CHAPTER 32: SOBER

Chapter 32: Sober

"Sabay na tayong maglunch," sabi ni Pentagon nang makalapit siya sa amin ni Trench. Nasa classroom kami at katatapos lamang ng klase namin. His return caused a huge fuss on the whole Academy at isang ngisi kasabay ng pagtaas ng kanyang bionic arm lamang ang sinasagot niya sa mga nakikiusyoso.

Trench replied with a nod to his invitation. I don't know how his reunion with Pentagon happened. They seem casual at all na tila ba hindi nawala nang matagal si Gon pero ganoon lang talaga si Trench. Maybe he gave him a hug yesterday night when Gon visited them at District 9 dormitory. And it's not like he will cling on his cousin like all this time.

"Twin Bro, sabay tayong maglunch!" sigaw niya sa kabilang dako ng classroom kung saan nakapwesto si Tatsulok. The latter picked up his bag at isinukbit iyon sa balikat.

"I can't. I have some other things to do, babawi na lang ako sa susunod," sagot ni Tatsulok at nagmamadaling lumabas. Pentagon made a face samantalang nagkatinginan naman kami ni Trench. Tsk. Inaasahan na namin na ganoon ang isasagot nito.

Hindi ko alam kung ano ang pinagkakaabalahan niya pero mas mabuti na rin iyon kaysa sa makita ko siya. Naaalala ko lang ang mga sinabi niya sa akin. He chased me like crazy and when I want to do the chasing, he just dropped me like that. Okay lang. Hindi naman masyadong masakit. Pusangina niya.

***

Even if I wanted to spent the rest of the day with Gon, hindi pwede. The P:RUM team was sent again at the Research Lab. Bahagyang nainis si Gon dahil hindi na siya kasali but he promised he'll do good in the next assessment para maging bahagi pa rin siya ng team.

Like the usual, ang awkward ng ambiance sa sasakyan. Nikon was in front samantalang sama-sama kami nina Megan, KL, Coco at Tatsulok sa likod. Ilang beses kong inirapan si Triangle but he seemed to care less.

When the car came to stop at the Research Lab, agad kong hinila sa sulok si Nikon at hinayaang mauna ang iba.

"What is this about Gallego?" tanong niya ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang kanyang kakaibang ngiti.

"Will you stop that stupid grin? Nakakabwesit eh," naiinis na wika ko. Puto, parang 'yong smirk lang ni Moran! Nakainit ng ulo.

"What do you want?" tanong niya.

Inilahad ko ang palad sa harap niya. "Give me Gon's memory."

Natawa siya na para bang nagbibiro ako. Ah so nakakatawa 'yon? Siraulo. Tsk.

"Why would I?"

Hay, ginigigil din ako ni Nikon eh. "Basic. The owner's here already."

"Ah, your best friend who calls you Kitten," sabi niya. "Sorry but I can't."

"Ano?!" Hindi ko maiwasang taasan ang boses ko. What the hell?! Puto, hindi iyon sa kanya! Kay Gon 'yon!

"If you're thinking that that Grande is the owner of those lost memories, well not anymore. P2's patent is sold to the Capital so every profit and fruit of it belongs to the Capital," paliwanag niya.

I grabbed his collar due to my excessive anger. "Don't give me that crap Nikon."

Tumawa ulit siya at tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya. "Tsk. You really have so much to learn Gallego," sabi niya at nilagpasan ako upang sumunod sa iba.

Tinanaw ko siya habang papalayo. Oh, Nikon doesn't know that I am Sunny Gallego and what I want is what I get no matter what it takes. Napabuga ako ng hangin. I guess I'm up for another dangerous stunt just to get back Gon's memories.

***

We were gathered at the huge dining hall kung nasaan ang mahabang mesa. The table was full of delicious food na tila ba mayroong piging. The food was so mouth-watering but I tried my best to be aware if anything bad will happen. Baka sakaling dinadala lang nila kami sa pagkain.

"Hello junior researchers," bati ni Doc Aaron at ngumiti sa amin. Hindi naman siguro niya birthday or promotion dahil kung ganoon, edi sana maging ang ibang mga doktor at researchers na nasa buong palapag ay naroon din. "I didn't welcome you properly for being part of P:RUM 2.0 so I'm taking this opportunity to do so."

Naglakad siya sa harap at ngumiti sa amin. He motioned his hand on the table full of food. "Feel free to eat, drink and be merry." Kasabay ng sinabi niyang iyon ay ang pagpapasabog ng confetti ng mga naroong fake astronaut Walang gumalaw sa amin at nakiramdam lamang.

