CHAPTER 28: NOTHING TO DO WITH YOU

Chapter 28: Nothing To Do With You

“Who the hell made this prank?!”

Umalingawngaw sa bawat sulo ng classroom ang malakas at galit na boses ni Tatsulok.

“SINO?!” he grabbed a guy near to him on the collar. “Ikaw?”

“H-hindi ako, T-triangle...” nahintatakutang sagot ng lalaki.

Triangle grabbed another guy and asked the same question ngunit parehong hindi ang sagot na nakuha niya sa mga lalaking halos maihi na sa takot. Can’t blame them. Triangle looks so angry right now and an angry Triangle is very scary.

“Then who the hell did!?”

Wala pa ring sumagot sa klase samantalang napakuyom din ako. I only know one person who draw something like that. The penmanship is very familiar, too, kaya na rin siguro ganoon kung maka-react si Tatsulok. Hinanap ko sa kumpol ng mga estudyante si Nikon and I found him sitting comfortably on his chair. Tila walang pakialam sa nangyayari sa harap.

Ibinagsak ko ang mga palad sa mesa niya. “Ikaw ba ang may gawa nito?”

Nikon raised his head to look at me. “What?”

“Stop playing dumb, Nikon,” naiinis na wika ko sa kanya. “Did you draw that thing?” tinuro ko ang kumpol ng mga tao. I’m sure he knows what’s behind them at kung bakit naroon sila. Everyone knows that only one person has the confidence to draw something like that whether on test papers or white boards.

Ibinaba niya ang kanyang ballpen at hinarap ako. “Why are you so angry? What’s with that graffiti?”

Pinigilan kong mas lalong mainis. I want an immediate answer right now. Yes or no kung siya ba ang nag-drawing ng pusanginang penis na ‘yan sa whiteboard! “Nikon, sagutin mo ang tanong ko.”

“No,” he replied without hesitation.

Napabuga ako ng hangin. Mahirap sabihin kung nagsisinungaling ba siya o hindi pero mukhang nagsasabi siya ng totoo. Sabay kaming napatingin sa pinto nang lumabas doon si Tatsulok at ibinagsak ang pinto. Bahagyang natahimik ang klase dahil sa takot. Ibinalik ko ang tingin kay Nikon. “Kapag nalaman kong ikaw ang may gawa nito, mananagot ka sa akin.”

“Why are you getting so angry over it?” bahagya siyang nag-isip at bigla siyang napangisi. “Ah, so it has something to do with the late Pentagon Grande Bermudo.”

Napakuyom na lamang ako nang sinabi niyang late Pentagon. Mali siya roon. Pentagon is alive ngunit hindi ko iyon sasabihin sa kanya hanggang sa matiyak ko muna at masiguradong magiging maayos siya.

Nikon keep his things in his bag at tumayo matapos isukbit sa kanyang balikat ang kanyang bag. Ginulo niya ang buhok ko gaya ng madalas na gawin ni Gon kaya agad kong tinabig ang kamay niya. He only responded with a laugh.

“Anyway, the second mandatory death will be at the Capital Circle this afternoon, see you there,” sabi nya bago lumabas ng classroom.

Tila umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Puto, naiinis na nga ako sa sitwasyon tapos pinaalala pa niya ang kawalanghiyaan ni Moran. Bumalik ako sa upuan ko at ibinagsak ang bag. Trench looked at me for a while before he return his gazes at the whiteboard in front.

“That’s Pentagon’s penmanship,” sabi niya.

I know. Alam kong sulatkamay iyon ni Pentagon pero hindi pa rin kami dapat magpakasigurado. Madaling makopya ang sulatkamay kaya paano na lamang kung ginaya nga lang iyon at hindi naman talaga si Gon ang nagsulat?

”Ayaw ko munang mag-isip ng kahit ano,” sagot ko at napasalampak sa upuan ko. “I don’t know what to believe anymore. Mahirap magtiwala, Trench.”

“But you said it before, right? Your father said it,” mahinang tugon niya.

“Oo pero bakit ngayon pa siya magpapakita? Bakit hindi noon?” tanong ko. Mas lalo lamang akong naguguluhan sa mga nangyayari. We all saw right before our eyes how those tiny thing exploded in his hand as he let himself fell on the cliff. Napakasakit balikan ng alaalang iyon.

Napatayo ako sa kinauupuan at kinuha ang bag ko. Bago pa man ako makaaalis ay tinanong ako ni Trench. “Where are you going?”

“I’m gonna talk with Satan.”

