Three

“ATE! Si Aero Montenegro! Iyong lagi kong pinapanood sa TV! Iyong paborito kong artista! Siya iyong nakatayo sa labas sa baba! Sigurado ako!” nagtititiling wika ng kapatid niyang si Charisse.

Hindi alam ni Princess ang gagawin niya. kahit siya ay nagulat sa nakita. “Calm down okay? Baka naligaw lamang iyan. Baka kamukha lamang ng sinasabi mong artista! Baka masamang tao iyan.” Pagsisinungaling ni Princess sa kapatid. Hindi niya alam kung may mukha pa siyang ihaharap sa lalaking iyon dahil sa namagitan nila. Isa pa, galit siya rito. At hindi niya inaasahan na pupunta pa ito sa bahay nila. Isa itong malaking gulo!

“No Ate! Im very much sure! Siya iyon. Kilalang kilala ko siya! Baba tayo, salabungin na natin siya!  Sige na Ate! Please?” yaya ni Charisse.

Wala ng nagawa pa si Princess kung hindi bumaba dahil hinila na siya sa braso ng kaniyang kapatid. They are so close at napakabait niya sa kapatid niya. Ayaw niyang magalit ito sa kaniya kapag hindi nasunod ang gusto nito. May ugali kasi itong pagiging matampuhin at pagtatanim ng sama ng loob. Kailangan lang niya ng makapal na mukha at lakas ng loob para harapin ulit nag lalaking ninakawan siya ng halik. At gusto niyang ipamukha rito ang pagkainis niya rito.

Pagkabukas ng pinto sa baba ay muling nangibabaw ang malakas na tili ng kapatid niyang si Charisse saka tumakbong sinalubong sa may gate si Aero.

“You are Aero Montenegro right?” buong excitement na tanong ni Charisse habang pinagbubuksan ito ng gate.

Nang mabuksan ang gate ay kitang kita ang pagkinang ng mga mata ni Charisse. Si Princess naman ay nanatiling nakatayo lamang sa may pinto.

Awtomatikong napangiti si Aero sa batang kaharap niya na magiliw siyang pinatuloy. Sa tingin niya ay kapatid ito ni Princess. Magkahawig ang mga ito.

“Yup! Im Aero. And you are?” tanong niya na tumungo pa dahil masyado siyang matangkad upang tumingala pa si Charisse sa kaniya.

“Im Charisse! And there is my Ate Princess.” itinuro pa nito ang Ate niyang nakatayo lamang sa may pinto habang nakamasid sa kanila.

“OH! Nice meeting you Charisse. Maaari ba akong tumuloy sa loob ng bahay niyo? Mahirap na kasi baka pagkaguluhan ako rito sa labas.”

“Opo! Welcome na welcome po kayo rito.” Sabay silang naglakad patungo sa may pinto at doon humarang si Princess.

Ang yabang! Pagkaguluhan daw? Eh wala namang nagkakalat na tao dito sa village! Style mo lang iyon para makatuloy ka sa bahay namin! Grr.. nakakainis ka talagang kumag ka! Pasalamat ka idol ka ng kapatid ko! Hmmpp! Kung hindi, ipinagtabuyan na kita!

Masama ang tingin ni Princess kay Aero habang papalapit ito sa kinatatayuan niya.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Princess na para bang walang namagitan sa kanila. Makakatikim ito ng katarayan niya. 

He deserves it!

Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Charisse. Nagpalipat-lipat ang tingin niay sa Ate niya at sa idol niyang si Aero.

“Princess let me explain..” wika nito na kitang kitang ang pagka-sincere.

Alam ni Princess na hindi tamang magpatuloy ng taong hindi naman nila ganoon kakilala sa loob ng bahay nila. Ngunit dahil ito’y kilalang tao at kagalang–galang din dahil angkan nito ang may-ari ng pinagtatrabahuhan niyang unibersidad ay pinatuloy niya ito. Isa pang dahilan ay dahil sa kahilingan ni Charisse.

