanya.

***

"That's enough," wika ng boses na tila humigit sa akin sa pakiramdam na tila nasa ibang panahon. I blinked my eyes few times and I realized I was still in the Blue Room, sitting on the hairdryer-like chair. Napasinghap ako sa alaalang iyon. Those two kids...

I tipped my head to look at the person standing beside me. He lowered his head and moved near to mine. "What did you see Kitten?"

Tila may sariling utak ang mga kamay ko at dumiretso sa kanyang leeg. I strangled him as hard as I could, my nails buried on his neck. "Don't call me Kitten!"

He smirked and nodded his head. Tinanggal niya ang kamay ko sa leeg niya. Blood dripped from the little wound. He shook his head as he saw his blood. "Not bad," wika niya at kumuha ng panyo upang punasan ang dugo roon.

I stood up from my chair and opened my palm in front of him. "Give me the memory drive."

"This?" Iniangat niya ang kamay na may hawak sa maliit na bagay ngunit naglalaman ng napakaraming alaala. When I was about to grab it, he closed his palm tightly. "Not so fast Sonia Gallego."

"Akin na 'yan! Hindi 'yan sa'yo!"

"Not yours either."

Kumuyom ang mga kamao ko sa nararamdamang inis sa mga sandaling ito. Yes, it's not mine but between the two of us, mas may karapatan akong mag-may-ari niyon! "What do you want?" I asked.

Nikon smiled at me. "You know very well that there's no more free thing here. Are you willing to give whatever I ask?"

I kept my head clear. Kailangan kong isipin nang mabuti ang lahat bago gumawa ng mga desisyon at magbitaw ng mga salita. If there's something Gon thought me, on of it is being not impulsive.

"Why are those memories inside that thing? How did you get that?" sunod-sunod na tanong ko. "Sino ka?"

"One question at a time Gallego," sagot niya. "Pentagon Grande Bermudo's memories are in this thing because of the adverse effect of the parasite dahil sa simulation. I got this thing because I am the one in-charge of it, I mean I am the new in command of the simulation. Lastly, I am Nikon Zamora."

I rolled my eyes. "Don't give me that crap. Sino ka Nikon Zamora?"

Nakipagsukatan siya ng tingin sa akin at ngumisi. "Gaya mo ay mamamayan ako ng Capital Gallego. Two years ago, I devoted myself for the improvement  of the Capital. Gaya mo ay nais ko lamang ng pagbabago sa lugar natin. Sawa na ako sa isang kahig, isang tukang pamumuhay sa 5th Ward." I saw how his eyes glistened with sadness and desire for something. I know he has a story behind but what gives him the right to take possession of Gon's memory? Puto, ano pa ba ang nagagawa ng lecheng P2 na iyan?

"Paano naman ako makakasigurado na memorya nga ni Gon ang laman niyan at hindi lamang ang kaunting ipinakita mo sa akin?" I need to be inquisitive at nang hindi ako maloko. We cannot trust anyone these days.

"How would I know that you are his Kitten?" he asked with a smirk.

"Sorry but that doesn't validate it. Makapal ang mukha ni Gon at wala siyang pinipiling oras o lugar kung kailan at saan ako tatawagin ng Kitten. You could have heard it somewhere," wika ko sa kanya. Hindi niya ako maloloko sa mga pinagsasabi niya. Sorry Gon pero real talk, wala ka talagang hiya sa katawan.

"How about a scene where a young kid, his brother saw how his mother was molested at the middle of the night. Sinubukan nitong atakihin ang taong iyon but end up getting shoot pero sinalo niya?" tanong niya. Hindi ko mapigilan ang pagkuyom ng kamao ko. He even used that sensitive memory!

"I-I'm s-still not convinced."

He looked up and thought fo a while. "How about how he used to jump from the hole of his room's floor, towards your room?"

