Four

“AERO, HONEY SAAN KA BA GALING? Pinuntahan kita sa condo mo kanina pero wala ka. Tapos kanina pa ako naghihintay rito sa studio. Bakit ngayon ka lang? Hindi mo man lang ako tinawagan?” wika ng nagpupumilit na ex-girlfriend ni Aero na si Cassandra.

“Ang dami mong tanong? Baka nakakalimutan mong wala na tayo.” Naiinis na wika ni Aero. Nagpalit siya ng damit para sa pictorial. Kasama niya sa dressing room niya si Cassandra.

“Honey.. huwag mo naman akong ganituhin. I miss you!” hinalikan siya nito sa may leeg.

“Cassandra please?”

“Bakit ka ba ganyan Aero? dati naman gustung gusto mong ginagawa ko ito sa iyo!”

“Pwes, hindi na ngayon. Saka Cassandra wala ka ng karapatang umasta ng ganyan dahil wala tayo relasyon. Tandaan mo iyan.”

Sumimangot si Cassandra. Humarap kay Aero saka ipinulupot ang mga kamay sa leeg nito. Akmang hahalikan nito ang binata sa mga labi ngunit mabilis itong nakailag.

“Cassandra huwag mong hintaying ipagtabuyan kita rito. Hindi mo naman siguro gustong mapahiya hindi ba?”

Umismid ang dalaga saka lumayo sa kaniya. “I better go! Bye.”

“Go to hell!” mahinang wika ni Aero. Inis na inis siya sa babaeng naghahabol sa kaniya kahit tapos na wala silang relasyon. Sexy at maganda si Cassandra. Lalong nakakadagdag ng kaseksihan nito ang pagsusuot nito ng mga damit na halos kita na ang lahat. Gustung gusto niya ang company nito ngunit nagsawa rin siya. Pinapaligaya siya nito sa kama, ginagawa lahat ng gusto niya pero hindi pa rin siya makuntento. Madali talaga siyang magsawa. Palibhasa nakukuha niya ang lahat ng gusto niya. At nang nakilala niya si Princess ay napagtanto niyang may kulang. Walang iba kung hindi Love.

Awtomatiko siyang napangiti ng maisip na naman niya si Princess. Kakaiba ang babaeng iyon kumpara sa mga nakilala niya. Parang nag-eenjoy siya sa pangungulit rito. Iyon ang unang pagkakataon na nangulit siya ng babae and he enjoys it. Unang pagkakataon rin na nakatanggap siya ng rejection at mula pa iyon sa isang babae. Kailanman ay hindi siya nahirapang makuha ang isang babae, ang mga ito pa nga ang kusang lumalapit sa kaniya. Ngunit ang hindi niya maintindihan ay kung bakit hindi niya hinangad na makuha ito in a way of sexual interest, ang hangad lamang niya ay makasama ito, makausap at makita, kuntento na siya roon. Kakaibang saya ang nararamdaman niya kapag nakikipagbiruan ito sa kaniya na kailanman ay hindi pa niya naramdaman sa ibang babae. Iba rin ang impact sa kaniya ng ngiti nito. At natutuwa siya kapag sinusungitan siya nito.

Malakas yata talaga ang tama niya kay Princess. Nanghihina siya kapag nakikita niya ang maamo nitong mukha at mala-anghel na mga ngiti. Para siyang lulutang. At ang unang pagkakataon na halikan niya ito, matindi ang epekto niyon na para bang gusto niya itong halikan palagi. Marami na siyang nahalikang babae, mas matindi pa sa namagitan sa kanila ni Princess. Smack lang ang halik na namagitan sa kanila pero hinahanap hanap niya iyon. 

Aminado siya sa sarili niya na totoo lahat ng sinabi niya kay Princess, na tinamaan siya ni Kupido. Naging challenge sa kaniya ang pambabalewala nito sa rebelasyon niyang gusto niya ito. Na Hindi big deal rito na gusto niya ito. Hindi niya inakalang may ganoon pa palang babae. At sa tingin niya ay ito na ang hinahanap niya. Iyong tipong paghihirapan niya. May narinig kasi siyang kasabihan mula ulit sa Lola niyang maraming alam pagdating sa mga kasabihan na kapag pinaghirapan mong kunin ang isang babae, magtatagal ang relasyon niyo at siguradong habang buhay kayong magiging masaya dahil sa lahat ng bagay, pagkatapos ng hirap, kapalit niyon ay lubos na saya.

