Six
NAGMADALI si Aero sa paliligo at pagbibihis pagkataposm makatanggap ng tawag mula sa magulang ni Princess. At mabuti na lamang ay mabilis siya kumilos. Tamang tama naman at wala na siyang schedule ng gabing iyon. Balak niya anang magpahinga. Ilang minuto pa lamang siyang nakakaidlip ay tumunog na ang kaniyang cellphone.
“Hoy sino ka? Bro?” tanong ng kapatid na si Wade ng magkasalubong sila sa hagdan. Ngunit agad ding nakilala ng magkalapit sila. Tumawa pa ito ng malakas. Patakbo kasi siyang bumaba na hindi naman niya ginagawa dati.
“Oo ako nga!” nakangising sagot niya at tuloy-tuloy sa pagbaba hanggang marating ang main door.
“Anong problema mo? Bakit kailangan mong magdisguise? First time ah?!” sigaw ni Wade sa nakatatandang kapatid.
“Alam mo na iyon! I have a date!” sigaw nito.
“Mukhang seryoso ka sa babaeng iyan ah!” pasigaw na sigaw ni Wade. sa tingin niya ay seryoso ito sa ka-date nito at sigurado siyang hindi ito sa mamahaling restaurant pupunta dahil kung sa mamahaling restaurant lang ay hindi na nito kailangan pang mag-disguise ng ganoon.
Thumbs up lang ang isinagot ni Aero sa kapatid na si Wade saka diretsong sumakay sa kotse niya.
Habang lulan ng kotse ay Hindi malimutan ni Aero ang sinabi ng Papa ni Princess sa kaniya ng tumawag ito kanina.
Nagdalawang isip pa si Aero kunbg sasagutin ang tawag sa cellphone niya. Sigurado kasi siyang si Cassandra lamang iyon at baka kulitin na naman siya nito.
Ngunit ng tingnan niya ang kaniyang cellphone ay napabangon siya ng makitang Papa ni Princess ang nakarehistro sa screen. Kinuha niya kasi ang numero ng Papa ni Princess ng pumunta siya sa bahay nito upang kausapin ang magulang nito. Hindi naman iyon nagdalawang isip na ibigay sa kaniya.
“Hello Tito?” maingat na sagot niya.
“Hello iho. Pasensiya ka na sa istorbo.” sabi nito sa kabilang linya.
“Wala ho iyon. Hindi naman ako busy.”
“Iyon nga ang gusto kong malaman, kung busy ka ngayon. Kahiya-hiya man, gusto ko kasing sundan mo ang anak kong si Princess ngayong gabi. Paalis kasi siya kasama ang co-teacher nito papuntang Padis Point daw. Natatakot lamang ako at nag-aalala sa anak ko. Mas makakabuti siguro kung naroroon ka para samahan ito. Malaki ang tiwala ko sa iyo Aero.”
Napangiti siya sa huling sinabi nito. Nagkapalagayan na kasi sila ng loob ng pumunta siya sa bahay ng mga ito ng ipagpaalam ang panliligaw niya kay Princess. Mabait ang magulang ni Princess at iyon ang dahilan kaya nagkasundo sila.
“No problem Sir! Saka hindi ho ba’t patutunayan ko sa inyong seryoso ako sa anak niyo? Salamat naman ho at ipinaalam niyo sa akin na may lakad niya. Salamat ho sa tiwala. Pupuntahan ko ho siya ngayon din.”
“Thank you Aero. Isa pang bagay ang gusto kong malaman mo, ikaw ang unang lalaking pinagkatiwalaan kong mag-alaga kay Princess..”
“Its my pleasure Sir!”
“Siya sige na ibababa ko na ito. Ikaw na ang bahala sa anak namin.”
“Makakaasa po kayo.”
Busy tone na ang sunod niyang narinig.
Muling napangiti si Aero. Paulit ulit niyang naririnig sa kaniyang isip ang binitawang salita ng ama ni Pincess. Ikaw ang unang lalaking pinagkatiwalaan kong mag-alaga kay Princess..
Ilang araw na nga ba niyang Hindi nadadalaw si Princess? Miss na niyang kulitin ito at makitang inis na inis ito sa kaniya. Lalo kasi iyong nagpapalakas ng dating para sa kaniya. He always want to see Princess making face at him.
