CHAPTER TWENTY-TWO | Walking after you
There are all kinds of love in this world but never the same love twice – F. Scott Fitzgerald
THE ROZOVSKY HEIRS 5 | STANISLAV VAUGHN
CHAPTER TWENTY-TWO | WALKING AFTER YOU
Sofia
I can't sleep.
My mind was filled by what Stas' father said. About my dad's true love. I wasn't sure about that but I remember him telling me about a woman. There was no detail but I knew, I remembered he told me to remember what the Rozovsky's to did the woman he loved.
Was that woman Vera? The woman that Stas' father was telling me?
Sana lang sagutin ni Dad ang tawag ko para malaman ko kung iyon nga ang sinasabi niya. Pero kaninang-kanina ko pa siya kinokontak, wala akong sagot na nakuha. Panay ring lang telepono niya.
Napahinga ako ng malalim at bumiling sa kama. Napatingin ako sa bintana at mula doon ay kita ko ang maaliwalas na langit. Punong-puno ng mga bituin. Naroon ang napakagandang bilog na buwan.
Wala sa loob na nahawakan ko ang mga labi ko at napahinga ng malalim.
I could still remember how Stas kissed me earlier. How his lips moved against mine. It was different. Totally different from the kiss that he gave me the first. Last time was full of lust. Greed. There was no passion. It was a kiss from someone hungry to taste something for the first time. But earlier...
It was something. Like we were both opening our soul to each other. The taste of his mouth was sweet and while my eyes were closed, I felt I was seeing every color of the rainbow in its own sensual way. It was light but full of passion.
And the way he said those lines from Romeo and Juliet.
Shit. Was those really lines from Romeo and Juliet?
Tumayo ako at kinuha ko ang telepono ko tapos ay nag-research doon. Hinanap ko ang line na iyon dahil sigurado ako galing iyon doon. At hindi nga ako nagkamali.
The line was really from Romeo and Juliet. Act one, scene four. Their first kiss.
That asshole knew lines from Romeo and Juliet? Not just a line. That devil recited a freakin' stanza.
The horrible Stas Rozovsky recited a stanza from a Shakespeare story. Mukhang hindi naman nagbabasa ng mga ganoong klaseng story ang lalaking iyon. Sigurado akong mga smut magazines, dummies for terrorist, how to kill, how to expand his empire ang mga tipong basahin ng isang iyon. But Romeo and Juliet? That fucker cannot be cheesy like that.
But then again I touched my lips. I could still feel how his lips moved against mine.
Napabuga ako ng hangin at itinakip ang unan sa mukha ko. Four days from now it will be our marriage and God knows what will happen to me after that.
I closed my eyes and let the oblivion took me somewhere. Away from the nightmare that haunted me for years. Tonight, I wished I would be dreaming of something. Something good. something magical.
Something like Stas' kiss that I knew deep inside I wanted to taste again.
------
A loud buzz woke me up and I was dazzled by the sunlight that was coming from my window. Napakunot ang noo ko. Umaga na agad? Parang pumikit lang ako saglit at ngayon nakakasilaw na liwanag na mula sa araw ang tumambad sa akin. Muli ay nakarinig ako ng malakas na buzz mula sa pinto ko. Kinuha ko ang telepono para tingnan kung anong oras na. Alas otso lang ng umaga. Who could this be bugging me in this early morning?
Pero wala naman akong magagawa. Mukhang hindi naman titigil ang kung sino man na nasa pinto ko. Nang makarating ako doon ay sumilip ako sa peep hole at napahinga ako ng malalim. Si Stas ang naroon. Bihis na bihis ng madalas niyang suot na ternong suit. Ano na naman ang ginagawa ng lalaking ito? Sa sobrang busy ng lalaking ito may time pa talaga siyang laging pumunta dito sa akin? Para ano? Para buwisitin ako?
Pabigla kong binuksan ang pinto at masamang tumingin sa kanya.
"What?" asar kong bungad sa kanya.
Hindi siya sumagot at pinasadahan na naman ng tingin ang kabuuan ko. Wala siyang puwedeng ireklamo dahil hindi ako naka-panty at sando lang. I am wearing decent clothes. A shirt and a short.
