CHAPTER 12: I DID
Chapter 12: I Did
Humakbang ako paatras at ilang beses na kumurap. Hindi ko inalis ang tingin sa mukha ni Trench at gayundin siya sa akin. It took seconds before I was able to say something.
"What was that?" biglang tanong ko. Puto, hindi iyon ang gusto kong sabihin! Gusto kong ibahin ang usapan, but look what I just did! Ako pa mismo ang nagsimula!
"An experiment to test a theory," sagot niya.
Ha? Puto, ano raw? Gusto ko sanang sumagot pa ngunit bigla kaming nakarinig ng beeping sound at sabay na napatingin sa pinagmulan niyon.
"Magandang araw Trench! Magandang araw Sunny!" bati ni AndE. The display on her charger says it's 100% complete kaya kusang nag-activate si AndE.
"A-andE? D-did you just see something?" Siomai! Maypagkachismosa pa naman ang android na 'to! Baka gawan pa kami ng issue!
She blinked few times before shaking her head. "Am I supposed to see something?"
"No!" malakas na sigaw ko. Napatingin ako kay Trench na tila chill lang. Puto, hindi ba siya nababahala na baka nakita 'yon ni AndE?! Pero sabagay, the beep comes after we k-kissed— puto bakit ang awkward sabihin? Ah basta, tiyak kong hindi iyon nakita ni AndE pero hindi ko mapigilang mapraning.
Nagbaba ng tingin si AndE at napatingin sa mga maleta ni Trench. "Why are you packing your things?"
Napakunot ang noo ko. "Wait, how do you know it's his things?"
Humakbang si Trench palapit kay AndE at tinapik ang ulo nito. "I guess the smart lenses that I made are really useful."
Tumango si AndE ng ilang beses. "Oo, nakikita ko nang mabuti ang laman ng bawat luggage. I can even see the smallest details."
My eyes widen. Smart lenses?! Okay it's not new pero puto?! Gumawa si Trench ng smart lenses for AndE na kayang makita ang laman ng mga maleta?!
See? This is what the Capital is wasting! I wonder what are the other features of the smart lenses.
"I can tell what you are thinking based on your facial expressions and body languages," wika ni AndE. "Right now, you're staring at me with a wrinkled forehead kaya marahil ay iniisip mo kung ano pa ang ibang nagagawa ng smart lenses. This is augmented reality in a very advanced version and smart vision. One feature is that by merely looking at you, I can identify pulse rate, heartbeats, approxiwnate amount of sweat you are excreting at this moment. Based on your previous emotions; shocked, flustered—--"
"Eeeeh!" I raised my hand to make her stop talking. Jusko, ayan na nga ba! Puto puto baka nalaman niya! "That's enough AndE. M-magaling. Ang ganda ng smart lenses mo."
"There are other features too——" Pinutol ko ang sasabihin niya sa pamamagitan ng paghakbang palayo.
"Tulungan mo na lamang siyang mag-empake AndE, magpapahinga pa kasi ako, byeee!"
Agad akong napatakbo sa kwarto namin ni Megan at isinara ang pinto. Sumandal ako sa likod ng pinto at mahinang sinampal-sampal ang sarili ko. Puto what was that?!
Okay I get it. I’m a 22 years old girl, marupok at natatangay sa tukso. Pero puto?! Nakuha ko pa ring lumandi sa ganitong sitwasyon?! Uh, sabagay it’s not the first time pero pusangina, bakit iyon ginawa ni Trench?! Ipinilig ko na lamang ang ulo ko at bumalik sa kama at nagtalukbong.
***
Ramdam ko ang tensyon sa paligid habang nasa hapagkainan kami. KL was silently tapping his fingers on table. Si Megan ay nakiramdam sa paligid habang nakatungo lamang sa plato niya si Coco. Triagle was still out of sight samantalang nakaupo naman sa dating pwesto no Trench si Nikon.
Yup, he just moved and I know it also surprised the others.
“Hindi ba ako welcome dito?” tanong ni Niko sa pabirong paraan.
Megan shook her head. “Hindi naman sa ganoon Nikon, it’s just that it surprised us. Nasanay kasi kami na kasama si Trench so pasensya na.”
“It’s fine,” cool na sagot ni Nikon. “You’ll get to know me more and eventually, you’ll get used to my presence. Let’s eat?”
KL cleared his throat bago nagsimulang kumain. Hindi naman niya kaaway si Nikon dahil nakakasama niya ito sa underground fights niya kaya kaswal lamang sila sa isa-t-isa. Hindi pa rin magawang mag-angat ni Coco at tahimik lamang na kumain. Tanging si Nikon lamang ang tila cool lang sa nangyayari sa paligid.
Nang biglang mabilaukan si Coco ay agad na kumuha ng tubog si AndE at iniabot iyon sa kanya.
Napangiti si Nikon at tumayo upang tingnan ang kabuoan ni AndE. He looked so amazed as he lifted some tiny compartments at hinawakan pa ang ilang bahagi ng katawan nito. “Whoah, is this the android that you’re talking about at the car? This isn’t junk! It’s awesome.”
