Two
MATAMLAY si Princess ng mga oras na iyon habang nag-aayos ng mga records niya dahil sa pagod vat puyat dahil niyaya siya ng mga estudyante niyang maki-join sa despedida ng mga ito. Gabing-gabi na siyang nakauwi at saglit lang siyang nakatulog ng ayos dahil may isang taong pilit na sumisiksik sa isip niya ng nagdaang gabi. Gawain na niyang ayusin iyon pagkatapos ng graduation ceremony dahil magiging abala sila sa pagpirma ng mga clearance ng mga estudyante. Hindi kasi maaaring basta lamang silang pumirma, kailangan masigurong complete na ang mga ito sa mga subjects.
“Miss Baller pinapatawag ka sa Office of the President.” Tawag sa kanya ng co-teacher niya na hawak pa ang telepono.
Gulat ang gumuhit sa mukha ni Princess. Katakot-takot pa naman kapag ipinapatawag sa Office of the President. Dalawa lamang ang maaaring matunghayan niya, kapag hindi good news, bad news!
“Okay! Sige pupunta na ako.” Nagmadali siyang tumayo saka lumabas ng faculty room patungo sa Office of the President.
Bago kumatok ay huminga muna ng malalim si Princess. Gusto niyang ihanda ang kaniyang sarili sa maaaring mangyari. Kung anu anong negative things tuloy ang pumapasok sa isip niya.
Kumatok siya sa pinto saka binuksan iyon. Kumunot ang noo niya ng makapasok siya sa loob. Nakatalikod ang upuan ng President. Masyadong mataas iyon kay hindi kita kung sino ang nakaupo roon.
“G-Good Afternoon Mrs. President.” Nauutal na bati niya.
Nandilat ang mga mata ni Princess nang humarap ang upuan ng President. Ibang tao ang nakaupo roon at isang lalaki pa. Ang taong pilit na nagsusumiksik sa isip niya ng nagdaang gabi. S-Si Aero? Sigaw niya sa isip.
“You are Miss Princess Lhyn Baller, right?” tanong ni Aero.
Ilang Segundo pa ang lumipas bago niya nabawi ang kaniyang pagkagulat. Anong problema ng lalaking ito? Anong kailangan niya sa akin? Bakit ganoon siya makatingin? Princess! Oo nga’t humahanga ka sa kaniyang taglay na kakisigan at kagwapuhan, pero utang na loob huwag na huwag kang magpapakita ng paghanga sa kaniya! Iisipin niyang katulad ka ng mga babaeng naghahabol sa kaniya at baka hindi ka niya irespeto bilang guro. Nasa loob pa naman kayo ng unibersidad!
“Y-Yes Sir..”
Matagal na tinitigan ni Aero ang mala-anghel na mukha ni Princes. Napakasimple nito at napaka-amo ng mukha. Kahit sino ay Hindi imposibleng mahulog rito. Kanina ay pinakiusapan niya ang Auntie niya na okupahin niya muna ang opisina nito ngayong araw na ito upang makapagpahinga sahil alma niyang walang basta basta pumapasok sa opisina nito kung hidni ipinatawag. Nagtaka ang kaniyang Auntie pero hindi na siya nito masyadong inusisa, sinabihan na lamang siya nito na huwag lalabas ng opisina niya dahil baka magkagulo sa kampus. May ilan pa kasing estudyante ang mga nag-eenrol at nagco-compli. Lingid sa kaalaman nito ay isang babae ang dahilan niya kaya gusto niyang pumunta sa unibersidad. Mula kasi kahapon ng matapos ang graduation ceremony hanggang sa pag-uwi ay hindi mawala sa isip niya ang inosenteng mukha ng gurong iyon. Nang makarating sa office ay agad niyang hiningi sa sekretarya ng Auntie niya ang files ng lahat ng guro sa highschool department. Ibinigay agad iyon dahil siguro ay nahiyang tanggihan siya. Hindi siya nahirapang hanapin ang files ni Princess. Hindi niya maintindihan ngunit parang nakaramdam siya ng saya ng makitang single pa ito. Napakalakas kasi ng dating ng babaeng kaharap niya ng mga sandaling iyon sa kaniya. Ngayon lamang siya na-amaze at pumuri ng kagandahan ng isang babae. Isa pa, kitang kita rito na isa itong respetado at kagalang galang na babae Hindi katulad ng mga nakikilala niya.
