CHAPTER TWENTY-SEVEN | Friday I'm in love

Don't find love. Let love find you. That's why it's called falling in love because you don't force yourself to fall. You just fall.

CHAPTER TWENTY- SEVEN | FRIDAY I'M IN LOVE

STAS

I was in my penthouse the whole day. Looking at my laptop monitor and watching Sofia whatever she does inside her place. I saw when the bartender went there and brought her flowers and food. Flowers that I personally picked and food that I personally prepared for her even if I had a personal chef to do that. I still felt guilty of what I did yesterday. Hindi ko na nga naintindi ang nangyari sa pinsan ko. His family will do something about that anyway, they knew what to do in that kind of mess. I had my own mess that I needed to fix.

I knew Sofia was still pissed at me. I could see hesitation on her face when she saw Raul, the bartender that I asked to bring her those flowers and food. I knew when she learned that it came from me, she won't accept it. Napaghandaan ko na iyon kaya may script na ang inutusan ko kung ano ang sasabihin para tanggapin niya. But still, tinanggap nga niya pero tiningnan lang. Halatang hindi naman nagustuhan.

Napahinga na lang ako ng malalim nang makita kong nagbihis si Sofia at binitbit ang mga bigay ko nang lumabas sa unit niya. Sigurado akong kung hindi itatapon, ipapamigay niya lang ang mga iyon. Sige na nga. Okay na lang. At least she could see my efforts to make peace with her. It will be our wedding tomorrow kaya kahit gustong-gusto ko siyang puntahan, hindi na lang. Bukas naman siguradong hindi na siya makakaiwas sa akin.

Marahan kong isinara ang laptop ko nang makita ko siyang lumabas. Kahit hindi ko na rin naman makikita ang gagawin niya paglabas, siniguro kong may mga mata pa rin akong susunod sa kanya. Panay ang text sa akin ni Oleg. Nagre-report kung ano ang ginagawa ni Sofia. Ang sabi nagsa-shopping daw. All right. I let do her thing.

Tumayo ako at umalis sa penthouse. Nakasalubong ko si Patek sa lobby ng hotel at nagtatanong na tumingin sa akin nang makitang sinenyasan ko siyang sumunod sa akin. Dumeretso kami sa labas at sumakay ako sa nakaparadang sasakyan ko. Siya na ang nag-drive at napasandal lang ako sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako maghapon kahit wala naman kong ginagawa.

"Long day? Or you are getting cold feet."

Tumingin ako sa gawi ni Patek na hindi naman ako tinitingnan kundi nakatutok lang ang tingin sa kalsada.

"Both." Padaing na sagot ko.

Natawa siya. "Or you are excited for your wedding tomorrow?"

Napahinga ako ng malalim at tumingin sa ceiling ng kotse tapos ay dumukwang ako palapit sa kanya.

"Have you ever experienced it?"

Kumunot ang noo niya at tinapunan ako ng tingin mula sa rearview mirror. Nagtatanong ang tingin.

I cleared my throat and blew out a breath. "I mean, I know I don't like this fucking marriage. You know I don't want to be married, but I can't understand what is going on with me." Naihilamos ko ang kamay sa mukha ko. "There is something about Sofia that makes me drawn to her. I know she doesn't like me. She sees me as a monster and this fucking arrange marriage is been..."

"Stas, you just need to admit." Putol niya sa sinasabi ko.

Taka akong tumingin sa kanya. "Admit what?"

Natawa si Patek at tumingin sa akin ng nakakaloko. "You are older than me. I know you know what I'm talking about."

"Like what? I don't know what you're talking about."

"You feel that way because you like her."

Napaawang ang bibig ko at pakiramdam ko ay nag-init ang mukha ko. Putangina. Nag-init ang mukha ko? Ano ako? Elementary? Nagba-blush?

"Well..." I cleared my throat. "Yes, I do like her. You know, you see that she is pretty. Sexy..."

"You like her more than that and you know she is not like those women that you fucked and kicked out from your penthouse. You know that she is a wife material. That even if your marriage with her is an arranged one, you are still looking forward to it." Sabi pa ni Patek.

