CHAPTER THIRTY-EIGHT | It gets better
Love is not about how much you say I love you, but how much you can prove that it's true.
CHAPTER THIRTY-EIGHT | IT GETS BETTER
STAS
I was a bit disappointed.
I knew she won't say it but I still hoped that she might give me just a little bit of hint that she was also falling for me. Well, the nightly sex was always superb. Sofia giving in to whatever things we do on bed. She was pissed every time Ilyenna was flirting with me. The last stunt that she pulled when Ilyenna went in our house, priceless. I laughed at myself when I remembered how she marked her territory from Ilyenna in a subtle way. She didn't say a thing but I knew she wanted Ilyenna to know that she owns me.
Of course. Every part of me was hers. Even my soul. Whatever she wanted me to do, I will do it for her as long as she will love me back.
Pero mukhang matatag ang pader ni Sofia pagdating sa akin. Ayaw pang bumigay. Endearment na nga lang ayaw pa pumayag. Gusto ko pa naman ang babe. Cute kayo n'on. Bagay sa kanya. Natawa din ako sa kabaduyan ko. Ganito pala ang in-love. Nakakabaduy talaga. But soon. Alam kong hindi rin naman niya ako mare-resist.
Pababa ako ng hotel dahil naka-receive ako ng tawag galing kay Daddy. Kung puwede daw na dumaan ako saglit sa bahay at hinahanap ako ni Mommy. Babalikan ko na lang si Sofia dito. Tingin ko kasi mukhang nag-i-enjoy pa sa pagsu-shoot niya. Kung magtatagal ako sa bahay nila Dad, ipapahatid ko na lang siya kay Patek doon.
Palabas na ako sa elevator nang tumunog ang telepono. Naka-receive ako ng text galing sa isang unregistered number.
I know what you did. An eye for an eye.
Natawa na lang ako. Sanay na ako sa mga ganitong klaseng mga text. Madalas pa nga death threats. Magsawa sila. Tingin ba nila natatakot ako? I had been living like this for many years. With the connections that I have, the best security detail, I don't need to be afraid of anything.
Sinalubong ako ni Oleg at sinabihan kong ihanda na ang sasakyan at siya ang maghahatid sa akin kina Daddy. Maraming staff ang bumabati sa akin habang papalabas ako ng hotel. Nasa tapat na ng entrance ang kotseng sasakyan ko at naghihintay na sa akin. Palabas na lang ako nang tumunog na naman ang telepono ko. Napaikot ang mata ko nang makita kong si Ilyenna naman iyon. Ayaw ko na sanang sagutin pero mangungulit lang ito.
Napilitan akong hindi na muna lumabas at sagutin ang tawag niya.
"What is it, Ilyenna?"
"Pati ba naman ang marketing nitong hotel, Stas? What is next? Dito na din magtatrabaho ang babaeng iyon?" Damang-dama ko ang inis sa boses niya.
"Ano ba ang problema?" Alam kong si Sofia ang tinutukoy niya. "She is my wife and she can work in this hotel that I own. Technically, she also owns this." Napapailing kong sagot habang dahan-dahan akong lumalakad patungo sa glass sliding door ng hotel. Tumatango lang ako sa mga bumabating mga staff sa akin.
"But you didn't even tell me? Paano ang mga exclusive photographers na kinuha natin para sa quarterly magazine? Basta na lang natin silang bibitawan dahil lang sa hobby ni Sofia ang photography?"
Napahinga na lang ako ng malalim. Hindi ko na lang pinapansin pa ang mga issue ni Ilyenna. Minsan talaga sumusobra na rin ito. Ayaw ko na lang patulan dahil napapakinabangan ko naman siya.
Bahala na siyang magsalita nang magsalita. Pinabayaan ko na lang. Lumakad na lang ako palabas. Nang bumukas ang sliding door ng hotel ay nagulat ako sa malakas na tunog na narinig ko at tila kung anong tumama sa akin. Nakakabingi.
Hindi ko na alam kung ano pa ang nangyari pero natagpuan ko ang sarili kong nakasadlak sa isang bahagi ng hotel. Napapalibutan ako ng makapal na usok. Wala akong marinig kundi mga ugong ng kung anong nangyayari sa paligid. Sinubukan kong gumalaw pero sobrang sakit ng katawan ko. Ang likod ko. May tumutulo na kung ano mula sa ulo ko. Ang mga kamay ko ay nanginginig nang iangat iyon at hawakan kung ano ang tumutulong iyon. Nang tingnan ko ang mga kamay ko ay nakita kong dugo. Unti-unti ay bumabalik ang pandinig ko. Lumilinaw ang paligid mula sa makapal na usok. Ang unang tumambad sa paningin ko ay mga taong nakahandusay sa sahig. Wasak na salamin. Gibang mga dingding. Nagkakagulong mga tao.
