CHAPTER THREE | MEET ME AT THE SPOT


Gentleness does more than violence – French Proverb

THE ROZOVSKY HEIRS 7 | DAMIEN ALFONSO

CHAPTER THREE | MEET ME AT THE SPOT

Damien

Nakatutok ang pansin ko sa pagmamaneho at hindi ko pinapansin ang kapatid kong si Danny na kaninang-kanina pa may mga kausap na kung sino-sino sa telepono niya. Mukhang may gimik na naman ang isang ito at sigurado akong iinit na naman ang ulo ni Mommy dahil uumagahin na naman ito ng uwi.

Ito ang sobrang pagkakaiba namin ni Danny. Mabarkada ang kapatid ko. Nag-aaral naman pero mas madalas, mas inuuna ang pakikipagbarkada at pakikipag-party kung saan. Last week, three days na hindi umuwi. Nalaman na lang namin na nag-out of the country pala at pumunta ng Japan. Galit na galit si Mommy lalo na nang malaman na kay Daddy pala nagpaalam at at pinayagan naman. Nag-away sila Mommy at Daddy noon. Kahit hindi sila nagsisigawan, ramdam na ramdam ko na galit si Mommy kay Dad. Narinig kong sinabihan ni Mommy si Dad na kunsintidor sa anak. Pinapabayaan na mapariwara. Katwiran naman ni Dad, pabayaan daw si Danny na matuto. Lalaki naman daw at walang mawawala. Kung magkaka-trouble naman daw, kayang malusutan dahil Rozovsky ang nakakabit na apelyido sa pangalan.

Kaya ito ang kapatid ko. Living like a king and always bragging that he was untouchable because he was a Rozovsky. Parehong-pareho ito saka ni Saryna. I remember my cousin yesterday when she stayed in our house. I knew just to kill time and to dodge her siblings. Kahit naman maiwasan niya ang mga kapatid niya, hindi pa rin naman siya makakaligtas sa akin. I saw a fucking hickey on her neck and I made her tell me who gave it to her. I knew I couldn't do anything with what she was doing. The only thing I could do was to take care of her. After all of what happened, all she needed right now was understanding especially from me.

Si Saryna din ang reason bakit hindi ini-enroll ni Mommy sa pinapasukan kong university si Danny. Baka dalawa pa daw ito at ni Saryna na magwala doon. Saryna had been a pain the ass to her family. Lagi na nga lang tumatawag sa akin si Ate Soms para isumbong ang mga ginagawang kalokohan ni Saryna. Fortunately, my cousin listens to me. Thank heavens for that. At least kahit isang tao ay may pinapakinggan pa rin siya at ako iyon. Pero hindi ko pa rin naman masaway. Gagawin ni Saryna ang lahat ng magustuhang gawin kahit pa nga alam na masesermunan lang siya.

"Whose party?"

Tinapunan ko ng tingin si Danny habang patuloy sa pakikipag-usap sa telepono niya. Party na naman. Hindi na ba nagsawa ito sa kaka-party?

"Kay Solstice? Gagi, solid 'yong suntukan ni Ike and Butch." Tumatawa pa siya. "Sobrang napikon si Ike kasi ibinuko ni Butch. Ipinagmamalaki ni Ike na nayari daw 'yong naka-date na babae. Only to find out that they both dated the same girl on that same night. At sinabi ni Butch na hindi naman pala totoo na nayari ni Ike 'yong chick kasi hindi niya kaya ang rate."

Napailing na lang ako at hindi ko na pinansin ang kapatid ko. Paulit-ulit na lang naman kasi ang naririnig ko. Parties. Booze. Some uses drugs. Iyon lang talaga ang pinapagalitan ko siya. Sinasabi ko sa kanya na mag-party siya hanggang gusto niya pero huwag na huwag siyang magda-drugs. Isa din iyon sa kabilin-bilinan ni Daddy. Pero malabong hindi ginagawa ni Danny. I found his marijuana stash inside his room but I didn't tell anyone. I am not a snitch and especially to my brother. We were so much different but definitely, I won't be the reason why my parents would scold him.