Hindi ako nakasagot at inis siyang tiningnan tapos ay sumandal ako sa kinauupuan ko. Siguro nga kaya ganito ang nararamdaman ko. It was really more than my dick wanting to fuck her.

Napatingin ako kay Patek at kita kong impit siyang tumatawa.

"What the fuck are you laughing about?" Ipinahalata ko na sa kanya na naiinis ako.

"Why don't you just admit that you like Sofia? Not because she's pretty, not because she's sexy. You like her because of her and because she's something else." Sagot ni Patek.

"You think I love her?"

Tumingin ng makahulugan sa akin si Patek at lalong lumapad ang ngiti. "I didn't say that. You said that."

Hindi na ako kumibo at sumandal na lang ulit sa kinauupuan ko. Nang makarating kami sa bahay nila Daddy ay agad akong bumaba at tinungo ang kuwarto ni Mommy. Napahinga ako ng malalim at lumapit sa kama niya. Naupo ako sa gilid at hinawakan ang kamay niya.

"Mom," mahinang sabi ko. Nakita kong ngumiti si Mommy kahit nakapikit.

"It's your wedding tomorrow." Doon nagmulat ng mata si Mommy at tumingin sa akin. Humigpit din ang kapit sa kamay ko. "Are you excited?"

Natawa lang ako at napailing.

"You should be. Because you are marrying the most important person in your life."

"Mom, you know it's an arranged one."

Ngumiti si Mommy sa akin tapos ay marahang hinaplos ang mukha ko. "But your eyes look different. You look happy. I am your mother and I know it. I can feel it, Stas. You like her."

Natatawa na lang ako at tumingin sa paligid ng silid niya. Nakita ko ang isang damit na naka-hanger at nagtatakang tumingin sa kanya.

"Of course, I need to be present on your wedding tomorrow. Hindi ko puwedeng palagpasin 'yon. Don't worry, may go signal ng doctor and besides, dito lang naman gagawin sa bahay. Since you also requested for a limited number of guests, it will be safe for me." Ngumiti siya sa akin. "It's my unico hijo's wedding day and I am not going to skip on that."

Napailing na lang ako at tumunog ang telepono ko. Si Oleg ang tumatawag sa akin.

"I need to take this call, Mom. Pahinga ka muna," humalik ako sa noo niya at dumeretso ako palabas saka ko sinagot ang tawag ni Oleg. "How's Sofia?"

"Boss, nag-shopping lang naman. Tapos dumaan sa simbahan. Nagtagal lang siya sa confession box. Pagtapos umuwi na din. Nandito na siya ngayon sa unit niya. Magbabantay pa rin ba ako?"

Napahinga ako ng malalim at natawa. Dumaan ng simbahan. Ano 'yon? Nangumpisal muna si Sofia dahil bukas ikakasal na kami? "Leave her. Bukas, sunduin mo siya para pumunta dito."

"Copy, Boss."

Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Patek na nakasandal sa sasakyan na sinakyan namin at naninigarilyo. Itinaas niya ang kaha at inalok ako pero umiling ako at lumapit sa kanya.

"Babalik na ba ako sa hotel?" Tanong niya sa akin.

"No. You stay here. Dito na ako matutulog and you should do the same. You're my fucking best man." Sumandal din ako sa kotse at ibinulsa ang mga kamay.

"Tuloy na tuloy na talaga bukas. Wala ng atrasan." Natatawang sabi niya.

"Alam mo naman na hindi ako makakatakas dito." At ayaw ko din namang tumakas. Sofia will be mine whatever it takes.

Naramdaman kong tinapik ni Patek ang balikat ko. "I'm sure you're going to have a good marriage with her. She's cool." Sumenyas si Patek na mauna nang pumasok at iniwan na ako doon. Tumingin ako sa langit at kitang-kita ko ang nagkikislapang mga bituin at buwan doon. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kinakabahan ako para bukas. Ito na ba ang tinatawag nilang wedding jitters? Pakiramdam ko hinahalukay ang sikmura ko. 'Tangina, sanay na sanay akong pumatay. Walang pag-aalinlangan kong nagagawa iyon. And whatever I want, I could get it easily. But this? Getting married. Shit.