At ang sasakyang dapat na sasakyan ko na ngayon ay umaapoy na.
Muli kong sinubukang tumayo pero hindi ko kaya. Napasigaw ako sa sakit. Noon ko nakita si Patek na natataranta at hinahawi ang mga tao.
There was still ringing in my ears but I can hear Patek screaming and calling for my name. I can see horror from his face while looking at the burning car. I knew he thinks that I was inside and I died from the bombing.
"P-Patek..."
Even my voice was too weak. Damn it. This was the first time I felt I had to give up. My whole body was sore.
"Damn it! Stas!" I could see the shift of emotions from Patek's face. From horror to fear while trying to pass from the rubble. People were screaming. I can hear someone yelling that I was inside the car and I died inside.
Doon ko na talaga pinilit na tumayo. Kahit nanlalambot ang mga tuhod ko ay pinilit kong makalapit kay Patek. Nagulat pa nga siya nang humawak ako sa balikat niya at nang makita ako ay nanlalaki ang matang nakatingin sa akin at agad akong inalalayan dahil kusa nang tumupi ang mga tuhod ko at napaluhod.
"Jesus Christ," nakita kong tumulo ang mga luha ni Patek habang nakatingin sa akin tapos ay inalalayan akong makaupo sa isang gilid. "Don't you fucking scare me like that." Niyakap niya ako ng mahigpit at naririnig kong humihikbi.
Natawa ako at marahang tinapik-tapik siya. "Bad boys don't die easy," mahinang sabi ko. Napabuga ako ng hangin at napangiwi. Sumasakit ang tagiliran ko at pakiramdam ko ay may tumutusok doon sa tuwing hihinga ako. "I-I need your phone."
"You need to go to a hospital."
"Your phone, please." Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa paligid ko. Ang gulo talaga. Ang daming naghihisterikal na tao. And I needed to call my wife. I needed to check if she was okay.
"Let go! Stas! No! You cannot die!"
Napatingin ako sa nagwawalang babae hindi kalayuan sa lugar namin ni Patek.
"You cannot do this. You cannot leave me. Damn it! Stas! Babe! I want to call you babe!"
Napangiti ako kahit pakiramdam ko ay lalong sumasakit ang tagiliran ko. Nagwawala si Sofia habang nakatingin sa nasusunog na kotse. Sigurado akong ang alam niya ay nakasama ako sa sumabog na sasakyan. Lalapitan ni Patek si Sofia pero pinigilan ko. Ako ang nagpilit na tumayo. Kita kong nakaluhod na si Sofia at iyak nang iyak. Kulang na lang ay maglupasay doon.
"I'm sorry. I am so sorry, babe." Humahagulgol na sabi ni. Inalalayan ako ni Patek na makalapit sa asawa ko pero sinabi kong kaya ko. Tumayo ako sa harap ni Sofia at maya-maya ay nag-angat siya ng mukha.
"Babe." Pinilit kong ngumiti sa kanya. Napalunok ako dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Mabilis na tumayo si Sofia habang nakatingin sa mukha. ko. Nasa hitsura niya na hindi makapaniwala na naroon ako at buhay sa harap niya. Nanginginig ang mga kamay niyang hinawakan ang mukha ko.
"Y-you're alive?"
"And you don't want?" Natatawang sagot ko.
Ang lakas ng iyak niya. "God. Oh my God. I am so sorry." Yumakap siya ng mahigpit sa akin panay sorry. "I'm sorry."
And why she was saying sorry? Niyakap ko na lang siya. "It's okay. I am safe. I am here." Bahagyang nabasag ang boses ko. Ngayon nag-sink in sa akin ang katotohanan na muntik na akong mamamatay sa pagsabog na iyon. "I will not die. I will never leave you."
Napapikit ako habang nakayakap ng mahigpit kay Sofia. Sa dami ng kaaway ko, sino ang naglakas-loob na gumawa nito?
--------------------
Galit si Patek sa akin.
Dahil hindi ako sa ospital nagpa-deretso. Sinabi kong iuwi na lang ako at papuntahin doon ang personal doctor ko para personal akong matingnan. Ayaw ko sa ospital. Siguradong kalat na sa media ang nangyari sa hotel. Siguradong marami lang ang mag-aabang sa akin at manghihingi ng interview. Ang mga reporters pa naman. Kahit mamamatay na, pilit pa ring kukuha ng scoop na maibabalita nila.
Pero mas gusto kong dito na lang sa bahay. Mas gusto kong dito kami ng asawa ko. Mas safe kami dito.
"Patek is right. You need to go to a hospital. You are not okay," damang-dama ko pa rin ang pag-aalala sa boses ni Sofia habang nakaupo sa gilid ng kama ko habang pinupunasan ang mukha ko. Si Patek naman ay seryoso lang na nakatayo sa gilid at ang sama ng tingin sa akin.
