CHAPTER THIRTY-SIX | Black Hearted Woman
Have enough courage to trust love one more time and always one more time – Maya Angelou
CHAPTER THIRTY-SIX | BLACK HEARTED WOMAN
SOFIA
Wala akong imik hanggang sa makarating kami sa bahay. Ganoon din si Stas. Matapos ang dinner namin na halos hindi naman ako kumain ay nagyaya na akong umuwi. What Stas told me about the fire that took my parent's life changed everything.
He tried to save my parents?
He tried to save me?
I looked at him while he was removing his clothes. I could still remember his face. I felt he was not lying when he was telling me that. I could feel his raw emotion. I could feel his guilt, his pain for not saving that family. But my adoptive father told me otherwise. It was not the story that I knew.
I knew Daddy Rom won't lie to me. He loved me. He cared for me for years. He gave me a better life. There won't be a reason to lie to me. He was helping me to get my revenge from this man. He told me how the Rykov's claimed our land. How this man burned our tiny houses and let us die to that fire.
But Stas told me...
If I could have a chance... I wanted to say sorry to that little girl. I wanted to let her know that I tried everything to save her. To take her away from that fire. I wanted her know that I am not always the bad guy.
Namasa ang mata ko habang nakatingin sa kanya. I had felt his words pierced my heart. The apology that he wanted to give to that little girl so bad.
What if I tell him that I was that little girl?
What if I tell him right now that the only reason I agreed to this damn marriage was to hurt him like he hurt me? That I wanted to crush him like how he crushed my life.
But he said he was not always the bad guy. He tried to save you.
Shit. No. I needed to focus. I am not going to be shaken with what he told me. I knew my plans. I knew my reasons. I knew what my end game would be and that would be seeing him crushed to ground. Crumbling like a lost boy just like me when I was left alone in that fire.
Muli akong napatingin kay Stas nang tumunog ang telepono niya. Sinagot niya iyon at nakita ko siyang sumeryoso at napatango-tango.
"Now?" He sounded so serious. Like something bad happened. "Okay. I'll be there."
Narinig ko siyang napahinga ng malalim at ang inaalis na suot na damit ay muling isinusuot at inaayos. Tumingin siya sa akin at alanganing ngumiti.
"I need to go back to the hotel. Something happened and I need to check it personally."
"Are you going to be alone?" Paniniguro ko.
"Patek is there and Ilyenna." Ngumiti siya. "I hope it's okay that I still work with her."
Umangat ang kilay ko. "Of course. Bakit naman magkakaroon ng issue kung ka-trabaho mo si Ilyenna? She is your lawyer slash personal assistant." Maasim akong ngumiti sa kanya.
Natawa ng tuluyan si Stas at lumapit sa akin. "You're jealous."
"Of course not." Mabilis kong sagot. "Go. Baka naghihintay na ang favorite employee mo."
Ngayon ay humalakhak na si Stas. "And still you're going to stick to your words that you are not going to fall in love with me?" Nang-aasar na sabi niya.
Inirapan ko siya. "Yes. I won't."
"All right," nangingiting sabi niya. "I'll see you later, love. You sure? You're not going to fall for me?" Pangungulit pa niya.
"Yes! Get out now," natatawa na rin ako sa kakulitan niya.
Lumapit sa akin si Stas at humalik sa labi ko. "We'll see." Pagkasabi noon ay tuluyan na siyang lumabas sa kuwarto at narinig ko siyang tinawag si Jed para ihatid siya pabalik sa hotel.
Nawala ang ngiti ko sa labi at kinuha ko ang telepono ko at tinawagan si Daddy. Matagal bago siya sumagot at dama ko ang iritasyon nang sagutin ang tawag ko.
"I am in a middle of a negotiation, Sofia. If this is not about the black book, we will just talk later."
Alanganin ako kung sasabihin ko kay Daddy ang nalaman ko pero hindi ako mapapakali kung hindi ko na sasabihin sa kanya ang sinabi ni Stas sa akin.
"Stas told me about the fire."
Hindi agad sumagot si Dad. "I am busy, Sofia."