"I was wondering you will greet me wearing just panties," may ngiting nakakaloko sa mga labi nito.
Ugh. And I thought he was the sweet man like the one who kissed me last night. No. Definitely not. This was the real Stas. The real asshole Stanislav Rozovsky.
"In your dreams," inirapan ko siya at tinalikuran na. Sigurado naman akong kahit hindi ko siya imbitahin papasok ay papasok pa rin siya. "What do you want? Don't tell me dito ka na naman magbi-breakfast. Wala akong pagkain. I told you I am not a breakfast person." Sabi ko habang patungo sa kusina at nagbukas ng ref para kumuha ng tubig. Pagsarado ko ng ref ay naroon na sa harap ko si Stas. Noon ko lang napansin na may dala siyang nakabalot na bagay. Parang regalo kasi ang ganda ng pagkakabalot.
"For you." Pinipigil niya ang mapangiti nang iabot sa akin iyon.
Kumunot ang noo ko pero hindi ko agad tinanggap. "Why?"
Umangat ang kilay niya. "Anong why? I am giving you a gift. Take it," muli ay iniabot niya sa akin iyon.
"I am asking why because there is no occasion. Why are you giving me one?"
Doon na sumeryoso ang mukha ni Stas. "Is there a need for an occasion to give something to my fiancée? Kahit araw-araw kitang bigyan ng regalo, tingin ko walang problema doon. Take this gift and open it."
There was the authority in his voice that no one could say no. Sinamaan ko na lang siya ng tingin at kinuha ang bigay niya. Lumakad ako patungo sa sala at naiwan siya doon sa kusina. Inilapag ko ang regalong bigay niya sa center table na naroon at inumpisahang buksan. Manakanaka akong sumusulyap sa kanya dahil naririnig kong parang may ginagawa siya sa kusina ko. Nang lumabas siya ay may dala siyang dalawang mug. Ibinigay ang isa sa akin.
"I hope you like your coffee with cream."
Kinuha ko naman iyon at tinikman. Agad akong napatingin sa kanya at muli ay tinikman ang kapeng ginawa niya. I am not a coffee person but this one taste good. Bakit hindi ko magawang ganito kasarap ang kapeng tinitimpla ko para sa sarili ko? Pero hindi ko ipinakita kay Stas na nasarapan ako sa ginawa niya. Inilapag ko na lang ang mug sa isang gilid at inumpisahan ko nang buksan ang regalo niya.
Wala naman talaga akong interes dito sa kung anong bigay niya. Malay ko ba kung ano lang naman 'to at gusto lang niya akong...
Wait.
Bumilis ang pagbubukas ko ng regalo nang makita ko ang box. Tumingin ako sa gawi ni Stas na nanatili lang nakatingin sa akin. Napalunok ako at nanlaki ang mata ko nang makita kung ano iyon.
It was the newest model of Nikon D6 camera.
How did he get this? Ang alam ko sa susunod na buwan pa lalabas ang model na ito. Lalong nanlaki ang mata ko nang makita ang ibang kahon na nandoon. Kumpleto ng mga lens and accessories. And these were not just ordinary lenses. These were the most expensive lenses that any photographer could have.
"I don't know anything about cameras but they said that is the newest model for that brand and any photographer would love to have," kaswal na sabi ni Stas habang humihigop sa hawak niyang mug.
"H-how did you get this? Next month pa ito lalabas. I already sent my order from the States," hindi pa rin ako makapaniwala na nakatingin sa camera. Hindi ko mapigil ang ngiti sa labi ko habang nakatingin doon. It was like I was looking for a new toy. A new baby that I needed to take care of.
"You liked it?"
Tumingin ako kay Stas at tuluyang napangiti. "I liked it? No. I love it. Oh my God. The reviews of this monster are superb. I can't wait to use this one."
"All right. Then use it today."
Kunot-noong tumingin ako sa kanya. "What?"
"We are going somewhere. Dress casual. Like the one that you wore last night. You look good on that white Sunday dress."
Ramdam kong nag-init ang pisngi ko. Hindi ko alam kung compliment ba iyon o ano.
"Move. We don't want to be late in that event." Sabi pa niya.