“Siguro ay nagtataka ka dahil ipinatawag kita rito. At lalong ipinagtaka mo sigurong ako ang naririto at hindi ang tiyahin ko. Am i right Miss Baller?”
Kinakabahan si Princess. Wala siyang maisip na dahilan bakit siya ipinatawag nito. Ngunit pinalakas niya ang loob niya. Ayaw niyang isipin nitong pati siya ay nahihibang sa kagwapuhan nito. Na sa tingin ay totoo.
Lihim siyang humugot ng malalim na hinga. Saka taas noong nagsalita na parang hindi kinakabahan kanina. “Actually oo tama ka Mr.?” Hinihintay niya nag pagsagot ng binata.
“Just call me Aero. By the way, baka sabihin mo namang hindi ako gentlemen. Take a seat Miss Baller.” Yaya nito.
“Mukhang mahaba-habang usapan ho ang mangyayari dahil pinaupo pa ninyo ako.?”
“Medyo lang naman.” Sagot nito.
Naupo siya sa harap ng table saka tumingin sa binata. Pasalamat siya at medyo nawala ang kaba niya.
“I want to be frank Miss Baller. I like you.” Ginamit nito ang pagiging straightforward nito na ikinagulantang ni Princess.
Nanlaking muli ang mga mata ni Princess. “W-What?”
“Kailangan talagang ulitin? I said I like you. Mahirap ba intindihin? Oo masyado akong mabilis, dahil hindi ako ang klase ng tao na pinapatagal pa ang mga bagay bagay. Im interested to you that’s why nandito ako ngayon sa harap mo.” Full of self confident na sabi nito.
Napaawang ang bibig ni Princess. Para siyang napipi dahil sa rebelasyon nito. Para yatang napakabilis ng pangyayari? Parang ang pagkakaalam niya ay kahapon lamang sila unang nagkita. Pero? Gusto na daw siya nito? Hindi maaari! Isa itong malaking kalokohan.
“Hey? Baka mapasukan ng langaw iyang bibig mo. Baka madapuan pa iyang mapula mong labi.” Makahulugang ngiti ang itinapon nito sa kaniya.
Pinamulahan ng pisngi at tainga si Princess sa sinabi nito ngunit ayaw niyang mahalata nito na matindi ang epekto ng mga sinasabi nito sa kaniya. Ipapakita niyang parang wala lang iyon sa kaniya. Ang mga tulad nito ay nasisiguro niyang certified playboy. Hm! Malakas mambola. Mukhang ganito ang gawain niya sa mga babaeng gusto niyang isama sa bilang ng mga napagsawaan na niya at pinaiyak. No way! Hindi ako papayag na mapasama roon! Sigaw niya sa isip.
“You mean iyon lamang ang dahilan kung bakit mo ako pinatawag? Tama ba Mr. Montenegro?”
“Masyado naman yatang pormal? I said just call me Aero. Mas komportable ako ng ganoon ang tawag mo sa akin.”
“Ang pagtawag ko sa iyo ng Mr. Montenegro ay isa lamang paggalang. At kung pahihintulutan niyo, aalis na ako.” Lakas-loob niyang sabi. Ayaw niyang magpadala sa taglay nitong karisma.
Akmang tatayo na si Princess ng mauna na itong tumayo at mabilis na humarang malapit sa kaniya. Kinabahan si Princess. Aminin man niya o hindi, kakaiba ang lakas ng dating ni Aero sa kaniya.