"I am okay. Wala naman akong nararamdaman na," sagot ko. Ang tanging idinadaing ko na lang naman ay ang tagiliran ko at ang likod. Iyon kasi ang tumama sa matigas na semento nang tumalsik ako gawa ng shockwave ng pagsabog.
"Iyan nga ang mahirap. Iyan ang nakakatakot. Wala kang nararamdaman pero hindi mo alam, internally, may bleeding ka na pala. May malala nang nangyayari. Let's go to the fucking hospital, Stas." Napapailing si Patek.
"No hospital. Mas lalo lang akong magiging delikado doon. Someone wanted me dead. At nagawa niya iyon. Nakalusot sa matinding security natin." Tumingin ako nang makahulugan kay Patek. "Oleg?" Kahit alam ko na ang nangyari dito ay gusto ko pa ring marinig.
Malungkot na umiling si Patek. "And three more hotel staff died in that blast. Masuwerte ka nga at tumilapon ka at hindi ka tinamaan ng mga shard glass."
Mahina akong napamura. I felt sorry for Oleg. He was one of my trusted men.
"Give him a decent burial. And his family. You know what to do. Make sure that his wife and children will be taken care of. And those three staff."
"I already did." Nakita kong nagtagis ng bagang si Patek at tumingin sa gawi ni Sofia. "Can I talk to him alone?"
Kita kong nag-aalalang tumingin sa akin si Sofia. Humigpit ang pagkakahawak sa kamay ko.
"She can stay. You can tell me what is it. It will be okay."
Halatang ayaw ni Patek na magsalita pero wala din naman siyang magagawa.
"It's dead end. The number that you gave me came from a burner phone. Untraceable. Just like before."
"Who do you think did it? Dmitri?" Paniniguro ko. Si Dmitri lang ang maglalakas ng loob na gumawa ng ganoon at may kakayahang mag-hire ng mga bomb experts.
"I don't think so. Lie low siya ngayon dahil nga pinabayaan mo na sa kanya ang mga suppliers and buyer ng ammos. He thinks that he is already on top of you."
Napahinga ako ng malalim at napangiwi pa. Agad akong inalalayan ni Sofia at tumingin ng masama sa akin.
"Come on, Stas. Huwag matigas ang ulo mo. Kailangan mong madala sa ospital." Nanenermon na ang tono ni Sofia.
"If I go to the hospital, will you let me call you babe?"
Napatingin ako sa gawi ni Patek at nakita kong napangiwi ang mukha nito sa akin. Halatang naumay sa narinig na sinabi ko. Nagpipigil na matawa kaya napapailing na nagpaalam na lalabas na lang muna at hihintayin na dumating ang doctor ko.
"Stas, nasaktan ka na. Muntik ka pang mamatay. 'Yan pa rin?"
Napa-aray ako nang bahagyang gumalaw at marahang hinaplos ang mukha niya. "You were crying."
Namuo ang luha sa mga mata ni Sofia at tumulo sa pisngi niya na agad niyang pinahid.
"You thought I died?"
Doon na siya tuluyang napahagulgol at yumakap sa akin.
"I hate you." Humahagulgol na sabi niya. "Don't you ever do that. Don't you ever die."
Napapangiti ako habang marahan kong hinahaplos ang likod niya.
"I thought I lost you. I don't want to lose you." Umiiyak pa ring sabi niya.
"You don't want to lose me? I thought you will never love me?"
Hindi siya kumibo at lalo lang humigpit ang pagkakayakap sa akin.
"You win." Mahinang sabi niya. "I love you, you asshole." Napapiyok pa siya nang sabihin iyon tapos ay humagulgol.
Napatawa na ako nang tuluyan pero agad ding napaaray dahil sa sumasakit kong tagiliran. Umayos ng upo si Sofia at nag-aalalang tumingin sa akin.
"You go to the hospital, okay?" May finality na ang tono niya.
Tumango ako. "I'll go now. You already said you love me." Marahan kong hinaplos ang mukha niya. Napapikit-pikit ako ng mata para lang mabasag ang mga luhang namumuo doon. Ngayon nag-sink in sa akin ang katotohanan ng nangyari kanina. I could have died.
Kung noon wala akong takot na mamatay. Handa akong harapin ang lahat ng mga kaaway ko. I had nothing lose. But looking at Sofia right now... the fear inside me was eating me up.
I don't want to leave her. Just seeing her crying calling my name broke my heart and I knew she will be devastated if I die.
I don't want to happen.
Because her happiness was my happiness. Her smile was the light of my life.
Her grief would mean sadness in me.
That was how my life only depends on her.
And now that I knew she already loved me, I felt complete.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top