"Maganda naman kasi talaga 'yong chick. Peyton has been making history in Louis. The chick is counting dicks." Natatawa pa ring sabi niya.

Louis International school. This was where my brother attending his college. Third year taking up BS Entrep. Wala namang plano talaga tong si Danny kung ano ang kukunin niya. Kung ano na lang ang kinuha ng mga kabarkada, 'yon na rin ang kinuha niyang course.

"You can date and fuck her if you can afford her price. Butch said her rate can go as high as fifty thousand per date or more. I don't know." Tumatawa si Danny. "Fuck you! I am not a loser. I don't need to pay a girl just to have a date. Girls are throwing themselves at me. I can fuck them free." Mayabang na sabi ng kapatid ko. "Si Peyton? She's not from Louis 'di ba? Napapatambay lang sa school kapag may booking. Maybe her pussy has something that's why it is famous like a rockstar." Lalong lumakas nang lumakas ang tawa ng kapatid ko.

I cleared my throat and I wanted him to know that I am no longer interested to hear his non-sense anecdotes with his friends. He looked at my way and he knew that I was not entertained anymore.

"Sige na, 'tol. I'll see you guys later. Who's with me?" tumingin sa gawi ko si Danny. "Gagi, hindi si Mere. Ayoko na do'n. I didn't bring my car. Tinatamad akong mag-drive. I am with my brother. He's driving me to Louis. I'll call you when I'm there." Pagkasabi niya noon ay tinapos na niya ang pakikipag-usap at tumahimik na pero nanatiling nakatutok ang tingin sa hawak na telepono.

"Did mom and dad saw your grade cards already?"

Hindi ko tinapunan ng tingin ang kapatid ko nang itanong ko iyon. Alam ko na naman ang sagot. I had seen his grade cards and I am sure our parents would be disappointed lalo na si mommy. Puro bagsak at incomplete ang grades ng kapatid ko. Inunahan ko na nga bago pa tumawag sa bahay ang school at i-report sa parents namin ang flunk grades ni Danny. Kay Uncle Patek ako tumawag para magawan iyon ng paraan na hindi na malaman nila mommy.

Napakamot ng ulo si Danny at maasim na ngumiti sa akin.

"My grades are good. Pasado lahat," lalo umasim ang ngiti niya.

Napatiim-bagang ako at napailing.

"Stop lying, Danny. I saw it," tinapunan ko siya ng nakakainis na tingin. "When are you going to change? Magpapasalamat pa ba ako na kahit isa may ipinasa ka? PE pa?"

Inis na napakamot ng ulo si Danny at napailing.

"You sneak into my room again." Sinamaan niya ako ng tingin.

"It was not my intention to sneak inside your room. If you didn't take my shirt, hindi ako papasok sa kuwarto mo. Pakalat-kalat pa ang class cards mo. Paanong hindi ko makikita? Kung si mommy ang nakakita noon? Binigyan mo na naman siya ng sama ng loob. Hindi ka na nga masaway sa mga pinaggagawa mo tapos hindi mo pa ayusin ang grades mo. Iyon na lang ang hinihingi niya sa iyo hindi mo pa siya mapagbigyan," napadiin ang tapak ko sa gas pedal at bumilis ang takbo ng sinasakyan namin.

Napaikot ang mata ni Danny at ini-recline ang inuupuan.

"Sermon ka na naman." Reklamo niya. "Bakit nga ba hindi ka na lang nag-pari. Parang bagay naman itawag sa iyo Father Damien."

Hindi ko inintindi ang pang-aasar niya. "Hindi ako nagsesermon. Sinasabihan lang kita na huwag mo nang bigyan ng sama ng loob si Mommy. Nandoon ka din sa party na pinuntahan ni Saryna last time 'no?"

"Wala," labas sa ilong na sagot niya.

"'Yong totoo." Tumaas na ang boses ko dahil alam kong naroon din siya sa party na iyon. Alam kong walang pinapalampas na mga ganoong party ang kapatid ko.

"Pumunta ako pero umalis din ako agad. Hindi ko type ang crowd."

"Hindi mo man lang sinaway si Saryna." Naiiling na sabi ko.

"Bakit ko sasawayin si Saryna? Malaki na 'yon. Let her do whatever she wants. Besides, she is a Rozovsky. Her surname says it all. Ang takot lang ng mga magtatangkang bumastos sa kanya. Kahit ako. Look at me. People in Louis respect me." mayabang na sabi niya.

"Binu-bully mo kamo. Lagi mong ipinagmamayabang 'yang apelyido natin."

"Ikaw lang naman ang maarte. Laging gusto low key. Low profile. Ayaw makilala na Rozovsky. You cannot change that fact, Kuya. We are Rozovskys and like what father said, we are power. Better to use it." Kumindat pa siya sa akin.

Napahinga ko ng malalim at hindi na kumibo. Inihinto ko ang kotse sa tapat ng university ni Danny at ini-unlock ko ang pinto. Pero hindi siya agad bumaba.

"Kuya."

"What?" Walang emosyong sabi ko.

"How old are you again?"

Takang tumingin ako sa kanya. "You know my age. Eleven months lang ang tanda ko sa'yo."

"All right, all right." Umayos pa ng upo si Danny. "I am going to say something."

"Ano nga? Bilisan mo at bumaba ka na. Mali-late na ako."

"Twenty ka na pero virgin ka pa." ang lakas ng halakhak ni Danny at dali-daling lumabas ng kotse ko pero hindi rin agad na umalis doon at sumilip pa sa bintana ng kotse. "Get laid para hindi ka masungit. Remember, lalaki ka. Hindi ka rereglahin kaya bawal ka magsungit." Tatawa-tawa pang sabi niya.

Hindi na ako kumibo at pinaandar ko paalis doon ang kotse ko kahit na nga nakadikit pa doon si Danny. Napapailing ako habang nagmamaneho at nakatingin lang sa kalsada. Siraulo talaga ang kapatid ko na iyon. Tinatawag pa akong kuya pero pakiramdam ko hindi naman ako nire-respeto.

And so, if I am still a virgin? I didn't want to fuck any woman. Bakit ako gagaya kay Danny na fifteen pa lang ay may experience na? Naalala ko galit na galit si mommy nang nalaman iyon at pumayag pa si dad. I think that was the worst fight that they had since I was born. Two weeks na hindi umuwi si Mommy. Binitbit ang kambal at doon nag-stay sa California. My mom couldn't take me and Danny with her since she didn't want to hinder our studies. Si Dad, hindi mapakali at talagang sinundan si Mom. Me and Danny was left with Uncle Patek and Grandpa Fedor and I heard stories how my father was a womanizer before he met my mom. Si mommy lang daw ang nagpatino kay Daddy. From Uncle Patek's own words: "Your father was fearless but Mommy Sofia mo lang ang nagpapatiklop diyan sa Daddy mo."

Napangiti ako nang maalala ko si Uncle Pats. He was also like a father to me. I witnessed his bond with dad. Daig pa talaga nila ang totoong magkapatid. I knew his story. He came from the streets and my father adopted him and the rest was history. My father trusted Uncle Pats so much. That was why I am trusting him too. I heard stories about him. About what he did with my father before but I refused to believe it. Alam kong hindi magagawang manakit ng tao ni Uncle at ni Dad. Violence was not a thing in our family. My mom always tells us that violence won't solve a thing that was why she didn't want me and Danny to learn anything about fighting even if Dad wanted people to train us. For self-defense. Para mas tumatag daw kami. Kaya ang ginagawa ni Uncle Patek, he was training me and Danny secretly. Bawal ipaalam kay Mommy.

Ayaw ko naman sana talaga pero sabi ni Uncle Pats, para na din daw sa akin iyon. For my own protection. Hindi ko naman daw kailangang ipagmayabang sa mga tao na marunong ako ng self-defense at marunong akong humawak ng baril. Uncle Patek knew everything about combat. Hindi lang siya pang-business deals kaya bilib na bilib ako sa kanya.

