CHAPTER TWENTY-THREE | Bad Blood
It doesn't pay to ignore warnings. Even when they don't make sense – Debra Doyle
CHAPTER TWENTY-THREE | BAD BLOOD
SOFIA
Hindi ko man aminin pero nag-enjoy ako sa lakad namin ni Stas ngayon.
He was totally different from the man I thought who he was. Today, he was not the Stas that I knew. He didn't look like the cold-blooded killer who could end the life of anyone. Today he was human. Soft. Warm. Full of life. He even played with the kids. Joined them to their activities. He was smiling. Laughing even from the corniest jokes that those kids were telling him. I could see genuine happiness on his face. The first time I had seen from him the moment that we had met.
"Today was fun," nakangiting sabi niya habang nagda-drive siya pabalik sa unit ko.
Napangiti ako habang nakatingin sa hawak kong camera at iniisa-isang tingnan ang mga litratong naroon. Mga masasayang mukha ng mga bata, ang mga madre, ang group photo naming lahat. Nilakihan ko ang litrato at napatitig ako sa litrato ni Stas na naroon. Habang ang lahat ay nakangiti at nakatingin sa camera, siya naman ay nakangiti din pero nakatingin siya sa akin. Wala sa loob na napatingin ako sa kanya at nakatutok lang siya sa kalsada habang nagda-drive. Mabilis kong inialis ang litratong iyon at tiningnan ang iba pa.
"Did you enjoy?" Ngayon ay tinapunan na niya ako ng tingin.
Sunod-sunod akong tumango. "Yes. The kids were all happy. Their laughter was contagious." Iyon na lang ang naisagot ko at mabilis na iniligpit ang camera na hawak ko at itinutok na lang ang tingin ko sa kalsada din.
"If you want to go back and visit the kids just let me know. I know they want to see you again. We can bring food, toys. Anything that those kids might need that will make them happy," sabi pa ni Stas.
Muli ay tumango lang ako. Hindi ako sanay na ganito siya.
"Tomorrow, we will go somewhere. We will attend the wedding of my cousin."
Kumunot ang noo ko sa kanya. "Wedding?"
"Yeah. My cousin Mikhail is getting married in an island." Sagot niya.
Simpleng okay lang ang sagot ko sa kanya. Alam ko naman kasi na kahit tumanggi ako, hindi rin naman siya papayag na hindi ako sumama. Tumunog ang telepono ko sa bag at kinuha ko iyon. Si daddy ang nakita kong tumatawag.
"It's dad." Anunsyo ko. Alam ko naman na gustong malaman ni Stas kung sino iyon.
"Go. Answer it."
Napahinga na lang ako ng malalim at sinagot ang tawag ni dad.
"Why are you calling me?" Seryosong tanong ni Daddy.
Tinapunan ko ng tingin si Stas na nanatiling nakatutok ang pansin sa kalsada pero halatang nakikinig naman sa pakikipag-usap ko.
Napipilitan akong ngumiti at hindi ko naman masabi ang rason kung bakit ako tumatawag. Malalaman ni Stas na interesado akong malaman kung ano ang nangyari sa babaeng Vera ang pangalan.
"Wala lang, dad. Na-miss lang kita." Pagsisinungaling ko. "Can we meet? I mean I want to have a coffee with you."
Umangat ang kilay ni Stas habang hindi pa rin ako tinitingnan.
"Is Stas with you?" Tonong naniniguro si Daddy. Siguro ay naramdaman ni dad na hindi ako makapagsalita masyado.
"Yes."
"I am here at the coffee shop near your place. Dito na tayo magkita."
"Okay, dad. See you. I am on my way." Pagkasabi ko noon ay ibinigay ko na ang telepono sa bag ko.
"You're going to meet Uncle Rom?" Paniniguro niya.
Pilit akong ngumiti. "Yeah. You know, father and daughter bonding."