Now that's something Gon and I only know at imposibleng malaman niya iyon. Paano kung totoo ngang naimbak nila ang mga lost memories ni Gon na dulot ng adverse effect ng P2 sa kanyang katawan dahil sa dugo ni Papa na humalo na rin sa dugo ng papa nila?

"Anong kailangan mo sa akin?" tanong ko.

Umikot siya sa akin habang hinagis-hagis sa ere ang hawak. "That is the question I've been waiting for. You may not know it but you're someone very famous right now."

I cocked my brow. "Famous?"

"Yup. The heroic deed, is that even heroic? Iyong ginawa mong pag-expose sa nangyayari, people merit that at sinusuportaan ka nila. Ang nangyaring iyon ang siyang dahilan kung bakit ganito ang nangyayari sa Capital ngayon. Bumaba ang ekonomiya, slow ang progress sa repairs and infrastructure, and lalong mas naghihirap ang mahihirap. Is that what you want Kitten?" he asked, emphasizing the word Kitten.

"Isang tawag mo pa sa akin ng kitten, hindi ako magdadalawang isip na kalmutin ang pagmumukha mo." How dare him! Si Gon lamang ang pwedeng tumawag sa akin ng ganoon. Si Pentagon lamang at wala nang iba.

Tumawa siya at umiling-iling. "Okay, but my point is that kahit si Pentagon ay hindi gustong ganoon ang mangyari."

"Could you get straight to the point?" Ang dami pa niyang pasakalye!

"The point is that you're the reason why Elpidio Moran is abdicated thus letting his booby brain wife replaces him."

Puto, booby brain? Biological mother ko pa rin 'yon!

"And this is what happens if you let someone without adequate knowledge handles the Capital, in a year or two mas magiging malala ang mangyayari. So my proposal is simple, convince people to support the newly proposed project of the Head of the Food and Drug Administration ng Capital. He's the one who handles the Project RUM. I know kilala mo na siya, remember Dr. Aaron?"

"Si Doctor Aaron? Pusangina niya, oo nga pala siya nga pala ang namamahala niyon, puto!" I said, more like mumbling to myself than telling it to Nikon. "Anong koneksyon mo sa kanya?"

"Dr. Aaron lifted me from the poverty. Kung hindi dahil sa kanya, baka isa pa rin ako sa mga basagulero ng 5th Ward na walang kalaban-laban sa mga elite. He's someone with good intentions. When P:RUM was contradicted by people, he eliminated it and declared it a failure. But that doesn't end his sense of responsibility. He proposed to launch the Project:RUM 2.0 with the objective of giving the nutrition and satisfaction to the citizens of the Capital at hindi lamang sa mga elites. Hindi na rin ito karne mula sa katawan ng mga matatanda sa Foster. I assure you that," paliwanag niya at humalukipkip. "Simple lang naman 'to at win-win situation pa para sa'yo at sa Capital. You support and promote this project, you can get Pentagon Bermudo's memories, the Capital wll have an ultimate meat for everyone."

Tiningnan ko siya nang mabuti na tila ba malalaman ko kung totoo ang sinsabi niya sa tinging iyon. "Hindi ko pa rin maintindihan. So what if I support this?"

"The key term here is influence. You can influence a lot of people lalo na at matunog ang pangalan mo ngayon. Balak ka nga nilang parangalan sa kabayanihan mo." Tumigil siya at bahagyang tumawa na tila ba nakakatawa ang sinabi niya. May sayad na yata siya. "If you support this project, people will support this too lalo na at alam nilang ipinaglalaban mo ang tama." Sumulyap siya sa suot niyang wristwatch. "I took a while explaining this to you. Siguro hindi ako magaling magpaliwanag o mahirap ka lang paintindihin."

Puto, pinapunta ba niya ako rito para sa talkshit'tan? Pusangina mo Nikon Zamora.

"How about a counteroffer?" tanong ko.

"Shoot."

"I will work on this project," wika ko sa kanya. That way, masisigurado ko na walang anomalya silang gagawin. That they will do it the right way.

"Even better," sagot ni Nikon.

