Seven
“AKO NGA, BAKIT?” wika ni Aero nang matunghayan ang pagkagulat ni Princess ng makita ang muka niya sa likod ng disguise niya.
“P-Pa’nong..” Hindi pa rin makapaniwala si Princess sa nakikita.
“Huwag nang maraming tanong. Ihahatid na kita sa inyo. At pagkadating natin sa inyo ay kailangan nating mag-usap ng masinsinan.” seryosong wika nito.
“Ano?”
“Narinig mo ang sinabi ko. Kaya please? Tumahimik ka muna. Malapait na tayo sa San Roque Village. Mamaya tayo mag-uusap.”
Aba? At parang boyfriend ko kung umasta? Ano amang dapat naming pag-usapan? shocks! Malaki pala ang utang na loob ko sa kaniya? No!!
Nanaig ang katahimikan sa pagitan nila hanggang makarating sa bahay nina Princess.
Ipinagbukas siya nito ng pinto ng kotse saka siya tahimik na bumaba roon. Nang tumingin sa gawi ng bahay ay nakita niya ang Mama niya na nagbubukas ng gate.
Hindi rin napansin ni Aero ang matang nakasubaybay at nakasunod sa kanila kanina pa mula sa bar kung saan sila nanggaling.
“Princess, iha? Nag-enjoy ka ba? nakangiting sumalubong nag Mama niya sa kaniya saka siya nagmano.
Pinatuloy niya si Aero sa loob ng bahay nila. Tahimik pa rin silang nagtungo papasok ng bahay hanggang sa makaupo sa sofa. Wala pa ring nagbabalak na magsalita sa kanilang dalawa.
Binasag ni Rebecca ang nananalaytay na katahimikan sa pagitan ng kaniyang anak at ni Aero. Gumuhit sa mukha niya ang pagtataka. Parang may kakaibang nangyari sa mga ito. saka napadako ang tingin ng bumaba ang asawa sa hagdan.
“Nandiyan na ba sina Princess?” tanong nito.
“Oo Ronaldo. At eto nakakbingi ang katahinikan sa pagitan nila.” wika ni Rebecca.
“Bakit? May nangyari ba anak?” tanong ng Papa niya.
Tumunghay lamang si Princess sa mga ito. Ayaw niyang malaman ng mga ito ang gulong nangyari kanina sa bar. Siguradong magagalit ang mga ito sa kaniya pati na rin sa co-teacher niyang si Melanie. Pero.. Sigurado siyang sasabihin ni Aero ang nangyari.
Pero teka nga? Hindi ko pa siya naipapakilala sa parents ko pero bakit parang magkakakilala na sila?
“Wala po Tito. Actually nag-enjoy nga kami. Pagod lang po si Princess at medyo maraming nainom na alak.”
ikinagulatni Princess ang sinabi ni Aero sa magulangniya. Hindi ito nagsumbong. at Hindi nakaligtas sa pandinig niya nag pagtawag nito ng Tito sa Papa niya.
Pinakalma niya ang sarili. Sasakyan na lamang niya ang sinabi ni Aero upang Hindi na magtanong ang mga ito.
“Opo Papa tama si Aero.”matipid niyang sagot.
“Siya sige. Mabuti pa mauuna na kaming matulog ng Mama mo. Hinintay lang naming kayong makauwi rito. Ikaw na ang bahalang mag-lock ng gate Princess pag-uwi ni Aero.” bilin ng Papa niya na muling nagpagulat sa kaniya.
Sabay na umakyat pataas ang mga magulang ni Princess. at nang masigurong wala na ito ay umarap siya kay Aero.
“Bakit parang close kayo nina Papa at Mama? Hindi ugali ni Papa ang hayaang may lalaking maghahatid rito sa akin ng hindi niya nakikilala. At bakit sabi niya hinintay lang daw tayong makauwi? Tayo? Bakit parang kilala ka na nila? Hindi pa naman kita naipapakilala sa kanila ah?” susud-sunod na tanong ni Princess. Naguguluhan siya sa nagyayari.
“Hep hep! Isa isa lang! mahina nag kalaban! sobra ka namang mang-atake!”