Tinapunan ko ng tingin ang camera. Ayaw ko sanang sumama kay Stas pero sabi niya magagamit ko ito ngayon kaya nagmamadali akong pumasok sa kuwarto ko tapos sa banyo at naligo. May pagmamadali sa bawat kilos ko. Nang matapos akong maligo ay binuksan ko ang cabinet at tiningnan ang mga damit kong naka-hanger doon. Sunday dress. He wanted me to wear a freakin' Sunday dress.
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko at pumasok doon si Stas. Automatic na nahawakan ko ang sugpungan ng tuwalya sa katawan ko at nanlalaki ang matang nakatingin sa kanya.
"What are you doing here? You are invading my privacy," sinusundan ko siya ng tingin at deretso siya sa cabinet ko at tiningnan ang mga damit kong naka-hanger doon.
Hindi naman niya ako sinagot. Hindi nga ako tinapunan ng tingin. Iniisa-isa niya ang mga naka-hanger na damit doon. Hanggang sa may kinuha siya at . It was a light blue printed dress. I remembered I bought this one when I went to Paris last year for a photo shoot.
"Wear that." Sabi niya.
"I have something else to wear in mind. I don't like..."
"Wear that." Ngayon ay may authority na ang tono niya. Tipong hindi talaga tatanggap ng pagtanggi. Sinamaan ko siya ng tingin at painis na inagaw ang damit na iyon. Hinihintay ko siyang lumabas pero naupo pa si Stas sa couch na naroon at tila hinihintay kung ano ang susunod kong gagawin.
"Do you mind?" nanlalaki ang matang sabi ko.
"Mind what? Go get dressed." Walang anuman na sabi niya.
"What? I am not going to get dressed in front of you."
Natawa siya. "What's wrong? We are going to be married and I will see you naked eventually. Bakit hindi pa ngayon?"
Ramdam kong nag-init ang pisngi ko. "Get out, Stas."
"I just want to see if the dress really look good on you. If not, I can choose for another one." Katwiran pa niya.
"It's not funny. Get out!"
Siguro ay alam na ni Stas na napipikon na ako kaya tumayo na siya at tinungo ang pinto.
"I hope you're not going to wear anything under that dress." Tumawa pa siya pagkasabi noon bago tuluyang lumabas.
Inis kong ini-lock ang pinto ng kuwarto ko at naiiling na nagbihis. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin habang suot ang damit na ibinigay ni Stas. Maganda naman sa akin. It was an off shoulder mini-dress that complimented the shape of my body. Sexy pero hindi nakakabastos tingnan. Naglagay lang ako ng kaunting make-up at tinuyo ang buhok ko tapos ay lumabas na. Naabutan ko si Stas na tinitingnan ang camera na ibinigay niya at napatingin sa akin. Saglit pa ngang napahinto habang pinapasadahan ako ng tingin. Inirapan ko na lang siya at tinungo ang hilera ng mga sapatos kong naroon. Maghahanap ako ng maiteterno dito.
"Don't tell me hindi mo nagustuhan 'tong damit ko? Gusto mo pang palitan ko? Napaka-controlling mo naman kung pati pananamit ko papakialaman mo pa." Sabi ko habang naghahanap ng sapatos na maisusuot.
Natawa siya at napailing. "Do you think I am controlling you? Pati sa pagpili ng damit? No. I chose that dress because I think that is easy to remove from you. I won't be having a hard time if I wanted to see what is under it."
Napaaang ang labi ko at gulat na tumingin sa kanya. Gusto kong murahin si Stas. Gago talaga ang isang ito. At tingin ko mas lalo siyang natutuwa kapag nakikita niyang naiinis ako.
"Shall we go?" Natatawang sabi niya nang makitang nakaayos na ako. "Don't forget your camera. You will need that for today's event." Nauna na siyang lumabas habang hinihintay ako. Kinuha ko ang camerang ibinigay niya pati ang mga accessories na kasama noon. Nai-excite na akong katikutin ito.
Habang nasa sasakyan kami ay tahimik lang si Stas. Ako naman ay abala sa pagtitingin sa bagong camera ko. Para akong bata na binigyan ng bagong laruan. Ang ganda-ganda nito. I am sure magaganda ang mga shoots na makukuha ko dito.