“Thanks for allowing me to enter your house.” Wika ni Aero saka naupo sa sofa sa salas.

Tahimik pa rin na nakamasid si Charisse sa dalawa. Hindi niya maintindihan ang nagyayari. Magkakilala ba ang dalawang ito?

“Kukuha lang ako ng maiinom.” Paalam ni Princess. Naiwan si Aero at si Charisse sa salas.

“Aero – ..” naputol ang sinabi ni Charisse ng magsalita si Aero.

“Kuya Aero na lang para mas maganda sa pandinig.” Nakangising wika nito.

“Nanliligaw ka ba sa Ate ko? Bakit ka mag-eexplain sa kaniya?”

Masyadong matalino ang kaharap niyang bata. Masuri at may konklusiyon sa mga naririnig. Naiintindihan nito ang mga nagyayari.

“Kapag ba mag-eexpalin, manliligaw na?” ngumiti ito. “May nagawa lang ako sa Ate mo na hindi dapat at hindi niya iyon nagustuhan kaya pumunta ako rito para magpaliwanag sa kaniya at humingi na rin ng paumanhin.”

“Hmmp! Akala ko pa naman nililigawan mo na ang Ate ko! botong boto pa naman ako sa iyo! Idol kasi kita eh! Lahat ng programa mo pinapanood ko kasama si Mama! May mga poster mo pa nga ako sa kwarto ko eh!” pagmamalaki nito.

Ikinatuwa naman ni Aero ang pagsasabi nitong botong boto ito sa kaniya para sa Ate niya. Gusto talaga niya si Princess. Lalo pa nga iyong lumalalim dahil sa pagdaan ng oras ay may mga kakaibang nararamdaman siya para rito.

“Talaga? So pinapanood din ako ng Ate mo?” 

“Minsan lang. Kasi hindi naman siya mahilig manood ng TV eh!”

Parang bigla siyang naghina. Inaasaahn kasi niyang lagi ring pinapanood ni Princess ang mga programang siya ang bida. Hindi na talaga niya maintindihan ang sarili niya. Desidido na siya ngayong maging kasintahan si Princess. Seryoso siya. Iyon ang alam niya. Tumango tango lamang siya kay Charisse.

Siya namang dating ni Princess galing kusina. May dala itong juice at cupcakes. Nang mailapag sa center table ay naupo na din siya paharap kay Aero.

“Charisse, can i talk  first to your Ate?” paalam ni Aero.

Naintindihan naman ni Charisse ang ibig sabihin ni Aero. Ang makapag-usap muna sila ng masinsinan ng Ate niya. Tumayo siya saka umakyat sa taas.

“Kahit naririto tayo sa pamamahay ko, iginagalang pa rin kita. At ayokong maging masama sa harap ng kapatid ko. Kaya kung anumang sasabihin mo, kung maaari ay pakibilisan na lamang. Gusto ko nang magpahinga.” Wika ni Princess.

Lingid sa kaalaman ng dalawa ay nakaupo lamang sa may pinakataas na baitang ng hagdan si Charisse at maingat na nakikinig sa usapan nila.  May pagkamaloko kasi ito at pagkapilya. Katulad rin ng Ate niya.

“Alam kong ako ang dahilan kung bakit umuwi ka ng wala sa oras. Alam kong marami kang dapat gawin pero hayun at sinira ko ang araw mo..” saglit itong tumigil at nananatya kung nakikinig siya.

“Nakikinig ako..”

“Pero maniwala ka, hindi ko sinasadyang halikan ka.. nagawa ko lang iyon hindi dahil ganoong klase akong tao kung hindi parang may nagtulak sa aking gawin iyon.. I really like you Princess. Huwag mong  masamain ang sinasabi ko. Huwag mong isipin na binobola lang kita. Paniwalaan mo sana ang mga sinabi ko. Alam kong hidni ganoon kadali ang paniwalaan itong mga sinasabi ko dahil napakabilis ng pangyayari. Kahit sarili ko ay Hindi maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang naramdaman ko ng una kitang makita lalo na ng makaharap kita. Pagkatapos ng oras na nakita kita ay hidni ka na mawala sa isip ko na Hindi kailanman nangyari sa akin. Ako ang klase ng taong kapag may gusto, gagawin ang lahat mapasa-akin lamang iyon.”