“Naguguluhan ako sa nangyayari eh!”
“To be honest, oo kilala na ako ng mga magulang mo. At sila ang dahilan kung bakit alam kong nagpunta ka sa bar na iyon.”
“Paanong--”
“Pwede patapusin mo muna ako? Ipapaliwanag ko naman sa iyo lahat eh!” awat sa kaniya ni Aero.
Sa loob loob ni Princess ay nakadama siya ng tuwa ng makitang muli si Aero. Heto at kausap niyang muli. Nagsisimula na naman silang magdebate. But inspite of that, gumaan bigla nag pakiramdam niya ng makaharap itong muli na para bang walang nangyaring gulo kanina lamang.
“Hindi ba sinabi ko naman sa iyo na liligawan kita? At papatunayang totoo lahat ng sinabi ko sa iyo noong una akong magpunta rito sa bahay ninyo? Kaya isang beses ay nagpunta ako rito ng wala ka. Naabutan kong narito ang magulang mo, kaya kinausap ko sila ng masinsinan. Nagpaalam akong liligawan kita at papatunayan kong seryoso ako sa iyo. Pumayag naman sila at pinagkatiwalaan nila ako. Malaking pasasalamat ko sa magulang mo dahil pinagkatiwalaan nila ako kaya gagawin ko ang lahat makuha nag lang ang matamis mong “oo” kaya sana huwag mo na akong susungitan?” paliwanag nito.
“Pero..”
“Pero ano?”
Hindi siya sumagot. Gusto niya itong tanungin kung bakit Hindi na ulit siya dinalaw nito pagkatapos ng araw na nagtapat ito sa kaniya. Pero inuuhnahan siya ng hiya. Baka isipin nito na hinihintay niya ito araw araw na pumunta sa bahay nila.
“Alam ko na ang iniisip mo. Iniisip mo bang hindi talaga ako seryoso dahil ngayon lang ulit ako sumulpot sa buhay mo?”
May kung anong bagay ang nagtulak sa kaniyang tumango.
“Magpapaliwanag ako. Hindi ko kasi inaasahang maging hectic ang schedule ko nang mga nakaraang araw. Sa buong maghapon palagi akong pagod. Ayoko namang humarap sa iyo ng para akong lantutay na gulay, baka ma-turn-off ka lang sa akin. At kapag ganoong pagod na pagod kasi ako ay boring akong kausap. Iba ang pagkakakilala mo sa akin, isa akong makulit at madaldal na gusto ka laging pangitiin.”
“Aero..”
“Pero hindi naman ibig sabihin noon ay wala na akong balak magpakita pa sa iyo. Hindi mo alam kung gaano kita ka-miss Princess.”
Hinawakan nito ang mga kamay niya na mistulang nagpapaamo.
Hinayaan niya nag ginawang paghawak sa kaniya ni Aero.
“My Princess..”
Para siyang nakuryenteng bigla dahilan upang bawiin niya ang mga kamay niya.
“Oh! Hindi pa tayo tapos sa paliwanagan. Siguro its your turn to explain what happens a while ago.” wika nito. “Hindi ba’t ang paalam mo sa magulang mo ay mga co-teacher mo ang kasama mo? Pero parang hindi mo yata iyon co-teacher? Ba’t hindi mga? Isa lang iyong kasama mong nakita ko.” dugtong nito. Makapangyarihan ang mga tanong nito sa kaniya.
“Hep Hep! Ikaw naman ngayon itong napakaraming tanong? Tulad ngsinabi mo, mahina nag kalaban.” napangiting ika niya.
“Huwag ka ngang ngumiti diyan! Magpaliwanag ka na lang.” Reklamo ni Aero.
“May kasama po akong co-teacher, that time nga lang ay nagpunta iyon sa CR kasama ang boyfried niya kaya naiwan kamig dalawa sa mesa.”
“So you mean hindi mo nga boyfriend o manliligaw iyong kasama mong lalaki sa mesa? So group nga kayo.”
“Oo.”