"He said he tried to save me and my parents."
Mahinang napamura si Daddy. "And you believe him? Ano ka ba naman? We talked about that for years. Twenty years, Sofia. You know what really happened. I was there. I was the one who got you out from that fire. Not the man that telling lies to you. And you are going to believe the person who was responsible for the death of your parents?"
Napalunok ako. "He seems real, Dad. He told me every detail that I remember. I remember there was someone... there was someone who grabbed me and..."
"That was me!" Putol niya sa sinasabi ko. "It was never Stas. He never helped you or your parents from that fire. I was there. I saw it with my own eyes how he just stood there and watched those houses burn. He just watched how you burn." Nagmura na si Daddy tapos ay huminga ng malalim. "Sofia, anak..." lumambot na ang tinig niya. "He is trying to corrupt you. You know that. I already told you about that. He is good in that kind of game. I told you he is the devil and he can do it easily. You need to focus on what you need to do. You need to keep in mind that your sole purpose is to beat that man and crushed those Rykov's to the ground."
Hindi ko namalayan na tumutulo na ang mga luha sa pisngi ko.
"Find the black book as soon as possible and you will get the revenge that you are always praying for. That's the only thing that we can use to beat them." Napa-tsk-tsk pa si daddy. "Don't tell me you are falling for him."
"What? No." mabilis kong sagot. "No. I... I will never love a man like him."
"Good. Just remember the reason why you married him." Pagkasabi niya noon ay busy tone na ang narinig ko.
Napabuga ako ng hangin at pabagsak na nahiga sa kama. But I remember how Stas looked like when he was telling me those words. He looked like he was telling me the truth. Kung umaarte man kanina si Stas, napakagaling niya at alam kong kahit sino ay mapapaniwala niya.
Hindi ko na alam kung gaano ako katagal sa kama. Pinilit kong matulog pero hindi ko magawa. Talagang naguguluhan ako sa nalaman ko. Maya-maya ay narinig kong may sasakyang paparating kaya bumangon ako at sumilip sa bintana. Sigurado akong si Stas na iyon. Tumingin ako sa relo at pasado alas-dose na rin. Nakita kong bumaba si Jed mula sa kotse at pinagbuksan ng pinto ng kotse si Stas. Bumaba siya. Pero hindi siya nag-iisa.
Kasama niya si Ilyenna.
Kumunot ang noo ko. What? Bakit kasama niya ang babaeng iyon? Muli ay tumingin ako sa relo at siniguro ko kung tama ang oras na nakikita ko. Pasado alas-dose na nga. Hatinggabi na at kasama pa niya ang babaeng ito dito?
Tumatawa pa si Ilyenna habang humahampas pa sa braso ni Stas. Si Stas naman ay nangingiti din at hitsurang natutuwa sa sinasabi ng babaeng iyon. Taas-baba ang dibdib ko. Naniningkit ang mga mata ko habang sinusundan sila ng tingin. Hindi ako natutuwa na nandito ang babaeng ito.
Lumabas ako sa kuwarto at sumilip nang makita ko silang pumasok sa bahay. Tinulungan pa ni Ilyenna si Stas na hubarin ang suit jacket na suot at iniabot kay Jed. Narinig kong sinabihan pa ni Ilyenna si Jed na magpahinga na. And her tone was so authoritative. Ano ang feeling ng babaeng ito para mag-utos dito sa bahay ko? Ako ang asawa ni Stas. Bahay namin 'to. And I should be the only one who can act like a queen here.
"We can discuss about this in the library. We need to finish this tonight." Narinig ko pang sabi ni Ilyenna.
"Sabi ko naman kasi sa iyo na ako na lang. Kaya ko naman tapusin ito at ipapadala ko ang mga napirmahan kong documents bukas na bukas." Sagot ni Stas.
"Stas..." nagtagis ang bagang ko nang makitang kumapit na naman si Ilyenna sa braso ni Stas. "You know how I work. Hindi ako tumitigil hangga't hindi tapos ang trabaho. And these documents are important for the Albanians. Good thing at pumayag pa rin sila sa partnership sa atin kahit na nga nainis sila na bigla ka na lang nag-walk out sa kanila."
Natawa si Stas. "Kaya nga lagi kang may bonus. You work well. And I am always satisfied with how you work for me."
Ngumiti ng malandi si Ilyenna at halatang kinilig sa sinabi ni Stas. Ako naman ay nag-uumpisa nang uminit ang ulo dahil pakiramdam ko ay double meaning ang sinabing iyon ng magaling kong asawa.
Lumakad silang dalawa at dumeretso sa library na nasa ibaba ng bahay. Isinarado pa ang pinto. At ang lalaking iyon doon na agad dumeretso? Hindi man lang dumaan sa akin para tingnan kung tulog o gising pa ako?
Nagngingitngit ako sa inis. Kagat-kagat ko ang mga kuko ko habang palakad-lakad sa kuwarto namin. Ano ang gagawin ko? Susugurin ko ba sila? Hindi. Huwag. Pangit kapag ginawa ko iyon. Magmumukha akong cheap. Tatawagan ko si Stas at papuntahin dito sa kuwarto? Napailing din ako. Hindi rin. Pangit din. Baka isipin niya affected ako na kasama niya dito si Ilyenna. Patuloy ako sa pagkagat ng kuko ko nang mapatingin ako sa sarili kong repleksyon sa salamin. Naka-tshirt at boyleg panties lang ako. Maluwag na t-shirt at wala akong kaayos-ayos. Nang makita ko si Ilyenna, fully made-up pa rin ang mukha niya kahit alas-dose na ng hatinggabi. Nakabihis ng maganda. Seksing-seksi. Talong-talo ako.
Tumaas ang kilay ko at binuksan ko ang cabinet na naroon at tiningnan ang mga damit-pantulog na alam kong si Stas ang bumili para sa akin. Napangiti ako at kinuha ko ang isang itim na nightdress na yari sa lace material. Hinubad ko ang mga suot ko at ipinalit iyon. Bakat na bakat ang boobs ko at kita ang cleavage sa malalim na neckline ng pantulog. Ang haba ay sapat lang para matakpan ang pribadong parte ng katawan ko sa ibaba na konting taas lang ng kamay ay makikita na ang mga itinatago ko. I am not going to wear any under wears. Iyon naman ang gusto ng asawa kong magaling. Well, I knew what was Stas' type. Hindi niya malayuan ang Ilyenna na iyon. Sabi nga ng mga staff na naririnig kong nagtsi-tsismisan, mas type daw ni Stas ang mga babaeng wild. 'Di sige. I'll become wild tonight para mapaalis ko lang ang babaeng iyon.
Inilugay ko ang buhok at nagpabango pa. Naglagay ako ng liptint at cheek tint kahit nga pantulog na itong suot ko. Anong masama? Si Ilyenna nga ang kapal-kapal ng make-up kahit alas dose na ng madaling-araw. Lumabas ako sa kuwarto at sinilip ko kung may tao pa sa paligid. Sigurado naman ako na tulog na ang mga staff. Lumakad ako at bumaba at lumapit sa library room. Idinikit ko ang tainga ko doon at naririnig kong nag-uusap silang dalawa. Tumatawa pa si Ilyenna. Inayos-ayos ko ang sarili ko tapos ay walang sabi-sabing binuksan ang pinto at pareho silang napatingin sa akin. Nakatayo si Stas malapit sa mesa at si Ilyenna naman ay nakaupo sa ibabaw noon. Naka-dekuwatro pa at halatang ipinapakita kay Stas ang makikinis na binti at hita. Nagkunwa naman akong gulat na gulat na nakita sila doon.
"Oh. I am so sorry. I thought walang tao. You're here na pala?" Kay Stas ako nakatingin at hindi nakaligtas sa akin ang tingin niya na angat-baba sa kabuuan ko. Bahagya pang nakabuka ang bibig at napalunok pa. Nang tumingin ako sa gawi ni Ilyenna ay kita kong nakataas ang kilay niya sa akin at umirap pa. Halatang naasar sa hitsura ko.