“Akala ko nasa akin na ang lahat, kayamanan, kasikatan, kagwapuhan, mga babaeng nagkakandarapa, projects, papuri.. iyon ay noong hindi pa kita nakikilala...” 

“Nang makatanggap ako ng rejection mula sa iyo, doon ko napatunayan na hindi lahat ng gusto ko ay maaari kong makuha ng ganoon lamang kadali..” patuloy nito.

“So kung paniwalaan ko iyang mga sinabi mo, titigilan mo na ba ako? Hindi mo na ako kukulitin?” tanong ni Princess na kitang kita sa mukha ang pagka-inis.

“Princess...”

Sa may hagdan ay tinakpan ni Charisse ang bibig niya upang mapigilan ang kaniyang pagtili. Kinikilig siya sa usapan ng Ate niya at ng idol niyang si Aero. May gusto ang idol niya sa Ate niya. Lalo na nang marinig niyang hinalikan pala ni Aero ang Ate niya.

“Aero, gusto kong malaman mo na hindi porke nasabi monggusto mo ako ay maaari mo na akong guluhin ng ganito. Sige,  granted na totoo ang  mga pinagsasasabi mo, pero sana hanggang dito na lang iyon? Masyado mo nang ginugulo ang buhay ko, alam mo ba iyon? At gusto kong malaman mo na hindi porket gusto mo ako ay dapat na akong matuwa. Hindi naman iyon big deal eh! Kung tutuusin sigurado naman akong hindi lang ako ang babaeng nakarinig noon mula sa iyo. Tama ako hindi ba? Kaya sana Mr. Aero Montenegro, pagkatapos ng pag-uusap na ito, ayoko nang kakausapin mo pa ako o susundan dito sa bahay ko at lalong huwag na huwag mo na ulit uulitin ang ipatawag ako sa Office of the president. Pakiusap..”

“Pero Princess..”

“Please..”

“Hindi ko maipapangako. Gusto talaga kita Princess maniwala ka naman at gusto kong ipakita kung gaano kita kagusto. Siguro nga hindi ito big deal sa iyo dahil ang mga ganitong bagay ay hindi mo pinapahalagahan, pero sana hayaan mo akong patunayan sa iyo na totoo ang mga sinabi ko..”

Hindi akalain ni Aero na magiging ganoon siya ka-drama sa harap ni Princess na first time nangyari sa kaniya.

“Aero.. ilang ulit ko bang dapat sabihin na ginugulo mo ang tahimik kong buhay bago mo ako tigilan? Hindi ako natutuwa sa ginagawa mo Aero. Tama na iyong pumunta ka lamang rito upang humingi ng paumanhin sa ginawa mo, sapat na iyon para mapatawad kita.”

Napatungo si Aero. Saglit na tumahimik at muling tumunghay. Isang bagay lamang ang nasa isip niya ng mga sandaling iyon.  “Kahit pa sabihin mong tigilan kita, hindi kita susundin. Sarili ko ito kaya sarili ko ang masusunod. Willing akong guluhin ang buhay mo makasama lang kita, makita lang kita.. kaya humihingi ako ng paumanhin sa ginawa ko kanina sa kampus, humihingi din ako ng paumanhin sa ginawa kong paghalik sa iyo at humihingi ako ng paumanhin kung hindi kita mapagbibigyan sa gusto mo na tigilan ka..”

Napabuntung-hininga si Princess sa sinabi ng binata. “Aero! Hindi ka ba mapakiusapan?” naiinis ng tanong niya.

“Hindi.” Nagmamatigas nitong sagot.

“Haayy! Anong klaseng tao ka ba?”

“Klase ng tao? Taong in love lang naman Princess..”