"When did you start doing photography?"
"In my teens. I know I have a keen taste for things around me." Hindi ko tinapunan ng tingin si Stas at nakatutok lang ang atensyon ko sa camera.
"What's your favorite photography subject?"
"People. Faces. Kids." Natawa ako at inilapit ang lens ng camera sa mata ko tapos ay nag-shoot doon. Napangiti ako sa ganda ng resolution. Napaka-crisp ng kulay. Ang linaw.
"Why?"
Doon na ako tumingin sa kanya. "What do you mean why?"
"Why people? Why faces? Why kids? There are other subjects out there. Most photographers like sceneries. Events. Still life."
Napahinga ako ng malalim. "I like people and faces because I can see their emotions. The joy in their faces if they're happy. Their anger. Their pain. I can see that in every shoot and I felt I am connected to them. I like kids too because I love to see the smile on their faces. Especially those abandoned kids. Because every time I am taking their photos I remember myself." Wala sa loob na napahawak ako sa dibdib ko at naalala ko kung paano ako naiwang mag-isa sa gitna ng nagngangalit na apoy habang nakatingin sa nasusunog naming bahay.
"Why? Are you abandoned as a kid?"
Nang tumingin ako sa gawi ni Stas ay nakatingin na siya sa akin.
Yes. And it's all because of you.
Agad kong kinagat ang dila ko para hindi ko masabi iyon. Itinuon ko ang pansin sa camera at pinilit na lang na ngumit.
"No." Pagsisinungaling ko. "I have a happy childhood."
Napa-hmm lang si Stas at muling itinutok ang tingin sa kalsada. Hindi na siya nagsalita pa at maya-maya ay pumapasok na kami sa parang kumbento. Nakita ko ang nakalagay na pangalan. Sisters of Elizabeth Orphanage.
Napatingin ako sa paligid at nakita kong napakaraming mga batang nagtatakbuhan doon. May mga booths, mga banderitas na tipong may pagtitipon. Napakasaya ng atmosphere sa paligid.
Nag-park si Stas sa isang gilid at bumaba na. Inayos pa nito ang suot na suit tapos ay pinagbuksan ako ng pinto at inalalayang makababa.
"What are we doing here?" Taka ko.
"It's their foundation day today and as one of their biggest donor, they invited me today." Ngumiti pa siya sa akin. "Have fun taking pictures around. You said you like kids."
Hindi ako nakakibo at sinundan na lang siya ng tingin habang lumakad palapit sa mga madre na sumalubong sa kanya. Nanlalaki ang mga mata ko habang hindi mapigil ang mapangiti at sinundan ng tingin ang mga bata. Agad kong kinuha ang camera, isinet-up ang lens at nagsimula akong magkukuha ng mga litrato. Mga batang nagtatakbuhan, nagtatawanan. Mga naglalaro sa kung saan-saan. Their happiness was radiating to me. I felt alive and away from all the hardships that I experienced in my life.
I played with the kids. They loved it every time I was showing the pictures of themselves. Hindi ko na nga intindi kung nasaan na si Stas. Basta nakapalibot lang sa akin ang mga bata at sinasabing kunan ko sila ng picture. Hanggang sa may lumapit na madre sa lugar namin at kasunod noon si Stas.
"Ang saya ng mga bata. Masayang-masaya din kami na sa unang pagkakataon ay nakadalo ka sa foundation day namin. Napakalaking tulong sa aming kumbento ang iyong ibinibigay. Sana hindi ka magsawa." Nakangiting komento ng madre. "Ito ba ang kaibigan mo, Mr. Rozovsky?"
"Yes. Her name is Sofia. Actually, she is not a friend. She is my fiancée." Sagot niya.
Lumapad ang ngiti ng madre habang nakatingin sa akin.
"You pick well, Stas. Bagay na bagay kayong dalawa. I can feel love in the air." Komento nito. Narinig ko din na nakikitukso din ang mga bata. May mga sumisigaw pa nga ng kiss.