Tumango-tango lang siya. "All right. Ihatid na lang kita doon. You're going to be okay there?"
"Of course." Natatawang sagot ko. "It's my dad. Nothing will happen to me."
"Do you want me to send Patek or any bodyguard to look after you?"
"What? No. Please. I don't need a bodyguard, Stas. I can take care of myself. It's my dad."
"Okay. If that's what you want."
Sinabi ko sa kanya kung saan kami magkikita ng daddy ko at doon siya dumeretso. Sumilip pa siya sa loob ng coffee shop at nakita niya si Daddy na naroon na umiinom ng kape.
"Thanks for today. Thanks for the gift," ipinakita ko pa ang camera. "I really love this." Hinawakan ko na ang pinto ng kotse para buksan nang pigilan niya ako at hawakan ang mukha ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil akala ko ay hahalikan niya ako uli pero ang lapit lang ng labi niya sa labi ko at nakatingin lang doon tapos mayamaya ay humahalik na sa akin.
"If you want something else, just let me know. I can give anything that you want." Sabi pa niya nang lumayo na sa akin.
Napalunok ako at hindi ko maintindihan ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kailangan ko nang makalayo sa kanya. Baka masanay na ako sa paghalik-halik niya at hanap-hanapin ko pa. Inayos ko ang mga gamit ko at mabilis na bumaba sa sasakyan. Kumaway lang ako sa kanya at sinundan ang sasakyan niyang paalis bago ako pumasok sa loob ng coffee shop. Agad na ngumiti sa akin si Daddy nang makita ako at tumayo tapos ay yumakap sa akin.
"Mukhang na-miss ako ng unica hija ko," nakangiting sabi niya sa akin. "And you look good. You had a date with Stas today? Getting ready for your wedding?"
Ngumiti lang ako sa kanya at naupo doon. Um-order ako ng juice at ngumiti kay Dad.
"Do you have any news about Jaime?" tanong ko sa kanya.
Napakunot ang noo ni daddy at kumumpas sa hangin. "Huwag mo nang intindihin ang isang iyon. I made sure the doctors are going to treat him in the rehabilitation center. For sure, nababaliw na iyon sa withdrawal. Fucking drug addict. At least walang manggugulo sa kasal n'yo ni Stas. Tuloy-tuloy na ang plano natin."
Napahinga ako ng malalim at uminom sa juice na inilapag sa harap ko.
"Dad, do you know someone named Vera?"
Napahinto si daddy sa paghigop sa kape niya at halatang nagulat sa tanong ko.
"What did you say?" Marahan niyang ibinaba ang hawak na coffee mug.
Napalunok ako at napabuga ng hangin. Ewan ko ba. Wala pang sinasabi si Daddy pero pakiramdam ko ay matindi-tinding revelation ang malalaman ko sa kanya tungkol sa babaeng iyon.
"Vera, Dad. I am asking if you know someone named Vera."
"How did you know that name?" Ngayon ay seryoso na siya.
"Stas' father talked about her. He said she was the love of your life."
Nagtagis ang bagang ni Daddy at napahinga ng malalim. Halatang nagagalit pero mayamaya ay unti-unting kumakalma at pilit na ngumiti sa akin.
"Yes. She was."
"What happened to her?"
Nagkibit siya ng balikat at sa pagkakataong iyon ay nakita kong lumungkot ang mga mata niya.
"She died. Killed." napakuyom ng kamay si Dad. "By Stas and his father."
Napaawang ang bibig ko. "W-what? S-Stas? He killed that woman?" hindi makapaniwalang sabi ko.
Malungkot na tumango si Daddy at napailing. "Ganyan kawalang-puso ang mga Rozovsky. Everyone is dispensable to them. Kapag hindi na kailangan, they can easily eliminate kahit pa napakinabangan nila ng sobra. And Vera..." napahinga siya ng malalim. "After they used her, they just killed her."