Kay Uncle Patek din ako humihingi ng tulong everytime na mapapa-trouble si Danny. I never asked help from Dad and Mom. As much as possible I didn't want them to get involved because I didn't want to give them disappointments especially Mom. Katulad ngayon, puro bagsak ang grades ni Danny. Bago pa tumawag sa bahay ang mga taga-Louis, nakausap na ni Uncle Pats ang mga tao doon. I didn't know how he was doing it but he told me that there was nothing to worry about Danny's grades anymore.

Napahinga na lang ako nang malalim habang ipinapasok ko na sa Enderun ang kotse ko. Napangiwi ako dahil napakarami nang mga nakaparadang sasakyan. University like this that caters to sons and daughters of rich people in the metro, what would I expect? The luxury cars that were parked in this area would cost hundred million already. Ferrari. Porsche. Alfa Romeo. Mercedes-Benz to name a few. But I wasn't impressed at all. My dad's garage has these kinds of cars. Different brands with different models. Cars that I could use if I wanted to but I prefer to use my own. Kay daddy ang mga 'yon at hindi sa akin. Hindi ko kailangan ipagmayabang ang hindi sa akin.

Damn. Ang hirap maghanap ng parking. Hanggang sa makarating ako sa dulo at napangiti ako nang makita kong may isa pang parking space doon. Iniayos ko ang sasakyan ko at naghahanda na akong pumarada doon. Paaandarin ko na lang ang sasakyan nang mula sa kung saan ay may humaharurot na sasakyan ang dumating at ipinarada sa parking spot na nakita ko. Ang lakas ng tunog na nanggagaling sa loob ng kotse. Bumabayo talaga. Napaawang na lang ang bibig ko dahil sa bilis ng pangyayari. Walang ano man na bumaba ang nagmamaneho noon at tatawa-tawa pang tumingin sa akin. Napahinga ako ng malalim at bumaba din ng sasakyan.

"That's my spot." Mahinahon kong sabi sa lalaki.

Umangat ang kilay nito sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"It's my spot now." Nakangisi pang sabi nito.

"But I got here first."

"Who cares?" Lumapit pa siya sa akin at mayabang akong tiningnan. "Find your own fucking space. Saka hindi bagay ang Skyline mo dito. Can't you see what kind of car I am driving? It's a fucking Koenigsegg. Panis 'yang Skyline mo." Bahagya pa akong tinabig nito at dere-deretsong umalis doon.

Sinundan ko na lang ng tingin ang lalaking paalis at napakamot ng ulo. Bumalik ako sa sasakyan at pinaandar iyon paalis.

Maghahanap na lang ako ng mapaparadahan. Kung kasama ko si Danny, siguradong may away nang mangyayari. Hindi pa naman pumapayag ang kapatid kong iyon sa mga ganoong paandar ng mga tao. Sabagay. Ang mayabang galit sa kapwa mayabang. Pero para sa akin, ubos oras lang kung papatulan ko ang mga ganoong tao. Ako na lang ang uunawa. Lagi kong tinatandaan ang sinasabi ni Mommy na hindi maso-solve ng init ng ulo ang maliit na problema.

Nakahanap naman ako ng parking spot pero malayo na at nakiusap na lang ako sa guard na mag-park ako doon. Pababa pa lang ako ng sasakyan ay tumutunog na ang telepono ko at nang tingnan ko kung sino ang tumatawag, napahinga ako ng malalim nang makita na si Saryna iyon.

"What?" Bungad ko sa kanya nang sagutin ko ang tawag niya.

"You're still not in the mood? Ano ba? Chill na," natatawang sabi niya. "Are you in school already?"

"Yeah. Why?" Kinuha ko ang backpack ko at isinukbit ko sa likod at ini-lock ang kotse ko at lumakad na papunta sa canteen kung saan kami magkikita ni Ezra.

"Where are you?"

"Just parked my car. On my way to the canteen to meet Ezra. Why?" Sigurado akong kukulitin na naman ako nitong si Saryna.

"I'll see you there. Bye."

Bago pa ako makasagot ay naputol na ang call ni Saryna. Napailing na lang ako at dumeretso sa canteen. Nang dumating ako doon ay kumakaway na sa akin si Ezra kaya nilapitan ko na.

"Late ka." Puna niya.

