CHAPTER 10: AS PROMISED
Chapter 10: As Promised
Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Trench na nasa tabi ko at kay Tatsulok na nakatayo sa harap. He stood there proud and firm, without any remorse.
Tumayo ako at humakbang sa harap. Nang muli kong sinulyapan si Trench, nagulat rin siya sa reaksyon ni Tatsulok. He was spaced out these past days but what made him do something today?! It was a bit reckless act. Puto, ang kapal ng mukha niyang tumayo sa harap and grab credits over something na hindi naman niya pinaghirapan!
Maybe Trench didn't expect such act from his cousin kaya bahagya rin siyang nagulat. Mayamaya ay yumuko na lamang siya matapos huminga nang malalim.
Binilisan ko ang paghakbang patungo sa harap at tumabi kay tatsulok. I discreetly grabbed his arm to get his attention. Ayokong gumawa ng eksena lalo na't nandito si Jean-Claude pero hindi tama ang ginawa ni Triangle.
"What's this?" I asked in a low voice, gritting my teeth.
"What?" tanong niya. Pusangina, nagmamaang-maangan pa!
"This?!" He doesn't seem like the lost Triangle I slept with— puto, bakit tunog imoral?! Ang ibig kong sabihin ay ibang-iba siya sa Triangle na kausap ko kagabi? Okay, alam kong simula't sapul ay masama ang ugali niya but today? Parang naglevel up yata. He's giving me dark gazes! Ibang-iba sa Tatsulok na halos ipagpilitan na ang sarili sa akin!
"Is there any problem?" tanong ni Bionic arm.
Sabay kaming napatingin ni Tatsulok sa kanya. I took that chance to correct what's wrong with this situation.
"Yes," mabilis kong sagot. "It's about Triangle's project. Hindi iyon sa kanya. It as Trench's!"
Nabalot ng bulongan ang buong klase. Trench was taken aback by my sudden confession samantalang cool na nakatayo lamang si Triangle at nakapamulsa.
"What are you saying? Ibig mong sabihin ay kinuha ni Triangle ang project ni Trench?" Jean-Claude.
Umiling ako. "No, not that. Trench did it on his own will."
Muli ay nagbulongan ang mga estudyante. Puto, ang hilig nilang makichismis ah! Pero sabagay, they should feel bad after talking down on Trench last time. Pusanggala nila, kung husgahan nila si Trench akala nila ang tatalino nila! Actually, it doesn't only apply to our classmates kundi maging sa ibang tao! Nagkamali ka lang ng kaonti, huhusgahan na nila ang buong pagkatao mo na para bang kilala ka nila? Hindi mo nga kilala ang sarili mo, tas ikaw ilang beses ka lang nagkamali kung makahusga sila parang alam nila lahat sa'yo as in lahat lahat!? Puto, does anyone see my point here and agree with me?!
Naguguluhang napatingin silang lahat kay Trench na nakaupo pa rin at nakayuko.
"Trench? Is that true?" tanong ni Bionic arm.
Trench breathed out heavily. Mas humigpit pa ang pagkakakuyom ng kamao niya at ilang saglit lamang ay tumayo siya. His eyes met mine before he looked straight at Bionic arm who was waiting for his reply. Hindi pa man niya naibubuka ang bibig upang sumagot ay nagsalita na si Triangle.
"That's not true, this is my research," wika niya na nagpasinghap sa aming lahat. I hate to say this pero sobrang kapal na talaga niya para sabihin iyon.
Things were heated up inside the classroom. Hindi nakawala sa paningin ko ang pagkadismaya sa mukha ni Trench habang nakatingin sa kanyang pinsan. Alam kong gaya ko ay hindi niya inaasahan ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Tatsulok.
Napamasahe sa ulo niya si Beethoven. He shrugged his shoulders and looked at Miss Venna.
The latter stepped forward and looked at the TT cousins. "Okay, let's settle this for now. Triangle, are you sure of what you're saying?"
He nodded shamelessly. "Affirmative. How about hearing me summarize it?"
Jean-Claude agreed. "Good idea. Go ahead."
"The innovation proposal I submitted is about holographic technology in 3 dimension. It's could for researches anywhere because there's no need for heavy physical computers. Halimbawa ay para sa space team ng Capital, 3D HT is very handy because we can set it up even if nasa moon crater ka or anywhere with zero gravity."
Nakaawang ang labi ko. He just basically analyzed how the project could be used ngunit ayaw ko mang aminin, nakakamangha ang paraan ng pagpapaliwanag niya. The classroom was filled with ohs and praises of admiration to Triangle.
Whoah, for someone who's mind is floating during Ma'am Venna's evaluation, he made a proper analysis of how should that proposal be used. Pero puto, mali mali mali at mali pa rin ang ginawa niya sa pinsan niya!
"Trench?" Ma'am Venna called him.
His fist slowly uncrumpled ngunit bahagyang nanginginig ang kanyang mga kamay. Nang mag-angat siya ng tingin ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata. He also gave a bitter smile.
"I... I t-think Gallego took my joke seriously. S-sinabi ko kasi sa kanya na ako ang may gawa ng proposal ni Triangle. I apologize for causing this ruckus," wika niya kasabay ng pagyuko.
Boo filled the place at muli ay nagkalat na naman ang bulongan ng mga toxic kong kaklase.
Napasinghap na lamang ako at pinaypayan ang sarili ko. Pusangina, santo ba si Trench sa past life niya?
Natawa si bionic arm at napailing. "So that's it, akala ko naman ay ano na. I think you shouldn't joke things like those to Sonia."
Nagtawanan ang mga kaklase ko na para bang nakakatawa talaga iyon. Talaga lang huh? Isa pa tong si bionic arm eh, uto-uto! Ang bilis maniwala. Ayaw ko nang ipaglaban pa kunfg ano ang nalalaman ko lalo na't maging si Trench ay nakisakay na sa ginagawa ng pinsan niya.
I know it's not what he wanted pero dahil baka ayaw niyang mapahiya si Tatsulok kung kaya't hindi na niya sinabi ang totoo.
"We're alkm settled then," wika ni bionic arm. "New recruits, bid farewell to your classmates because we will leave at this instance for a briefing about the new project."
"Aw nakakainggit naman!"
"Gusto ko rin makasali!"
"Waah!"
"I want too!"
"Buti pa si Sunny!"
Kung anu-ano na lang ang naririnig kong reaksyon mula sa kanila. Proud ba proud naman ang dating mga kasamahan namin sa Hellevator dorm dahil sa amin ni Coco.
Hindi nagtagal ay lulan na kami ng itim na sasaktan patungo sa kung saan. Nasa ibang sasakyan sina Jean-Claude at bionic arm samantalang naiwan naman sa academy si Ma'am Venna para sa klase.
Tahimik at nagpapakiramdam lamang kaming anim habang nasa loob. I can feel the tension but none of them decided to break the eyes. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Tatsulok.
"Hoy!" I waa referring to Triangle who was sitting across me ngunit dahil hindi ko pinangalanan, I got everyone's attention except Triangle!
"Hoy Triangle!"
Nag-angat siya ng tingin sa akin. His brows were creased and he looked annoyed. "What?"
"Hanggang kailan mo paninindigan 'yang ginawa mo?" tanong ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagtapik ni Megan na nakaupo sa gilid ko. She probably wanted me to stop before things go wrong. At ako, ako lang naman si Sunny Gallego kaya na sobrang tigas ng ulo kaya bakit ako makikinig kay Megan?
"What are you saying?" he asked. Hayop, nakuha pa talagang magbulag-bulagan.
"Can you please shut up? You're irritating me," sagot niya.
Siomai, I didn't expect such words from him! Nasaan na ang tatsulok na kulang na lamang ay sambahin ako para magustuhan ko?!
"Hoy hugis na malambot ang mga kamao, wag mong ginaganyan si mylabs ko ah!" sabat ni KL. Wow, that's very helpful huh, thanks KL duh~
Ngunit tila wala yatang narinig si Tatsulok. Sinamaan niya lamang ako ng tingin.
"S-sabi r-rin n-ni AndE..." nanginginig na wika ni Coco. His face lost all colors when Triangle's dark gazes transferred to him.
"Anong sabi ni AndE?!" Triangle asked in a cold voice, enough for Coco's tongue to move back.
"S-sabi ni AndE a-ang g-galing natin— ughhhh." Coco's eyeballs almost fell out nang sinakal siya ni KL gamit ang braso.
"Sige, magsinungaling ka pa Kalbo, iba-Batista bomb talaga kita," pananakot ni KL.
"Let him go Berdon or he might die any moment from now," wika ni Nikon ngunit nasa labas ng bintana ang kanyang paningin. He looks like he's not interested in what's going on inside the car.
Agad na pinakawalan ni KL si Coco na walang tigil sa pag-ubo at paghinga. Ang malas niya lang, nasa tabi niya si KL. Whatever AndE said to Coco, malamang alam niya iyon dahil siya ang bagong roommate nito.
"Go on, tell them what AndE said," KL said firmly.
Ilang beses na napalunok si Coco habang nagpalipat-lipat ang tingin kay Tatsulok at KL. Unlucky of him, napapagitnaan siya ng dalawa.
"Sabi ni AndE, research daw iyon ni Trench!" he finally said. Looks like he's more afraid of KL's choking than Triangle's glares.
Triangle. “Really? So what are you planning to do? Magsumbong? Sa tingin niyo maniniwala sina Beethoven sa isang robot na gawa sa scrap materials? Gawa sa basura?”
Kung tila sinaksak ako ng patalim dahil sa sinabi ni Tatsulok, Coco must have felt seven folds of my pain. Robot na gawa sa scrap materials? Basura?! Look, I know it is somehow true, AndE is made of junks, scraps and secondhand things but how dare him! Did he forget that he likes such “scrap robot” to the point na halos lahat na lamang ng materyales at pisa ay ibigay niya kay Coco to make it function well? Alam ko rin na malaki ang kontribusyon niya hindi lamang sa artificial intelligence ni AndE kundi maging sa physical and electrical components nito, pero pusangina niya!
“B-basura?” hindi makapaniwalang tanong ni Coco. “W-what happened to M-my P-precious?”
Yup, let Coco just remind him na nag-aala Gollum siya kay AndE! He calls him My Precious! He even said before that AndE is something very awesome and so as Coco!
Triangle made an annoyed sound. “Basura naman talaga ang robot na iyon.”
Marahil ay naintindihan ni Megan ang sitwasyon kaya tumikhim siya at sinubukang ayusin ang sitwasyon. “You know what? Bakit hindi na lang tayo magpahinga dahil sa tingin ko ay malayo-layo pa tayo---”
Biglang huminto ang sasakyan at bumaling sa amin ang valet na nagmamaneho. “Nandito na tayo.”
“Great then,” Megan said. “Let’s go.”
Naunang bumaba sina Nikon at sumunod sila kina Jean-Claude na kabababa lamang din sa sasakyan nila. Kahit medyo bago ang lugar dahil sa renovation, alam kong nasa Research Lab kami. Right across the Research Lab used to be the Foster ngunit dahil sa nangyari ay napilitan ang gobyerno ng Capital na ibalik ang mga matatanda sa kani-kanilang pamilya. From how I saw it when we got off the car, the building across will become an extension of the Research lab. Iyon nga lang, hanggang ngayon ay under construction pa rin iyon. Compared to any place in the 1st Ward, Foster and JIC suffered the most damages.
Habang nakasunod ay bigla akong hinawakan sa braso ni Megan.
“What?”
Hinintay niya na bahagyang makalayo ang iba bago nagsalita. “What was that?” she asked.
“Anong what was that?”
“Yung ginawa mo kanina, about the proposal.”
I rolled my eyes. “Totoo naman diba? That was Trench’s. Don’t tell me papanig ka kay Triangle at sabihing sa kanya talaga iyon?”
She flipped her long, black hair in frustration. “No, I mean alam kong kay Trench iyon. Alam nating lahat kung gaano kalutang si Triangle these past weeks but do you really have to do that? Triangle is lost and grieving. Can we be a little considerate with him?”
“Are you saying we will be considerate with Triangle just because he’s putting up this shit? Bakit, sa tingin mo hindi nawalan si Trench? Do you think he’s not grieving at all?” naiinis na wika ko. Puto, hindi naman sa nilalabanan ko si Trench okay? Pero let’s face it. They’re both lost. Both grieving. The difference is that how they handle things. “Megan, nakita mo ba ang panghihinayang sa mukha ni Trench nang malaman niyang hindi siya magiging bahagi ng proyektong ito? Do you see how hard it is for him to adjust how students treat him now?”
“I always thought you’re a bitch Sunny but i didn’t think you’ll be such a concerned bitch,” wika niya. “Fine, I got your point. Let’s think of a way how to make Trench becomes part of this. Parehas nating alam ang kanyang kapasidad. The Capital shouldn’t sleep on such brains.”
“Right and oh Megan?” I asked.
“Yes?”
“You’re a bitch too,” wika ko at naunang maglakad upang makahabol pa sa iba.
***
“Good morning young researchers,” bati sa amin ni Doctor Aaron nang nasa hall kami na dati na naming ginagamit.
Everything felt new to me. The past memories of this building were bitter but someone made it worth remembering. Kahit masakit at mapait ang mga alaalang dulot ng gusaling ito, I will keep remembering those knowing that he was part of those memories.
Iginala ni Doc Aaron ang paningin sa amin kasabay ng isang ngiti. “I can see familiar and unfamiliar faces. The new ones, please step forward and introduce yourself.”
Unang humakbang si Nikon. Weh! Pabibo! Sa amin namang anim, siya ang pinakapamilyar kay doc Aaron. Hindi ba’t sabi niya na si Doc Aaron ang tumulong sa kanya?
“Hello Doc Aaron, it’s me Nikon Zamora.”
“It’s nice to see you back Nikon,” bati sa kanya ni Doc Aaron. “The second one?”
Humakbang din sa harap si KL at nagpakilala. “I’m KL Berdon.”
“Hi KL,” sagot ng doktor. “So I presume kilala niyo na ang isa’t isa so we will go straight to the briefing of what is this about.”
Lumapit sa kanya ang robot at inayos ang ilang mga bagay. I looked around the hall ngunit hindi ko makita si Bionic arm at si Jean-Claude. Marahil ay sinundo lamang nila kami sa academy at pagkatapos ay bumalik na sa kani-kanilang ginagawa.
The lights suddenly turned off at lumiwanag ang kanina ay tila glass panel na akala ko ay dingding. Images formed and it contains some information na gustong ipaabot sa amin ni Doc Aaron.
“Okay,” panimula niya. “This is Project: Research for Ultimate Meat 2.0-- and if I say 2.0, this is improved and even better than the one that I concluded as failure.”
Puto, nanggagalaiti ako habang nakikinig sa kanya dahil naaalala ko ang mga matatandang kinain nila! Mga hayop! Walang puso! Walang kaluluwa! Walang awa!
“I know it will be a long way for you to match the intelligence of our current researchers but you have a big role in this project. You will work on indirect matters that will surely make this project successful. Yes?” Tinuro ni Doc Aaron si Megan na nagtaas ng kamay.
“What do you mean by indirect matters?”
“Indirect matters are things that are not directly relevant to this project,” sagot ni Doc Aaron. Puto, anong klaseng sagot iyon?! Wow ha, isa ba talaga siya sa pinakamatalinong tao sa Capital? “This could be problem-solving, analogies, innovations and anything.”
This time ay ako naman ang nagtaas ng kamay. I didn’t wait for his recognition at agad na nagsalita. “Can you assure us that this is not meat from old people again?” I received deadly glares from them at bahagya rin akong siniko ni Coco. What now? Mas mabuti nang mas klaro. Mabuti ng magkaliwanagan kami sa simula pa lamang!
Tumawa si Doc Aaron. Parang baliw lang, hindi naman nakakatawa ang tanong ko. Plus this matter is not funny! It will never be funny! “Yes, I can assure you that.”
I gave him a glare na para bang sinasabing ‘I’m watching you’. Wala ng nagtanong pa kaya nagpatuloy sa kanyang discussion si Doc Aaron.
“One of the objectives of this project is to provide the best meat for everyone.” He emphasized the last word habang nakatingin sa akin. Mabuti naman at hindi na para sa mga pusanginang elite. Marahil ay hindi pa niya nalilimutan ang reaksyon ko noong pinaalala niyang para sa elite lamang ang P:RUM dati. “Based on the latest survey on the Capital, 6 out of 10 citizens ang nakakaranas ng gutom and that is very alarming thus, P:RUM 2.0 is launched. For now I won’t feed you with lots of information. You will know those in the course of your training here at the Research Lab. Sa ngayon, follow me at ililibot ko kayo para makita ninyo ang mga bagong facilities.”
Naunang umalis si Doc aaron at sumunod naman sa kanya ang lahat. Nasa pinakadulo ako at tinitingnan nang maayos ang likod niya na para bang nababasa ko ang laman ng kanyang isipan sa mga tingin kong iyon. Mahirap pa rin magtiwala sa Capital-- sa mga taong nagtatrabaho sa Capital lalo na’t hindi mo alam kung ano nga ba talaga ang kanilang tunay na intensyon.
“Kitten.”
Napabuga ako ng hangin bago tiningnan nang masama si Nikon na nakatayo sa likuran ko. Nangangati ang mga kamao kong dumapo sa mukha niya. Puto, wala siyang karapatang tawagin akong ganoon! Pangahas!
“Don’t call me that,” wika ko sa kalmadong boses. Mabuti na lang at medyo malayo na ang iba. Hindi nila narinig ang tinawag sa akin ni Nikon.
Tumawa lang siya at iniabot sa akin ang isang papel.
“What’s that?” tanong ko.
“See for yourself.”
I gave him a glare bago ko hinablot ang papel sa kamay niya. It was something submitted and signed by the Capital legislature; a statute stressing on prohibition on discrimination and violence against women. Nanlaki ang mga mata ko at halos hindi makapaniwala sa nakikita.
“As promised,” wika ni Nikon kasabay ng ngiti.
#
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top