Naitakip ko ang kamay sa bibig ko. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Alam kong kayang pumatay ni Stas pero hindi ko akalaing pati sa babae ay kaya niyang gawin iyon.
"Vera was a prostitute. She was not proud of it but because of hard life, that was the easiest way to get what she wanted. She was Fedor's other woman. She was also a favorite among his friends. Vera was full of dreams. She was beautiful. Smart. Perfect. And I am the one who was assigned to be with her every time she was being lent to different men."
Hindi ako makapagsalita sa mga sinasabi ni Daddy. Nagugulat ako sa nalalaman ko.
"But even if Fedor has different women, he couldn't leave his wife. That was one rule in the organization. They can fuck every woman that they want but never, never leave their wives. And never get someone pregnant besides their wives. But Vera had other plans in mind. She wanted to be a part of Fedor's life. She wanted to get pregnant but Fedor was careful. But knowing Vera..." ngumiti nang mapakla si Daddy. "She became creative."
Kumunot ang noo ko. "Creative?"
"I loved her. I told her to leave Fedor. I told her I will marry her and she will have a better life with me, but her ultimate dream was to become a Rozovsky. She told me she will do it no matter what and by getting pregnant by a Rozovsky will be her ticket to a better life."
"Until Stas' eighteenth birthday." Napatawa pa si daddy at napailing. "His father decided to give him a different gift. By losing his virginity to Vera."
Napangiwi ako. "What? Eww. But Vera was Stas father's other woman. They were sharing woman?"
Natawa si Daddy. "That's the reality of their lives, sweetheart. They can even lend their woman to anyone they want. Women are nothing to them. Don't be fooled by the things that Stas are giving you. Those are just for a show. Because he can fuck dozens of women even if you two are already married."
Hindi ko maintindihan kung bakit parang may kumurot sa dibdib ko. Can Stas really do that even if we were married? But then I told myself, so what? I don't love him anyway.
I will never love him in any way.
"And Vera found her way to become a Rozovsky. Not with Fedor but with Stas." Tumawa ng nakakaloko si Daddy. "Stas being the naïve little boy back then, fucked her without using any protection." Ang pagtawa ni Daddy ay unti-unting nawala at napalitan ng galit. "If only that stupid boy used a protection, Vera could still be alive."
"W-what happened to her?" Nag-aalalang tanong ko.
"Fedor found out about it. He found out that Stas didn't use protection and he cannot allow any woman to get pregnant by his stupid kid." Napapailing si Dad at naisuklay ang kamay sa buhok. "I watched her die." Nabasag ang boses ni Daddy. "I saw with my two eyes how they took the life out of her. She was begging. I told Fedor to spare her. But what he did, he asked his man to put a rope on her neck and strangled her in front of me."
"Oh my God." Naibulalas ko. Pakiramdam ko ay masusuka ako sa nalaman kong iyon.
Napapailing si Daddy. "Until now, it was still vivid in my head. I could still hear her gasping for air. I could still see her eyes turning red when they strangled her, I still hear the snap of her neck and I couldn't do anything about it."
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Hindi ko ma-imagine ang nangyari sa babaeng iyon. Awang-awa ako sa sinapit niya dahil lang sa nakipag-sex siya kay Stas ng walang proteksyon?
"And that was also the night Stas killed your family." Sa pagkakataong iyon ay walang emosyon ang pagkakasabi noon ni Daddy.
Naramdaman kong hinawakan ni Dad ang kamay ko. "That's what happened, Sofia. If it wasn't for me, you are dead in that fire. I saved you. You are alive because of me. I know you will have a purpose. I know you will be the one to bring the Rozovsky's down to the ground. Do something about your parent's death and now, do something about Vera. They took the woman that I love. They took my life. They made me miserable like this and every day I had to fake my smile with them."