Naiinis na napangiwi ako. How dare him reminds us how Triangle called AndE junk!
“Kumain ka na Nikon,” wika ko sa kanya. He just smiled at muling naupo upang magpatuloy sa pagkain. Mayamaya ay biglang bumukas ang pinto at pumasok roon si Tatsulok.
“Good evening Triangle,” masiglang bati ni ANdE ngunit tinapunan lamang siya ng huli ng masamang tingin. Poor gynoid. She had no idea how Triangle called her junk at mas mabuti na rin sigurong hindi niya malaman.
“Hindi pa ba kayo tapos?” tanong niya. Itinaas ko ang isang kilay at tiningnan siya.
“Hindi ba obvious?” I replied.
Megan gently elbowed me. Alam kong ayaw niya ng gulo kaya kanina pa siya umaaktong tila mediator. Inilapag niya ang kanyang kubyertos at nilingon si Tatsulok.
“Ikaw? Kumain ka na ba? Why don’t you join us?”
Umiling si Tatsulok. “I’m full. Bilisan ninyo diyan at pumunta kayo sa hall. The marshals are waiting there.”
Nakuha niya ang atensyon naming lahat dahil sa sinabi niya.
“Bakit? Anong meron?” Coco asked, wrinkling his forehead.
Mukhang ayaw sagutin ni Tatsulok ang tanong pero nang makitang nakaabang kaming lahat sa sagot niya ay wala siyang ibang choice.
"Special Voting."
I raised a brow. "Special voting?" Eh? Eleksyon ba?
"Special voting for the release of Elpidio Moran," simpleng sagot ni Tatsulok. Walang kahit anong emosyon ang mababakas sa mukha niya.
Bigla akong napatayo mula sa kinauupuan. My chair made a harsh sudden sound.
"Ano?!" Tama ba ang narinig ko?! Puto, did I really hear the name Elpidio Moran along with the word release?!
"You all heard me right kaya bilisan niyo na," sagot ni Tatsulok at tumalikod upang umalis. Maging ang ibang kasama ko sa mesa ay hindi pa halos mai-digest ang sinabi ni Tatsulok. Wala na akong ganang magpatuloy sa pagkain kaya agad akong umalis doon at hinabol si Triangle. Naabutan ko siya sa sala.
"Triangle!" Tila umuosok ang buong katawan ko dahil sa narinig kong sinabi niya kanina. He stopped walking but he didn't look back. Mas binilisan ko pa ang hakbang hanggang sa makalapit ako sa kanya. I grabbed his arm and made him face me. "What was that?!"
He looked bored. "What?"
"Anong release ang pinagsasabi mo?" Natampal ko ang noo dahil sa labis na frustration. "Did I hear it right?"
Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa braso niya. Inilayo niya ang braso sa akin kaya wala akong choice kundi bitiwan siya. "Hindi ka naman bingi diba?"
Puto?! I know that's how he usually answers pero pusangina?! Does he really has to answer me that way?! Sa sitwasyong ito?!
Bigla kong naalala ang pagkawala niya kanina. Siomai. Did he plan this? Siya ba ang may gawa nito?
"Did you do this?" nanlalaki ang mga matang tanong ko.
"Do what?"
"Working for this, special voting for Moran's release? What the pork Triangle?!" Hindi ko maiwasang mainis. Okay, kung siya man o hindi ang may pakana nito, how could he be so calm?! Nakalimutan na ba niya ang ginawa ni Moran?
"Why would I do that?" tanong niya. "In case you forgot, siya ang dahilan kung bakit nawala si Pentagon, si Mama, si Tita."
Good thing he still remembers pero puto? How could he be so calm? Pero sabagay, siguro wala lang akong anger management gaya niya.
Pero ibang-iba ang Tatsulok na nasa harap ko. He's not the Triangle na halos magmakaawa na para lang magustuhan ko. He's not even the Triangle who hates me the first time I came here. He's also not the spaced out Triangle. Tila bagong Triangle ang nasa harap ko. He has darker gaze, blank face and everything about him seems new. Tila hindi ko na siya kilala.
Ni hindi na rin niya ako magawang tingnan ng matagal. He even dissed AndE na dati ay halos itabi na niya sa sobrang pagkamangha niya rito.
“No, that’s what I’m trying to tell you, baka ikaw ang nakalimot sa kasamaan niya,” sagot ko sa kanya. Look at him, he doesn’t sound dissappointed, frustrated or what over this news. Kalmado lang siya kaya what the pork? Hindi naman siguro ito ang ginawa niya kanina kaya siya nawala diba? “Saan ka galing kanina? Hindi ka sumabay sa amin pauwi.”
“Oblige ba ako na sumabay sa inyo?” tanong niya. Pakiramdam ko ay tila tinapunan ako ng malamig na tubog sa mukha.
Sabagay, hindi naman niya obligasyon pero pusangina, anong nangyayari sa kanya?
“H-hindi.”
“Then I don’t need to explain where and why I wasn’t with you.” I tried enduring the cold glares from him pero puto, nakakapanibago talaga. Hindi ko tuloy tiyak kung mas mabuti pang maging spaced out na lamang siya gaya ng dati o ganito. I don’t know which helps better for him to move on from what happened.
At oo nga pala. Ako si Sunny Gallego. Hindi uso sa akin ang hiya-hiya and I always want to express my thoughts.
“I don’t like what you’re saying Triangle,” naniningkit ang mga matang wika ko sa kanya. Bakit parang kasalanan ko pa na nagtanong ako? Kasalanan ko? Parang kasalanan ko?
“Since when did you like whatever I say?” tanong niya. His icy glares are still boring through me. “Ah, let me rephrase that. “Since when did you like everything about me?”
Hindi ako nakasagot. Puto, parang dalawang beses niya akong sinabuyan ng malamig na tubig sa mukha. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa hall. Napahinga ako nang malalim at tumango-tango sa sarili. Sa tingin ko ay wala na akong gana na bumalik sa hapagkainan at ipagpatuloy ang pagkain. Sa halip na bumalik sa kusina ay nagtungo na lamang ako sa banyo at naghilamos.
***
Ramdam ko ang tensyon sa paligid habang nasa harap ang dalawang marshal na may hawak na malaking box. Megan kept looking at Triangle na tahimik lamang at naghihintay ng anumang aksyon ng gagawin ng mga bisita namin. Katatapos lamang ng voting at nasa loob ng box namin ang mga boto. They will read the results of our votes in front of us.
Nikon was smiling samantalang nanginginig naman si Coco. Marahil ay bumabalik sa alaala niya ang mapapait na nangyari sa panahon ni Moran. Katatapos lamang ng manual voting para sa pagpapalaya kay Moran. We were included to vote on this matter dahil sa direct involvement ng special class sa nangyaring pagkulong sa kanya. The public’s opinion doesn’t matter, only the elite’s kaya hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa sistemang iyon.
Humakbang ang isa sa mga marshal at may pinindot. Lumabas sa hologram image ang mukha ng mga taong hindi ko kilala. Nakaupo sila sa mahabang mesa at may mga hawak na papel samantalang mayroon namang nakaupo sa harap ng computers.
“Start now,” wika ng isang nasa hologram. Tumango naman ang mga marshal at ang isa sa kanila ay bumunot sa mga papel na inilagay namin sa box.
“X,” wika ng marshal ang ipinakita sa amin ang papel. Tumango ang mga nakikita namin sa hologram at may isinulat. Gayundin ang mga nasa harap ng computers. Muling bumunot ang marshal at X pa rin ang nabubunot nila. Kapag kasi hindi kami sang-ayon ay kailangan naming magsulat ng X at O naman kung sang-ayon kami. They all got X up to the fifth ballot.
I don’t know why they still do this gayong alam na alam naman nila na lahat kami rito sa special class ay hindi sang-ayon. Nag-aaksaya lamang sila ng oras, lakas, papel at kung ano pa.
Binunot ng marshal ang huling ballot ngunit nagulat kaming lahat nang makita iyon.
“O,” anunsyo ng marshal at hinarap sa amin ang papel na may nakasulat na O.
Puto!!!
Sinong pabibong pusangina garapal ang naglagay ng O?!
My eyes formed into thin line as I looked at Nikon. Huh! Sabi ko na nga ba hindi siya katiwa-tiwala! Hindi naman sa porke’t hindi niya alam ang nangyari rito noon ay mapapalampas ko na ito! Didn’t we give them brief details sa kawalanghiyaang ginawa ni Moran?!
“Nikon?!” sigaw ko sa kanya. He slowly turned to me with a confused expression.
“Yes?”
“Wala ka bang puso? Hindi ka ba nadala sa mga sinabi namin sa’yo kanina? Didn’t you find it enough for you not to vote this way? Alam kong wala ka noong mga panahong iyon pero pusangina, akala ko ba taga-5th Ward ka at gusto mo rin ng pagbabago?”
Napatingin si Nikon sa iba na ang sama na rin ng mga tingin sa kanya. He slowly raised both arms as if he surrendered before he shook his head. “I don’t now what you think I did Sunny but I wrote an X.”
Ilang beses akong napakurap at napatitig sa kanya na para bang nababasa ko sa mukha niya ang katotohanan sa mga pinagsasabi niya. Why should he lie anyway? Sunod kong tiningnan ng masama ay si KL.
“KL?!” I hissed, gritting my teeth.
Mabilis na iniling niya ang ulo. “Mylabs, X din ang sinulat ko!”
Napasabunot ako sa sariling uhok ko. Kahit isang boto lamang ay nakakainis pa ring isipin na may bumoto talaga para makalaya si Moran. And hello? Kahit isa lang ‘yan. EVERY VOTE COUNTS KAYA!
“Then who the hell did?!” sigaw ko.
We all dropped our jaws when Triangle replied.
“I did.”
#
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top