"Inihatid ko pa si Danny sa Louis. Don't worry about the term papers. Natapos ko na ang sa atin," sabi ko at naupo na rin sa harap niya. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang isang folder tapos ay ibinigay sa kanya.

"This is lit. Nice." Tuwang-tuwang sabi ni Ezra habang binabasa ang ginawa ko. Dinampot ko ang nasa harapan niyang juice at uminom doon tapos ay nakarinig ako ng matinis na boses na tumatawag sa pangalan ko.

"Dam-Dam!"

Halos masakal ako nang biglang pumulupot ang mga braso ni Saryna sa leeg ko at hinalikan ako nang hinalikan sa pisngi. Nakita kong tatawa-tawa si Ezra at napapailing habang nakatingin sa amin ng pinsan ko. Mabilis ko namang sinaway si Saryna at pilit na kumawala sa kanya.

"What the hell?" Kunwa ay inis na sabi ko. "I told you not to call me Dam-Dam and..." hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang mapansin ko ang suot niya. Mini-skirt. Sando-crop top with low neckline that hugged her body. I looked at Ezra and I could see lust from my friend's eyes kaya mabilis akong humarang para hindi nito makita si Saryna. "What are you wearing?"

Takang tiningnan pa niya ang sarili. "Clothes."

"Sobrang revealing ng damit mo. Hindi mo ba nakikita na tinitingnan ka na ng mga tao. Paano ka nakalusot sa mga guards na ganyan ang suot mo?"

Umikot ang mata ni Saryna. "Sumapi na naman sa iyo si Father Damien. Relax. Okay lang 'to. Look around. Ang dami kayang ganito ang suot dito. This is normal. I missed you." Muli ay humalik siya sa pisngi ko.

"What do you want?" Asar kong tanong.

Naupo sa tabi ko si Saryna at ngayon ay ikinawit pa ang braso sa braso ko. Ngayon ko lang napansin na may mga kasama pala siya na nasa gilid namin. Kilala ko din ang mga ito. Mga kaibigan ni Saryna. The IT girls of Enderun.

"Me and the girls are going somewhere and we need someone to pick me up. Baka naman..." pumikit-pikit pa si Saryna na halatang nagpapa-cute sa akin. "I can't ask Kuya Pancho because he is going to tell it to Ate Soms. Susunduin mo lang ako. Eight o' clock tonight."

Umangat ang kilay ko. "Eight o'clock? Uuwi ka ng ganoong kaaga? Are you sick?" Dinama ko pa ang noo niya. Imposibleng umuwi ng alas-otso ng gabi ang pinsan ko na 'to galing sa party. Inuumaga nga ito sa inuman.

"Ikaw naman. Of course, I want to make bawi to you. Ayaw kitang magalit sa akin. So, later tonight, can you pick me up? I'll just text you the place."

Napakamot ako ng ulo. Hindi naman ako tatantanan nito kahit tumanggi ako kaya napipilitan akong tumango. Napatili ng impit si Saryna at maging ang mga kaibigan niya ay halatang kinikilig dahil pumayag ako.

"All right. Go now. I need to study. And please, stop calling me Dam-Dam." Pagtataboy ko na sa kanya.

"Thank you, Dam-Dam." Alam kong nang-aasar pa rin siya. Muli ay hinalikan niya ako sa pisngi at tumayo na tapos ay lumakad kasama ang mga kaibigan niya. Halatang excited na excited ang mga ito habang palayo sa amin.

Napatingin ako sa gawi ni Ezra na halatang nagpipigil ng pagtawa.

"Dam-Dam," natatawang komento niya.

"I am not into violence but if you tell anyone about that, you will be the first one I am going to punch in the face."

Lalo nang tumawa ang kaibigan ko at nag-peace sign sa akin. "I'll shut my mouth."

Si Saryna lang ang puwedeng tumawag sa akin ng ganoon. Even if she was a pain in the ass, she was still my favorite and loving cousin and I couldn't say no to anything she would ask.

---------

Full story of this Book1 is already posted on Patreon and FB VIP. You can message HELENE MENDOZA'S STORIES on how to subscribe and read exclusive stories. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top