Nakaramdam siya ng kaunting kilig ngunit hindi niya iyon pinahalata kay Aero. “Kailangan pa ba talaga kitang ipagtabuyan bago mo ako tigilan ha?”

“Kahit pa ipagtabuyan mo ako ng ilang beses, hindi kita titigilan. Anong magagawa mo kung tinamaan ako ni Kupido? Oo mabilis ang pangyayari, na pangalawang araw palang kitang nakikita at nakilala pero ang lakas ng impact eh! At hindi ko iyon kasalanan! Sisihin mo si Kupido kung gusto mo!”

Gustong matawa ni Princess sa sinabi nito. Ang corny! Pero hindi pa rin maitatanggi ang pagkai-inis niya. Totoong ginugulo nito ang buhay niya. Nasanay siya sa tahimik at payapang mundo, sa klase ng trabaho nito ay siguradong pati mundo niya ay gugulo. Ayaw niyang mangyari iyon. Hindi ito ang unang pagkakataon na may nagsabi sa kaniyang gusto siya pero ito ang unang pagkakataon na isang sikat na tao, isang tinitingalang tao at pinagkakandarapaang tao ang nangugulit sa kaniya. Tutal hindi niya mapakiusapan itong tigilan siya, hangga’t maaari ay siya na lamang ang iiwas. Isa sa ikinatatakot niya ay makarating ito sa unibersidad. Kahiya-hiya sa tiyahin nito na Presidente ng University. Maganda pa naman ang record niya at ilang papuri na rin ang natnaggap niya mula rito. Ayaw niyang masira ang lahat ng iyon ng dahil lamang sa isang lalaki. At ayaw niyang pag-isipan siya ng ibang tao ng mga negative things. 

Para sa kaniya, napakalaking achievement na ang magustuhan ka ng isang sikat na artista na napakayaman at napakagwapo pa, at maraming magiging against kung malaman ng iba na nililigawan siya ni Aero. Baka samo’t saring negative things ang ibato ng mga tao sa kaniya. Ayaw na ayaw niyang mangyayari iyon. Masisira ang magandang image niya. At pati reputasyon niya ay madadamay. Pati siya ay pagkakaguluhan ng tao. Ni minsan ay hindi niya pinangarap ang magulong mundo. Sapat na sa kaniya ang buhay niya ngayon – ang buhay niya nang hindi pa niya nakikilala si Aero Montenegro.

“Aero, sana maintindihan mo..”

“Hindi kita naiintindihan. Napakasama mo! Sinasaktan mo ang damdamin ko.” pagbibiro nito dahil nakangiti ito habang sinasabi iyon.

“Tumigil ka nga! Malapit na kitang ipagtabuyan.” Hindi maintindihan ni Princess pero parang komportable siyang kausapin si Aero at parang matagal na silang magkakailala sa tono ng usapan nila.

“Sobra ka naman. Please Princess. Pangako hindi kita pupuntahan at guguluhin sa unibersidad pero hayaan mo akong guluhin ka rito sa bahay natin.”

“Natin??” nanlalaki ang mata niyang tanong rito.

“Niyo pala. Bahay niyo. Sorry feel at home kasi ako rito eh! Saka saan pa’t magiging mag-asawa na rin tayo..”

“Ano!! Gusto mo ba talagang masaktan ha? Kanina ka pa ha! Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo!”

“Ito naman hindi na mabiro. Princess seryoso na ako, gusto talaga kita.”

“Paulit ulit?”

“Barado, ganun?”

Napangiti siya. Nakapalagayan niya kasi ito ng loob kahit pagsusungit ang ipinapakita niya. Magaan ang loob niya rito dahil sa taglay nitong kaprankahan. At sa mga bagay na hindi niya malaman at maintindihan.

“See? Napapangiti kita. Lalo kang gumaganda kapag ngumingiti ka Princess.”

“Tigilan mo na nga ang pambobola mo! Dahil kahit pa anong sabihin mo, hindi magbabago ang mga sinabi ko kanina.”

“Ouch naman!” hinawakan pa nito ang dibdib nito.

Likas na rito ang pagiging kalog at palabiro, iyon ang napapansin niya the way na magsalita ito at magbiro. Madali siyang napapangiti nito at napapakilig na ayaw niyang mapansin nito dahil baka isipin pa nito na gusto niya ang ginagawa nito sa kaniya.

“Mukhang hindi matatapos nag debate natin eh! Siya sige! Aalis na muna ako. May pictorials pa ako na dapat puntahan. Pero tandaan mo, hindi kita titigilan. Kahit paanong mangyari.” Pagbabanta nito sabay kindat.

“Mabuti naman at naisipan mo nang umalis. Kanina pa kita gusto itaboy eh!” pagbibiro niya ngunit seryoso ang mukha niya.

“Ang sama mo talaga!” tumayo na ito. Sumilip sa may hagdan upang tingnan  si Charisse para makapagpaalam rito.

“Charisse! Uuwi na ang pangit mong idol.” Sigaw ni Princess.

“Pangit pala ha! Tsk..”

Tumakbo pababa ng hagdan si Charisse. Yumakap it okay Aero at nagpaalam. “Babalik ka rito Kuya Aero ha?”

“Teka nga? Kelan mo pa iyan naging Kuya? Ha?”

“Ah! Basta Ate! Kuya ko na siya!”

Natawa lamang si Aero. Nagpaalam na siya sa mga ito. “Princesss, pasalamat ka may lakad ako, kung wala lang, hindi ako uuwi ng ganito kaaga at baka dito pa ako matulog.” Pagbibiro nito.

“In your dreams! Ipinagpapasalamat ko nga iyon. Bukas na bukas bibili ako ng malaking malaking aso para hindi ka na makapunta pa rito.” Hindi maintindihan ni Princess kung bakit nagagawa na niyang magbiro kay Aero samantalang kanina noong umuwi siya ay kinasusuklaman niya ito. Ganoon ba talaga ang kakayahan nitong magpalambot ng puso? Kakaiba ang Aero na kaharap niya. Napagaan nito ang loob niya.

“Kahit pa kasinglaki ng elepante ang bilhin mong aso, handa ko iyon harapin makita ka lang.” Nakangiting wika ni Aero.

Sa loob loob ni Princess ay gusto na niyang mapangiti sa kilig sa mga sinasabi nito. Ngunit ayaw niya iyong makita ni Aero. Saka hindi rin niya gusto ang mga nraramdaman niya. hindi maaaring magustuhan niya ito. Hindi!

“Mabuti pa umalis ka na. Napapahaba na masyado eh! Magpapahinga pa ako!” bulyaw niya rito.

“Heto nga, aalis na!? Naglakad na ito palabas ng pinto. Nakasunod lamang sila ni Charisse upang ihatid ito sa may gate.

“Bilisan mo na umalis!” pang-iinis niya.

“Oo! Nga pala, nakalimutan ko sabihin, ang sexy mo sa suot mo.” Makahulugang ngiti ang ipinakita nito saka dali-daling sumakay ng kotse. Bumusina ito bago tuluyang umalis.

Ramdam ni Princess ang pamumula ng pisngi niya. Nakalimutan niyang humarap nga pala siya kay Aero ng ganoon lamang ang kasuotan.

“Uyy.. si Ate in love! Super bongga ng suitor mo! Nakaka-inggit!” pang-aasar ni Charisse.

Sabay silang pumasok sa loob ng bahay. “Tigilan mo nga ako! Hindi ko iyon type saka hindi iyon nanliligaw. Malakas lang talaga ang trip.”

“Talaga lang..” wika nito saka umakyat muli sa taas.

Naiwan siyang mag-isa sa salas. Naupo siya sa sofa. Napangiti siya sa hindi malamang dahilan. Bakit ako kinikilig? Bakit agad na nabura nag pagkainis ko sa kaniya? Gusto ko na ba siya? Hindi maaari..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: