CHAPTER TWENTY | Something borrowed, Something blue


Forget what you're supposed to do. Do what you want to do. Live your own life the way you want to live it.

CHAPTER TWENTY | SOMETHING BORROWED, SOMETHING BLUE

SOFIA

Ramdam ko ang biglang pagbabago ng mood ni Stas. Dahil kaya sa babaeng Vera na sinabi ng daddy niya?

"Do you know anything about that Vera?" Pinilit ko kunwaring tumawa. "I didn't know that my dad has true love." Pagsisinungaling ko.

Hindi sumagot si Stas. Hawak pa rin ang kamay ko at patungo kami sa itaas ng bahay nila.

"Maybe she is pretty. That's why my dad likes her. But, would you happen to know what happened? Why she died?"

Huminto si Stas at seryosong humarap sa akin.

"What did my father tell you? Being a stubborn will just put you in danger. So, you better not ask about that woman. I don't know about her. Understand?"

Napalunok ako at natagpuan ko ang sarili kong tumatango lang sa kanya. Nakakatakot kasi ang hitsura ni Stas.

I knew he was lying. I am sure he knew something about that woman.

Napahinga na lang siya ng malalim at naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko para makaalis na kami doon. Damang-dama ko ang pagbabago ng mood niya. Tumuloy kami sa isang silid at tinapunan niya ako ng tingin bago niya dahan-dahang binuksan ang pinto. Pagbukas pa lang noon ay umasulto na sa pang-amoy ko ang amoy ng sari-saring gamot. Disinfectant. Amoy ospital.

Nakita ko ang isang may-edad na babae ang nakaratay sa kama. May mga nakakabit na mga maliliit na tubo sa katawan nito. Sa gilid ay naroon ang mesa na punong-puno ng iba't-ibang klaseng gamot. Sa kabilang gilid ay isang wheelchair.

Binitiwan ako ni Stas at nauna siyang lumapit sa kama.

"Mom."

Saglit akong napatingin kay Stas. Bigla akong nanibago sa kanya. His voice became soft. His face became something else. Nawala ang nakakatakot na bagsik sa mga mata niya.

Nakita kong nagdilat ng mata ang may-edad na babae at agad na ngumiti nang makita siya.

"Stas," mahinang sabi nito at marahang hinaplos ang mukha niya.

Ngumiti din siya at pinabayaan sa ginawa ng mommy niya. Hindi ko alam kung bakit biglang may kumurot sa puso ko.

I could see was his compassion to his mom. A thing that I never thought he has. And right now, all I could see was a boy wanting to be loved and cared by the woman he loved so much.

"Mom, I want you to meet someone." Nilingon ako ni Stas at inilahad ang kamay niya. Dahan-dahan naman akong lumapit at nakita kong nakatingin na sa akin ang nanay niya. Agad na ngumiti nang makita ako.

"Finally, I got the chance to meet you." Tumingin ito sa gawi ni Stas. "She is very pretty."

Ramdam kong nag-init ang pisngi ko sa sinabing iyon ng nanay niya. Nakakakilig sa totoo lang kasi ramdam na ramdam kong genuine ang pagkakasabi noon ng matanda.

"Hello, Ma'am. It is my pleasure to meet you," iyon na lang ang nasabi ko.

Bahagyang kumumpas sa hangin ang matanda. "Mom not ma'am." Tonong itinatama nito ang sinabi ko.

"Are you feeling better now?" Tanong ni Stas sa mommy niya.

"Yes. Because you're here and she is here. How's your wedding preparation? I am sorry I wasn't able to attend your engagement announcement. I can't get off from this damn bed." Tumawa pa ng pilit ang matanda. "Do you already have your wedding dress?"

Umiling ako. Wedding dress? Wala nga akong kahit na anong pina-plano para sa kasal namin ni Stas. For sure naman, ang mga daddy lang namin ang magde-decide para doon. Baka nga si Ilyenna pa ang pumili ng wedding dress ko dahil pakielamera naman ang babaeng iyon.

"You don't have a wedding dress?" Ngayon ay kumunot na ang noo nito at tumingin kay Stas.

"S-she... I..." napapakamot ang noo ni Stas at hindi malaman ang isasagot sa ina.

"I don't have the time to choose for my wedding dress yet," ako na ang sumalo sa sasabihin ni Stas. Alam ko naman na wala din siyang alam tungkol sa preparation ng kasal namin.