Dr. Aaron noticed it and picked a wine glass. "Don't be shy young researchers and grab this opportunity. This will be the first and last time I'm giving you a feast because I'm telling you, the next weeks will be tough and pure work."

It was cue for us to enjoy the moment. Megan grabbed a wine glass at agad na ininom iyon. KL and Coco enjoyed the food at maging si Nikon. Triangle took a sip on the wine at kumain din.

And I am Sunny Gallego, and I don't really trust situations like this. Isa pa, gigil pa rin ako kay Tatsulok at Nikon kaya sa halip na kumain ako ay nakipaghamunan pa ako ng inuman kay Megan.

We spend the rest of the day eating, drinking and enjoying the moment-- with ourselves. Tila nagpapaligsahan sa pagkain sina KL at Coco hanggang sa halos hindi na nila kinaya. Nikon just ate a little and spend his time at the corner. Triangle did the same at umiinom lang siya. Megan and I already finished 3 bottles at hindi ko alam kung anong mga inumin iyon.

"You look funny," Megan said and giggled. Uh, I knew it. She's drunk already. Tinuro pa niya ang mukha ko at tumawa-tawa.

"Shut up Megan," sabi ko sa kanya. "It's seven in the evening already." Oh, I'm not yet drunk since I didn't say sheven instead of seven? Right?

"Your face is funny," she said again and giggled endlessly. Okay, mas lasing siya dahil tatlong bote ang naubos naming dalawa plus another 2 na siya lang ang nakaubos.

Ibinaba ko ang daliri niyang nakaturo sa mukha ko. Puto, kung hindi lang 'to lasing baka binali ko na daliri nito. Pagtawanan ba naman ang mukha ko?! "Edi wow ikaw na maganda," sagot ko sa kanya. Which is true. Tanggap ko iyon. Pusangina bakit siya lang ang biniyayaan ng ganda at talino in one!? Ang daya, puto.

"Just a pretty face," she giggled. "And a pretty face like this can be copied easily." I stopped and remembered Thea who now has the same face as her. "I wish I can copy a good attitude like Thea."

"She's insecure," sagot ko kay Megan. "You thought she's your friend pero naiinggit pala siya sa'yo to the point na gagayahin niya ang mukha mo."

"Hey don't talk to her like that," sabi niya kasabay ng tawa. "She's my friend and you're not. I don't like you."

I made a face. "I don't like you too." We always make it clear to each other.

Tila sira na tumawa siya at itinaas ang isang kamay para makipag-high five. "High five because we don't like each other and we're not friends."

Puto ako namang si uto-uto ay nakipag-apir sa kanya. Nakipag-one fourth, one half, apir, disapir apir pa! At pusangina, we both giggled like crazy bago sabay na ininom ang laman ng baso namin.

From the corners of my eye, I saw Triangle get up from his seat. He almost lost his balance dahil gaya namin, medyo lasing na rin siya. Sinundan ko siya ng tingin habang tinatahak niya ang daan palabas ng dining hall. He's probably heading towards the comfort room.

Ibinalik ko ang tingin kay Megan na mula sa pagtawa ay biglang umiyak. "If we're really friends why did she copied my face?"

I rolled my eyes. That's my point Megan.

Tila baliw na tumawa siya kahit na lumuluha. "She should have used a unique face. Hindi ba siya nagsasawa sa mukha ko? Dati siyang namamasukan sa amin kaya palagi niyang nakikita ang mukhang 'to."

Bahagya niyang pinalo ang kanyang pisngi. Lumagapak ang palad niya sa sariling pisngi. Pusangina, sure ako masakit iyon. Good thing she's drunk so she didn't feel it right now. She will regret slapping her face tomorrow.

"Tapos ngayong wala na siya sa amin, makikita pa rin niya ang mukhang 'to, nakakasawa 'yon!" she cried and laughed like crazy.

Nababahalang lumapit sina Coco at KL sa amin. "Mylabs, okay lang ba kayo?" Sinubukan niyang hawakan ako ngunit itinaas ko ang isang kamay para pigilan siya.

"Don't touch me," kalmadong sabi ko. "And don't touch her. Girlsh talk 'to." Puto, medyo lasing na nga ako.

"Sunny uwi na tayo?" tanong ni Coco. I nodded my head few times and balanced my sight. Hinayaan naming umiyak at tumawa si Megan. Parang lukaret lang.

"I'll go tell Doc Aaron that we'll be leaving," pagbuboluntaryo ni Nikon. "KL, you find the driver."

Sumunod naman si KL at naiwan kaming tatlo nina Coco at Megan doon. Panay ang lingon ko sa paligid at hinanap si Tatsulok ngunit mukhang hindi pa rin siya nakakabalik.

