Eight
PAGMULAT ng mga mata ni Princess ay agad na sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Gusto niyang patunayan sa sariling hindi isang panaginip ang nangyari sa pagitan nila ni Aero ng nagdaang gabi, kung hindi isang realidad.
“Princess, sinabi mo ng mahal mo din ako ha? Wala ng bawian. Kailangan ko ng umuwi kasi kanina mo pa ako pinagtatabuyan.” Tumawa ito ng malakas. “Biro lang, siyempre ayoko rin nmanagmapuyat ang prinsesa ko. I do love you Princess.. as in I love you so much!” saka kinintalan siya ng halik sa labi.
“Nakakarami ka na ha!”
“Ayos lang iyon! Mahal mo naman ako eh!” muli itong humagakhak ng tawa. Saka mabilis na sumakay ng kotse.
Hindi maiwasan ni Princess na maalala ang nangyari ng nagdaang gabi bago ito umuwi.
Bumangon na siya upang mag-almusal. Alas-diyes na pala ng umaga. Madaling araw na kasi siya nakatulog kagabi dahil napatagal ang diskusiyon nila ni Aero. Pinilit pa nga niya itong umuwi dahil gusto pa nitong abutin sila ng umaga roon. Natuwa naman siya sa effort ni Aero. kahit madami itong appointments ay isinantabi niya iyon para sa kaniya.
Pagbaba ng salas ay naabutan niya ang magulang niyang abala sa pagbabasa ng diyaryo. Nang dumako ang tingin ng mga ito sa kaniya ay parang nakakita ng multo ang mga ito saka itinago ang diyaryong hawak.
“A-Ah anak mag-ualmusal ka na.. may pagkain na sa mesa sa kusina.” Nakangising wika ng Mama niya na wari’y may itinatago.
Hindi naman nakaligtas sa kaniya ang kakaibang kilos ng mga ito. “May problema ba? ‘Ma? ‘Pa?” nagpalipat-lipat siya ng tingin.
“A-Ah E-Eh wala anak! Wala siyempre! Ano bang pwedeng maging problema?” wika ng ama niya.
Hindi nagustuhan ng magulang ni Princess ang nabasang article sa diyaryo ng umagang iyon. Masyadong negative at siguradong papasamain nito ang araw ng anak nila once na makita niya iyon. Ayaw nilang masira ang magandang samahang nabubuo sa dalawa ni Aero kaya iniiwasan nilang makita iyon at mabasa ng anak nila. Narinig pa kais nila ang malutong na tawanan ng dalawa kagabi. Sa sobrang galak kasi ay napalakas iyon at abot ang lakas noon sa kwarto nila sa taas.
Magaan ang pakiramdam nila kay Aero. Alam nilang may mabuting puso ito. Alam nilang iyon ang lalaking para sa anak nila, hindi dahil sa sikat ito at mayaman kung hindi dahil ito lamang ang unang lalaking nagbitaw ng matitinding pangako sa kanila at nakikita naman nilang pinapatunayan nito iyon.
“Alam kong may tinatago kayo.”
“Ano ka ba anak? Mabuti pa, mag-almusal ka na.”
Tiningnan niya ng masama ang magulang niya. “Mabuti pa ibigay niyo sa akin ang diyaryong nakatago sa likod mo Papa.”
“E-Eh anak? Hindi ko pa ito tapos basahin.”
“Basta ibigay ninyo sa akin!” pahiyaw ng wika niya. nararamdaman niyang may masamang laman ang diyaryong iyon ukol kay Aero at baka pati sa kaniya.
Walang nagawa ang magulang ni Princess kung Hindi ibigay sa kaniya nag diyaryong kanina pa nila binabasa.
Nanag mapasakamay ni Princess ang diyaryo ay tumambad sa kaniya ang balitang Hindi niya nagustuhan.
ANG SIKAT NA SIKAT NA SI AERO MONTENEGRO, NAMATAANG NAKA-DISGUISE NA ANIMO’Y ISANG WEIRD!
Iyon ang nabasang pamagat ng isang article roon sa diyaryo. Hindi nakaligtas kay Princess ang mga litratong kuha na nasa diyaryo. Ang isang litrato ay nagpapakita na sinuntok ni Aero na naka-disguise si Richard habang siya na nakatayo roon ay mistulang takot na takot na pinapanood ang naturang away. Ang isang litrato naman ay kuha nila ng akbayan siya ni Aero na nakadisguise pa rin at iginiya palabas ng bar at ang isang litratong hindi niya inaasahan, ang sabay na pagpasok nila ni Aero na hindi na naka-disguise papasok sa gate ng bahay nila.
Binasa niya ang laman ng artikulo.
Namataan ng isang matinik na reporter si Aero Montenegro kagabi bandang alas-otso sa Padis Point na naka-disguise na animo’y isang weird. Hindi aakalain na sa likod ng pagdi-disguise nito ay nakilala pa rin siya ng reporter na ito. Ayon sa kaniya ay basta na lamang raw sinugod ni Aero ang lalaking kasama ng babaeng nagngangalang “Princess” (ayon sa mga kasama nito sa bar) sa mesa at saka buong pwersang sinuntok. Nagkahamunan pa raw ang mga ito at natapos ang gulo ng takutin ni Aero ang naturang lalaki na papatayin niya ito sa harap ng mga taong naroroon sa bar noong mga oras ding iyon. Nang magbitiw daw ng ganoong salita si Aero ay kumaripas ng takbo ang nasabing lalaki.
“Basta nang titigan ko siya, sa tindig pa lang niya ay alam kong si Aero Montenegro siya kaya nga hindi ako nakuntento at sinundan ko ito. At doon natunghayan kong tama ang aking akala.” Pahayag ng reporter na nakakita kay Aero.
Hindi inaasahan ng reporter na ito na matutunghayan niya ang ganoong pangyayari at lalong hindi niya inaasahang si Aero Montenegro ang sangkot rito.
Isa rin sa hindi inaasahan ng reporter na ito ay ang isakay ni Aero ang babaeng nagngangalang “Princess” sa sariling kotse at parang kabisang kabisado kung saang lugar nakatira ang babaeng ito.
Kaya naisipan ng reporter na ito na sundan ang kotse ni Aero. At doon nakarating sila sa San Roque Village kung saan doon nakatira ang babae. Sabay pa nag mga itong pumasok sa bahay ng babae. Doon niya rin napatunayan na tama nag kaniyang akala dahil ng bumaba ng kotse si Aero ay hindi na ito naka-disguise. Ilang oras ang itinagal ni Aero sa loob ng bahay na iyon kaya napagpasyahan na niyang umuwi dahil sa tingin niya ay doon ito magpapalipas ng gabi.
Maraming haka-haka ang maaaring mabuo. Hindi kaya isang espesyal na babae si “Princess” kay Aero Montenegro? Kaya ba nagawa pa nitong magdisguise ay para maipagtanggol ang babaeng ito? Anong maaaring konklusiyon sa paghahatid ni Aero sa dalaga sa bahay nito at magiliw na pinatuloy pa ng magulang ng babaeng ito?
Girlfriend nga kaya ito ni Aero Montenegro na pilit niya lang na itinatago? O sinasamantala lamang ng babaeng ito ang taglay na kabaitan ni Aero? Sino nga ba ang Princess na iyon sa buhay pag-ibig ni Aero? Siguradong maraming kababaihan ang magkakagulo sa rebelasyong ito. Inaasahan natin na ang lahat ng katanungang ito ay masagot ni Aero Montenegro sa lalong madaling panahon.
Hindi alam ni Princess ang maaari niyang maging reaksiyon sa laman ng balita. Siguradong maya maya lamang ay may mga tao ng susugod sa bahay nila. Iyon ang ikinakatakot niya, kasalanan niya, mas pinili niya niyon kaya kailangan niya iyon harapin. Ito na ang simula ng magulong mundo niya na ayaw na ayaw niyang maranasan.
Natulala lamang siya sa diyaryo na nanatiling nakatayo. Nakamaang naman sa kaniya nag kaniyang mga magulang.
“Anak..”
“Okay lang ho ako. Huwag ninyo ako alalahanin. Si Aero ho ang inaalala ko.”
“Tinawagan ko nga kanina. Kaso nakapatay ang cellphone niya.” wika ng ama niya.
“Kailangan ko ho siyang makausap.”
“Hindi maaari anak. Baka maraming tao na ang nakasunod ang mata sa inyo at hinuhuli lamang na magkasama kayo.”
Hindi niya napigilan ang mapaiyak. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung paano sisimulan ang araw na iyon. Kanina lamang ay masaya siyang bumangon ngunit heto, ilang saglit pa lang siyang nagsasaya ay problema na agad ang sasalubong sa kaniya.
Dumating na ang kaniyang kinatatakutan.
Niyakap siya ng ina niya. “Sshh..”
Napahagulhol na siya ng yakapin siya ng ina niya. maraming katanungan ang pumapasok sa isip niya. Paano na sila ni Aero? Paamo na siya lalabas ng bahay nila? Ano na lamang ang sasabihin ng mga estudyante niyang makakabasa nito? Ano na lamang ang sasabihin ng Presidente ng MU? Baka maniwala sila sa laman ng diyaryo. Ano na lamang ang mukhang ihaharap niya?
She cried like no one cares for her.
~
“DAMN!! DAMN!!” iyon ang tanging salitang lumabas sa bibig ni Aero ng ipabasa sa kaniya ng kapatid na si Wade ang isang article sa diyaryo nang umagang iyon.
Kagigising lamang niya dahil napuyat siya nang nagdaang gabi. Naaala niyang napakasaya ng gabi niyang iyon dahil nalaman niyang mahal din siya ni Princess. Pero heto at nagsimula na ang panggugulo ng mga ito sa buhay ni Princess. Hindi na baleng siya lang, sanay na siya sa mga ganoon. Pero si Princess? nadamay. Pati ang village kung saan ito nakatira ay nakadetalye sa artikulo. Hindi malabong pagkaguluhan na ito ng mga tsismosong reporter at mga paparazzi. Ipinangako pa naman niya kay Princess na hindi niya hahayaang masali ito sa magulong mundo niya. Ilang oras pa lamang ang nakakalipas ay nabali na agad ang pangako niya sa dalaga.
“Are you serious with her?” tanong ni Wade.
Tumango siya. “Yeah. Hindi ko inaasahang makikilala pa rin ako ng isang reporter kahit naka-disguise ako.”
“Alam ko..”
“Anong alam mo?”
“Alam kong seryoso ka sa babaeng iyan. Nakikita ko iyon sa mga mata mo bro! Im happy you’re in love!”
“Nakukuha mo pang tumawa ng ganyan?”
“Alam ko namang hindi iyang balitang iyan ang pinoproblema mo ngayon eh? Iyang kaligtasan ng babaeng iyan. Tama?”
“Kapatid nga kita.” Ngumiti siya. Sa kabila ng problema ay nagawa pa niyang ngumiti dahil napapatunayan niya sa sarili kung gaano kahalaga sa kaniya si Princess.
“May biglang nabuong ideya sa isip ko para maprotektahan mo si Princess na iyan.” Wika ni Wade.
“Ano iyon? Sabihin mo sa akin.”
“Pero bago ko sabihin, handa ka bang isakripisyo ang nararamdaman mo sa kaniya?”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Bakit hindi mo paunlakan ang imbitasyon sa iyo ng talk show na Bottomline? At doon mo pabulaanan ang lahat ng nangyari? Linisin mo ang pangalan ni Princess, dahil siya ang mas inaalala mo. Sabihin mo sa madla na wala kang nararamdaman sa babaeng iyon.”
“Hindi ko yata kaya Bro! Siguradong kapag napanood iyon ni Princess ay masasaktan ko ang damdamin niya. Hind ko pwedeng sabihin sa madla na wala akong nararamdaman sa kaniya. Hindi ko kayang mawala sa akin si Princess.”
“Pero iyon nag pinakamagandang paraan para lubayan nila si Princess. Para mamatay na ang isyung iyon sa pagitan ninyo? Siguradong ‘pag tumagal pa ito ay hahalungkatin nila ang buong buhay ni Princess at aalamin nila ang buong pagkatao nito. At ang pinakamatindi sa maaaring mangyari ay ang maglabas sila ng kung anu-anong negative things about Princess. Hindi mo naman siguro gustong mangyari iyon?”
Saglit na napaisip si Aero. Tama ang kapatid niya. Iyon lamang ang tanging paraan para mamatay ang isyung iyon. Iyon din ang paran para maprotektahan niya si Princess. Tama! Gagawin niya ang nararapat, ang bagay na kahit mahirap sa kalooban niya ay kakayanin niya para lamang sa kaligtasan ng taong mahal niya – ni Princess.
“Okay ka lang Bro?”
Tumango siya. “Kailangan ko itong gawin para kay Princess. Damn! Hindi ko lang siya basta mahal! Sa tingin ko mahal na mahal ko na siya. Ayokong may mangyayaring masama sa kaniya.” Pahayag niya.
