CHAPTER THIRTY-TWO | Nasty


Each betrayal begins with trust.

CHAPTER THIRTY-TWO | NASTY

SOFIA

Stas was being true to his words.

He was showering me with so much affection. Alam kong marami siyang dapat na trabahuhin. Si Ilyenna nga ay walang tigil ng kakatawag sa kanya. Sinasabing kailangan na niyang bumalik at magtrabaho pero naririnig kong sinasabi lagi ni Stas gusto pa niyang makasama ako. Sinusulit daw niya ang honeymoon naming dalawa. And yeah. About that... napabuga ako ng hangin. The nightly sex was damn... addicting. I hated to admit it but every time he was coming near me, I always wanted him to have sex with me.

He was good. So, fucking good in any way in that aspect. I will give him credit for that. And the way he was introducing me to some things, unconventional things in bed that made our sex kinky and hot... I blew out a breath. Last night, he gave me another spanking because I forgot to kiss him when he went home after his jog. And the truth, I was liking it. Every time his palms would touch my bare skin, the stinging heat on my ass was turning me on.

Shit.

Demonyo talaga si Stas. Dinidemonyo talaga niya ako at ang katawan ko naman, talagang nagpapademonyo.

He really was showering me with everything. He kept on telling me that he loves me. He gave me things, jewelries, clothes. Every day he was giving me flowers. Yesterday, he bought a car for me. Pero ano naman ang gagawin ko doon? Wala naman akong pupuntahan. At kung lalabas man ako, siguradong may bodyguard ako. He hired someone to become my bodyguard. It was not Oleg. What was the name of the new guy? Jack? Jake? Basta nagsisimula sa J.

Nandito ako ngayon sa sala at may hawak na libro. Nagbabasa ako pero hindi pumapasok sa isip ko ang binabasa ko. Lumilipad ang isip ko sa kung ano ang gagawin ko dito. Ngayon bumalik na si Stas sa trabaho, mag-isa na lang ako dito. Ang mga staff naman ay hindi lumalapit sa akin kung hindi ko sila tinatawag. Utos din ni Stas. Malaki ang bahay na ito. Mansion. Pero pakiramdam ko, preso ako dito.

Napatingin ako sa telepono ko at nakita kong tumatawag si Daddy sa akin. Napahinga ako ng malalim. Ang tagal na pala naming hindi nagkakausap. Sabagay, busy din siya alam ko. Noong nakaraan, sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya ako sinasagot.

"Dad," bati ko agad sa kanya.

Natawa si Daddy. "How's the newly wed?"

Hindi ako sumagot at natawa din ako. "Okay lang."

"Is he good to you?"

Was Stas good to me? Yes. Lalo na sa kama. Agad na nag-init ang pisngi ko sa naisip kong iyon. Nakakahiya sa daddy ko. Siya ang kausap ko tapos kamunduhan ang nasa isip ko.

"He is." Tipid kong sagot.

Napahinga siya ng malalim. "He trusts you already."

"I guess." Dahil iyon naman ang tingin ko. Hindi na lumalayo sa akin si Stas kapag may mga tumatawag sa kanya. Naririnig ko ang mga pinag-uusapan nila. Tungkol sa hotel. Sa mga bagay-bagay na alam kong illegal.

"Good. You can do things for me now."

Kumunot ang noo ko. "Do things for you?"

Tumawa ng nakakaloko si Daddy. "Sofia. Maybe you forgot what is your purpose for marrying Stas. Nakakakalimot ba ang pagpapakasal sa kanya? He is just going to shower you material things but definitely, love is not a part of it. Gagamitin ka lang din niya."

Pero hindi iyon ang nakikita ko kay Stas. Tingin ko totoo ang mga sinasabi niya sa akin.

Siyempre hindi ko naman iyon sinasabi kay Daddy.

"And remember your own purpose. Your revenge for what he did to your parents."

Pakiramdam ko ay may bumukol sa lalamunan ko nang marinig iyon. Napahinga ako ng malalim. Hinding-hindi ko naman iyon nakakalimutan.

"What do you want me to do, Dad?"

"I need you to get a black book."

"Black book? Dad, anong klaseng black book?" Taka ko.

"That black book contains the list of names of Stas' arms dealers and suppliers. I need it. I had an access on it before when it was with Fedor. But the moment Stas took over, he kept it to himself. I need it." Seryosong sabi ni Dad.

