CHAPTER 44: PROJECT: RUM 2.0

Chapter 44: Project: RUM 2.0

The food was great and I am so full. Sinulit ko na rin ang pakain ni Trap Lennon. Ngayon ay nasa sala ako ng bahay ni Trap at nagkakape. I am still not fond of this traitor but here I am nakipagkape ako kasama siya. I just want coffee, that’s all pero hindi ibig sabihin ay ayos na sa akin ang mga ginawa niya.

He took a sip from his coffee at tiningnan ako. “Did you enjoy the food?”

I rolled my eyes. “Huwag na tayong magplastikan pa Trap Lennon or should I call you Trapezoid Bermudo? Sabihin mo na lang sa akin kung bakit alam mo ang pangalan ko at bakit binili mo ako kay Palomo?”

He sat straight and looked at me. His face was a bit wrinkled dahil sa edad niya. I can’t help but notice the physical features that the twin inherited from him. Sa ugali ewan ko lang. It seems like none of the twin will be a traitor like him!

He looked at me with amazement in his eyes. “Anak ka nga ni Mozart, may kuhang-kuha mo ang ugali niya.”

Umingos ako sa kanya. “Gano’n ba? Eh ikaw? Tatay ka ba talaga nina Tatsulok at Pentagon? Hindi sila traydor gaya mo eh.” Puto, ang tapang-tapang ko talagang sumagot kaya minsan parang ang sarap sapakin ng sarili ko. Paano kung mainis siya at ibalik na lamang ako kay Palomo?! Uh, please no.

I know I could end up being strangled kapag nainis si Trap sa tabas ng dila ko. He just smiled sadly at tila nag-isip nang malalim. “I don’t want them to take after me, duwag ako.” May hinanakit sa kanyang boses, alam ko dahil dama ko iyon pero hindi agad ako nagtiwala. Mahirap na. “Naduwag ako. Inaamin kong naging traydor ako.”

“Buti naman alam mo...”

“I became selfish, I assumed your father’s identity and take advantage of his name and wealth,” sabi niya. “But them Mozart didn’t confront me over it. Hindi siya nagalit, bagkus ay nagpasalamat pa siya.”

“Are you trying to defame my own father in front of me? Na utang na loob pa niya sa’yo na naging traydor ka? Ayos ka rin no?”

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at nagpatuloy sa pagsasalita. “Natakot ako noon nang pinapatay ako ni Elpidio. Binugbog ako ng mga tauhan niya kaya nagkunwari akong patay at iniwan nila sa boundary. I crawled my way towards here at Tussah. Puro ako galos noon, at akala ko ay mamamatay na ako but when the embassy performed tests on me, I was a royal blood. Wala pa ang mga taong gaya ni Palomo noon and the king was informed about me so he discreetly met dahil akala niya ay ako ang anak niya. I was desperate that time at niloko ko siya na ako nga anak niya. He provided me everything I need, shelter, wealth, lahat-lahat ng kailangan ko. Ngunit namatay ang hari at hindi niya alam na hindi talaga ako si Mozart...”

“I took advantage of the king’s kindness thus betraying Mozart at binalak kong dalhin dito sina Gon at Triangle, but the king’s death changes everything. Naging mahigpit ang Tussah sa pamumuno ng bagong hari. He restricted everything including freedom of thoughts at naisip kong this is no place for my smart kids kaya hinayaan ko na lamang sila sa Capital...”

Sa bawat salitang sinasabi niya ay napapakuyom ako. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya o hindi. “Without thinking how hard it was for them?”

“P2’s effect made it possible for me to bear it,” sagot niya. “Nawala sila sa alaala ko. I feel like something’s deteriorating in my mind kaya sinubukan kong gumawa ng gamot para sa sarili ko and I found out, my memories were lost dahil sa epekto ng P2.”

“Pentagon too at hindi iyon madali para sa kanya,” sabi ko. “At wala ka para tulungan siya dahil nagpapakasasa ka rito.”

He nodded and gave me a lonely smile. “I know but I guess it’s better that way. Makikita lamang niya ang mapapait na mga nangyari sa buhay niya. Hope he took that as a blessing in disguise. So back to my issue with your father, oo tinraydor ko siya pero hindi ko inaakalang ipagpapasalamat niya iyon sa akin. The device in his chest isn’t a trigger to the Capital. Hindi totoong sasabog ang buong Capital kung sakaling mamatay siya. It’s an implanted bomb na papatay sa kanya if ever he set foot to Tussah.”

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. I didn’t expect that thing. Kung gayun, kung may nais pumatay kay Papa, halimbawa si Moran hindi totoong iti-trigger niyon ang nuclear weapon ng Tussah? Puto ang gulo, ano ba talaga ang totoo?!

“Ginawa iyon ng reyna para masiguradong hindi siya makabalik sa Tussah dahil bastardong anak siya ng hari. The queen fear that one day, the kid Mozart will grow up really smart and might overthrow her and the crown prince kaya ginawa niya iyon.I learned it from the king himself, hindi niya alam na ginawa iyon ng reyna noon. And I was such evil to trick him na natanggal ko iyon at nagkunwaring anak niya.”

Hindi ko maiwasang mapaiyak dahil sa kondisyon ni Papa. All this time he bear that burden to himself. He made false stories about it to protect me ngunit ang totoo, the device isn’t an ace in his sleeve... it is something that might kill him. Now I appreciate my father even more.

“I always met Mozart at the boundary to fix everything. Mozart’s from here pero hindi man lamang niya magawang tumuntong sa lupain na ito. Just like you, we’re doing something for Tussah. We’re fighting for what we think is right. Kung iniisip mong ang pagpunta mo rito sa Tussah ay makalulutas ng problema sa Capital, nagkakamali ka Sunny. As we talk right now, worst things have been happening at the Capital.”

Naalala ko ang sinabi ni KL sa akin. Trap Lennon is his rich sponsor. “How about your connection with MMA fighters na mula sa Capital?”

“Ah, well I sponsor them to get information about what’s happening at the Capital. Capital’s security has been doubled since then kaya mahirap kung ako pa mismo ang personal na makibalita that’s why I sponsor kids who wants to earn money the fast way,” sagot niya. Sumulyap siya sa suot niyang relo. “It’s about time. Let my personal doctor treat your wounds at makikipagkita tayo sa ama mo.”

***

Trapezoid wasn’t joking when he said pupunta kami kay Papa. I let my guards up as we rode his car towards the boundary dahil baka sakaling may masama siyang balak ngunit pagdating namin doon ay naroon nga si Papa. He was a little thinner than the last time I saw him.

Agad ko siyang niyakap at umiyak. The last time I heard about my father is when he told me that there’s no device in my heart at nang sinabi niya ang tungkol sa mama ko at kay Gon. It’s been a long time since the last time I saw him.

“Miss na miss na kita Papa,” umiiyak na sabi ko sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Nakatayo lamang sa di kalayuan si Trap at nakamasid sa amin.

“Miss ko na rin kayo ng kapatid mo Sunny, pasensya na kung ganito ang kinahinatnan ng lahat,” wika niya. He doesn’t have to ask forgiveness over it dahil una sa lahat ay hindi naman niya iyon kasalanan. Like me, he’s just a victim of a shitty system and abusive leaders. “I know everything is hard but you can make it right?”

“P-papa si Jean-Claude...” I worry for my brother. He openly showed his rebellion to Moran, paano kung gumanti sa Moran sa kanya?

“Jean-Claude can handle that matter,” buo ang boses na wika niya na para bang siguradong-sigurado si papa.

“Paano kung hindi? You know Moran, you know how oppressed--”

“Sunny...” Hinawakan ni papa ang kamay ko at ngumiti sa akin. “Anak ko kayong dalawa kaya may tiwala ako sa inyo. I’m sorry for keeping everything from you. Parenthood is never easy.”

“But you’re doing great papa...”

Ngumiti siya at tinapik ang ulo ko. “Go home Sunny. The Capital is your home.”

Of course I want to but I made a deal with Nikon. I told him to return the memories of Pentagon. Isa pa ay may punto siya, ako lamang ang nagpapakumplikado ng lahat. Paano kung pagbalik ko ay mas magiging kumplikado ang lahat? Paano kung may magsakripisyo ulit dahil sa akin?

“Pero...”

“Don’t worry, none of your friends are going crazy looking for you,” wika ni Papa na kasabay ng tawa kaya napasimangot ako. “Totoo, hindi sila nag-aalala nang malaman nila kung nasaan ka nang bigla kang nawala.”

“Who told them?”

“A guy named Nikon,” sagot niya.

“Teka, saan mo nalaman ang lahat ng iyan Papa?”

“Kay Gon,” he replied. Oh, yeah. Oo nga pala, close na pala sila dahil nasa poder ni Papa si Gon noong nagpapagaling siya. Pero puto, anong sabi niya? Si Nikon mismo ang nagsabi? He didn’t lie or anything? “Gon’s memories are back kaya hinanap niya ako upang kausapain. And they were relieved that you’re not at the Capital anymore.”

Hindi ko alam kung iniinis lang ba niya ako or what. Okay, hindi ko naman inaasahang mababaliw silang lahat sa pag-alis ko pero ganoon lang? Chill chill lang sila? Pusangina?!

“Why?” tanong ko. Puto, assuming na kung assuming pero hindi man lang ba nagpanic si Tatsulok na wala na ako? Hindi ako nagpaalam sa kanya hindi ba? Si Gon, akala ko ba best friend niya ako? Akala ko ay hindi niya ako hahayaang mawala, puto?! Hindi ko tuloy maiwasan ang mainis sa kanila.

Sumeryoso ang ekspresyon ng mukha ni Papa. “That’s because the Capital has worsen following the declaration of Anarchy. Also, Project:RUM has officially launched and P:RUM Meat and Meat products are already circulating at the Capital. It’s the reason why they’re a relieved that you left the Capital.”

Circulating na ang P:RUM 2.0? Agad-agad? Parang wala naman kaming masyadong ginawa noong nasa Capital pa ako. Hindi ba junior researchers kami? Mga basic lang ang naituro sa amin but everything essential in the project wasn’t taught to us yet kaya hindi ko inaasahan na nagsi-circulate na sa Capital ang proyekto. Like officially? Puto, I’m so outdated.

Ang mga sumunod na sinabi ni Papa ang mas nagpagulat sa akin at mas lalong nagpagalit. Galit na galit ako dahil doon kaysa sa ginawa ni Palomo sa akin o kahit sa hindi man lang pagpanic nina Pentagon na nawala ako.

My father looked at me with a worried expression. “P:RUM 2.0 is human meat, specifically of a woman.”

Pusangina, ano?!

#

VOTE AND COMMENT
Thanks :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top