CHAPTER EIGHT | PARENTS


You can't create a monster, then whine when it stomps on a few buildings – Yeardley Smith

THE ROZOVSKY HEIRS 7 | DAMIEN ALFONSO

CHAPTER EIGHT | PARENTS

PEYTON

"Petra. Petra. Bumangon ka na diyan. Alas-otso na."

Umungol pa ako at nagtalukbong ng kumot para hindi maistorbo ang pagtulog ko pero bigla din iyon nawala dahil sigurado ako na hinila ng nanay ko.

"Bumangon ka na diyan." Ngayon ay may diin na ang boses ni Nanay.

"'Nay, inaantok pa ako." Reklamo ko at kinakapa-kapa ko ang kumot na inalis niya sa akin.

"Paanong hindi ka aantukin? Anong oras ka na umuwi kagabi? Akala mo ba hindi ko alam na alas-dos ka na umuwi? Hindi na lang ako umimik nang mahiga ka diyan sa kama mo. Nakikita mo ba ang hitsura mo? Ang mukha mo, punong-puno pa nang kolorete. Hindi mo man lang nagawang maghilamos dahil sa kalasingan mo." Naramdaman kong kinurot pa ako sa tagiliran ni Nanay kaya napa-aray ako ng malakas.

"Aray naman, 'Nay!" inis na akong bumangon at ang sama ng tingin ko sa kanya. "Kasama ko naman sila Owen. Kasabay kong umuwi." Katwiran ko.

"Iyan na nga ang sinasabi ko. Sama ka nang sama diyan kina Owen. Alam mo naman na pinagbawalan ka na ni Mrs. Conti na dumikit sa mga anak niya pero bakit hindi mo pa rin tinitigilan? Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na iba ang buhay natin sa buhay ng mga Conti. Palamunin lang tayo dito. Mga alipin na kung kailan nila maisipang sipain paalis, gagawin nila."
Napaikot lang ang mata ko at sumimangot. Ang aga-aga naman magsermon ni Nanay. Masakit pa ang ulo ko sa puyat at hangover. Ang dami-dami pa naman naming ininom nila Owen. Pagkagaling namin sa party ni Pasquale, may pinuntahan na naman kaming party pa kaya inumaga na kami ng uwi.

"Kumilos ka na diyan at pumasok ka na sa eskuwela. Kapag nakita pa ni Mrs. Conti na nandito ka pa, baka talagang itigil na noon ang pagpapaaral sa iyo. Hindi ka magtino. Puro kalandian ang alam mo." Inis pang sabi ni Nanay.

"At least ang mga nilalandi ko, gusto ako. Kayo? Nag-uubos na kayo ng pera pero hindi pa rin kayo pinapansin ng Tatay ko. Pati pamilya niya ginagastusan n'yo." Hindi ko na napigil ang hindi sumagot.

Malakas na sampal ang ibinigay sa akin ni Nanay. Nagulat din ako sa nasabi kong iyon. Hindi ko naman iyon gustong sabihin pero kusang lumabas sa bibig ko.

"Kung ano man ang ibinibigay ko sa Tatay mo, karapatan niya iyon dahil nagmamahalan kami. Oo. Alam kong mali dahil may nauna na siyang pamilya pero alam ko na ako ang mahal ng tatay mo at hindi lang niya maiwan ang pamilya niya. Kaya tutulungan ko siya hanggang sa makakaya ko at wala kang pakialama doon." Nanginginig ang boses ni Nanay sa galit nang sabihin iyon.

Hindi na ako kumibo at inis na lang na umalis sa hinihigaan ko at kinuha ang tuwalya tapos ay lumabas. As usual, ipagtatanggol pa rin niya ang walang kamatayang pagmamahal niya sa manloloko kong tatay. Ibang klase ang Nanay ko. Hindi ko alam kung anong klaseng gayuman ang ginamit ng tatay ko sa kanya.

Dumeretso na ako sa banyo at doon nagbabad. Kung puwedeng dito na lang ako maghapon. Ayaw ko na munang lumabas at makakita ng tao. Masakit ang ulo ko dahil sa puyat at ang gusto ko ay matulog pa talaga. Pero kailangan ko ding kumilos dahil may pasok ako ng alas-diyes.

Paglabas ko sa banyo at pabalik na ako sa kuwarto namin ni Nanay ay naramdaman kong may pumulupot na kamay sa baywang ko at humalik sa pisngi ko. Alam ko naman na si Owen ang may gawa noon kaya mabilis akong lumayo sa kanya.

"'Tangina, Peyton ang bango mo. Amoy Dove ka." Nakangisi pang sabi niya.