“I understand you Bro! Kaya ako, ayokong a-inlove sa isang babae eh! Ang hirap. Kuntento na ako sa mga babaeng nag-aalay ng sarili nila sa akin.” Ngumisi pa ito.
“Tingnan lang natin kapag naranasan mo ang ganitong pakiramdam.”
“Impossible!”
Natahimik siya. Iniisip niya si Princess. Gusto niya itong puntahan para kausapin. Pero Hindi maaari. Siguradong marami ng matang nakaabang sa kanilang dalawa sa paligid.
“Alis muna ako Bro. May hot na babaeng naghihintay sa akin sa condo ko.” nakangising wika nito saka lumabas ng kwarto niya.
Ang cellphone ko! kailangan kong tawagan si Princess.
Kinuha niya sa side table ang kaniyang cellphone. Mabuti na lamang at may extra sim card siya. Isang nakakabinging tawag kasi ang gumising sa kaniya. Iyon ay galing sa host ng Bottomline. Iniimbitahan siya sa talk show. At doon ipinakita sa kaniya ng kapatid ang diyaryo. Talagang ikinagulat niya iyon. Kaya pala ang aga aga ay tinatawagan na agad siya ng mga talk show upang mag-guest roon. Pagkatapos niyang makausap iyon ay agad niyang pinatay ang cellphone at tinanggal ang sim card na iyon.
Pagkapalsak niya ng extra sim card ay agad niyang hinanap sa phonebook ang numero ng Papa ni Princess na naka-save sa phone memory kaya kahit pinalitan ng sim card ay naroroon pa rin ang numero.
Nakahinga siya ng maluwag nang mag-ring ang kabilang linya.
“Aero? mabuti at napatawag ka, nag-aalala na kami sa iyo at sa anak namin.”
“Kumusta ho si Princess? gusto ko ho siyang makausap.”
“Kanina pa iyak ng iyak mula ng mabasa ang laman ng diyaryo. Sandali lang at tatawagin ko.”
Saglit siyang naghintay na may magsalita sa kabilang linya. Ang humahagulhol na iyak ni Princess ang narinig niya.
“Princess.. please tahan ka na..”
“H-Hindi k-ko m-maiwasang u-umiyak.. k-kkumusta ka?” utal na utal na tanong ni Princess sa kabilang linya.
“Please. Huwag ka ng umiyak. Okay lang ako. Ikaw ang inaalala ko. ikaw lang.”
“Ginusto ko ito Aero..”
“Hindi. Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Hayaan mo, gagawa ako ng paraan para matahimik ang isyung ito, okay? Stop crying baby.”
“Anong gagawin mo? Paano na tayo?” naiiyak lalo niyang tanong. Nakikinita na kasi niya ang mangyayari. Na kailangan nilang maghiwalay na ni Aero. at kalimutan na ang mga nararamdaman nila para sa isa’t isa.
“Listen. Hindi muna kita mapupuntahan okay? Hindi muna tayo maaaring magkita. Pero ito ang tandaann mo, kahit anong mangyari, mahal na mahal kita Princess. At hindi iyon mapapabago ng kahit sino. Gagawin ko lahat ng maaaring gawin para ma-protektahan ka. Believe me, maaayos ito. Okay? Remember my promise? I promise to protect you no matter what happens. Just trust me Princess..”
“Aero..”
“We need to say goodbye to each other for now. Pero hindi ito ang katapusan ng lahat.”
“Aero..” lalo siyang napahagulhol. Tama nga ang naiisip niya. Kailangan nilang maghiwalay ni Aero. Kung kailan bang handa siyang harapin ang mga pangyayari? Kung kailang mahal na niya ito at hindi lang basta gusto ay doon ito biglang aalis at mawawala sa piling niya?
“Goodbye my Princess. I love you.”
“I love you more than you’ll ever know Aero..”
Kailangan ni Aero ng laaks ng loob. Pinindot na niya ang end button. Saka ibinato ang cellphone sa pader. Basag iyon. Napaupo siya sa sahig ng kwarto saka nasabunutan ang sarili.
Masakit para sa kaniya ang gagawin. Pero iyon ang nararapat at tanging paraan. Ayaw niyang masali si Princess sa magulo niyang mundo tulad ng pangako niya rito.
Isang desisyon ang nagpapabagabag sa kaniya. Desisyon na alam niyang masasaktan siya pati na ang damdamin ni Princess.
Trust me my Princess..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top