Hindi niya kasi inaasahan ang sunud-sunod na project na darating sa kaniya. Araw araw siyang pagod at halos gabi ng nakakauwi. Pagkakarating niya sa bahay ay agad siyang nakakatulog. Ayaw niya kasing puntahan si Princess ng ganoon ang pakiramdam niya. Baka hindi niya ito makulit. Iyon pa naman ang gustung gusto niyang ginagawa kay Princess. Baka ma-bored lang ito sa kaniya at ma-turn-off kapag pumunta siya roon na parang naghihina.
Ngunit nang tumawag ang Papa ni princess ay parang nagkaroon siyang bigla ng lakas lalo na ng malmang lalabas ito. Sa Padis Point pa? Hindi imposibleng may mga lalaking lumapit rito. Mala-anghel pa naman ito at napaka-amo ng mukha kaya nga nahumaling siya rito.
Hindi niya yata makakayang nakikisaya ito kasama ang ibang lalaki. Kaya kanina, ginawa niya ang lahat ng disguise na maaaring makapagtago ng mukha niya para hindi siya makilala ng ibang tao. Sigurado kasing pagkakaguluhan siya kung pupunta siya roon sa normal na pananamit.
Hindi siya masyadong komportable sa suot na asul na bonet sa ulo saka ang walang gradong salamin sa mata na medyo malaki na parang kay Ninoy Aquino. Nagsuot rin siya ng piluka na parang buhok ni Watze Lei ng F4. Nagsuot din siya ng blue braces na sinusuot lang niya sa kapag nasa mansiyon siya o rest house nila. Nakuntento na rin siya sa suot niyang faded maong jeans at fitted black shirt. mabuti na lamang at komportable siya sa suot na rubber shoes. Alam niyang katawa-tawa ang itsura niya pero kailangan niya iyong gawin para kay Princess. Mukha tuloy siyang babae. Hindi na naman siguro siya makikilala ng mga tao sa disguise niya.
Mabilis niyang pinaharurot ang kotse niya na para bang solo niya ang daan. He craves for Princess. Her smiles, her face..
Wait for me my Princess..
KANINA pa naaasiwa si Princess sa katabing si Richard, kaibigan ni Melanie. Katabi niya ito sa upuan. Kasalukuyan na silang nasa Padis Point at isang beer tower ang nakapatong sa mesa nila. snacks at mga pagkain ang pulutan nila.
Kanina pa kasi ito pasimpleng umaakbay sa kaniya. Kanina ay nagtapat itong gusto siya nito. Ngiti lamang ang naging tugon niya rito. Ang tanging rason lang naman kaya naroroon siya ay dahil gusto niyang magsaya Hindi para makipag-lampungan sa lalaki.
Kung ito rin lamang ay hindi na. Mas gugustuhin pa niyang si Aero ang katabi niya ng mga sandaling iyon kesa rito. Siguradong mag-eenjoy pa siya.
“Princess I really like you..” wika ni Richard na katabi niya. Umakbay na naman ito. Ilang ulit na niyang tinatanggal ang pagkakaakbay nito sa kaniya kaunti na lamang ay malapit na siyang maging dragona at baka masigawan niya ito ng wala sa oras.
“Let’s just enjoy the night.” nakangiting wika niya.
“Yeah. Enjoy the night. Do you want to..” binitin pa nito ang sasabihin.
“To?”
“Somewhere that we can enjoy our night.” kakaibang ngiti ang sumilay sa labi nito.
Hindi nagustuhan ni Princess ang sinabi nito. Na-gets niya nag ibig sabihin nito. hidni na niya napigilang masampal ito.
“Bakit mo ako sinampal” galit na wika ni Richard.
Silang dalawa na lamang ang nasa table. Nasa CR kasi si Melanie at ang boyfriend nito. ang isa pa nilang kasama ay nakiki-join na sa ibang mesa.
“I-Im sorry..”
“You told me lets enjoy the night, so im asking you for a place you want to go..”
“Mali ang pagkakaintindi mo Richard. I mean magsaya lang tayo ditto sa bar nagyong gabi. walang ibang ibig sabihin iyon.”
“Alam mo masyado kang pakipot? Ilang lalaki na nga siguro ang nakapagdala sa iyo sa motel eh! Tapos mag-aasal birhen ka pa!” prankahang wika nito.
Nagpantig ang tainga ni Princess kaya Hindi siya nakapagpigil na sampalin itong muli saka tumayo. “Bastos!”
Akmang tatalikuran na niya ito ng hilahin nito ang braso niya sanhi ng mapaupo siyang muli sa upuan. Mabilis nitong nahawakan ang kaniyang batok at akmang hahalikan ng matunghayan niya ang biglang paglagapak nito sa sahig. May lalaking tumulong sa kaniya! At malakas na sinuntok nito si Richard.
Shocks!
Kanina pa nagtitimpi si Aero habang pinagmamasdan si Princess at ang kasama nitong lalaki. Nakaupo siya noon sa bar counter at tahimik lamang na nakamasid sa mesa ng mga ito sa di – kalayuan sa pwesto niya. Hindi niya inaasahan ang mga nangyari kaya hindi na niya napigilang lapitan ang bastos na lalaking kasama ni Princess sa mesa at buong pwersa niya iyong sinuntok.
Nagdilim ang paningin niya ng makitang akmang hahalikan nito si Princess. Wala na siyang pakialam kung magkagulo man. Ang mahalaga lamang sa kaniya ng mga sandaling iyon ay mapigilan ang lalaking iyon sa pangsasamantala kay Princess. Nakaramdam siya ng pagkainis kay Princess. Pagdating niya kanina sa bar ay naabutan niyang nakaakbay ang lalaking iyon kay Princess. Nakita pa niyang pangiti-ngiti pa si Princess na waring gusto ang ginagawa ng lalaking iyon. Iyon ang lalo niyang ikinainis kaya mas pinili niyang tingnan na lamang ito sa malayo.
Akala niya’y marami ang mga ito. Ang sabi kasi ng Papa nito ay kasama nito ang co-teacher nito. Iyon pala’y dalawa lamang itong nasa mesa.
“Hindi ganyan ang tamang paggalang sa mga babae.” galit na wika niya.
“Sino ka bang wirdo ka? Ano bang pakialam mo kung anong gawin ko sa babaeng iyan! baka gusto mong basagin ko iyang malaki mong salamin?” itinuro pa nito si Princess na kitang kita ang pagkakot habang nakamasid sa kanila. Saka malakas na tumawa.
“Wala ka ring pakialam kung sino man ako! Sabihin na nating ayokong makikitang binabastos mo ang babaeng iyan.”
“Wow! Ano ka? Superhero?” nakuha pa nitong magbiro kahit may dugo na ito sa labi. Tumayo ito. Susugurin na nito si Aero ngunit nakailag ang binata.
“Just shut up or else i’ll kill you.” pananakot niya rito. Hindi siya nagbibiro. Bakas sa mukha niya ang matinding galit. Baka mapatay niya ang walang modong lalaking aksama ni Princess.
Litong lito si Princess sa nagyayari. Takot na takot siya sa ginawang pambabastos sa kaniya ng Richard na iyon pagkatapos ay hayun at may lalaking biglang darating para tulungan siya. Laking pasalamat naman niya kung sino man ito.
“Ang yabang mo ha! Ano bang pinagyayabang mo ha?”
Walang ni isang naglakas-loob na umawat sa kanila.
“Mukha ba akong nagyayabang lang?” ngumisi siya. “Kayang kaya kitang patayin nagyon sa harap ng mga taong naririto.” pagkasabi’y kunwari’y may bubunutin sa likod ng pantalon ng mabilis na tumakbo palabas si Richard sa takot sa gagawin niya.
Actually wala talaga siyang mabubunot sa likod ng pantaloon niya. Acting lamang niya iyon na natutunan niya sa pagiging artista.
Ngunit sa isang sulok ng bar na iyon ay hindi napansin ni Aero ang isang reporter na kumuha ng litrato niya ng suntukin niya ang lalaking nambastos kay Princess. At lingid din sa kaalaman niya na nakilala siya ng reporter na iyon sa likod ng pagdi-disguise niya.
“Princess anong nagyari??” tanong ni Melanie ng marinig kaguluhan.
Tulala lamang si Princess. Hindi alam ang sasabihin. Hindi alam kung magagalit ba siya kay Melanie dahil sa pagpapakilala nito kay Richard sa kaniya.
Napailing lamang siya.
Nilapitan siya ng nagsilbing knight in shining armor niya. Inakbayan siya nito at iginaya palabas ng naturang bar na iyon. Hindi alam ni Princess kung bakit nagpadala siya sa lalaking iyon. Hindi niya ito kakilala pero hinayaan niya itong akbayan siya at ilabas sa bar na iyon. pakiramdam niya ay safe na safe niya sa mga kamay ng binatang ito.
Naiwang nakamaang si Melanie at ang boyfriend nito.