"Pero, Dad. Paano ko malalaman na iyon 'yon? Paano kung napakarami niyang black book?" At paano ko iyon kukunin kay Stas?

"Ikaw ang bahalang gumawa ng paraan. That's why you're there, Sofia. That's why you need to use your charm so he will trust you. Let him tell you everything that he does."

Ang hirap naman nitong ipinapagawa sa akin ni Daddy.

"You will know that it is the black book. It just contains names and numbers of important people. Dates and places too." Sabi pa niya.

Napabuga ako ng hangin. "All right. I'll try to find it."

"Good. Let me know if you find it. Congratulations on your wedding." Pagkasabi noon ni Daddy ay naputol na ang usapan namin.

Napapikit na lang ako at napailing. Paano ko gagawin iyon? Tumayo ako at tinungo ang silid namin ni Stas at iginala ang paningin doon. Binuksan ko ang mga drawers at wala naman akong nakitang black book. Tiningnan ko ang cabinet ng mga damit ni Stas, wala din doon. Hinalughog ko ang buong silid, sa ilalim ng kama, ilalim ng carpet, sa floorboard pero wala. Kung importante kay Stas ang black book na iyon, siguradong hindi niya iyon itatago dito.

Muling tumunog ang telepono ko. Nang tingnan ko iyon ay unknown number. Kilala ko na kung sino iyon.

"Howard," agad kong sabi nang sagutin ang tawag.

"We need to meet." Seryosong sabi niya.

"I can't. I can't go out easily. May bodyguard na sumusunod sa akin. Hindi ako puwedeng umalis nang walang bodyguard." Sagot ko.

"Kailangan nating magkita. Magsasampa ng kaso ang lalaking binugbog ni Stas. Ang lalaking inutusan kong sumunod sa iyo noon. Gusto kong makita mo ng personal kung ano ang ginawa ni Stas sa kanya."

Mahina akong napamura. Dumungaw ako sa bintana at tiningnan ko ang kotseng nakaparada doon. Nakasandal doon ang bodyguard ko.

"Fine. Magkita ulit tayo sa church. Sa dating church na pinagkitaan natin noong una. I'll be there in an hour."

"Good." Pagkasabi noon ay naputol na ang usapan namin.

Nag-ayos ako at lumabas ng kuwarto. Deretso akong lumabas ng bahay at hindi ko pinansin ang bodyguard na nakatayo sa gilid. Binuksan ko ang pinto ng kotse at agad niya iyong hinawakan para sa akin.

"May lakad po kayo, Ma'am Sofia?" Tanong niya pero halatang pinipigilan niya ang pinto ng kotse para makasakay ako.

"Yes. I'll drive," sagot ko at sinubukang buksan ang pinto ng kotse pero pigil pa rin niya.

"Ma'am, utos po ni Sir Stas, ako ang magda-drive para sa inyo."

Tiningnan ko siya ng masama. "Alam mo Jack..."

"Jed po." Pagtatama niya sa pangalan niya.

"Jed," diniinan ko pa ang pagkakasabi noon. "My husband gave me this car. So, gusto kong maranasan na i-drive. Saka sa simbahan lang naman ako pupunta. Now, move." Pilit kong binubuksan ang pinto ng kotse.

"Ma'am hindi po talaga puwede. Papatayin ako ni Sir Stas kapag hindi ko kayo nabantayan. Kung gusto n'yong i-drive ang sasakyan n'yo, sige po. Pero kasama pa rin ako." Ngayon ay matigas na ang tono niya.

Ang sama-sama ng tingin ko sa kanya at alam kong hindi ako mananalo dito. Talagang susunod ang mga ito sa utos ng amo nila. Walang magawa ay inis kong binitiwan ang pinto ng sasakyan at akmang bubuksan ko ang pinto sa likod ng kotse na agad niyang ibinukas para sa akin.

Padabog akong sumakay doon at isinara niya ang pinto. Sumakay siya sa driver's side at nag-drive paalis doon.

"Saan po tayo, Ma'am?" Hindi naman ako tinitingnan ni Jed. Naka-focus lang siya sa kalsada.

"I-Waze mo na lang. Saint Cecilia's Chapel sa may Taguig. Malapit 'yon sa BGC."

"Okay po." Sumunod naman siya sa sinabi ko at kinuha ang telepono sa bag. Nakita kong may message na galing kay Stas.

You went out?

Napakunot agad ang noo ko at tumingin kay Jed. Nakapagsumbong na agad sa amo niya?

How did you know?

You know I have my eyes on you, Sofia. Where are you going? I can't call you. I am in a middle of an important meeting.

Iyon ang sagot niya sa akin.

Pakiramdam ko ay kinilabutan ako sa nabasa kong he has his eyes on me. Sabagay, ang mga staff sa bahay, hindi lang nagsasalita pero alam kong ang loyalty ay na kay Stas. Wala akong magiging kakampi doon.

Where are you going? Muli ay text niya.

I am going to a church. Puwede naman siguro akong pumunta sa church 'di ba?

Hindi agad nag-reply si Stas. Siguro ay na-busy na sa meeting niya. Mabuti nga 'yon para hindi na niya ako istorbohin.

Napapitlag pa ako nang maya-maya ay nagri-ring ang telepono ko at tumatawag si Stas. Akala ko ba hindi niya ako puwedeng tawagan dahil nasa importanteng meeting siya? Bakit siya tumatawag ngayon?

"I thought you're in an important meeting?" Iyon ang bungad ko sa kanya.

"Saang church ka pupunta?" Balik-tanong niya sa akin.

Napalunok ako at pakiramdam ko ay kumakabog ang dibdib ko.

"Sa Saint Cecilia. Church malapit sa dati kong tinutuluyang condo. Saka baka pumunta na din ako sa dati kong condo para makuha ko ang iba ko pang gamit." Iyon na lang ikinatwiran ko.

Hindi sumagot si Stas. Sa background ay naririnig kong may nagsasalitang babae.

"What are you doing, Stas? We are in a middle of a negotiation here. Bakit bigla kang umalis sa meeting?"

Tumaas ang kilay ko. Sigurado ako. Boses ni Ilyenna iyon. Magkasama sila?

"Anong oras ka uuwi?" Hindi intindi ni Stas ang sinasabi ng kung sino sa kanya.

"I don't know. Hindi ba ako puwedeng lumabas, Stas? Kahit sa simbahan hindi ako puwedeng pumunta? Am I your prisoner?" Hindi na ako nakatiis na hindi mainis.

"No." Ngayon ay bahagyang lumambot ang boses niya. "I am just worried that something might happen to you that's why I wanted you to stay in the house and just wait for me to come home."

"Binigyan mo na nga ako ng bodyguard. Kasama ko si Jed."

Napahinga siya ng malalim.

"Come on, Stas. Cut that call. You are needed inside. This is important." Dama ko na ang gigil sa boses ni Ilyenna.

"Your bitch is calling you. Go. Baka masira pa ang deal n'yo dahil sa akin. Don't worry, uuwi din ako agad." Asar kong sagot sa kanya.

"You're going to a church, right?" Paniniguro niya. Mukhang hindi pinansin si Ilyenna.

"Yes." Ang kulit ni Stas.

"Will you pray for me?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko?

"What?" Naguluhan ako sa sinabi niya.

"I said, pray for me. Tell him, to the man on the cross that I am no longer lost because I already found you." Seryosong sabi niya.

Hindi agad ako nakasagot. I felt my heart melted. His voice was deep. I felt he said that from his heart.

"Stas, come on. End that call. We need to close this deal." Si Ilyenna na naman iyon.

"Go, Stas. Fine. I'll pray for you." Iyon na lang ang nasabi ko.

Narinig kong mahina siyang napamura. "I'll go home early. Let's eat out later." Pagkasabi niya noon ay naputol na ang usapan namin. Busy tone na ang narinig ko.

Napapailing na lang ako at ibinalik ang telepono sa bag. Agad namang nahanap ni Jed ang simbahan na sinasabi ko. Nang makarating doon at makapag-park ay agad niya akong pinagbuksan ng pinto. Deretso ako sa simbahan habang nakasunod siya.

"Puwede ba akong magdasal na walang sumusunod sa akin?" Sabi ko kay Jed nang humarap ako kanya. "Look around. Puro santo ang nandito at halos walang tao. Hindi ako mapapaano dito. Magdadasal lang ako dahil sabi ng amo mo ipagdasal ko siya. Kaya kung okay lang doon ka na lang muna."