Para mawala ang atensyon sa akin ay sinabi ko na lang na kukunan ko sila ng picture kasama si Stas. Agad naman na pumuwesto ang mga bata at humilera sa tabi ni Stas at ng madre. Pati ang ibang mga madre ay sumama na din. Ilang shots ang kinuha ko nang marinig ko ang isang madre na dapat kasama daw ako sa picture. Tumanggi ako pero lumapit ang isang madre sa akin at sinabing siya ang official photographer ng kumbento. Kinuha niya ang camera na hawak ko at pinapunta ako sa puwesto kasama ang mga bata. Napilitan akong tumabi kay Stas habang wala naman siyang kibo at seryoso lang na nakatingin sa harap.
I just wanted this to be over kaya pagkatapos ng ilang shots ay naipagpasalamat kong natapos din kami. Isinama na ako ni Stas na umikot sa buong kumbento. Sinasabi niya na simula pa noon, constant donor siya ng kumbento na ito. Marami daw siyang tinutulungang mga foundations pero ang kumbentong ito ang pinakamalapit sa puso niya.
"See that building? That is named after my mom. I donated for that," itinuro niya sa akin ang isang building na halatang bagong tayo lang. "That playground. The hospital inside."
"Generous ka naman pala," komento ko. Hindi naman tonong nagmamayabang si Stas pero naisip ko lang na mag-comment ng ganoon. Dahil sigurado naman ako kaya niya ginagawa ito para mapagtakpan ang katotohanan ng mga ginagawa niya. Ang mga illegal na aktibidades niya.
"The kids needed something. A home. And here, I know they feel that they are home."
Saglit akong napatitig kay Stas dahil seryoso na siya habang naglalakad kami sa malawak na garden ng kumbento.
"Most kids in here are abandoned because they lost a home due to unavoidable circumstances. Parents can no longer take care of them and they are being left here. Some lost their parents due to fire and other calamities." Paliwang pa niya.
Napa-oh lang ako at muling tumingin sa mga nagtatakbuhang bata. Inalalayan ako ni Stas nang makarating kami sa dulong bahagi ng garden na punong-puno ng magagandang halaman. Naupo siya sa isang batong bench na naroon tapos ay tumingin sa akin.
"Sit by my side, and let the world slip. We shall never be younger."
Nakatitig siya nang sabihin iyon sa akin. I knew that line.
It was from Shakespeare's Taming of the Shrew.
"Are you a fan of Shakespeare?" Hindi ko na natiis na hindi itanong iyon.
Tumawa siya. "No."
"Hindi ako naniniwala. That line. Hindi iyon pangkaraniwang line na laging naririnig from Shakespeare's work. Not the usual to be or not to be line."
Lalo siyang natawa at napailing. "To be or not to be, that is the question. Whether 'tis nobler in the mind to suffer, the slings and arrows of outrageous fortune." Lalong natawa si Stas nang makitang gulat na gulat akong nakatingin sa kanya. He knew the fucking line from Hamlet. What the fuck was this guy? A soulless killer who loves Shakespeare?
Siguro ay napansin ni Stas na nagugulat ako sa kanya. Kinuha niya ang kamay ko at pilit na pinalapit sa kanya at pinaupo sa tabi niya. Narinig ko siyang huminga ng malalim at pumikit pa. Parang dinadama ang gaang ng buong kapaligiran namin.
"What you see in me is just what I wanted people to see. They hate me and I don't care as long as I can get what I want." Seryosong sabi niya.
"And what else do you want, Stas? You already have everything."
Humarap siya sa akin habang nakatitig sa mukha ko. Napalunok ako nang maramdaman kong hinawakan niya ang mukha ko. Marahang hinaplos ng hinlalaki niya ang labi ko.
"This," mahinang sabi niya habang patuloy sa paghaplos ng labi ko. Napalunok ako at bahagyang napaawang ang labi sa ginagawa niya. "To taste this again."
Pagkasabi niya noon ay lumanding ang labi niya sa labi ko.
Ang just like what he said, I wanted to taste his kiss again too.
Because this kind of kiss was melting the anger inside me. This kind of kiss was reminding me that all those years of planning to avenge the death of my parents, I deserved to be kissed like this. I deserved to feel whole in the arms of someone who would make me whole and complete.
And I hated to admit it, but that someone was beginning to be the man I vowed to destroy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top