CHAPTER NINE | DO IT LIKE A DUDE
Those who brag, don't have.
THE ROZOVSKY HEIRS 7 | DAMIEN ALFONSO
CHAPTER NINE | DO IT LIKE A DUDE
DAMIEN
Saryna had been dodging my calls.
Alam kasi niya na malaki ang kasalanan niya sa akin dahil sa ginawa niyang pagsi-set-up sa akin ng date sa kaibigan niya. Alam niya na wala akong kahilig-hilig sa mga ganoon tapos biglaan pa? Talagang makakatikim ng matinding sermon sa akin ang isang iyon.
Kagabi ko pa siya tinatawagan. Kahit sa bahay nila, hindi ko siya makontak. Pinuntahan ko na sa bahay nila pero wala din siya doon. Ate Soms told me that even she didn't see Saryna yet. Mukha daw nakababad na naman sa kung saan at kung ano-ano ang pinagkakaabalahan.
Kaya kinabukasan, siniguro kong magkikita kaming dalawa. Alam ko naman kung saan siya madalas na tumatambay. Mayroong sariling spot sa university si Saryna at ang mga kaibigan niya na sila lang ang puwedeng mag-stay. May tatak na niya iyon. Off limits sa ibang mga estudyante. Pagdating ko doon ay napakunot ang noo ko dahil naroon nga ang pinsan ko pero naroon din ang kapatid ko. Nagtatawanan pa ang dalawa at sige ang pagsisigarilyo at pagbubuga ng usok.
Pakiramdam ko ay umusok din ang ilong ko. Ano ang ginagawa ni Danny dito? Dapat nasa Louis siya pero dito siya tumatambay? Hindi na naman siya pumasok.
"Danny. Saryna."
Pareho silang napatingin sa akin at alam kong kita nila sa mukha ko na hindi ako nakangiti. Na naiinis talaga ako. Pero hindi ko man lang kinakitaan ng pag-aalala ang mukha ng dalawang ito. Nagtawanan pa nga nang makita ako tapos ay nagpatuloy sa mga ginagawa nila.
Napasinghot ako sa hangin at lalong dumilim ang tingin ko sa kanila. They were not smoking regular cigarettes.
They were smoking a fucking weed.
Inside the university that I knew prohibits using this kind of illegal substance.
Inis kong pinagkukuha ang mga hawak nilang marijuana at inis na tinapakan iyon.
"What the hell, Dam-Dam?!" inis na bulalas ni Saryna at akmang kukunin pa ang mga upos na tinapakan ko pero lalo ko lang diniinan tapakan iyon.
"Kanina pa bad trip 'yan sa bahay pa lang. Hindi mo daw kasi sinasagot ang tawag niya," natatawang sabi ni Danny at may dinukot sa bulsa na hitsurang sigarilyo at inabutan din si Saryna.
Muli kong kinuha iyon at binali sa harap nila tapos ay talagang sinamaan ko sila ng tingin.
"Don't fucking try." Banta ko sa kapatid ko nang makita ko siyang akma uling dudukot sa bulsa niya.
Doon sumeryoso na din si Danny. I knew my brother knew that I am really pissed. Umirap si Saryna at masamang tumingin sa akin.
"What is wrong with you?" Nakataas ang kilay na tanong niya.
"What is wrong with me? What you did last night was wrong. Everything about it. Kung saan-saan mo ako pinapunta. Nag-aalala ako sa iyo dahil akala ko napapaano ka. Tapos malalaman ko lang na nasa party ka lang? Worst, you sent me to a date with your friend without my knowledge." Mariing sabi ko.
Napaikot ng mata si Saryna at tumingin kay Danny tapos ay nagbungisngisan silang dalawa na lalo kong ikinainis.
"And I don't even like her." Dugtong ko pa.
"Kuya, masyado ka kasing... stiff. Holly has been flirting with you for so long. Saryna told me how much she likes you. Saka ano pa ang nirereklamo mo?" Ngumisi sa akin si Danny. "You had your first kiss with her."
Sabay na nagtawanan ng malakas ang dalawa sa harap ko kaya ang sama lang ng tingin ko sa kanila.
"Gosh, Holly couldn't stop blabbing about it. She was so happy that she got to taste your lips and that was your first time." Segunda ni Saryna.
"Freakin' kiss and tell," mahinang sabi ko. "For the record, she was not my first kiss."
Nanlaki ang mata ni Danny at Saryna sa akin at halatang naging interesado sa sinabi ko.
"You got your first kiss? And it was not Holly? Who is it?!" halos magkapanabay na sabi nila.
"You don't need to know," labas sa ilong na sagot ko. "Basta. Hindi na ako tanga pagdating doon. I got my first kiss and it was not important who it was. Kaya tigilan n'yo ako diyan sa Holly na 'yan."
Muling nagtinginan ang pinsan ko at ang kapatid ko tapos ay muli ay may dinukot sa bulsa niya si Danny at iniabot ang isa kay Saryna. Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na sila napigilan nang sindihan iyon at humithit at bumuga noon.
"Kuya, kung ano man ang ginawa n'yo, kung ilang first kiss man ang natikman mo, it's fine. You enjoy little things in life. You're a virgin? Look around and you will find women who are willing to teach you superb experience. Like Holly. She is willing to give you heaven last night." Napa-tsk-tsk pa si Danny. "Never, ever disappoint a woman." Muling siyang humithit sa hawak na roll ng pot. "What you did last night was a big no-no. Imagine ditching your date?"
Tumatango-tango pa si Saryna tanda ng pagsangayon sa mga sinasabi ni Danny.
"Mabuti na lang Holly found someone who could be her date last night. She told me, your lips taste good but you don't know how to kiss. And luckily, the man that he found last night was a good kisser and very good in bed." Sabi naman ni Saryna.
Napangiwi ako. "Who cares? I am not interested to hear what they did last night. I don't care who she fucked. What I am telling you is never to do that again. Never put me in a situation like that. It was not cool." Pinaramdam ko talaga kay Saryna na seryoso ako pagdating sa bagay na iyon.
Napaikot ng mata si Saryna at kumumpas lang sa hangin. Si Danny naman ay nagkibit ng balikat at nagpatuloy sa paghithit-buga ng hawak na roll.
Saglit na katahimikan ang namagitan sa kanilang tatlo tapos mayamaya ay napangisi ang kapatid ko.
"How about your first kiss? Who was it? Did you do it like a dude?" Interesadong tanong niya.
"Oo nga, Dam-Dam. Dali! Tell us. Who was it?" Namimilog pa ang mata ni Saryna.
"Wala nga. Diyan na kayo. You Danny," baling ko sa kapatid ko. "Umalis ka na dito at bumalik ka sa Louis. Kapag nalaman na naman ni Mommy na hindi ka pumapasok, lagot ka na naman." Paalala ko sa kanya pero alam kong hindi naman susundin ng kapatid ko ang sinasabi ko. "And stop doing pot here. Amoy na amoy ang marijuana n'yo." Iyon na lang ang nasabi ko sa kanila at tinalikuran ko na. Hindi ko pinansin ang pagtawag nila sa akin at lumakad na ako palayo.
Kinuha ko ang telepono ko at tinext para malaman ko kung nasaan si Ezra. Sumagot naman at sinabing magkita kami sa canteen. Napahinga na lang ako ng malalim at lumakad patungo doon. Nang mapadaan ako sa gawi ng parking ay nakita ko na naman ang blue Koenigsegg na nakaparada doon. Iyong dati na nang-agaw ng parking space ko. Pabalandra pa ang pagkakaparada at tila walang pakialam na nakakaabala na sa ibang sasakyan. Napailing na lang ko. Minsan, nakaka-badtrip na din ang pagiging entitled ng ibang mga estudyante dito.
Papasok na ako sa canteen pero agad napahinto ang paglakad ko nang makita ko ang isang lalaki na nakaakbay sa isang babae na palabas doon. Hindi ko maialis ang tingin ko sa mukha ng babae dahil sigurado akong siya ang babaeng humalik sa akin sa party na napuntahan ko kagabi. It was the same beautiful face that made me sleepless last night. My eyes immediately darted down to her lips and I remembered how it felt on mine. Her soft lips that made my body on fire for the first time.
Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya habang lumalakad ako papasok sa canteen. Maganda pala talaga siya talaga. Pero agad ding nawala ang excitement na nararamdaman ko nang makita ko ang lalaking kasama niya na halos ipulupot na ang buong braso sa katawan niya. Sino ang lalaking ito? Nakakaramdam ako ng inis. Pakiramdam ko ay nagdidilim ang paningin ko lalo na nang halik-halikan pa ng lalaki ang leeg ng babae habang lumalakad sila.
Pero agad din na parang binuhusan ng malamig na tubig ang inis na bumabalot sa akin nang tumingin sa gawi ko ang babae. Pakiramdam ko ay huminto ang lahat. Kita ko pa ang pagkagulat sa mukha niya habang nakatingin sa akin.
I knew she remembered me.
Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya habang nakatingin pa rin siya sa akin. Tila nag-uusap ang mga mata namin. It was like there was an invisible connection while we were looking at each other and heart if pounding like a drum in excitement.
Hanggang sa maramdaman kong bumangga ako sa kung ano.
"Putangina ang bobo naman. Ang laki ng daan hindi mo ba ako nakita?"
Noon ko nakita na nasa harap ko ang lalaking kasama ng babae at galit na nakatingin sa akin. Nagtataka ako kung bakit nagagalit sa akin. Hitsurang susuntukin pa nga ako.
"H-hindi naman niya sinasadya. Halika na." Natataranta ang hitsura ng babae at hinihila ang lalaking kasama palayo sa akin.
Hindi ko pinansin ang lalaking nagagalit sa harap ko. Mas na-focus ang atensiyon ko sa babae na ang lapit-lapit na sa akin at amoy na amoy ko ang pabangong gamit niya. She smelled good and she didn't smell cheap like Holly last night.
Naramdaman kong itinulak ako ng lalaking kasama niya. Napaatras ako sa lakas noon at mabuti na nga lang ay nakapag-balance ako kung hindi siguradong sadsad ako sa semento.
"Type mo siya?" Itinuturo ng lalaki ang babae. "Type mo? Get in line, fucker. Saka siguraduhin mo na marami kang pera at afford mo siya. Bobo." Muli ay itinulak ako ng lalaki at halos hilahin ang babae para makaalis lang doon.
Napaawang na lang ang bibig ko habang sinusundan sila ng tingin. Tapos ay napatiim-bagang ako. Ngayon ay nararamdaman ko na naman ang umaalsang inis sa katawan ko at automatic na kumuyom ang mga kamay ko.
"Hoy, okay ka lang?"
Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Ezra at sinusundan din ng tingin ang lalaki at babae na lumalakad palayo sa canteen.
"'Buti hindi ka sinuntok ni Owen."
"Nino?" takang tanong ko at napatingin ako kay Ezra. Nakasunod din ang tingin niya sa dalawang lumalakad palayo tapos ay takang tumingin sa akin.
"Hindi mo kilala si Owen? Owen Conti? The famous brothers Owen and Luke Conti?" hitsurang nagugulat si Ezra na hindi ko kilala ang mga pangalang binabanggit niya.
Umiling ako.
"Saan ka ba nagsususuot? Ga-graduate ka na lang hindi mo man lang nakilala ang mga Conti Boys? They are known here in our university. Their parents are the famous art connoisseur who sells millions, sometimes billion worth of paintings." Paliwanag pa niya.
Hindi naman ako na-impress. Paintings? My father has many paintings painted by famous painters from abroa. He even got a Picasso. A gift that was given to him by a business associate and I knew how much it cost. Hindi ako mawa-wow sa mga paintings kahit bilyon pa ang halaga niyan.
"'Y-yong babaeng kasama niya. Sino 'yon?" Hindi na ako nakatiis na hindi magtanong.
Lalong nagtaka ang tingin sa akin ni Ezra. "You don't know Peyton?"
Umiling ako. Nang tumingin ako sa dinaanan ng babae ay wala na ang dalawa sa paningin ko.
Napakamot ng ulo si Ezra. "Ewan ko sa'yo Damien kung taga-dito ka ba talaga sa university natin. Bakit hindi mo kilala si Peyton? Lahat dito kilala siya. Everyone knows her to be the chick who loves dick."
Kumunot ang noo ko. "What?"
Medyo umasim ang mukha ni Ezra. "Maganda siya 'no? But Owen owns her. You cannot talk to her or even look at her without his permission."
"Boyfriend ba niya ang lalaking iyon?" Paniniguro ko.
"According to what I heard they are not a couple but they do things that a couple do. You know what I mean. She's rich but she can also be paid to date and do things like kissing, touching and..." ibinitin ni Ezra ang sasabihin.
"And?" gusto ko nang marinig ang sasabihin niya.
"Sex." Sagot niya.
"Sex?" Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Ezra. "What the hell are you talking about?"
Naihilamos ni Ezra ang kamay sa mukha at lumapit pa sa akin at bumulong.
"Peyton is a whore. Paid whore and her handler is Owen Conti."
---------------------------
NOTE: Rozovsky Heirs 7 Book 1 and Book 2 Damien Rozovsky (this story) is already complete on Patreon and VIP. This story will also be published soon. Pre-order is now on-going. You can message HELENE MENDOZA'S STORIES FB page to know how to subscribe and how to reserve your book copy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top