***

I wasn’t lying when I told Trench that I will be meeting Satan. Puto, daig pa ang impyerno ng lungga ni Moran. Nakatayo sa labas ng pinto ang tatlong men in black and yeah, kung si Satanas si Moran, mga kampon na demonyo naman niya ang mga ito. Nilagpasan ko sila at akmang bubuksan ang pinto ngunit bigla akong hinarang ng mga men in black.

“Saan ka pupunta?”

I cringed. “Bakit? Saan ba papunta ang pintong ito?” Tsk, tanga lang. Alam naman nila kung para saan ang pintong iyon tapos tatanungin pa ako kung saan ako pupunta?!

“May appointment ka ba?”

I shook my head. “Wala pero ‘wag kayong mag-alala, I will only take five minutes or less.” Muli ko silang nilagpasan ngunit sa ikalawang pagkakataon ay hinarang nila ako kasabay ng pagtulak. I almost stumble on the ground. Pusangina, sinasagad nila ang pasensya ko.

Sa huling pagkakataon ay tiningnan ko sila nang matiim bago tumalikod. I counted few steps before I looked back and run towards the door. Nagulat sila sa ginawa ko kaya hindi agad nila ako napigilan. Bumukas ang pinto at sabay kaming tumilapon sa sahig. Puto, sinipa ko ang isa sa mga men in black na bahagya pang nakadagan sa isang binti ko.

Nagulat si Moran nang makita kami ngunit pusangina, mas lalo akong nagulat nang makita kung sino ang kanyang kausap.

Si Tatsulok.

Moran stood up from his seat at tiningnan ako nang masama. Agad naman akong tumayo at sinalubong ang masasama niyang tingin.

“Why are you here, Gallego?” tanong niya. The men in black stood up and seize me ngunit itinaas ni Moran ang kanyang kamay na para bang sinasabing hayaan na lamang ako. Binelatan ko sila at lumabas na lamang sila roon.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at kay Triangle. He doesn’t look surprised or annoyed at my entrance. Malalamig lamang ang tinging ibinibigay niya sa akin.

“Kailangan kitang makausap,” sagot ko kay Moran.

“You forgot to schedule an appointment.”

I rolled my eyes. “Wala akong pakialam sa appointment-appoinment na ‘yan lalo na kung sa walang kwentang gaya mo lang naman.”

“Tsk, tsk, tsk,” ilang beses siyang napailing sa sinabi ko. “Gallego, you forgot that the Capital isn’t a democratic state para sabihin mo lahat ng gustong mong sabihin,” bumaling siya kay Triangle. “Are we done? You cool with the terms?”

Teka, anong pinag-uusapan nila? Anong terms?

Tumayo si Triangle at inilahad ang palad sa harap ni Moran. “The pleasure to serve the Capital is mine.” Bahagya pa siyang ngumiti bago nakipagkamay kay Moran. Ew, if I am him, malamang nagsabon na ako ng kamay at kung pwede nga lang ibabad ko overnight ang kamay na nakipag-shake hands kay Moran sa sanitizer.

“Thank you,” sagot ni moran. “The Capital will make use of your patent well.”

Patent? Anong patent ang ipinagbili ni Tatsulok?

Tumango si Tatsulok at nagpaalam. He walked past me at kahit sandali ay hindi man lamang niya ako tinapunan ng tingin. Naiinis ako sa inaasta niya but since he decided to end ties with me (even if I was just about to tie it that time) kailangan ko na ring mag-move on. Kung ganoon ang asal niya, so be it!

Nang maiwan kaming dalawa ni Moran sa opisina niya ay naniningkit ang mga matang tinanong ko siya. “Anong patent ang ipinagbili ni Triangle?”

Umupo siya nang komportable. “Nothing much that concern you, oh it somehow concerns you pero para iyon sa lahat ng citizen ng Capital in general. Remember his winning research which is his ticket to gain the Royal’s 1st spot? The Capital surely needs it. Anyway, I know you’re not here to talk about Triangle and his contribution. Ano ang sadya mo?”

Hindi na ako nagpaligoyligoy pa. “I’m here to ask you to stop the mandatory death.”

Tumahimik ang paligid ngunit binasag iyon ng kanyang malutong na tawa. “You’re here to ask that?”

“Nakaktawa ‘yon?” naiinis na wika ko. “Siraulo ka ba?”

“Your mouth is really filthy, Gallego,” sagot niya. “This is the second time that the mandatory death will take place at ngayon ay gusto mong itigil ko iyon? Did you see the latest stats of our economy? It was improved simula nang una kong ipinatupad ang mandatory death.”

“Tao ka ba talaga?” pakiramdam ko ay umuusok na ako sa labis na galit ngunit kailangan ko pa ring magpigil. Baka walang kwenta na naman ang mga sasabihin ko kung magpapakain ako sa galit ko. “Why can’t you think of anything to solve the Capital’s problem? Ganito ka ba magsilbi sa mga nasasakupan mo?”