Hindi ako nakasagot at mabilis kong pinahid ang luha ko. Naaalala ko ang mga ngiti ni Stas. Ang paghalik niya sa akin at gusto kong mandiri. Nag-uumpisang magbaga ulit ang apoy ng galit na nararamdaman ko sa kanya na unti-unting pinapatay ng mga ginagawa niya sa akin.
I was so shocked. I couldn't believe with what I had heard. Hindi ko na kayang makinig pa sa mga sinasabi ni Daddy at parang nagsisi ako na tinanong ko pa kung sino ang Vera na iyon. Nagpaalam ako kay Dad. Sinabi kong maglalakad na lang ako pauwi sa unit ko dahil malapit lang naman ito. After what I had heard, I needed to clear my thoughts. That was too much I could handle.
Naglalakad ako at pakiramdam ko ay lutang ako. Sa isip ko ay parang nakikita ko ang nangyari sa babaeng iyon. Bakit kailangan nilang patayin? Bakit hindi na lang nila pinabayaan na lumayo saka hindi naman sila sigurado kung mabubuntis ang babaeng iyon. Tapos pinatay pa nila ang magulang ko. Wala silang kaluluwa. Mga masasamang tao talaga sila.
Narinig kong tumunog ang telepono ko at nang kunin ko iyon ay si Stas ang tumatawag sa akin. Hindi ko sinagot. Tinitingnan ko lang ang pag-register ng pangalan niya sa telepono ko. Nasusuka ako pagkakita ko pa lang sa pangalan ni Stas. Nai-imagine ko ang ginawa niya sa babaeng iyon. He fucked her then he let her get killed. Demonyo talaga si Stas.
Demonyo ang mga Rozovksy.
Napalingon ako nang maramdaman kong parang may tao sa likuran ko. May mga ilan-ilan na naglalakad sa paligid pero ramdam kong may mga matang nakamasid sa akin. Tumingin ako sa paligid at may nakita akong lalaki na nakatayo sa hindi kalayuan na nagti-text. Napahinga ako ng malalim at inilagay ko sa silent mode ang telepono ko at muling naglakad pabalik sa unit ko. Dumaan ako sa man-made forest like area malapit sa condo. Dito wala nang masyadong tao. Ako na nga lang yata ang narito at hitsurang masukal ang lugar na ito sa dami ng makakapal na halaman. Dumeretso lang ako ng lakad at nakarinig ako ng pagkaluskos sa likod ko. Agad kong tiningnan at wala namang tao doon pero hindi nakaligtas sa akin ang lalaking nakita ko kanina na nagti-text at naglalakad hindi malayo sa akin.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Naglakad ako uli pero nakikiramdam ako. Ramdam ko talaga na may sumusunod sa akin. Muli akong lumingon at sa pagkakataong iyon ay malapit na ang lalaki sa akin. Hindi ko makita ang mukha niya dahil naka-sumbrero. Binilisan ko ang lakad at ganoon din ang ginawa niya.
Sinusundan niya talaga ako.
Doon na ako nataranta. Idagdag pa ang pagtunog ng telepono ko. Ang mabilis kong lakad ay naging takbo na. Halos madapa-dapa na ako sa pagmamadali. Laking pasalamat ko nang makarating ako sa building ko at mabilis na sumakay sa elevator. Sige ako pindot ng elevator buttons dahil nakita ko ang lalaki na papasok din sa building at halatang hinahanap ako. Nang makita ako ay mabilis itong tumakbo para maabutan ako sa elevator. Mabuti na lang at sumarado na agad bago pa ako maabutan.
Nang makarating ako sa floor ko ay nagmamadali akong tumakbo para makarating sa unit ko. Nanginginig at naiiyak na ako sa takot dahil baka masundan ako ng sumusunod sa akin. Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang pinto ko.
At nang mabuksan ko iyon ay malakas akong napasigaw.
Dahil pagpasok ko ay bumangga ako sa kung ano.
May tao sa loob ng unit ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top