Napabuga ako ng hangin. Whatever. Tomorrow... come what may.

------------------

I woke up early. I went out. Did my morning run and when I came back to the house, everyone was busy preparing the area where my wedding will be held. Dad was busy talking to some of his guests. Alam ko naman na iilan lang ang mga iyon. Request ko iyon kay Dad na huwag nang mag-imbita ng kung sino-sino. I wanted this to be a private affair. Kahit ang mga pinsan ko nga ay hindi ko inimbita dahil na rin sa pangyayari kay Mikhail. My family and some of my father's associate will be enough for my wedding. Fewer guests will be for Sofia's safety too.

Tumingin ako sa relo ko. Pasado alas-otso ng umaga. Alas-diyes ang schedule ng kasal namin ni Sofia. I tried to call her but she was still not answering my call. Napahinga na lang ako ng malalim. Fine. Maybe she was busy preparing for herself and she was still pissed of what I did.

I did prep for myself too. Wore my best suit that I let Patek bought for me. I was looking myself in the mirror and I can't understand why I am looking different today. My face, there was no worry in it. The brooding look that people always see in me, it was gone. Slowly, I tried to smile. A smile that I haven't done for a long time. And it was good to see. Maybe I should smile mofe often. Bagay naman pala sa akin.

I looked at my watch and it was thirty minutes before the wedding. I went out and looked around and everything was in place already. Visitors had arrived, my mom was in her wheelchair and was being wheeled by Patek to the place where the wedding will be held. My dad talking to some of the guests. Even Ilyenna was there wearing her bright red dress and gave me a smug look. It was like she was telling me that I should picked her instead of Sofia. Hell, no. I fucked Ilyenna before, used her to my needs but marrying her won't happen in her lifetime. She was not the wife material that Patek was telling me.

I can only see myself marrying Sofia and spending the rest of my life with her.

Shit. All right. I am really fucking whipped.

I just didn't want to admit to myself but I guess Patek was right.

For the first time, love struck me the least I expected it.

Ten minutes to ten. I saw some staff telling the guests to settle down. The priest that was going to officiate the wedding already arrived and was preparing to start the wedding. Everyone was ready. Lalo lang kumakabog ang dibdib ko habang papalapit ang oras ng kasal. Tumitingin ako sa pinto dahil baka naroon na si Sofia. Siguradong sabay na sila ni Uncle Rom na darating dito. Pero napakunot ang noo ko nang makita kong dumarating si Uncle Rom kasama si Oleg.

Wala si Sofia.

Nagkatinginan kami ni Patek. Where the hell she was?

Lumapit si Uncle Rom sa akin at kinamayan ako. "Finally. You're wedding." Ang ganda ng ngiti niya sa akin.

"Where is Sofia?" Iyon ang sagot ko.

Nawala ang ngiti niya at kumunot ang noo niya. "She's not here? She said papunta na siya dito."

"What?" Muli ay tumingin ako sa gawi ni Patek tapos ay kay Uncle Rom ulit. "She is not here." Tumingin ako sa gawi ni Oleg at kita kong namumutla itong tumingin sa akin.

"S-Sir... Boss..." tumingin ito sa gawi ni Uncle Rom. "S-sabi kasi ni Sir Rom pabayaan na daw si Miss Sofia dahil gustong mag-isa na pumunta dito." Tumingin si Oleg na nagpapasaklolo kay Uncle Rom.

"She said she wanted to come here alone. I gave her some time to be alone because that was she wanted kaya sinabi kong sabay na kami ni Oleg papunta dito. Nauna pa siyang umalis sa amin." Mahinang napamura si Uncle Rom at kinuha ang telepono at may tinatawagan. Sinenyasan ko na si Patek na gumawa ng paraan at i-locate na si Sofia. Kahit ako ay tinatawagan na rin siya pero hindi sumasagot.

"She is not answering my call," kita kong nag-aalala na rin si Uncle Rom. Napatingin ako sa mga tao at pansin kong maging ang mga ito ay nagtataka na rin dahil bakit hindi pa nagsisimula ang kasal. Nakakarinig na ako na hinahanap ng mga ito kung nasaan ang bride.

"Is there a problem?" Si Ilyenna ang nagtanong noon at lumapit na sa gawi namin.

"Sofia is not here. Kanina pa siya umalis para pumunta dito," sagot ni Uncle Rom at patuloy sa pag-dial sa telepono.

Kita kong bahagyang napangiti si Ilyenna pero pinilit na ipinakita na nag-aalala rin dahil sa nangyayari.

"Maybe she changed her mind. Baka ayaw talaga niyang magpakasal." Komento niya.

Sinamaan ko ng tingin si Ilyenna at iniwan doon. 'Tangina, hindi puwedeng hindi ako siputin ni Sofia dito. Hindi puwedeng ipahiya niya ako ng ganito sa mga taong nandito. Hindi puwedeng hindi matuloy ang kasal na ito.

Pero ang mas pinag-aalala ko ay baka may nangyaring masama sa kanya. Baka bumalik ang sumusunod sa kanya at may ginawang hindi maganda sa kanya.

Hindi ko na inintindi ang pagtawag ng mommy ko sa akin at dere-deretso akong lumabas. Pinahanda ko ang kotse kay Patek pero pare-pareho kaming napatingin sa dumadating na kotse at huminto sa harap namin. Bumukas ang pinto at bumaba doon si Sofia. Nakita ko pang may iniabot sa driver ng kotse. Pera. What was that? She took a Grab to come here? She took a fucking Grab car on her wedding day?

"Sofia's here," boses ni Uncle Rom iyon.

Hindi ako sumagot at nakatingin lang kay Sofia habang naglalakad papasok sa bahay namin. Hindi ako nakakilos habang nakatingin sa kanya. All of my anger and worries were melted the moment I saw her. She was wearing the dress that my mom lent her. She also wore the sapphire earrings and necklace. She let her hair loose and her face was so immaculate with a little make-up on. She was stunning. Ethereal. Perfect for today's event.

Nagtataka siyang nakatingin sa amin siguro ay napansin na naroon kaming lahat sa pinto.

"Something wrong?" Takang tanong niya.

Napahinga ako ng malalim at sinamaan ko lang siya ng tingin. She was asking me if there was something wrong? She had me worried sick. I was ready to turn the whole Metro upside down to search for her and now she was asking if something was wrong?

"Let's just start this fucking wedding." Inis kong sagot sa kanya at iniwan na siya.

Dumeretso ako sa harap at nag-umpisa na ang ceremony. Inihatid siya hanggang harap ni Uncle Rom. Tahimik lang na tumabi sa akin si Sofia. Napakabilis lang ng ceremony. Halatang formality lang. When it was the time to kiss the bride, I just gave her a peck on the cheek and went straight to the mini bar and drank cognac. Sunod-sunod. I just wanted this to be over dahil napipikon ako sa ginawa ni Sofia.

Hindi matapos-tapos ang congratulatory remarks ng mga bisita. Pati si Mommy ay kitang-kita ko ang kaligayahan dahil naikasal na ako. Hindi rin naman nagtagal si Mommy doon at nagpahatid din pabalik sa kuwarto niya. Maya-maya lang ay nagpaalam na rin ako kay Dad at sa mga bisita. Sinabi kong kailangan pa naming maghanda ni Sofia para sa pagbiyahe namin sa Europe. Kasinungalingan lang naman 'yon. Ang totoo, wala naman kaming plano para sa honeymoon. Sinabi ko na lang iyon para makaalis na kami dito.

Wala kaming kibuan ni Sofia habang bumibiyahe kami. Kita ko ang pagtataka sa mukha niya nang hindi kami sa penthouse dumeretso. Lalo siyang nagtaka nang makitang isang bahay ang pinuntahan namin.

"W-whose house is this?" nanatiling nakapako ang tingin niya sa bahay na nasa harap namin.

"Ours." Tipid kong sagot at bumaba ng sasakyan. Pinagbuksan ko siya ng pinto pero nauna na akong pumasok sa loob.

"What? Wait. What do you mean ours?" Tanong ni Sofia habang nakasunod sa akin. Agad na bumati ang mga staff ko doon at sinenyasan ko lang na lumayo sa akin. Dere-deretso akong umakyat hanggang sa makarating sa silid at nakasunod pa rin siya.

"Ours. Our home." Hindi ko pa rin siya tinatapunan ng tingin at nagsimula akong alisin ang suot kong suit tapos ay isinunod ko ang kurbata ko.

"Home? We are not going to stay in your penthouse?" Paniniguro niya.

Tinapunan ko siya ng tingin. "Why? Do you want to stay there?"

Hindi nakasagot si Sofia at napailing lang. "No." Bahagya pang sumimangot ang mukha niya. "Siguradong kung sino-sinong babae lang ang dinala mo do'n. Siguradong maraming tiyanak na dumikit sa couch mo, sa carpet mo at kung saang parte pa ng penthouse mo."

Hindi na ako sumagot at nagsimula akong tanggalin isa-isa ang butones ng suot kong long sleeves. Si Sofia ay nanatiling umiikot ang mata sa paligid tapos ay tumingin sa akin.

"Are you mad?"

Nagtagis lang ang bagang ko at painis kong hinubad ng tuluyan ang suot ko. Nang tingnan ko si Sofia ay nakapako ang tingin niya sa katawan ko pero agad ding binawi ang tingin nang makitang nakatingin ako sa kanya.

"What do you think?" Talagang pikon ako sa kanya. "I told Oleg to bring you in our wedding. Then you fucking ditched him and your father. You went to our wedding in a fucking Grab car." Naihilamos ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko. "That's reckless, Sofia. You are wearing a million pesos worth of engagement ring, earrings and necklace then you're going to ride in a fucking Grab car!"

Hindi ko na napigil talaga ang galit ko. Kung ano-ano na kasi ang pumasok sa isip ko kanina. Naisip kong tumakas siya. At nang makita kong Grab ang sinakyan niya, naisip kong paano kung naisipan ng driver noon na holdapin siya.

Saglit na napaisip si Sofia. "I don't think there is something wrong with that. I... I just wanted to be alone before I go to our wedding. I wanted to breathe."

"Then fucking breathe here!" asar kong sagot. Dinampot ko ang telepono ko at tinawagan si Patek. "I am going to kill Oleg." Bungad ko agad nang sagutin nito ang tawag ko.

"W-what?" Kita kong natataranta ang hitsura ni Sofia. Lumapit pa sa akin at pilit na inaagaw ang telepono ko.

"Bring him inside the box and I will personally cut the life of that fucking low life. Simpleng trabaho lang hindi pa niya magawa ng tama. Anong mahirap sa paghahatid kay Sofia sa kasal namin?" Hindi ko pinansin si Sofia at patuloy pa rin ako sa pakikipag-usap kay Patek.

"Stas, ano ba?" Talagang inaagaw niya ang telepono ko. "You are going to kill someone just because I went to our wedding using a Grab car?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Yes. That's the consequence of not following what I want."

Nang makakuha ng pagkakataon ay naagaw ni Sofia ang telepono ko. Nag-hello doon at nakilalang si Patek ang kausap ko.

"Patek, I-it's just a misunderstanding. Don't mind Stas. We are talking. No one needs to die, okay?" Pagkasabi niya noon ay ini-off niya ang telepono ko tapos ay humarap sa akin. "You are being unreasonable."

"And you are being a hard headed pain in the ass!"

Kita kong nagulat si Sofia sa inakto ko at napakagat-labi na lang. Mahina akong napamura at inis na lumabas ng silid na iyon.

I needed to calm down. This was our wedding day and it was supposed to be something perfect. Something spectacular. But still, she ruined the mood for today.

She just really didn't want to be married to me. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top