“Eh bakit no’ng nakita ko kayo kaninang dalawa, nakaakbay pa sa iyo ang kumag na iyon? At huwag kang magkakaila, kitang kita ng dalawa kong mata na ngiting ngiti ka pa habnag nakakbay siya sa iyo?”
“Teka nga? Huwagmo akong pagbibintangan ha? At sino naman ang nagbigay sa iyo ng ideyang gustung-gusto ko ang pag-akbay ng mokong na iyon? kung tutuusin nga knina pa ako nagtitimpi eh! Tapos sasabihin mong ngiting ngiti pa ako nu’n?”
“Iyon ang nakita ko eh?”
“Nagkamali ka lang ng iterpretasyon!”
“Talaga lang ha”
“Teka nga? Bakit ba ako nagpapaliwanag sa iyo? Hoy! Hindi kita boyfriend para umasta ka ng ganyan!”
Ngumisi si Aero. “Ah gano’n? Hindi mo ako boyfriend para umasta ng ganito? Baka nakakalimutan mong iniligtas ko nag buhay mo kanina?”
Naalalang bigla ni Princess ang nangyari kanina. Iniligtas nga pala siya nito. At malaki nga pala ang utang na loob niya rito. Idagdag pa ang pagtatakip nito ng nangyari sa mga magulang niya. Hindi niya gustong ngitian ito pero iyon ang tangi niyang nagawa ng mga sandaling iyon. Hindi niya makakalimutang malaki ang utang na loob niya rito.
“Tapos ngingiti ka lang diyan? Alam mo namang isa iyan sa kahinaan ko eh!”
“Ha?”
“Wala! Ang manhid mo talagang babae ka! Ang sakit mo sa ulo!”
“Masakit pala sa ulo?”
“Oo! Masakit ka sa ulo, kasi sa laki mong iyan nagkasya ka rito sa isip ko?”
“Ano daw? Ang korni.”
Nagtama ang mga mata nila. kapwa hidni alam ang dahilan kung bakit bigla na lamang silang napatawa ng malaks. Palakas iyon ng palakas. Waring magkasintahan na naglalambingan.
“Huwag ka ngang maingay! May natutulog!” wika ni Princess habng pigil sa pagtawa.
Masaya si Princess. Iyon ang unang pagkakataong makaranas siya ng ganoong kasiyahan sa isang lalaki. Si Aero ang unang lalaking nagparamdam sa kaniya kung gaano siya kaimportante. At masarap iyon sa pakiramdam. Nakalimutan niya yatang wala siyang balak makisali sa magulong mundo nito. Parang nabura ang pananaw niyang iyon ng mga sandaling iyon. Ang gusto niya lang ay makasama, makausap at makasalo sa saya si Aero. iyon lang ay sapat na sa kaniya.
Dalawang bahagi ng isip niya ang nagtatalo. Ang isa’y pinipilit siyang aminin na sa binata na gusto na niya ito, na gusto niyang naroroon ang presensiya nito. Ang isa nama’y pinipigilan siyang umamin rito dahil pilit nitong ipinapasok sa isip niya ang ipinangako niyaa sarili niyang hinding hindi siya magpapaligaw rito.
Nang mga sandaling iyon ay agad din siyang nakapagdesisyon kung sino sa dalawang bahagi ng isip niya ang pakikinggan niya.
“Aero..”
“Princess.. I really like you. At nararamdamn kong hindi lang basta gusto. I think Im falling for you Princess.. Nang makita kong may kaakbay kang lalaki, parang gusto ko siyang ilibing ng buhay. Matinding selos ang naramdaman ko, at iyon ang nagsisilbing patunay kaya nasisiguro kong mahal na kita Princess.. Sana paniwalaan mo ako..” nagsusumamamong rebelasyon nito.
Kung noong unang pagtatapat nito na gusto siya nito ay nagambala ang puso at isip niya, ngayon pang sinabi nitong mahal na siya nito, hindi lang basta ginambala ang isip niya, ginulo rin nito ang nananahimik niyang puso. Hindi dahil lamang sa sinabi nito kung hindi dahil handang magpaubaya ang puso niya rito.
“Aero..”
Nahulaan niya ang balak nitong gawin kaya umiwas siya.