Isang ideya ang nabuo sa isip niya. Tototohanin niya nag laging pagdalaw kay Princess sa bahay nito. Desidido siya sa gagawin niyang panliligaw. Hindi rin siya natatakot na harapin ang magulang nito at magpaalam na liligawan niya nag anak ng mga ito. Hindi lang gusto, kung hindi higit pa sa gusto ang nararamdaman niya kay Princess. at alam nioyang Hindi malayong mahulog pang tuluyan ang loob niya sa dalaga.

“Aero, okay ka na?” tanong ng assistant photographer.

“Yup!” lumabas na siya ng dressing roon at pumwesto sa upuan niya sa studio. 

His pictorial starts.

~

“OPO MAMA! Totoo lahat ng sinabi ko! kahit pa tanungin ninyo si Ate mamaya pagka-uwi galing school! Pinipigilan ko lang sabihin sa inyo ito Mama pero hindi ko na mapigil ang bunganga ko. kausapin niyo siya Mama. Masyado niyang ipinagkalandakan kay Kuya Aero na basted siya!”

Naaaliw ang Mama ni Princess na si Rebecca sa kwento ng bunsong anak na si Charisse. Tuwing huwebes ay pirmi siya sa bahay nila. may mga tauhan naman sila sa botika kaya ipinagkakatiwala na nila iyon sa mga iyon. Open siya sa mga anak niya at kailanman ay hindi niya pinaghigpitan ang mga ito. Halos ilang pilit ni Charisse bago siya napaniwala nitong naggaling roon sa bahay nila noong nakaraang araw si Aero Montenegro, sikat na artista na pinapanood nila sa telebisyon at ang intensiyon noon ay ang ligawan ang panganay niyang anak na si Princess.

Ikinatuwa ni Rebecca ang nalaman mula sa anak. Naisip niya kasing ito na ang tamang panahon upang magmahal itong muli. Isang taon na ang nakakaraan ng magbreak ito at ang two years boyfriend nito na si Kit na pinagpalit siya sa babaeng nakilala nito ng mag-tour ito sa Canada. Pagkatapos mangyari iyon ay nag-apply itong guro sa Montenegro University (MU) at doon isinubsob ang sarili. Nawalan ito ng gana sa paglabas – labas mula nang magyari iyon.

“Sa tingin mo ba anak, seryoso iyong si Aero na iyon sa Ate mo?” tanong ni Rebecca sa anak na si Charisse.

“Opo naman ‘ma! Narinig ko pa nga na sabi ni Kuya Aero na Hindi daw niya titigilan si Ate at laging pupuntahan dito sa bahay natin.” Nakangiting salaysay ni Charisse.

“Laging pupuntahan? Eh bakit Hindi naman yata pumupunta rito?”

Saglit na napaisip si Charisse. “Ah.. ehh.. pupunta iyon ‘ma! Alam mo naman ang artista Hindi ba? Laging busy.”

Tumango- tango lamang si Rebecca. Tama naman ito. Abala lagi ang artistang tulad ni Aero. sa kabila ng isip niya ay nag-aalangan siyang gustuhin nga iyon ng anak niyang si Princess dahil ayaw nito ng magulong buhay. Kilalang kilala niya ang kaniyang anak.

“Rebecca! May tao sa labas. May nakatigil na kotse. Bumubusina.” Sigaw iyon ni Ronaldo – ang ama nina Princess at Charisse at asawa ni Rebecca.

Nandilat nag mga mata ni Charisse. “Ma! Baka si Kuya Aero na iyon!” masiglang wika nito saka umalis sa pagkakaupo sa sofa at nagmadaling lumabas ng bahay upang silipin kung sino ang dumating.

Hindi nagkamali si Charisse.

“Kuya Aero! sabi na nga ba ikaw iyan eh!” nakangiting wika ni Charisse habnag pinagbubuksan ito ng gate.

Sina Rebecca at Ronaldo at napamaang sa anak. Mistulang close na close ang dalawang iyon at totoo nga pala ang ikinwento ng bunso nilang anak nan may artistang manliligaw ang panganay nilang si Princess.

Nang mabuksan ang gate ay iginiya ni Charisse si Aero papasok ng bakuran nila. nakaabang sa may pintuan ang kaniyang mga magulang.

“Good  morning po!” magiliw na bati ni Aero sa mag-asawa.