"Hindi ka pa natutulog?" binitiwan ni Stas ang mga hawak na papel at umalis sa puwesto niya. Agad na lumapit sa akin. "What are you wearing?" Mahinang sabi niya sa akin.
Kunwa ay nagtataka akong tumingin sa sarili ko. "There's something wrong with this? I thought you like me to wear this?"
Tumingin siya kay Ilyenna tapos ay ramdam kong hinaharangan niya ako. "Can we do this tomorrow?"
Kumunot ang noo ni Ilyenna. "What? Stas, we need to finish this tonight. Hinihintay 'to ng mga Albanians." Damang-dama ko ang protesta sa boses niya.
"Marami pala kayong tatapusin." Ngumiti pa ako sa kanya at tumingin sa gawi ni Ilyenna at inirapan ang babaeng iyon. "Go on. Do your work. I'll be upstairs." Hinawakan ko mukha ni Stas at hinalikan siya sa labi. "I'll go." Paalam ko at akmang lalabas na doon. Tamang-tama naman na paparating si Jed na papunta sa tutulugan nito kaya mabilis akong hinila ni Stas papasok muli sa loob ng library.
"Damn it," mahinang sabi niya at talagang itinatago niya ako sa likuran niya. "Jed!"
Mabilis naman na lumapit si Jed sa amin at lalo lang kong itinago ni Stas. "Ihatid mo si Ilyenna."
"What?" Gulat na gulat si Ilyenna at umalis sa pagkakaupo sa mesa. "Stas, I said we need to finish this."
"And I said I am going to finish it tomorrow. I will give it to you first thing in the morning. Now, you need to leave." Matigas na ang tono ni Stas.
Lihim akong napangiti lalo na at kitang-kita ko ang inis ni Ilyenna.
"But..."
"Tomorrow, Ilyenna." Hindi na pinatapos ni Stas ang sasabihin ni Ilyenna at tumingin kay Jed. "Bring her home."
Ang sama ng tingin sa akin ni llyenna at padabog na kinuha ang mga papel na nasa mesa at halos madurog ang sahig sa bigat ng mga hakbang nito. Nang kaming dalawa na lang doon ni Stas ay inis siyang humarap sa akin.
"What the hell were you thinking going out wearing like that?" Taas-baba ang tingin niya sa akin. "Paano kung makita ka ng mga staff dito? Kung makita ka ni Jed na ganyan ang suot mo? Makakapatay pa ako ng tao dahil lang sa tumingin sila sa iyo."
Tiningnan ko din ang sarili ko. "Bawal ba? Actually, patulog na talaga ako. Pantulog 'to 'di ba? Ummm... I was looking for my phone charger and I thought I left it here. That's why I went here. And I didn't know that you are working late night with your favorite employee." Ngayon ay maasim na ang ngiti ko sa kanya.
Nakatingin lang sa akin si Stas. Tapos maya-maya ay unti-unting napapangiti.
"You thought we're doing something here? Me and Ilyenna?" Halatang nang-aasar na siya ngayon.
"No." labas sa ilong na sagot ko. "Saka ano naman kung may ginagawa kayo? Kung gusto mo naman 'di ba? Bakit ko pipigilan?" Inirapan ko na siya. "Anyway, good night. Tapusin mo na ang dapat mong tapusin."
"The fuck I am going to let you go out like that." Mabilis niya akong hinila at impit akong napatili nang buhatin niya ako at pinaupo sa office table na naroon. Titig na titig siya mukha ko at ang kamay niya ay unti-unting humahaplos sa manipis na lacy cloth ng pantulog kong suot. "You are tempting. You are..." hindi na niya nasabi ang sasabihin niya at bumaba na ang mukha niya at humalik sa akin. "Fuck... you are driving me crazy."
I closed my eyes and welcomed his passionate kiss. His hands began to wander on my body and I let him to do that. I let him touch every part of me.
I wanted this.
If there was any woman who will please him, that will be me.
Because I am his wife.
And no any other woman can taste or touch him as long as I am breathing and carrying the surname Rozovksy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top