“Princess.. let me do this please..”
Hindi inaasahang muli ni Princess ang mabilis na paglapat ng labi nito sa labi niya. Kung noong una’y hindi niya ito tinugon, nang mga oras na iyon ay parang may nagtulak sa kaniyang tugunin ang halik nito. At iyon ang ginawa niya. nang tugunin niya ang halik nito ay lalong nagsumamamo ang mga labi ni Aero na parang uhaw na uhaw na iginalaw ang labi sa kaniyang labi. Sumunod lamang siya sa ginawang paggalaw ni Aero sa mga labi niya. Ilang minuto rin ang itinagal ng paglalapat ng mga labi nila na hindi nila inaasahan tatagal ng ganoon. Kapwa sila hingal sa namagitan sa kanila ng maghiwalay ang mga labi nila.
Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Aero pagkatapos ng namagitan sa kanila ng babaeng nagpabago sa takbo ng puso niya. Isang bagay na ang nakakasiguro siya, mahal na niya talaga si Princess at handa siyang makasama ito habang buhay dahil ito ang kauna-unahang babaeng nagparamdam ng kakaibang saya sa kaniya.
“I love you Princess..”
“Aero..”
“Please Princess, tell me you love me too.. Alam kong pareho tayo ng nararamdaman.. And im sure of it.”
“Pero..”
“Pero ano? Ano bang pumipigil sa iyo? Tell me! Please, huwag mo na akong pahirapan, gusto kong marinig mula sa iyo na mahal mo rin ako..”
Bumuntong hininga si Princess. Panahon na para ipagtapat rito na tama ang sinasabi nito. Mahal na nga niya ang lalaking kaharap niya ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung saan nagsimula basta dumating na lamang sa puntong hindi na nito pinapatahimik ang isip niya.
Sasabog na siya. Hindi na niya kaya pang magkaila. Ngayong kaharap niya ito ay parang hawak nito ang buhay niya. parang kapag hindi pa siya nagtapat rito, ay hindi na siya muling makakaranas ng kakaibang sayang dala nito.
“Mahal din kita Aero..” napatungo si Princess pagkasabi niyon. Nahihiya siya. Ramdam na ramdam niya ang pag-init ng tainga at psingi niya.
Hinawakan nito ang baba niya dahilan upang mapatunghay siya at gahibla na lamang ang pagitan ng mga mukha nila.
“See? I know you love me too. Nararamdaman ko iyon Princess..”
“Natatakot ako..”
“Saan? Kanino?” tanong nito.
Magkadikit na ang mga ilong nila na kapwa matangos kaya kaunting galaw lamang ay ang mga labi na nila ang muling maglalapat
“Natatakot akong makisali sa magulong mundo mo Aero kaya kahit gusto na kita ay hidni ko magawang amin sa iyo..”
Nasapo ni Aero ang noo niya. “Princess, kahit anong mangyari, poprotektahan kita.. kahit pa masaktan ako, ang mahalaga lamang sa akin ngayon ay ang maprotektahan ka laban sa magulo kong mundo.” nakangiting wika nito saka dinampian siya ng mabilis na halik sa labi.
“Thanks..” mahinang wika ni Princess.
“Iyon lang?”
“Hindi. Gusto kong pasalamatan ka ulit sa pagiging knight in shining armor mo kanina.” Nakangiting wika niya.
“Ayan ha, may utang ka na sa akin..” muling dinampian ni Aerto ng mabilsi na halik sa labi si Princess.
“Ano bang maaari kong magawa bilang pasasalamat sa pagtatanggol mo sa akin kanina?”
Ngumiti itong muli. “Iyong hayaan mo lang akong mahalin habnag buhay, sapat ng kabayaran sa utang na loob mo sa akin.”
Pagkasabi’y muling naglapat ang kanilang mga labi. Hindi nila alintana ang oras. Hindi rin nila alintana kung magising man nila ang mga tao sa bahay na iyon na pawang mahihimbing na natutulog. basta pakiramdam nila ay silang dalawa lamang ang tao sa mundo ng mga sandaling iyon.
They kissed torridly as if its their last minute on earth.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top