“A-Anong g-ginagawa m-mo?” nauutal niyang tanong. Hindi siya maaaring sumigaw para humingi ng tulong. Kahiya-hiya ang gagawin niya. Respetado pa naman siya sa kampus. Lakas ng loob ang kailangan niya. Basta huwag lamang siyang magpapadala sa mabulaklak nitong salita.
Makahulugan ang pagtitig nito sa kaniya na lalo niyang ikinakaba. “Wala ka man lang bang reaksiyon sa sinabi ko? basta ka na lamang tatalikod?”
“Ano bang gusto mong maging reaksiyon ko?”
“So you’re saying na wala kang any reactions? Kilig or something?” nagtatakang tanong nito na nanatiling nakaharang sa kaniyang daraanan.
Inaasahan siguro nito na maglululundag siya sa tuwa dahil sinabi nitong gusto siya nito. Ganun ba ang ginagawa ng ibang babae nito? Pwes hindi ako katulad ng ibang babae mo na madali mong nakukuha!
“Mr. Montenegro, wether you like me or not, walang magbabago, is that a big deal? I respect you but i want you to know na hindi ako katulad ng ibang babae na mga nakakasalamuha mo or pinagpapantasyahan ka. Ano bang kailangan kong gawin? Wala naman hindi ba? Nasabi niyo ng gusto niyo ako, so what’s next?” lakas loob na wika ni Princess. Nawala ang kaba niya. isa rin kasi sa ugali niya ang pagiging supladita paminsan-minsan. Naiinis na siya sa lakas ng self confident nito sa sarili, hindi porket sikat ay lahat ng babae ay makukuha niya agad kapag ginusto niya. Hindi man lamang siya inirespeto nito. Walang modo!
“I can’t believe this!”
“Hindi kayo makapaniwala dahil isang tulad ko ang magbabalewala ng sasabihin mo? Bakit Mr. Montenegro? Lahat ba ng sinabihan mo ng salitang iyon, natuwa? Sumama sa iyo? Ibinigay ang mga gusto mo? Naging kasintahan mo agad? Bumigay sa iyo? Mr. Montenegro i really respect you. Isa nang dahilan ay pamangkin kayo ng President ng university pero hindi naman ho yata tamang tratuhin ninyo ako ng ganito? Kaunting respeto naman ho bilang babae at bilang guro dito sa unibersidad.” Nakukuyom na niya ang kaniyang kamay dahil sa inis rito. Kung kanina ay kabang kaba siya, naapawan iyon bigla ng pagkainis.
Tumungo ito. Saka muling tumunghay. “Im sorry Miss Baller. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko. Mula kasi ng makita kita kahapon sa graduation ceremony ay hindi ka na mawala sa isip ko. You are a true princess that looks like an angel. Pero believe me, hindi ko intensiyon na bastusin ka, i just want to tell you what i feels. Im a straightforward person. But i respect you. Mali yata ang interpretation mo sa mga nasabi ko. Im sorry.”
Hindi pa rin makapaniwala si Princess sa mga sinasabi ng lalaking kaharap niya. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya o hindi sa mga sinasabi nito. Ngunit isang bagay ang ipinangako niya sa sarili niya, hinding hindi siya magpapadala sa mga sinasabi nito. Ayaw niyang madamay sa magulong mundo nito. Ayaw niyang pati siya ay bigla bigla na lamang sabunutan ng mga babaeng nagkakandarapa rito. Respetado siya. Ayaw niyang mawala ang respeto ng mga taong nakakasalamuha niya nang dahil lamang sa lalaking ito.
“Pagpasensiyahan niyo na rin ang mga nasabi ko, all i want is your respect. Please dont mind me if i have to go. Marami pa akong mahahalagang bagay na aayusin.”
Nilampasan niya si Aero na nanatiling nakatayo. Hindi na niya hinitay ang sasabihin nito. Kailangan niyang makalabas sa opisinang iyon. Masyado na nitong ginulo ang isip niya. Ipipihit na ni Princess ang seradura ng pinto ng maramdaman niya ang paghila nito sa braso niya dahilan para mapaharap siya rito at ang biglang paglapat ng labi nito sa labi niya. Para siyang nakuryente sa ginawa nito. Hindi ito ang first kiss niya pero kakaiba ang impact ng halik nito sa kaniya. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya nabawi ang kaniyang katinuan. Naitulak niya ito sa kabiglaan sanhi ng malakas na paglagapak nito sa sahig.
“I-Im s-sorry..” natutop ni Princess ang kaniyang bibig pagkasabi noon saka tumalikod rito at lumabas ng opisina.
Laking pasalamat niya ng makalabas na siya sa opisinang iyon.
Hindi niya inasahan ang ginawa nito. Gulung gulo ang isip niya. napakalaki ng epekto ng mga sinabi at ginawa nito sa kaniya. Pakiramdam niya tuloy ay magkakasakit siya. Ang gusto niya lang ay umuwi at magpahinga. Matulog upang hindi niya maisip ang ginawa nito. Hindi naman niya ikinakailang humahanga siya sa kagwapuhan nito ngunit hindi naman iyon dahilan para pumayag na lamang siya sa mga gusto nitong gawin. Sigurado siyang lahat ng babaeng nakakasalamuha nito ay ganoon nag ginagawa nito. Kailangan niyang kalimutan ang nagyari. Hindi dapat siya paapekto rito. Utang na loob Princess huwag ka paapekto! Hindi lang naman iyon ang first kiss mo! Kunwari na lang panaginip lang iyon! Isang masamang panaginip!
~
“O, Ma’am Princess? Pauwi ka na?” tanong ng co-teacher niya ng makitang inayos na niya ang kaniyang shoulder bag at mga gamit sa table niya.
Iyon kasi ang una niyang naisip na gawin pagkabalik sa faculty room. Maaari kasi silang umuwi kahit wala sa oras dahil bakasyon na naman at wala ng klase pa.
“A-ah, oo masama kasi ang pakiramdam ko.” pagsisinungaling niya.
“Ipinatawag ka lang sa Office of the President, bigla ka ng nagkasakit?”
“Hindi, wala namang masamang nangyari, napagod lang siguro ako dahil kahapon.” Tumayo na siya.
“Ganon ba? Siya sige magpahinga ka na para makapasok ka ulit bukas.”
Ngumiti siya. “Salamat. Aalis na ako.” Mabilis na naglakad si Princess palabas ng kampus. Ayaw na niyang makita nag pagmumukha ng lalaking nagpagulo ng isip niya. Ang lalaking hindi man lamang siya nirespeto. Ang lalaking basta basta na lamang sasabihing gusto siya nito. At ang lalaking walang modong basta na lamang siyang hinalikan. Pagkalabas ng kampus ay agad siyang sumakay ng taxi pauwi sa San Roque Village kung saan siya nakatira. Hindi na niya napansin ang mga matang nakasubaybay sa kaniya sa di kalayuan na sinundan ang sinasakyan niyang taxi.
~
Hindi agad nakabawi si Aero sa ginawang pagtulak ni Princess sa kaniya. Siya man ay nagulat sa ginawa niyang paghalik rito. Hindi niya iyon sinasadya. Para bang hinayang na hinayang siya kapag hindi naglapat ang mga labi nila bago ito lumabas ng opisina. Habang nagsasalita ito kanina ay hindi niya maiwasang mapatitig sa mapula nitong labi na animo’y kaylambot at kaysarap halikan. Ngayon lamang siya nagkaganoon sa isang babae na parang hindi niya inaasahan sa sariling gagawin ang ganoong bagay ng kusa at hindi dahil ginusto talagang gawan tulad ng ginagawa niya sa ibang babae.