"Ang kulit mo din. Sinabi ko na sa iyo na tigilan mo akong harutin dito. Malilintikan ako sa Mommy mo." Inis kong saway sa kanya.

"Hayaan mo 'yon si Mommy. Busy 'yon sa pakikipag-chikahan sa mga amiga niya sa GC nila na puro kabit naman ng mga asawa nila ang topic. Mom found out that Dad is having an affair again. With a very much younger woman." Kumindat pa sa akin si Owen.

"And you are okay with that? Parang 'di ka naman bothered na nalaman ni Mrs. Conti na may ibabae ang tatay mo."

Dumukot ng sigarilyo sa bulsa si Owen at sinindihan iyon tapos ay binugahan pa ako sa mukha.

"Ayos lang. Sanay na kami. Noon pa naman gawain na 'yan ni Dad. Parang hindi mo naman alam. Basta kumpleto ang allowance namin, gawin ni Dad ang lahat ng gusto niyang gawin." Muli ay humithit sa sigarilyo si Owen at bumuga. "Oh, before I forgot. You have a booking tonight. The guy is not from the school. He is from Louis."

Kumunot ang noo ko. "Louis? Louis University? 'Di ba sabi mo badtrip ka sa mga estudyante doon?" Paniniguro ko.

"This one can pay well. I charged more than your usual pay and he agrees. Ayaw mo n'on mas lalaki ang kita mo. But I am telling you, you need to be careful. Danny Rozovsky is well known to be a fucking chick killer. Baka bumigay ka do'n at bumukaka ka sa kanya, mabubugbog kita at baka mapatay ko siya."

Kalmadong-kalmado ang tono ni Owen pero hindi ko maintindihan ang kabog na pumuno sa dibdib ko. Alam ko kasing kaya niyang gawin iyon sa akin.

"You are my precious gem, Pey. Maibebenta pa kita ng mas malaki kaya huwag na huwag kang bibigay sa Danny Rozovksy na 'yon. Saka ayaw mo namang mabangasan ang mukha mo 'di ba?" Marahan pa niyang hinaplos ang mukha ko at iniiwas ko na iyon sa kanya. Tumawa naman si Owen at lumayo na din sa akin. "Kita na lang tayo sa school. Mauna na ako. Magbibihis ka pa." Sabi niya at iniwan na ako doon.

Napabuga na lang ako ng hangin at bumalik sa kuwarto namin ni Nanay. Naipagpasalamat kong wala na si Nanay doon kaya dali-dali akong nagbihis. Kung mayroon na naman akong booking mamaya, kailangan kong magdamit ng maayos at hitsurang mayaman.

Nang matapos ako ay lumabas na ako sa silid namin ni Nanay para pumunta sa eskuwelahan. Bago ako makalabas ng bahay ng mga Conti ay mapapadaan pa ako sa dining room nila. Gusto ko na sanang umatras nang makita kong naroon mag-isa si Mrs. Conti at nagkakape habang nagba-browse sa hawak niyang cellphone. Hindi naman ako nakita kaya sa kabila na lang ako dadaan.

"Petra."

Napapikit ako at napangiwi. Shit. Nakita pa rin pala ako.

"Good morning po, Mrs. Conti." Iyon na lang ang nasabi ko at napilitang magpakita sa kanya. Nag-angat ng tingin si Mrs. Conti at tiningnan ako mula ulo hanggang paa tapos ay ngumiti ng maasim sa akin.

"You look..." hindi niya naituloy ang sasabihin at muli ay ngumiti sa akin pero kita ko naman ang pagkapeke noon. "So much class A."

Alam kong mabait si Mrs. Conti. Mabait siya sa akin dahil pinag-aaral niya ako pero alam kong ayaw niya sa akin dahil alam niyang nilalandi ako ng anak niya kaya sa tuwing magkikita kami, pinaparamdam talaga niya ang distansiya ng buhay naming dalawa.

"Sit down." Sabi niya at itinuro ang silyang naroon. "Did you have your breakfast? Kumain ka na." Itinuro niya ang mga pagkain na nasa mesa.

"H-hindi na po, Mrs. Conti. Kumain na po kami ni Nanay." Pagsisinungaling ko.

Umangat lang ang kilay niya at dinampot ang puswelo ng kape.

"I heard some news." Sabi niya at dahan-dahang ibinaba ang hawak na puswelo at tumingin sa akin. "About you. About what you do."

Napalunok ako at ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ano ang alam ni Mrs. Conti?

"I know what you are doing. I understand your needs and you need to be creative to earn money. I also do that. Before. I need to do everything I can just to survive. I did so much just to earn before I met Francesco."

Hindi ako kumibo at nakikinig lang sa kanya pero pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga sa kaba. Ang seryoso kasi ng mukha ni Mrs. Conti. Nakakatakot.