"And another thing. Tungkol sa nangyari noong torch lighting ceremony—" He cut me off.

"Ah, about women? I can assure you that I will work hard on that at para na rin mabigyan ng magandang pakikitungo ang mga kababaihan hindi lamang sa Academy kundi sa buong Capital," buo ang boses a wika niya.

"Magagawa mo 'yon?" Weh, he can compel everyone in the Capital to do that?

"Not me but the Capital can. We can ask the lawmaking body to make that as an ordinance." Inilahad niya ang kanyang pala sa harapan ko. "So it's a deal?"

Tinitigan ko siya sa huling pagkakataon bago ibinaba ang tingin sa kanyang kamay. Huminga lamang ako nang malalim bag tinanggap ang kanyang palad.

***


Lutang ang pakiramdam ko nang  bumalik ako sa dorm namin. I kept on thinking if I made the right decision in making a deal with Nikon. Pero tama naman siya. It's a win-win situation. At dahil sa counteroffer ko na tinanggap naman niya ay mas mamo-monitor ko kung ano ang ginagawa nila.

Nang makarating ako sa pinto ay wala sa sariling binuksan ko iyon at pumasok sa loob. Suddenly, I screamed my lungs out when I saw a huge aquarium in front of me at may laman pang malaking isda na nakamata pa sa akin!

Puto, of all fish, groper pa talaga! Its teeth were shown like it was intentionally showing me those! Its eyes were bulging at puto siomai mamon monay, hindi ako maganda pero ang pangit niya!

My scream echoed on every side of the dormitory kaya lumabas ang lahat ng naroon, and to my surprise one of them is KL.

"Mylabs!" he shouted at tumakbo palapit sa akin at niyakap ako. Uh, the hug is not necessary. Ang kailangan niyang gawin ay alisin sa harap ko ang napakpangit na isdang iyan! Nakita kong napatingin si Tatsulok sa akin pero walang kahit ano sa mukha niya. He turned to his back before going back to his room.

Saka ko pa lamang naitulak palayo sa akin si KL. "Ano ba. Pwede ba alisin mo nga yang isdang iyan sa harapan ko!" Okay, so maybe (just maybe) one of the reason that KL and I didn't last dahil mahilig siya sa isda samantalang ako ay takot sa isda.

Lumapit siya sa isda at tinapik ang malaking glass aquarium. "Paano ba 'yan Sunny, doon ka muna sa labas kasi takot si mylabs sa'yo. Wag kang mag-alala, gagawa ako ng tamang tirahan mo."

Biglang nagpanting ang mga tenga ko. "Sunny? You named that ugly creature after me?"

KL pouted. "Eh ano ngayon? Magkamukha kasi kayo—"

"Shut up KL!" Magkamukha? Like yuck. Kanina lang nilait ko yang isdang iyan tapos ngayon sasabihin niyang kamukha ko? I walked sideways na para bang crabs at nagmamadaling umakyat sa hagdan.

"Itapon mo 'yan KL or ako mismo ang magtatapon niyan!" I taunted when I reached the stairs kung saan nakatayo si Coco at Megan na lumabas kanina nang sumigaw ako. "Tsaka ikaw rin, umalis ka na rito, dalhin mo 'yan." Mahinang kinalabit ako ni Coco kaya napatingin ako sa kanya. "What?"

Tinuro niya si KL na tila baliw habang nakangisi sa groper. "Sunny, dito siya nakatira, kalilipat lamang niya. Siya ang bagong roommate ko."

"What?!" I pressed my fingers on my forehead. Sa tingin ko ay kailangan ko nang sanayin ang sarili ko sa presensya ni KL. I shook my head before I entered our room.

***


Dahil hindi ako makatulog ay nagpasya akong maglakad-lakad na lamang muna sa hall kung saan kami nagka-klase dati bilang bridge class. Ayaw kong maistorbo si Megan sa kwarto namin kaya rito na lang muna ako. We were still staying at Bldg. 1485 at mas mabuti na rin na hindi na kami lumipat dahil masyadong hassle.