"Iha, can you go to that cabinet and open it. Please." Utos sa akin ng nanay niya at itinuro ang isang malaking cabinet na nasa malapit sa pinto. Tumingin ako kay Stas para masiguro kong dapat ko bang gawin iyon at tumango lang siya sa akin. Tinungo ko ang cabinet at binuksan iyon. Ang daming damit ng nanay ni Stas. Hitsura at tela pa lang alam kong mamahalin na. I had been working with famous designers for years and I knew these clothes were worth a lot of money.

"You get the white dress. The one with a cover." Sabi pa nito.

Isa lang naman ang nakita kong white dress na naroon na may cover sa hilera ng mga damit. Kinuha ko at inilabas tapos ay inilapit sa kanya.

"Open it," kita kong bahagyang nakangiti ang nanay ni Stas.

Tinapunan ko siya ng tingin at tumatango lang si Stas sa akin. Parang sinasabi na sundin ko lang ang sinasabi ng nanay niya.

Pagbukas ko at nang ilabas ko ang damit ay napa-wow ako sa ganda noon. It was a Chanel vintage dress. The whole dress was studded by pearls and Swarovski beads. It was a simple white tube gown but it was so elegant. I am sure this cost a fortune lalo na nga at vintage dress ito.

"That is the wedding dress that I wore when I married Stas' father. If you want, you can wear that on your wedding day." Nakangiting sabi ng nanay ni Stas.

Napaawang ang bibig ko at gulat na gulat sa narinig. What? She wanted me to wear this? This dress was so expensive and I don't think I can wear this one. I knew how much this dress meant for her.

"I-I don't think I can do that. This is something special for you. You cannot just let me wear this one." Sagot ko.

Ngumiti ang nanay ni Stas. "I want to give it to you. Just think about it as your something old and something borrowed for your wedding day." Tumingin ito kay Stas. "Can you open my drawer and get a black wooden box?"

Hindi nagsalita si Stas at sinunod lang niya ang sinabi ng mommy niya. Iniabot niya ang box sa mommy niya pero sumenyas na ibigay iyon sa akin. Takang-taka man ay kinuha ko iyon at binuksan.

Naitakip ko ang kamay sa bibig ko nang makita ko ang laman noon.

It was a set of necklace, earrings and bracelet fully studded with sapphire diamonds.

"Your something blue," sabi pa ng mommy niya.

Natatarantang tumingin ako sa gawi ni Stas at napapailing ako. Nagkibit lang siya ng balikat at hitsurang natutuwa pa sa ginagawa ng nanay niya.

"I-I think this is too much. I can't accept this." Ibinabalik ko ang kahon sa nanay ni Stas pero pinigilan ako.

"I don't have a daughter and no one is going to use my things when I die. And it's a custom from our family to hand down gifts like that. That jewelry set was a gift from my mother-in-law before I got married with Fedor. And I am giving it to you."

Wala na akong nasabi. Nakita kong may kinuha si Stas sa bulsa niya at telepono iyon. Sumenyas ng saglit sa amin at sinagot ang tumatawag habang lumakad palabas ng silid .

Sinenyasan ako ng nanay ni Stas na lumapit at kinuha niya ang kamay ko.

"I am so glad that before I die, I am able to meet my son's wife." Titig na titig siya sa mga mata ko. "I know he loves you. I can see it in his eyes." Naramdaman kong marahan niyang pinisil ang kamay ko. "The first time in twenty years that I've seen life in my son's eyes and I know it's because of you. So, please don't leave him. Whatever happens, don't leave him." Ngayon ay bahagya nang nabasag ang boses niya. "My son is not the monster people think he is. He is a good boy. He is god-fearing. He always accompanies me to church when he was a boy until his teens. He is a bright kid. Kind. Loving. Compassionate."

Hindi ako nakasagot. Tama ba ang sinasabi ng nanay ni Stas? Parang puro kabaligtaran naman ng characteristics na alam kong mayroon ang lalaking iyon.

"There is just something that made him change. Made his heart into a stone. He became cold. But I know, now that you're here, you will thaw his cold heart. You will make him realize what kind of a person he really is." Ngayon ay tumulo na ang luha ng nanay ni Stas. "Make him go back to the true Stas. Be his redemption."

Magsasalita na lang ako nang bumukas ang pinto at si Stas ang pumapasok. Pinisil pa ng nanay niya ang kamay ko bago bumitaw.

"Mom, we have to go. I need to go to the hotel to do something. I need to bring her home." Paalam niya at humalik sa noo ng ina.

"It's okay. I'll see you both again. I am so happy to meet you, Sofia." Sabi pa ng nanay niya.

Kinuha ko ang kamay ng matanda at nagmano doon tapos ay humalik sa pisngi nito. Si Stas na ang nagdala ng mga gamit na ibinigay ng nanay niya sa akin.

Wala kaming imik habang bumibiyahe pauwi sa unit ko. Tinatapunan ko ng tingin si Stas kasi ibang-iba ang mood niya mula nang umalis kami sa bahay ng magulang niya. Magaang na ang mood niya ngayon. Hindi na rin madilim ang mukha niya.

"Do you like the dress?" basag niya sa katahimikan namin.

"Of course. It's a vintage Chanel dress. You know if my boss sees that, I am sure she is going to be nuts. That dress cost a fortune. Alam ko sobrang limited ang design na iyon." Natutuwang sagot ko.

"How did you know?"

Inirapan ko siya. "As if you don't know what is my job in the States. You are good in investigating, right. I know you know that I work in fashion and I work with models and designers."

Napangiti lang si Stas.

"All right, what's your favorite food?"

Taka ko siyang tiningnan. Hindi man siya nakatingin sa akin pero halatang hinihintay niya ang sagot ko.

"Sicilian pasta." Kahit nagtataka ay sinagot ko ang tanong niya.

"That's delicious. How about your favorite color?"

Napakunot na ang noo ko sa kanya at pinigil ko ang matawa.

"Black and moss green."

"Cool combination. What about your music?"

"What the hell is this? Are you trying to fill up a slum book? What's the next thing you're going to ask me? Who is my crush?" Natatawang sabi ko.

Natawa na rin si Stas. "Come on. Your favorite music."

"Alternative and Smooth Jazz."

"Nice. Okay, who is your crush?"

Tuluyan na akong napatawa at napapailing. Nang tumingin ako kay Stas ay napapangiti lang din siya habang nakatingin sa kalsada.

"Do I really need to answer that?"

Tumango siya.

"Leonardo DiCaprio in Romeo and Juliet." Nangingiting sagot ko.

Tinapunan niya ako ng tingin. "Leo in Romeo and Juliet?" Paniniguro niya. "That was an old movie. Baz Luhrmann's Romeo and Juliet?"

"Yeah. That's a very good film. I super love that one. Especially when Romeo kissed Juliet the first time. The swimming pool scene. It's kind of romantic." Napakagat-labi pa ako nang maalala ko ang nakakakilig na eksenang iyon sa pelikulang iyon. I already forgot how many times I had watched that film.

"Romantic? But that's a tragic film." Napapailing na komento niya.

Umayos ako ng upo at napahinga ng malalim. "I just love that movie. That version of Romeo and Juliet. It's dark, the cinematography is good, I love the vibe. And I know every love story ends in tragedy." Sa pagkakataong iyon ay sumeryoso na ako.

Napa-hmm lang siya. "How so?"

Sumandal ako sa kinauupuan ko. "I just feel it. Every love story is a tragedy." Napalunok ako at bahagyang napabuga ng hangin.

Just like ours. Our marriage. There won't be any romance or love between us. It will be pure revenge and hate and ours will always ends in tragedy.

Gusto ko iyong sabihin pero kinagat ko na lang ang dila ko.

Hindi na nagsalita si Stas hanggang sa maiparada niya ang sasakyan at ihatid ako hanggang sa unit ko. Huminto kami sa tapat ng pinto at nang mabuksan ko iyon ay hinawakan niya ang kamay ko bago ako makapasok.

"If I profane with my unworthiest hand," titig na titig siya sa mga mata ko nang sabihin iyon. "This holy shrine, the gentle fine is this." Marahan niyang pinagapang ang kamay sa braso ko hanggang sa dumako sa mukha ko. "My lips, two blushing pilgrims, ready stand." Inilapit ni Stas ang mukha sa mukha ko at ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga. Amoy na amoy ko ang mabangong bibig niya. "To smooth that rough touch with a tender kiss."

Before I could even move, his mouth touched mine. He was kissing me but this was different unlike the last time. This time, it was pure passion. There was no lust. No savagery. His kiss was not trying to win a battle with me. But it felt like it was seeking union as we shared each other's breath in this timeless and passionate moment.

Pakiramdam ko ay tumigil ang buong mundo ko sa nangyari. Nang huminto sa paghalik si Stas ay marahan siyang lumayo sa akin habang nanatiling nakatitig sa mukha ko.

"Good night, Sofia. I'll see you again tomorrow." Mahinang sabi niya at tuluyan nang lumayo sa akin at naglakad paalis doon. Nakasakay na sa elevator si Stas pero nanatili pa rin akong nasa harap ng unit ko. Wala sa loob na nahawakan ko ang dibdib ko.

Noon ko naalala ang mga sinabi niya at napatingin sa dinaanan niya.

Did he just recite a stanza from Romeo and Juliet before he kissed me?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top