"I like you. A lot. I see myself in you before. Ambitious. You will do anything just to survive and for money. I admire that. I want people to have dreams to achieve and they will do that whatever way they can. I see that in you. You have the determination to be on top and to be with people who got connections." Ngumiti siya sa akin. "I like that spirit, Petra. You even changed your name. I heard from my sons that they are calling you Peyton in school. Very funky ang name. May taste ka and that is good. Very, very good."

Hindi ko magawang sumagot sa sinasabi ni Mrs. Conti. Pakiramdam ko kasi kahit pinupuri niya ako, mayroon siyang ibang gustong sabihin na alam kong hindi ko ikatutuwa.

"But the problem is, you are doing something that dragging the names of my boys." Tumaas ang kilay niya sa akin.

"P-po?" napapiyok pa ako. May alam ba si Mrs. Conti? Alam ba niya na bukod sa panghaharot ay ibinubugaw din ako ng anak niya.

"A certain Joshua..." saglit siyang nag-isip at napailing. "Joshua whatever. I forgot his surname. Anyway, a certain Joshua from your school filed a case against my boys. Severe physical injuries and damage to properties. But luckily, before his parents can file it up to the police, I already fixed it. Good thing his family has some dirt under their rugs and I used it." Kumindat pa siya sa akin.

"M-Mrs. Conti, kasi po-" sinenyasan niya akong tumahimik kaya napahinto ako sa pagsasalita.

"I don't want to hear your side. I already heard what I needed to know. You are flirting with Joshua and the boy assumed that it was okay for you to have sex. But while doing the deed, you had a change of heart and you said no and my two boys saved you." Dinampot ni Mrs. Conti ang puswelo ng kape sa harap niya at uminom doon. "If you didn't flirt and gave motive to that poor young boy, that won't happen in the first place. It was your fault that the boy is now in the hospital and beaten. It was your fault that my boys needed to save you and they almost have a police case." Napahinga ng malalim si Mrs. Conti. "I raised my boys to be gentlemen and I taught them how to respect women."

"Mrs. Conti-" muli ay kumumpas siya sa hangin para mapahinto ako sa pagsasalita.

"Just shut your lousy mouth. Just remember this, Petra." Diniinan pa niya ang pangalan ko. "You should always keep in mind who you really are and where do you belong. Not because you are living in our house, you are eating our left overs and I sent you to study in that prestigious school, you will already act like you belong with us." Umiling-iling siya. "You are nothing if not from us. You will be just like your mother if I didn't help you. Trust me, the next time this happens again, I am going to cut all my help that I am extending to you and you and your mother will live in the streets. Never drag my boys to your mess again." Mariing sabi na niya.

Tumango lang ako mabilis kong pinahid ang mga luha ko.

"That's all. You can go," sumenyas pa siya na parang tinataboy ako kaya dali-dali akong tumayo sa upuan at lumabas doon.

Ang bibilis ng mga hakbang ko nang lumabas ako sa mansion. Hindi na ako lumingon. Lakad-takbo ang ginawa ko para lang makarating sa gate. Mula doon ay nag-book ako ng Grab para makarating sa eskuwelahan. Hindi ako puwedeng pumunta doon nang nakasakay lang sa taxi. Mag-iiba ang tingin sa akin ng mga makakakitang ibang estudyante.

Habang nasa biyahe ay pinipigil ko ang mapaiyak pa rin. Nasisira na ang make-up ko. Inis akong kumuha ng tissue sa bag ko at tinuyo ang namumuong luha sa mga mata ko. Kahit naman gusto kong mangatwiran kay Mrs. Conti kanina, hindi naman siya makikinig. Hindi naman siya maniniwala. Siyempre, ang papaniwalaan niya ay ang mga anak niya. Napabuga ako ng hangin. Pilit ko na lang inisip na kasama ang lahat ng ito para makuha ko ang gusto ko. Kasama ang mga ganoong experience sa pagyaman ko.

Nang makarating ako sa eskuwelahan ay agad na nakatingin ang mga estudyante sa akin. Nakita ko ang isang kakilala na agad na kumaway sa akin.

"Peyton! Hi! You took a Grab? Where's your driver?" Nakaangat ang kilay na tanong ng babae. Kilala ko ang isang ito. Ano nga ang pangalan ng babaeng ito?

"Mikie, hi." Pilit na pilit ang ngiti ko sa kanya at iniabot ko ang five hundred sa driver. Magsusukli pa sana ang driver pero sinabi ko nang keep the change kahit gustong-gusto kong kunin ang sukli noon. Two hundred din iyon. Bakit pa kasi nandito ang babaeng ito? Kailangan ko pa tuloy magpa-impress.