I walked towards th cabinets and viewed the books that Papa's class used during their time. May mga project proposal din doon at mukhang matatalino naman talaga ang kanilang batch. Kinuha ko ang folder na dati ko nang nakita na naglalaman ng mga larawan at listahan ng Royals noon.

I stared at Hilary Celdran's photo. Paano kaya kung sila ni papa ang naging mag-asawa? How would she treat me as a daughter? I cannot think of anything or maybe my mind just refused to. Paano kaya kung malaman niya ngayon na anak niya ako? ANo ang gagawin niya? Hihingi ba siya ng tawad sa akin at babawi? Sunod kong tiningnan ang larawan ng Royals.

My thoughts were cut off by a loud sound on the door. Nahulog ang dalang fishbowl ni KL at nagpalingon-lingon siya sa paligid. His smile widen when he saw me at lumapit siya sa akin, ignoring his shattered fishbowl.

"Gising ka pa pala mylabs?" He glanced at his wristwatch. "Mag-aala una na ah?"

"I can't sleep," sagot ko. "Ikaw?"

Tiningnan niya ang nabasag na fishbowl. "Inaayos ko pa ang mga isda ko. Anong ginagawa mo rito?" Bumaba ang tingin niya sa hawak kong mga papel at mga larawan. "Ano iyan?"

I inhaled sharply and looked at the pictures intently. "Do you see this woman?" Tinuro ko ang picture ni Hilary kung saan kasama niya ang mga Royals.

"Bakit?"

"She's my mom," wika ko. Nagulat ako nang kinuha iyon ni KL sa kamay ko at tiningnan nang malapitan. "Hindi naman iyan si Mama Almi—" He stopped halfway when I glared at him. "Tita pala. Tita Almira."

"Iyon na nga eh, hindi ko mama si Mama."

"Ha?" Naguguluhang tanong niya. I had the same reaction before. Noong nalaman kong android si mama, gulong-gulo ang isipan ko. I also thought Marie is my mother pero kumplikado ang mga bagay-bagay. Jean Claude and I are paternal siblings at magkaiba kami ng ina. Puto, edi si Papa na ang gwapo.

"Mahirap ipaliwanag at medyo magulo," wika ko at tinangkang agawin ulit sa kanya ang picture ngunit humigpit ang hawak niya roon at tiningnan iyon nang mabuti. His forehead was creased and he was staring intently at the group photo, particularly at someone.

"Hoy akin na."

"Mylab, kilala ko 'to!" wika niya at tinuro ang isang lalaki sa larawan. Tinuro niya ang lalaking kaakbay ni papa sa picture at nakangiti nang malawak. My hands became cold, my fingers shiver. He was pointing at Trapezoid Bermudo!

"KL, pmatagal nang patay ang taong iyan kaya akin na," wika ko at tinangka ulit na agawin ang picture ngunit inilayo niya iyon at mas tinitigan pa.

"No. Hindi ako pwedeng magkamali. Kilala ko 'to. He's a little bit older now pero kilalang-kilala ko ang ngiting ito at siya mismo." wika ni KL.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa narinig. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, matatakot or whatever.

"He's a very rich man in Tussah engaging in an underground business whose operations were in the Black market," bulalas ni KL. "He sponsored a lot of MMA fights at isa siya sa mga naging sponsor ko. Actually, siya ang pinakamalaking sponsor ko. His name is Mr. Trap Lennon!"

Nagbago ang ekspresyon ng mukha ko nang biglang bumuo ang kung anu-anong teorya ang isipan ko. Mga teoryang hindi magugustuhan ng kahit na sino. Mga teoryang dapat ay iwaglit ko na sa isipan ko. I gritted my teeth before I was able to grab the photograph from KL's hand. "Nope, his name is Trapezoid Bermudo. He' s someone who was reportedly killed fourteen years ago."

#

Sunny, the groper/grouper is here

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top