He kissed her gently. Maingat niya itong hinalikan kahit wala siyang natanggap na tugon mula rito. Nang mailapat niya ang kaniyang labi sa labi nito ay para siyang lumulutang sa hangin. Kakaiba ang feeling kapag hinahalikan ito. Hindi niya inakalang tila saglit siyang nawala sa sarili ng halikan niya ito na kailanman ay Hindi niya naramdaman kahit kanino. Pakiramdam niya ay noon lamang siya nakahalik ng isang babae. Kaya nang itulak siya nito at bigla siyang tinalikuran at umalis ay hindi niya magawang magalit. Alam niyang kasalanan niya iyon at sigurado siyang isinusumpa na siya ni Princess nang mga oras na iyon.
Mabilis siyang tumayo upang sundan si Princess. Ngunit natanaw niyang papalabas ito ng faculty room dala ang bag nito kaya agad siyang sumakay ng kotse niya. Hindi na niya pinansin ang pagtili ng ibang estudyanteng naroroon nang makita siya. Nang makita niyang sumakay sa taxi si Princess ay hindi na siya nagdalawang isip na sundan ito. Gusto niyang humingi ng dispensa sa nagawa niya. Gusto niyang humingi ng paumanhin. Gusto niyang burahin ang masamang impresiyon nito sa kaniya.
Habang nagmamaneho at patuloy sa pagsunod sa taxi kung saan lulan noon si Princess, hindi maiwasan ni Aero ang mapaisip. Kakaiba talaga siya. Siya ang kauna-unahang babaeng sinundan ko para magsorry. Ito ang unang pagkakataon na para akong nawala sa sarili ng matikman ang mga labi nito. Ilang babae na ang nahalikan ko pero pagdating sa kaniya, pakiramdam ko nakalutang ako sa hangin! Anong meron ka Princess Baller? Bakit ako nagkakaganito sa iyo? Sa buong buhay ko, puro papuri at paghanga ang natatanggap ko pero sa iyo, puro rejections? Anong bagay ang ikinaayaw mo sa akin na hindi nakikita ng ibang babae? Ahhh! Sumasakit ang ulo ko sa iyo Princess! gusto talaga kita una palang kitnag nakita, at sigurado ako roon!
Napag-alaman ni Aero na sa San Roque Village pala ito nakatira. Mabuti na lamang at sinundan niya ang sinakyan nitong taxi. At least malaya siyang makakapunta sa bahay nito sa halip na sa unibersidad pa. Tahimik ang subdivision na iyon. Ibig sabihin ay hidni iyon ang huling pagkakataon na pupuntahan niya ito sa bahay nito. Mukhang mapappadalas nag gagawin niyang pagdalaw rito. Hindi gaanong madaming tao sa labas. Pwedeng pwede siyang magpalakad- lakad roon ng malaya.
Parang nanigas ang mga paa ni Aero. Parang hindi niya kayang bumaba. Baka sigawan siya ni Princess at palayasin na kayang kaya nitong gawin dahil nasa pamamahay niya ito at wala sa unibersidad. Nilakasan niya ang kaniyang loob. Hihingi lamang naman siya ng paumanhin.
Bumaba siya ng kotse niya. Doon niya ipinarada ang sasakyan sa tapat mismo ng bahay nila Princess. Tahimik at nakakagaan ng pakiramdam ang ambiance ng lugar. Isang batang babae ang nakita niya sa may terrace na abala sa paglalaro sa Nintendo DS nito. Nagtama nag paningin nila at hindi niya inaasahan ang gagawin nitong pagtili.
Nabingi si Princess sa lakas ng tili ng kaniyang kapatid na nasa may terrace lamang na malapit sa kwarto niya. Dalawang palapag ang bahay nila at doon sa terrace malimit tumambay ang kaniyang kapatid na si Charisse.
Mabuti na lamang at nakabihis na si Princess ng pambahay na damit. Maikling shorts at sleeveless na damit na pawang cotton ang tela. Nang malapitan ang kapatid sa terrace at mapatingin sa labas ng gate nila ay hindi niya inasahan ang kaniyang makita.
“Oh my God!”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top