I stood up from my seat and held tightly on the table for balance. Bahagya pa iyong naalog kaya natumba ang ilang mga bote at lumikha ng ingay. Handang sumaklolo si Coco ngunit itinaas ko ang mga kamay ko at ngumisi nang malapad. “Ayosh lang, ayosh lang.”

“Saan ka pupunta?” tanong niya.

“Hahanapin ko lang shi Tatshulok.”

“Ako na lang--”

I cut him off. “No, bantayan mo shi Megan.”

“Sure ka kaya mo?” nag-aalalang tanong ni Coco. “Lagot ako kay Gon kapag may pinasok ka na namang gulo, ako pa talaga ang pananagutin niy eh ikaw naman ang pumapasok sa gulo tsk.”

I laughed because of what he said pero wala talaga akong naintindihan sa sinabi niya. Ha ano raw? “I’ll be back okay?”

Coco nodded pero puno pa rin ng pag-aalala ang kanyang mukha. Pasuray-suray na naglakad ako palabas ng dining hall at pinilit ang sariling alalahanin kung tamang daan ba ang tinatahak ko. My sight was blurry but I know I am still sane. Mukhang hindi naman kasingtapang ng mga alak ni Megan ang wine na inihanda ni Doc Aaron.

The way is familiar and I’m sure it’s towards the bathroom kung saan malapit ang elevator doors. I walked passed the glass walls at bahagyang tiningan ang mga researchers sa loob na tila abala. Geez, gabi na, masyado naman silang hardworking.

I passed the bathroom door at tila alimangong napaatras nang mapagtantong iyon nga nag CR. This is the door, puto medyo lasing na nga ako kasi parang tatlong pinto na ang nakikita ko. I walked backwards and laughed on my mind. Hay lashing.

Pinihit ko ang siradura ng pinto at unang nabungaran ko ang lalaking takatalikod sa akin. Nakapulupot sa baywang niya ang binti ng isang babae. Pakiramdam ko ay tila nawala ang lahat ng epekto ng alak sa sistema ko. Kahit medyo lasing ako, alam na alam ko kung kaninong likod iyon.

Kay Tatsulok.

He was kissing the girl whose legs were wrapped around his waist habang nakaupo ito sa counter at nakatalikod sa salamin. Puto, gusto yata ng bababeng  iyon na habangbuhay na maging lumpo!!!
Hindi lamang ang kanyang mga binti ang nakapulupot sa katawan ni Tatsulok dahil maging ang kanyang mga kamay ay nakasabunot sa buhok ni Triangle habang iginigiya niya sa leeg ang mukha ni Triangle. They both seem to enjoy the moment while I am close to exploding.

I never felt as sober as this! And I was so angry that my bones creaked as my hand formed into fists. Kung kanina ay medyo blurry ang paningin ko, daig pa yata ang HD video sa linaw ngayon! And my eyes fully processed the clear picture of their position now.

Nakatayo si tatsulok sa harap ng babae na nakaupo sa may sink counter. Nakapulupot sa baywang ni Tatsulok ang legs ng babae at nakasabunot ang kamay niya sa buhok nito.

PUSANGINA! HINDI LANG YATA ANG BABAE ANG LULUMPUIN KO KUNDI PATI SI TATSULOK, KAKALBUHIN KO! GUSTO PALA NIYA NG SABUNUTAN AH, SIGE I’LL DO IT HANGGANG SA MAUBOS ANG BUHOK NIYA.

Ibinagsak ko ang pinto but they ignored it. Puto, sarap na sarap siguro sa kabalbalang ginagawa. My steps were huge and heavy at ilang hakbang lamang ay nahablot ko na si Tatsulok palayo sa babae. He’s a bit drunk kaya nawalan siya ng balanse at bahagyang tumilapon sa pinto ng cubicle. His impact made a loud noise ngunit wala akong pakialam! I’ll deal with him later pagkatapos kong lumpuin ang babaeng ito!

Tila kusang umangat ang kamay ko at sinalubong ng suntok sa ilong ang babae. Hindi ko alam kung lasing lang ba ako or what pero pusangina, tila gumalaw ang kanyang ilong at nawala sa ayos.

“Sunny oh my God!!!” sigaw niya at napasigaw nang dinama ang kanyang ilong. She freaked out and jumped off the counter at tila baliw na nagsisisigaw dahil sa kanyang ilong. Galit na galit ako sa mga sandaling ito at hahabulin ko sana siya dahil pusangina, hindi pa siya nalulumpo ngunit hinablot ako ni Triangle na nakatayo na mula sa kanyang pagtilapon.

And it was then when I realized that the girl was familiar. It’s my friend Stella, with her new face.

#

VOTE AND COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top