Nang makalabas sa bar ay lumapit sila sa isang kotseng nakaparada doon. Ipinagbukas siya ng pinto nito.
“Come in.” mahinang yaya nito sa kaniya.
Hindi siya sumagot. Nakatigil lamang siya. Nagdadalawang isip siyang sumakay roon. Hindi niya alam kung kailangan niyang magtiwala agad rito gayong iniligtas lamang siya nito. at sia pa, Hindi niya ito kilala.
Sa kabilang banda, malaki ang utang na loob niya sa binatang iyon dahil sa pagliligtas nito sa kaniya sa kamay ng Richard na iyon na hindi niya akalaing isang napakalaking duwag naman pala.
Princess.. you need to trust him! malaki ang utang na loob mo sa kaniya. Iniligtas ka niya kahit hindi kayo magkakilala, that only means na mabuting tao siya.
Tama ang isinisigaw ng isip niya. Sa tingin niya ay mabuting tao ito. Tiwala lang ang kailangan niyang ibigay rito.
Sumakay na siya sa kotse. Isang bagay ang tumatak sa isip niya. Malaki ang utang na lob niya rito. Mali naman kung pag-isipan niya ito ng masama pagkatapos siyang iligtas nito. Kung sino man itong knight in shining armor niya.
Tahimik na nakatitig sa kawalan si Princess. Hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Hindi na niya namalayan ang pag-upo ng knight in shining armor niya sa drive’s seat saka isinara ang pinto ng kotse.
“Are you okay?” knight in shining armor niya.
Bakit tila pamilyar sa kaniya ang boses nito? Ngayon niya lamang iyon napansin. Hindi pa niya ito masyadong natititigan sa mukha pero parang may ka-boses talaga ito? Hindi! imposible!
“A-Ah yes. Im okay! Thank you.” utal niyang sagot saka pasimpleng sinilayan ang mukha nito. Hindi niya masyadong aaninag ang itsura nitodahil gabi na at madilim sa loob ng kotse nito. Tanging ilaw lamang sapaligid ang nagsisilbing ilaw nila.
Pinaandar nito ang makina ng kotse saka sinimulan ang pagmamaneho.
“Boyfriend mo ba iyong nambastos sa iyo kanina?” Hindi natiis na tanong ni Aero. Hindi niya maikakailang nakaramdam siya ng selos ng makitang nakaakbay ang lalaking kasama nito kanina rito.
“Iyon? Naku hindi!” mabilis niyanng pagtanggi rito.
Gustong isipin ni Princess na si Aero ang allaking kasama niya sa loob ng kotseng iyon ng mga sandaling iyon dahil sa boses nito. Hindi niya makakalimutan ang boses nito. Pero naisip rin niyang hindi naman imposibleng magkaroon ito ng ka-boses.
“Bakit ganoon siya makaasta sa iyo? na parang pag-aari ka niya?”
Hindi maintindihan ni Princess kung bakit ganoon ang mga tanong ng lalaking ito sa kaniya. saka saan ba siya nito dadalahin? Gabi na. Baka nag-aalala na ang parents niya.
“E-Ewan ko. A-Ah, mister bababa na ako. Magtataxi na lang ako pauwi. Maraming salamat sa pagtulong mo sa akin.”
“Ihahatid na kita.” matipid nitong sabi.
“Ihahatid? P-Pero?”
Naisip niyang bakit parang kampante itong magsabi na ihahatid siya nito gayong hindi naman nito alam kung saan siya nakatira? At.. ikinagulat niya nang tumingin siya sa windshield ng kotse. Ang tinatahak nilang daan ay ang daan pauwi sa village nila? Paano nito nalaman?
Hindi na nakatiis na magtanong si Princess. “B-Bakit parang alam mo kung saan ako nakatira?” nauutal pa niyang tanong.
Alam ni Aero na nagtataka na si Princess sa kaniya kaya oras na siguro upang malaman nito na siya ang kasama nito sa kotseng iyon. Mabilis niyang tinanggal ang bonet na suot sa ulo kasama ang wig at tinanggal ang malaking salamin sa mata niya a kanina paniya gustung gustong alisin.
Natutop ni Princess ang kaniyang bibig ng makita ang ginawa ng lalaking kasama niya sa kotseng iyon. Hindi siya maaaring magkamali. Kahit hindi ganoon kaliwanag ay kilalang kilala niya ang mukhang iyon, ang mukha ng lalaking laging laman ng isip niya.
“Aero???”
Ikinagulat niya ang natuklasan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top