Hitsurang napahiya siya sa sinabi ko at pilit na ngumiti. "Pasensiya na, Ma'am Sofia. Sumusunod lang po ako sa utos ni Sir Stas."

Napailing na lang ako at lumuhod sa pew na naroon. Nagdasal ako saglit pero ang atensyon ko ay nakatuon kay Jed. Baka kasi makita niya si Howard na pumasok sa confession room. Siguradong malaking gulo ito kapag nalaman ni Stas. Nang makita kong abala si Jed sa pagti-text ay tumayo ako at tumungo sa confession room. Pumasok ako at maya-maya lang ay nag-slide ang kapirasong kahoy na harang.

"Sofia?" Boses ni Howard iyon.

"I am here. What are you going to tell me?"

Hindi siya sumagot at may inilusot lang na envelope sa maliit na butas doon. Taka kong kinuha iyon at binuksan kung anong laman. Mga litrato. Nanlaki ang mata ko at naitakip ko ang kamay sa bibig ko nang makita kung ano ang naroon.

Litrato iyon ng isang lalaki na sirang-sira ang mukha. Puro dugo. Halos tumabingi ang ilong. Ang pisngi, nakabuka at kita ang mga laman. Oh my God. Who was this?

"Iyan ang nangyari sa lalaking sumusunod sa iyo noon. Iyan ang ginawa ni Stas. Matapos niyang bugbugin at sirain ang mukha, itinapon nila ng parang basura sa kalsada at tinapalan ng pera. Ngayon, hirap na hirap ang mga doctor na ibalik sa ayos ang mukha niya. Kahit ilang beses na operasyon, hindi na maisasalba pa ang hitsura niya. Naapektuhan ang kanyang paningin, ang ilong, nabasag ang mga ngipin. Pinalitan ng metal plate ang cheekbone niya dahil durog na durog ang mga buto niya sa mukha."

Napapalunok ako habang patuloy na tinitingnan ang iba't-ibang litrato ng sabog na mukha ng lalaki.

"Sana pinatay nalang nila iyan. Parusa pa ang ibinigay nila. Tinakot nila at binigyan ng pera para hindi magsumbong sa pulis. Pero desidido na ang lalaking iyan na kasuhan si Stas at sabihin ang lahat ng ginawa sa kanya." Sabi pa ni Howard.

"P-pero bakit... anong kaugnayan ko dito?"

Natawa si Howard. "Dahil sa iyo kaya nagkaganyan siya. Technically, may kasalanan ka rin bakit iyan nangyari sa kanya."

"What? Bakit magiging kasalanan ko? Sinundan niya ako. Hindi ko alam kung ano ang pakay niya sa akin. Malay ko kung masama siyang tao. Stas was just protecting me." Katwiran ko.

"Protecting you? Do you think what he did to this man was just protecting you? Stas is an animal. Trigger happy. Gustong-gusto niyang manakit ng tao." Damang-dama ko ang gigil sa boses ni Howard. "All you could do is to help this man get the justice that he deserves."

"In what way? Alam mong kayang lusutan ni Stas ang kahit na anong kaso."

"Not if we have evidence."

Kumunot ang noo ko. "Evidence?"

"Sabi niya brass knuckles ang ginamit sa mukha niya. Dinala siya sa hotel ni Stas at nagtungo sila sa thirteenth floor. Dinala siya sa isang silid. Alam ko na ito. Bali-balita na talaga na may torture chamber ang Stas na iyon. Doon siya ginulpi. Doon ginawa sa kanya 'yan. Find the brass knuckles and that will be the evidence against Stas."

"And how will I do that?"

"Sofia, asawa mo si Stas. Kayang-kaya mo 'yang gawan ng paraan."

Mahina akong napamura. "Fine. I'll try."

"Don't try it. Do it. Isipin mong ang ginagawa mo ay para sa hustisya ng mga taong sinamantala, sinaktan at pinatay ng lalaking pinakasalan mo. We can do this. We can crush that man and his empire."

Napabuga ako ng hangin. "Okay. I'll give you an update kapag nagawa ko na."

"Thank you. I am sure all the people that he killed will be happy that finally they will have the justice that they deserved."

Hindi na ako sumagot.

Yeah. And also my parents.

They will have their justice too. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top