Sabay na ngumiti nag mag-asawa. “Good morning iho. Napasyal ka?” tanong ni Ronaldo.

“Papa siya iyong artistang manliligaw ni Ate! Iyong idol ko po! Si Aero Montenegro. Iyong lagi naming pinapanood ni Mama.” Paliwanag ni Charisse sa kaniyang ama. “Hindi ba ‘ma?” bumaling ito sa kaniyang ina.

“Tama siya Ronaldo. Iyan ang kanina pa ikinukwento sa akin ng bunso mo.” Wika ni Rebecca.

“Artista ba kamo? Siya tuloy ka iho.”  Yaya ng mag-asawa.

“Salamat po.” Sabay na naglakad papasok sina Aero at ang batang si Charisse.

Nang makaupo sa sofa si Aero ay naupo rin ang mag-anak.

“Sandali lang kukuha lang ako ng maiinom.” Paalam ni Rebecca.

“Maaari bang malaman ang pakay mo iho? Hindi birong ang isang artistang tulad mo ay dadalaw sa aming bahay. Ako ang ama ni Princess. Ronaldo ang pangalan ko at si Rebecca naman ang aking maybahay.” Wika ni Ronaldo.

“Ikinagagalak ko ho kayong makilala. Ako ho si Aero Jan Montenegro. Hindi na ho ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto ko hong patunayang seryoso ako sa anak niyong si Princess, kaya ho ako pumunta rito sa inyong tahanan at gusto kong ipaalam sa inyo na gusto ko ho siyang ligawan kung inyong mamarapatin.” sincere na wika ni Aero.

“Hanga ako sa iyo iho. Dahil sa pagpunta mo rito sa bahay at harapin kami upang ipagpaalam ang panliligaw sa anak namin. pero Hindi biro ang estado mo. isa kang artista, Hindi ba magugulo nag buhay ng anak ko? baka kapag nagging kayo ay madaming bumatikos sa kaniya. Alam mo naman ang showbiz.”

“Naiintindihan ko ho kayo Sir. Pero gagawin ko ho ang lahat para Hindi maapektuhan ang buhay ni Princess ngayon. Gusto ko ho talaga ang anak ninyo. Una ko pa lang siyang nakita, alam kong iba siya sa mga babaeng nakikilala ko. At iyon ang hinahanap ko. Kaya sana’y hayaan ninyong patunayan ko ho ito sa anak ninyo pati na rin sa inyo.”

“Pwes.. kung handa mo namang patunayan, ay siya! pinapayagan kitang dalaw-dalawin rito ang anak ko. pero nasa kaniya pa rin ang desisyoniho kung gusto niyang magpaligaw o hindi.”

“Tama si Ronaldo iho, hindi porket pumayag na kami’y makukuha mo na ang loob ng anak naming si Princess. May pagka-supladita kasi ang isang iyon lalo na sa mga manliligaw.” paliwanag ni Rebecca saka inilapag sa center table ang dalang juice at pie.

“Alam ko ho. naranasan ko na ho ang pagsusuplada niya. gayunpaman, desidido ho ako sa panliligaw ko. Gusto ko talaga ang anak niyo. May nakita ako at naramdaman sa kaniya na Hindi ko naramdaman sa iba. Iyon ho ang pinanghahawakan ko na patunay na seryoso ako sa kaniya.” wika ni Aero.

“Masaya kami para kay Princess dahil may isang tulad mo na alam naming seryosong manliligaw sa kaniya. Hindi birong ang isang artistang tulad mo ang magkakagusto sa anak namin. Pero hindi na iyon nakakapagtaka dahil napakaganda ni Princess.” pagmamalaki ng inang si Rebecca. 

“Ang mahalaga ho ay may basbas na galing sa inyo. Atsana’y ang magiliw na pagtanggap ninyo sa akin ay maranasan ko rink ay Princess. Maraming salamat sa pagtitiwala. Ipapangako ko hong hindi ko sasaktan ang anak ninyo.” wika niya.

Nakangiti si Charisse na nakikinig sa kaniyang magulang sa pakikipag-usap sa manliligaw ng Ate niya. mabuti na almang at hinayaan ng mga itong making siya sa usapan nilang matatanda.

Ngumisi siya.

Happiness strikes at Aero’s heart after talking with Princess’s parents. Mabait ang mga ito at nakapalagayan agad niya ito ng loob. Iyon ang ikinatuwa niya.

He smiles.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: