CHAPTER 41: IMPOSSIBLE IS IMPOSSIBLE
Chapter 41: Impossible is Impossible
Binuksan ko ang mga mata ko at ilang beses na kumurap. Hindi ko alam kung gaano katagal ako sa loob ng capsule pero alam kong medyo matagal-tagal din dahil sumasakit ang likod ko. The lighting became red at tila may warning tone bago bumukas ang capsule.
I was welcome by a building made of glass. Hindi ko alam kung nasa Tussah na ba ako o hindi dahil wala akong nakikitang kahit ano sa paligid maliban sa tuyong lupa. Huminga ako nang malalim at buong tapang na humakbang patungo sa gusaling gawa sa salamin. My tummy made a sound at ngayon ay ramdam ko ang gutom.
Hindi ko pa man nararating gusali ay bigla na lamang lumabas ang tatlong lalaki mula roon at sinalubong ako ng mga armas. They were dressed in black tights with blue lining on the side. Tila flippers pa ang suot nilang mga sapatos. Puto, ano sila mga marine divers? Pusangina, kung may mga fake astronaut ang Capital, dito naman mga fake divers.
“Sino ka at anong pakay mo rito?” tanong ng fake diver na may bigote. Nakatutok sa akin ang hawak niyang armas. I’m not freaking out over it, siguro kung syringe ang hawak niya baka mas matakot pa ako.
Itinaas ko ang hawak na envelope na naglalaman ng mga dokumento at tiningnan niya muna ako nang masama bago binuksan iyon. Binunot niya ang tila rod na nasa tagiliran at tinusok-tusok ang mga papeles ngunit hindi naman pinunit. Mayamaya ay tumango siya sa mga kasama niya at ibinaba naman nito ang mga armas.
Puto, ano ‘yon? Tinusok lang gamit ang rod,gano’n na agad? Wow, parang gusto kong magkaroon ng ganoong rod ah.
“Sumunod ka sa akin,” sabi niya at ibinalik ang hawak kong envelop na naglalaman ng mga papeles. Tahimik na sumunod lamang ako at sa bawat hakbang ko ay dumodoble ang nararamdaman kong kaba.
Pumasok kami sa loob ng gusali and like the exterior, the building was made of mirror glass inside at tila nagmukha iyong maze. He walked straight so I followed him silently kahit kumakalam ang sikmura ko. Damn, bakit hindi ko man lang naisip na magbaon?
Hindi ko alam kung nasaan na kami dahil puro salamin lamang ang nakikita ko until he pushed a mirror and I saw a woman in a mirror desk. Binuksan lamang ng fake diver ang pinto ngunit hindi siya pumasok so I figured out na ako lang ang papasok. The woman in the desk smiled at me.
“Good day welcome to Tussan Embassy, how may I help you?”
Hindi ako nagsalita at sa halip ay iniabot lamang sa kanya ang envelop. Unlike the fake diver, she examined the documents inside at hindi lang basta tinusok-tusok iyon. Mayamaya ay ngumiti siya sa akin at may pinindot sa gilid ng mesa niya.
“Here’s a woman with some documents,” sabi niya sa intercom na nasa gilid. Tinuro niya ang salamin sa harap ko. “Please enter that way.”
Pilit na ngumiti lang ako at pumunta sa salaming tinuro niya. Pushing the mirror, it opened and a dim mirror maze welcomed me. Isang lalaking nakadamit doktor naman ang sumalubong sa akin.
“I received your files,” sabi niya at may lumabas na hologram sa gilid niya. Those where the contents of my documents. “This is a medical checkup to see whether your claim is true or not. I’m Doctor John.”
Tumango lang ako at hindi nagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya sunod lang ako nang sunod sa kanila.
“Kailangan mong dumaan sa physical and medical exam to check if you’re eligible to enter Tussah.”
“Uhmm, excuse me po,” sa wakas ay sabi ko. “wala pa po ako sa Tussah?”
Umiling siya sa akin. “Nasa Tussan embassy ka pa, which is located on the boundary of Capital and Tussah. Galing ka pala sa Capital.” Tumango ako bilang sagot. “But your documents says you’re Tussan?”
Tumango ulit ako. “H-hindi ko po alam kung bakit nasa Capital ako.” Iyon ang sinabi sa akin ni Nikon na dapat kong isagot. I think I’ll be safe using that answer.
“I see. So let’s go now to the medical test,” sabi niya. “We need to check if you don’t carry diseases and other complications kung sakaling makapasok ka man ng Tussah. Kailangan ding matiyak na walang kahit anong metal sa katawan mo na nakabaon or it maybe a threat to Tussah. You will also undergo CT scan and other tests. Is that fine?”
I almost roll my eyes, puto, buti hindi ko ginawa. Hello doctor, may choice ba ako? “S-sige po.”
“Good, go to that room and change into medical gown,” sabi niya at tinuro ang tila salamin sa gilid. Puro salamin naman talaga doon which is creepy. Ang dami kong nakikitang ako. I silently followed his order and changed into the medical gown nang lumabas ako ay tila sinusuro niya ang records ko na nasa hologram.
“This will only take an hour,” sabi niya sa akin.
Gaya ng sinabi niya ay halos isang oras lang talaga ang tinagal ng mga test. Kung anu-anong test ang ginawa sa akin-- and thankfully, noting that involved a syringe. Mabuti na lamang din na hindi ako nagwala kanina nang pilit niya akong pinatae. I was obedient all throughout the test as he analyze the result, nakaupo lamang ako sa gilid at nagmamasid sa kanya. Hindi ko maiwasang mapansin ang mga pagkakataon na manakanakang kukunot ang noo niya, manlalaki ang mata at kung anu-ano pang reaksyon ngunit agad din naman niyang tinatago sa tuwing mapapansin na nakatingin ako sa kanya.
Ilang minuto ay hinubad niya ang suot na gloves at lumapit sa akin. “Congratulations, you are eligible. So, you really have no idea how you end up being at the Capital?”
Tumango ako. “D-doon na ako lumaki.”
“How about your parents? No idea?”
I shook my head. Ayaw kong magsalita, baka mahahalata lang niya na nagsisinungaling ako. They won’t do a background check at the Capital anyway.
“I see,” sagot niya. Bumukas ang pinto at pumasok doon ang babaeng nasa desk kanina at titig na titig siya sa akin. Puto, feeling ko tuloy ang ganda-ganda ko. Or maybe it has something to do with my result.
She smiled at me at tinuro ang pinto. “The shuttle that will bring you to Tussah will be here in five minutes. Sumama ka sa akin.”
Tumayo ako sa kinauupuan at nagpaalam kay Doctor John. Hindi ko pa rin mapigilang maasiwa sa tingin niy a sa akin ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin. The woman brought me to a glass elevator. May dala siyang tila tape.
“By the way, give me your wrist.” Inabot ko naman ang palapusuhan ko at naglagay siya doon ng tape na tila ginawang bracelet. I noticed there were numbers written on the tape and when I unconsciously tried to remove it, hindi iyon natatanggal.
“You need that to enter Tussah,” sagot niya sa akin at ilang sandali ay bumukas na ang salamin. May mga fake divers sa paligid at may sasakyang nakaabang. “She can make it on time,” sabi niya sa lider ng mga fake diver.
Nagtanguan silang dalawa at ayaw ko sanang maging paranoid pero puto, hindi ko gusto ‘yong tanguan nilang iyon! The fake divers open the shuttle at pinapasok ako roon. Tila natakot tuloy ako pero mukhang wala na akong pagpipilian kundi sumakay. Sumakay rin ang lider ng fake divers samantalang naiwan ang iba.
Few moments later, I felt the shuttle move and I’m sure we’re heading to Tussah right now. Ilang beses kong pinigilan ang sarili ko ngunit gustong-gusto ko na talagang magtanong.
“H-hello po, mga ilang oras po kaya bago tayo makarating sa Tussah?” tanong ko. Puto, gutom na gutom na ako.
“Ilang sandali na lamang.”
Tumango ako at nanatiling tahimik. Nakiramdam ako at nag-isip ng kung anu-anong scenario sa isipan ko kung ano ang bubulaga sa akin sa Tussah, o kung ano ang magiging buhay ko roon. It’s hard leaving everything behind but once in our life, we have to make decisions like this. I think this will be for the better. The shuttle stopped at binuksan ng lider ang pinto kaya bumaba rin ako. Nagulat na lamang ako nang bigla siyang maglagay ng shackle sa mga kamay ko.
What the hell?!
Shaking the metal on my hand, I asked him. “Para saan ‘to? Bakit kailangang may kadena?” Puto, bakit para akong kriminal sa ganito? He didn’t answer, at kung wala lang sana ang shackle sa mga kamay ko, malamang sinapak ko na siya. The place was dim at tanging mga torch na nasa dingding ang nagsisilbing ilaw sa daan. Bigla akong kinabahan. Are we in a tunnel?!
“Hoy, pusangina mo ano ‘to?”
“Kung hindi ka tatahimik ay pati ang mga paa mo, ikakadena ko,” sagot niya at tila kumulo ang dugo ko. Puto, anong sitwasyon ‘to? He grabbed me as we walked on the dim tunnel until he knocked on the door.
Bumukas ang pinto at muntik na akong mapasigaw nang may malaking lalaking tila may peklat ng taga sa mukha ang lumapit sa akin. Inamoy-amoy niya ako-- puto ano siya aso?!
“Siya na ba ang sinasabi ninyong maharlika?” Tumango ang leader ng mga fake divers. “Sabihin mo kay Doctor John na bukas na bukas ay idedeposito ko sa account niya ang pera, makakaalis ka na.”
Tila asong sumunod naman ang leader ng fake divers samantalang naiwan ako sa harap ng lalaking may peklat ng taga sa mukha. He rubbed his palms together at tila excited na excited.
“W-what is this about?” Pusangina, plano ba ‘to ni Nikon? But no, I don’t think so.
“Hindi ba sinabi sa’yo ni Doctor John? Hindi ko siya masisisi, baka tumakas ka pa palayo. Pag-aari na kita. Nailabas ko na rin ang mga advertisement para sa kung sino mang gustong bumili sa’yo and guess what? Ang daming tumawag kahit isang minuto pa lang ang lumipas! Pagpipilian ko pa kung sino ang may pinakamataas na offer,” sagot niya. Lumapit siya at inamoy-amoy ang buhok ko kaya napaatras ako. Puto, ang creepy niya!
“Anong pinagsasabi mo? Is this how you treat the people of Tussah?”
Tumawa siya na parang tanga. “No dear, but this is how we treat foreigners and Royal bloods like you.” Bigla niya akong hinablot sa buhok at napadaing ako sa sakit. “Malaki ang kikitain ko sa’yo.”
Hinila niya ako palabas ng silid na iyon at dinala ako sa silid na puno ng mga kulungan. Pusangina, anong tingin niya sa akin, hayop? Natigilan ako nang makitang may mga taong laman ang mga kulungan. The cages were made of huge metal bars. All their eyes were on me nang muli akong napadaing sa sakit dahil tinulak ako ng lalaking may peklat. I fell on the floor and I watched him get something on the wall.
A collar.
Kinabit niya iyon sa leeg ko at gustong-gusto ko nang dumura sa mukha niya pero pinigilan ko ang sarili ko. I saw whips and other torture equipment on the wall and I don’t want to experience those. Puro mura na lamang ako sa isipan ko habang kinakaladkad niya ako patungo sa isang bakanteng kulungan at pinasok doon. He locked the cage and smirked as he walked away.
I blinked few times to prevent my tears from coming out. I expected that treatment to me at Tussah will be different, I didn’t think it would be this different. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak. Kumawala ang mga hikbi ko kahit anong pigil ko at alam kong naririnig ako ng iba. In fact hey were all looking at me with their sympathizing eyes. I know it, they’ve experience something like this. My wails and cries echoed on the room as my hand reached for the collar on my neck.
“Kung ako sa’yo hihinaan ko ang pag-iyak ko,” sabi ng babaeng nasa kabilang kulungan. Gaya ko ay may collar din siya. Sa katunayan ay lahat kami na naroon. There were visible wounds on their body which were obviously because of whipping. “Kapag narinig ka ni Palomo, lalatiguhin ka niya.”
“Palomo pala ang pangalan ng pusanginang ‘yon?” I asked in between my sobs and she nodded. Puto, kapag ako nakawala rito, lagot sa akin ang Palomong iyon. “Nasaan tayo?”
“Nasa Tussah,” sagot naman ng lalaki sa kabilang kulungan. “Nasa bahagi ng Tussah na hindi saklaw ng gobyerno.”
“B-bakit tayo nandito?” I know I’m asking so many questions right now but I really need answers.
“We will be sold to the elites,” sagot ng babae sa kabila. “We will be treated as pets. Ituturing nila tayong mga hayop so we’ll be living in a leash and collar or even cage.”
This is not what I expected, not even close to this. “Bakit ganito?”
“It’s either hindi ka purong Tussan or Royal blood ka, which one are you?”
“Doesn’t matter,” sagot. “Gusto kong malaman bakit ganito ang ginagawa nila.”
“The government didn’t know about this,” sagot ng babae sa gilid ko. “All my life I grow up in Tussah until I discovered na may dugong Morosa ako.” She’s referring to the other city na malayo sa Tussah at Capital. If geographically speaking, Capital at Tussah ang pinakamalapit na mga syudad. “The government treat people well but elites hate us kaya heto ako ngayon. By the way, I’m Caina, ikaw?”
“Sunny, mula ako sa Capital.”
The others also introduced themselves at ang lalaking nasa kabilang kulungan ay si Klein, another guy was Gino and the other girl was Alea. Sabi nila ay marami sila roon dati ngunit nabili na ang iba. Thinking about it made me scowl. Pusangina, anong pinagkaiba nito sa kawalanghiyaang pinaggagawa ni Moran?
“The Tussan elites believe that this is no place for mixed bloods kahit na ayos lang iyon sa mga Maharlika, and they welcome people well as Tussah citizens pero hindi talaga nawawala ang mga taong nais nais ibagsak ang mga namumuno kahit gaano pa sila kabuti,” paliwanag nila. “Isa pa ay mukhang pera ang naka-assign na doctor sa embassy at hindi iyon alam ng hari.
I feel sorry for us. So I was right that Nikon didn’t plan this all along. So that explains why Doctor John was being suspicious kanina pa lang. I hugged my knees and looked at them helplessly. “Makakatakas din tayo rito.”
“If only we could,” sabi ni Klein at pinakita ang likod sa akin. “Nakikita mo ba ‘tong mga peklat ko? Mga marka ‘to ng latigo sa akin dahil ilang beses na akong nagtangkang tumakas. This place is a maze. Dahil tuloy sa mga peklat ko, wala ng gustong bumili sa akin. It would have been easier to escape if you’re a pet kaysa rito. If you’re planning to escape, I’m telling you that’s impossible.”
The others nodded to agree at Klein. I feel my hope sunken but then again I remember I am Sunny Gallego. I raised my head high and look at them with fiery eyes. “Sorry, the word impossible doesn’t exist for me.”
#
VOTE AND COMMENT
Thanks!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top