Humigop siya ng kape mula sa tasang nasa harap niya. “You really misunderstood our government, Gallego. We prohibit individual’s opposition to the state gaya ng ginagawa mo and I have the high degree of control over everyone’s public and private life. Kung sagut-sagotin mo ako, mukhang hindi mo alam na may restriction sa speech at mahilig kang pakialaman ang mga desisyon ko. Gallego, the Capital is a totalitarian state and I can extend my authority to whatever extent I want. So what if I decided on mandatory death of the old folks? You see? I was only being generous to apply the mandatory death to the useless old people. Baka nakakalimutan mong ako ang masusunod sa Capital. I can use state terrorism, if that’s what it takes to solve the rapid increase in population. I can even do that just to compel every citizen. Hindi ka ba nagtataka kung bakit pumapayag na lamang ang mga tao sa ganito? Na ang mga matatanda na lamang ang patayin? That’s because I made the right decision instead of resorting to state terrorism.”

I gritted my teeth due to excessive rage. “You are really disgusting.”

He smirked at me. “I will let your words slide since I feel amused every time you spit nonsense words. Manang-mana ka sa ama mo.”

Muli ko siyang binato ng mga matatalim na tingin bago umatras at padabog na lumabas ng pinto. I can’t stand him! Parang nadedemonyo rin ako sa kanya. Nang makalabas ako ay saka lamang ako kumalma nang bahagya. Puto, parang impyerno nga ang opisina niya!

Nakakuyom ang kamao na lumabas ako roon. Pagdating ko sa harap ng building ay nakasandal doon si Tatsulok na tila ba may hinihintay. Tumayo siya nang maayos nang makita niya ako, isa pa ‘to siya! Kung satanas si Moran, parang si Satanas Jr. siya! God, how could he tolerate Moran?! Ganoon-ganoon na lang? Did he forget everything that Moran did?!

“What did you do inside?” tanong niya. Ako naman siguro ang kausap niya, ‘di ba? Unless may nakikita siyang hindi ko nakikita.

“What do you care?” Puto, dinagdagan pa niya ang inis na nararamdaman ko. So he sold his patent to the Capital? Ano nga bang pangalan no’ng research niya? Solar Water? “At bakit ka ba nakikipagkampi kay Moran?”

“Hindi ako kumakampi sa kanya,” malamig na sagot niya.

“Hindi? So ano ‘yon? Hindi ba’t binenta mo ang patent ng Solar Water?!” I know labas na ako doon kung anuman ang gusto niyang gawin sa mga research niya pero puto?! Magpapagamit ba siya kay Moran?

“It’s not like he’s the only one who can benefit on it, Solar Water is for everyone in the Capital dahil wala na tayong access sa malinis na tubig,” he replied. “And why are you mad about it? It has nothing to do with you.”

Pakiramdam ko ay sinabuyan ako ng malamig na tubig sa mukha. I know it’s not my concern anymore pero puto, kumakampi na ba talaga siya kay Moran?! If he has a plan, pusangina anong klaseng plano bakit kailangan na ganito?! “Alam kong labas na ako roon pero hindi mo man lang ba naisip kung anong klase ng tao si Moran? I’m starting to think that you’re just like him!”

Ni hindi man lang siya natinag sa sinabi ko. Nakapamulsang nakatayo lang siya at hindi inaalis ang tingin sa akin. “At least I did something helpful for the Capital and its citizens, ikaw? Anong nagawa mo maliban sa pagkontra sa mga sinasabi ni Moran?”

Puto, bigla akong natigilan. Kung kanina ay pakiramdam ko sinabuyan ako ng malamig na tubig sa mukha, ngayon ay tila sinabuyan ako ng kumukulong tubig sa mukha. His words sting on my skin, my brain and every part of me. I began to question myself. Ano nga ba ang nagawa ko para sa Capital?

Yes, I am always objecting Moran’s inhuman decisions pero ano? Hanggang doon lang ako. I didn’t help the citizens at all. Lahat ng tatag ng loob na ipaglaban ang Capital at karapatang pantao na nasa akin ay tila binutas ni Tatsulok. Now I am quite unsure if I am really helpful to the citizens.

May naibigay ba akong tulong sa kanila gaya ng Solar Water ni Triangle? Ni isang patent nga ng kung anumang pwedeng magamit ng lahat ay wala ako. I am just nobody who fights with my mouth and angry words. Napayuko ako at mahinang tumango bago nilagpasan na lamang si Triangle.

I guess I need to reflect with myself.

#

VOTE AND COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top