"Wow, sobrang generous naman. Hindi kumukuha ng change. But you know, I also do that. One time, my fare was like one hundred fifty pesos only but I gave the manong driver one thousand. You know, they need the extra money because they are so poor, right? Not like us who study here. We are all rich and belong to well-known families."

Lalong umasim ang ngiti ko sa kanya. Nakakainis. Bakit nakasalubong ko pa 'to? Sa mga parties iniiwasan ko talaga ang isang 'to dahil sa sobrang kaartehan.

"So, why did you take Grab? You don't have a driver?" Pangungulit pa nito at sinabayan pa ako nang pumasok ako sa loob ng university.

"My driver is busy. And I said I want to try taking Grab. For experience." Iyon na lang ang sabi ko at tiningnan ko ang telepono ko dahil may nag-message doon. Si Owen. Sinasabing sa canteen daw kami magkita. Pinayabaan kong sumunod lang sa akin ang babae at magsasalita ng kung ano-ano habang naglalakad ako papunta sa canteen. Pagpasok ko pa lang doon ay kumakaway na sa akin si Owen at pinalapit ako sa tabi niya.

"Are you and Owen an item?" Tanong pa nito.

Napaikot ang mata ko. "Ask him." Iyon na lang ang nasabi ko at dumeretso na sa lugar ni Owen. Paglapit ko pa lang ay hinalikan na niya ako sa pisngi at pinaupo sa kandungan niya. Nang tumingin ako kay Mikie ay nakangiti lang ito ng maasim sa akin tapos ay tumalikod na.

"Ganda mo ngayon, Peyton." Inamoy-amoy pa ni Owen ang leeg ko at napangisi. "Bango mo pa. Mukhang nag-ready ka talaga para sa booking mo mamaya." Bulong niya sa akin.

"Anong oras ba 'yon?" Iyon na lang ang tanong ko. Hindi ko pinapansin ang tingin ng ibang mga estudyante doon sa akin. Sanay na naman silang ganito kami ni Owen. Walang label pero daig pa ang mag-syota kung maglandian.

"Eight. Before that, we can go with Pasquale. Doon na lang tayo tumambay sa kanila. Bored na naman si gago. Magpapainom daw." Pinatayo na ako ni Owen at tumayo na din siya.

"Hindi ba tayo papasok?" Taka ko.

"Huwag na. Boring lang ang klase. Hindi naman regular ang classes ngayon dahil busy ang mga professors sa kung anong paandar nila para sa foundation. Tara na." Hinawakan na ni Owen ang kamay ko para makaalis kami doon.

Walang magawa, sumunod na lang ako. Kapag umarte pa ako, baka mahirapan na naman akong makuha ang percentage ko para sa mamayang booking ko. Palabas na kami sa canteen nang may makasalubong kaming lalaki na nakatingin sa akin. Nakatitig sa tamang salita. Hindi inaalis ng lalaki ang tingin sa akin at napaawang ang bibig ko nang makilala ko kung sino iyon.

Iyon ang lalaking hinalikan ko sa party ni Pasquale.

Habang nakatingin siya sa akin ay nabangga ng lalaki si Owen na agad na ikinainit ng ulo ng kasama ko.

"Putangina ang bobo naman. Ang laki ng daan hindi mo ba ako nakita?" Singhal dito ni Owen.

"H-hindi naman niya sinasadya. Halika na." Hila ko kay Owen dahil baka kung ano pa ang magawa nito. Saka baka biglang magsalita ang lalaking narito na siya ang hinalikan ko sa party lalo lang magkakagulo.

Hindi sumagot ang lalaki at nanatiling nakatingin lang sa akin. Tingin ko ay napansin iyon ni Owen kaya itinulak nito ang lalaki.

"Type mo siya?" Itinuturo ako ni Owen. "Type mo? Get in line, fucker. Saka siguraduhin mo na marami kang pera at afford mo siya. Bobo." Itinulak pa ni Owen ang lalaki at painis na umalis doon habang hila ako.

Nagmamadali na rin ang mga hakbang ko para makaalis doon pero pasimple kong nilingon ang lalaki.

Nanatili siyang nakatayo doon at sinusundan kami ng tingin. Napailing na lang ako at inuto si Owen na walang tigil pa rin sa pagsasalita ng kung ano-ano dahil na-badtrip siya.

Hindi puwedeng malaman ni Owen na ang lalaking iyon ang hinalikan ko. Mukha pa namang inosente ang lalaking iyon at ayokong masaktan katulad ng ginagawa ni Owen sa mga gusto niyang i-bully.

At least, I could save one innocent soul from Owen's nonsense anger. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top