CHAPTER SEVENTEEN | Good Intentions
Road to hell is paved with good intentions. - Proverb
CHAPTER SEVENTEEN| GOOD INTENTIONS
SOFIA
Ramdam na ramdam ko pa ang panginginig ng katawan ko nang makaalis si Stas. Sa isip ko ay minumura ko si Jaime. Bakit ba niya kasi ginawa iyon? Sisirain lang niya ang lahat ng plano namin ni Daddy. Paano kung umamin siya kay Stas?
Pakiramdam ko ay sumasakit ang dibdib ko at hindi ako makahinga kaya tinungo ko ang kusina at uminom ng tubig. Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko. Naalala ko pa ang hitsura ni Stas kanina at talagang papatay ng tao. Papatayin niya talaga si Jaime and I think he could do that even if I was watching.
Napapikit ako at muling uminom ng tubig. Ang isip ko ay nagtatalo na kung itutuloy ko pa ba itong plano na ito namin ni Dad. Sure, I can do sabotage his life and his business but definitely I would end up dead in a box. Worse, baka pagputol-putulin pa ang katawan ko at itapon sa iba't-ibang lugar ng Manila para hindi ako makilala at matuklasan.
Marahan kong hinilot-hilot ang noo ko at napatingin ako sa telepono kong tumutunog. Agad kong kinuha iyon at si Daddy ang tumatawag sa akin.
"Dad," hanggang ngayon ay nai-imagine ko pa ang hitsura niya kanina. First time kong nakita si daddy na takot na takot talaga habang hitsurang magmamakaawa kay Stas. Dahil alam kong alam niya na gagawin ng lalaki ang sinasabi nitong papatayin si Jaime.
"What the hell happened?"
Hindi agad ako nakasagot. Bakit ganoon? Bakit parang disappointed si Daddy? Hindi man lang ba niya ako tatanungin kung okay ako? Alam niya na noon pa ilang beses na akong hinaharass ni Jaime at ngayon na nangyari ito bakit parang kasalanan ko?
Pero agad kong sinaway ang sarili ko. No. I am just overthinking. Hindi naman siguro nagagalit si Daddy sa akin.
"Bakit nagkaganoon?" dama ko pa rin ang inis sa tono ni Dad.
All right. Definitely I am not overthinking. He was really disappointed.
To me.
"Jaime was harassing me and Stas found us." Iyon na lang ang nasabi ko.
"At wala kang ginawa? Bakit pinabayaan mong makita niya kayo?"
"Dad, I tried to walk away but Jaime was high. Wala na siyang pakialam kung nasaan man siya o kung may makakita man sa kanya. I tried," katwiran ko.
"But you didn't try enough. Sofia, we are very close. Next week ikakasal na kayo ni Stas. Sisirain mo pa ba iyon dahil lang hindi mo ma-handle si Jaime?"
Pinigil ko na lang ang sarili kong sumagot. Ganito naman lagi kahit pa noon sa tuwing haharassin ako ni Jaime. Sasabihin lang ni Dad ako na ang umiwas. Ako naman daw ang nasa malayo at hindi naman kami magkasama ni Jaime. Pero iba ang sitwasyon ngayon.
Narinig kong malakas na huminga ng malalim si Daddy.
"You think nakahalata siya? Si Stas?" Halatang kinakabahan talaga siya.
"I... I don't know. If Jaime talks, we are over." sagot ko.
"Kaya nga dapat ginawan mo na ng paraan kanina na hindi magsalita si Jaime. Paulit-ulit ko na lang na sinabi kay Stas na dahil sa drugs kaya kung ano-ano ang nasasabi ng anak ko. You only have one job to do and that is to distract him pero hindi mo pa magawa ng tama."
Napapikit-pikit ako para mapigil ko ang luhang namuo sa mga mata ko. Bakit pakiramdam ko, ako ang sinisisi? Saka bakit biglang-biglang iba si Daddy? Hindi siya ganito.
Muli ay napahinga siya ng malalim.
"I'm sorry." Saglit siyang tumahimik. "I am just worried, Sofia. For my son. For us. You know we will both die if Stas found out about our plans. One week and when you're married you can have your revenge. Our revenge."
Kahit hindi ko nakikita si Daddy ay tumango ako pero biglang-bigla ay may kung ano ang pumipigil sa kalooban ko.
I can still remember how Stas acted when he found me with Jaime. He looked like the devil but there was something that I can't explain. He was angry, but I knew it. I felt it.
There was care.
A care that I had never felt to any man that I met in my life. Especially when he found out that was not the first time Jaime did that to me.
"Where is Jaime?" Iyon na lang ang naitanong ko kay Dad.
"I dropped him in a rehabilitation center. Doon na muna ikukulong hangga't hindi kayo nakakasal ni Stas. I talked to a doctor and told him to do something about his diagnosis. He might diagnose paranoia because of excessive use of drugs." Paliwanag pa ni Daddy.
Naitakip ko ang kamay sa bibig ko. And Dad could do that? To his own son? Just to make sure that his plans won't be ruined?
"Take a rest, Sofia. Huwag mo nang intindihin ang nangyari. If Stas calls you, just make up something about it. Make him forget about Jaime. Make sure that he won't have any hint about our plans. Make him fall in love with you because that is your ultimate way to put him down."
Napailing na lang ako. "All right, Dad. Good night."
Hindi ko na narinig na sumagot si Dad at maya-maya lang ay busy tone na ang narinig ko.
Napabuga na lang ako ng hangin at hinubad ang suot kong damit at dumeretso sa banyo para mag-shower. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Kaya nang makapag-ayos ay dumeretso na ako sa kama at ipinikit ang mata ko.
Bukas na lang ulit. Panibagong pakikibaka na naman ito.
-------------
Ginambala ang tulog ko ng sunod-sunod na buzz mula sa pinto ko. Tapos ay ang pagtunog ng telepono ko. What the hell? Pakiramdam ko ay groggy pa ako sa antok pero walang tigil ang paligsahan ng ingay ng buzz sa pinto ko at telepono. Kinuha ko ang telepono at nakita kong si Stas ang tumatawa. Jesus Christ. Ang aga naman. Tumingin ako sa relo at nakita kong alas otso lang. Hindi ko sinagot ang tawag niya. Bahala siya.
And someone was at my door. I am sure it was just Patek. The loyal guard dog of Stas that was my bodyguard now. Malamang may bitbit na namang breakfast na utos pa rin ng amo niya. Kaya siguro tumatawag ang Stas na iyon ay para sabihin lang na may dalang breakfast ang guard dog niya. Ayaw ko na talaga siyang pagbuksan. After what happened last night, all I wanted to do was to be alone and be away from all the ruckus that was happening the moment I met Stas. Pero sigurado ako hindi naman titigil 'to. Kaya kahit napipilitan, bumangon ako at tamad na tamad kong binuksan ko na rin ang pinto.
And to my surprise, it was not Patek.
It was the devil himself.
Stas Rozovsky was standing at my door holding a picnic basket and a black thermos on his other hand. He was not his usual grumpy look and not wearing an Armani suit. This time, he was just wearing a simple white polo shirt, a khaki shorts and brown espadrilles. Naka-wayfarer shades pa.
He looked so fresh. So laid back.
Hindi iisipin ng kahit sinong makakita na kaya niyang manakit at pumatay ng tao.
I composed myself and looked straight at him even if I felt my knees were wobbling at his presence.
"What are you doing here?" Mataray kong tanong.
He smiled at me. A smile that any woman will melt instantly.
"It's a beautiful day, and I wanted to have a breakfast with my soon to be wife."
Pagkasabi niya noon ay humalik siya sa pisngi ko at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng unit ko.
Naiwan akong napatulala at hawak lang ang pisngi kong hinalikan niya.
What the fuck was going on?
Takang-takang sinundan ko siya ng tingin habang isinasara ang pinto ko. Dere-deretso sa kusina si Stas at inilapag sa mesa ang dala niya. Tumingin sa paligid, sa mga gamit kong plato at napapa-iling. Tinungo niya ang pinto sa balcony ng unit ko at binuksan iyon. Ano ang gagawin ng lalaking ito?
Lumabas siya doon at parang may tiningnan. Mula sa clear window na may manipis na kurtina ay nakita ko siyang inaayos ang maliit na mesang naroon tapos ay bumalik sa unit ko.
"Do you have any table cloth?"
Kumunot ang noo ko sa kanya. "Huh?"
"Table cloth." Nakita kong napailing si Stas at ang ginawa ay tinungo ang mesa ko at ang table cloth na naroon ang kinuha niya at dinala sa balcony.
"Hey," saway ko sa kanya at sinundan kung ano ang ginagawa niya. Inaayos niya ang mesang naroon at inilagay ang table cloth. Marahan pa akong hinawi para makabalik sa loob ng unit ko at kinuha ang dala niyang picnic basket at thermos. Muling pumasok at ngayon naman plato, mugs at kutsara ang dala niya at inilagay iyon sa maliit na mesa. Iniayos niya.
Napaawang lang ang bibig ko dahil wala akong masabi sa ginagawa ni Stas. Sabog kaya siya at nagti-trip siya dito sa unit ko?
Binuksan niya ang picnic basket at inilabas ang laman noon. Fruit platter. Omelette. French toast. Kinuha niya ang thermos at nagsalin noon sa mugs na naroon. Kape ang laman. Tumingin siya sa akin at hitsurang nagtataka pa na nakatanga lang ako sa ginagawa niya.
"Aren't you going to sit?" Itinuro pa niya ang upuan sa tabi ko.
"What are you doing? What are you doing here?" Sa wakas ay naitanong ko.
Inialis niya ang suot na shades at isinabit iyon sa polo na suot. Tumaas pa ang kilay niya sa akin tapos ay natawa. Napapiksi pa nga ako nang lumapit siya sa akin tapos ay pilit akong pinaupo sa upuan sa tabi ko at siya naman ay naupo sa harap ko.
"My chef makes the best omelette and French toast in town," sabi pa niya. Hindi pansin ang tanong ko at sinimulang buksan ang mga clear food trays na nasa mesa. Umasulto sa pang-amoy ko ang mabangong pagkain. Nakakagutom.
Hindi pa rin ako kumikilos at nakatingin lang sa kanya. Siya naman ay sige ang paglalagay ng pagkain sa plato niya. Napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang kamay ni Stas. Sugat-sugat at namamaga ang mga kamao niya. Napaano 'to? Wala namang ganoon ang kamay niya kagabi.
Muli ay tumingin siya sa akin dahil hindi pa rin ako kumikilos. Napahinga siya ng malalim at siya na ang naglagay ng pagkain sa plato ko.
"I... I am not a breakfast person. I don't eat breakfast." Sabi ko para tigilan niya ang ginagawa niya.
"Sure?" Hitsurang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko habang patuloy sa paglalagay ng pagkain sa plato ko. "I saw you one time eating oatmeal for breakfast." Wala sa loob na sabi niya.
Napakunot ang noo ko. "What?" He saw me? Where? This was his second time to went here in my place and he never saw me eating here.
Saglit na natigilan si Stas tapos ay ngumiti. "Eat. Sasama ang loob ng chef ko kapag hindi mo man lang tinikman ang ginawa niya."
Nagtatakang nakatingin pa rin ako sa kanya habang nagsisimula siyang kumain tapos ay tumitingin sa view habang ngumunguya. Ganito pala kumain ang mga mayayaman. Pati pagnguya may poise. Nakasara ang bibig. Walang tunog ang pagnguya. Ang paghawak sa mga kubyertos ay parang pinag-aralan.
"Good thing you are not wearing panties when you answered your door." Napatawa pa siya ng mahina. "But I was hoping that you were."
Tiningnan ko ang sarili ko at mabuti na nga lang din ay disente ang suot kong shorts at white t-shirt tapos ay sinamaan ko siya ng tingin. Nakatingin siya sa akin particular sa dibdib ko. Disente nga ang damit ko pero bakat na bakat naman sa puting t-shirt ko ang boobs ko.
"Ang mata mo kung saan-saan nakatingin," inis kong sabi sa kanya at iniharang ang braso ko sa dibdib ko.
Natawa siya at napailing tapos ay sumubo. "All right. Itago mo. Makikita ko rin naman 'yan pagkatapos ng kasal natin." Nanunuksong sabi niya.
Ramdam kong nag-init ang mga pisngi ko at iniiwas ang tingin sa kanya.
"You have a nice view here." Ngayon ay nakatingin na sa paligid si Stas. Kita ko naman sa mukha niya na hindi siya nagsisinungaling nang sabihin iyon. Tumingin din ako sa paligid at nakita ko ang ma-berdeng kapaligiran gawa ng manmade tropical rainforest na talagang isa sa mga amenities ng condo na ito.
"Mas maganda ang view sa penthouse mo. You can see everything that you own," komento ko.
Tumingin siya sa akin at napatango-tango tapos ay muling sumubo.
"What happened to your hand?" Hindi na ako makatiis na hindi magtanong.
Napakuyom ang mga kamay niya tapos ay bahagyang itinago iyon sa akin.
"I got into an accident."
Alam kong kasinungalingan ang sagot niya tapos ay tumingin siya sa akin.
"Can you please eat? Gusto mo ba subuan pa kita?" Akma na siyang tatayo kaya pinigilan ko na siya.
"I don't know what's your trip. What is this? Getting to know each other? We still have one week so on the day of the wedding close na tayo?" Sarcastic na sabi ko.
"You can say that. Habambuhay tayong magsasama, siyempre aalamin ko naman kung sino at ano ka talaga." Nakatitig sa mga mata ko si Stas kaya agad kong iniiwas ang tingin ko. Hindi ko kayang salubungin ang tingin niya. "About Jaime."
Napalunok ako at tumingin sa kanya. Ngayon ay seryoso na si Stas na nakatingin sa akin.
"When did he start harassing you?"
"It doesn't matter. I forgot about it," labas sa ilong na sagot ko.
"Women doesn't forget those kind of things. They remember who first touched them. Kissed them. Fuck them."
Nakakatakot ang sobrang kaseryosohan ng hitsura ni Stas. Wala sa loob na nadampot ko ang mug ng kape napainom doon. Shit. Ang pait. Hindi ko man lang nalagyan ng creamer.
"Ganito ka mag-kape? Grabe ang pait. Ganito ka siguro kapait," kunwa ay naiinis ako para maiba na lang ang pinag-uusapan namin.
"When was the first time, Sofia?" ulit pa niya.
"I don't remember, okay? You don't ask a woman about those kind of things unless you are a police investigator, or psychologist."
"But I'll be your husband. I think I deserve to know about what he did."
Napahinga ako ng malalim at napailing. Napabuga ako ng hangin at napapikit pero agad na dumilat nang maalala ko ang mga pangha-harass noon ni Jaime.
"I don't remember, okay? I don't want to remember." Napalunok ako. "Because there was nothing I could do. He is family." Sagot ko.
"And family doesn't do that to another family." Nakatitig sa akin si Stas. Napalunok ako sa nakikita kong galit na unti-unting sumusungaw sa mga mata niya. "Uncle Rom knows, right?"
Hindi ako nagsalita at ngayon, nagtatagis na ang bagang niya. Alam kong alam ni Stas ang sagot doon.
"Let's forget about it, I am fine. Jaime is fine in a rehabilitation center. You are fine. Everyone is fine. All right? Everything is good." Iyon na lang ang nasabi ko.
Saglit na tumahimik si Stas at tumingin sa tumunog na telepono. Mukhang doon nabaling ang atensiyon dahil kunot na kunot pa ang noo nito sa binabasang message. Tapos maya-maya ay napapaangat ang kilay
"How many boyfriends did you have?" Tanong niya kahit nakatingin sa hawak na telepono.
"What? What the hell are you asking? I am not even asking you how many women you fucked." Asar na sagot ko.
"Daniel Mitchell. Thirty. Works in an advertising company as a photographer."
Napakunot ang noo ko. Paano niya nakilala si Daniel? Iyon ang kasamahan ko noon sa trabaho bago ako nag-resign.
"Keith Flemming. Aiden Marshalls. Asher Huntington. Isaac Anthony." Hindi pa rin inaalis ni Stas ang tingin sa telepono. "You have a taste. You really like Americans."
Napaawang ang bibig ko at hindi ako makapagsalita. Those names that he mentioned were the names of some of our models that worked closely with me in the States.
"Americans," napapatango-tango pa siya tapos ay napataas ang kilay. "But you are going to end up with a Russian."
"H-how did you get those names? How did you know them?"
Tumawa ng nakakaloko si Stas at marahang inilapag ang telepono sa mesa.
"Do you know what's the difference between American and Russian men?"
Ano bang pinagsasasabi ng lalaking ito? Kung hindi talaga sabog 'tong si Stas, kulang 'to sa tulog.
"I am not interested, Stas. I don't know what is your-"
"Russian men," putol niya sa sinasabi ko. "They are patriarchal alpha males and we feel obligated to look after our woman at all time. We are aggressive and persistent when it comes to our intentions. You don't meet a Russian man by chance because you will be chosen by one." Seryosong sabi niya. "American men tends to stop pursuing a woman when they feel that they are being repulsed or rejected.'
"Not only Americans but all men should know when to stop if they know that a woman doesn't like them." Sagot ko.
"Not us. Not me." Ngumiti siya ng nakakaloko. "Once you are in my world, you are mine whether you like it or not. I'll be the one who will say when you can go or when you can stop."
"That's being possessive." Katwiran ko. "And it's not good."
Tumaas ang kilay niya. "And what kind of men do you like. These bozos?" Itinuro niya ang telepono niya. "Your ex's that let you sleep with another men?"
"Are you investigating my friends? What the hell, Stas? That is way out of line." Inis na sabi ko.
"I told you I will find any men and I will kill them for touching you. For tasting you. Who was the first one who kissed you?"
"You are crazy!" Inis kong sabi sa kanya.
"Who was the one who first fucked you?" Hindi niya intindi ang galit ko. Kalmadong-kalmado pa rin siyang nakatingin sa akin.
"What the hell? Get out!" napatayo na ako sa inis.
"Sit down." Mariin na sabi ni Stas.
Napalunok ako sa paraan ng pagkakasabi niya noon at hindi ko alam kung bakit automatic na kumilos ang katawan ko para maupo.
"Just tell me who was it. Don't worry, I won't let them suffer." Malamig niyang sagot.
"Baliw ka, Stas." Dumukwang pa ako sa kanya pero hindi man lang siya tuminag. "Daniel Mitchell is my co-worker, okay? A fellow photographer. He is married with three kids. And those men that you mentioned, they are my models. Keith and Aiden are lovers. They got married last year. Asher is gay and Isaac..." hindi ko naituloy ang sasabihin. Sasabihin ko ba sa kanya na naging ka-fling ko si Isaac? And how did he know about Isaac? Hindi ko na nga naalala ang isang iyon.
"And Isaac?" naghihintay siya sa sasabihin ko.
Napalunok ako at pinilit na itinaas ang noo ko. "He was a fling. We were an item before. Bakit? Masama ba? I am single, he is single and everybody is happy."
Nakita kong dumilim ang mukha ni Stas at dinampot ang telepono niya tapos ay may tinawagan.
"It's Isaac Anthony. I want everything about him. Every little detail. Every dark secret that he has." Nanatili siyang nakatingin sa akin nang sabihin iyon sa kausap. Pakiramdam ko ay nanlamig ako.
"You stop it," pilit kong inaagaw ang telepono niya para matigil ang pakikipag-usap niya.
"I want to see that Isaac's..."
"Damn it, Stas!" Malakas na sigaw ko para lang mahinto siya. "Isaac was just a fling. Nothing happened between us. I didn't have sex with any men. I am a fucking virgin!"
Nakita kong napatigil si Stas sa pagsasalita at nakatingin lang sa akin. Ako naman ay natigilan din sa nasabi ko at naitakip ang kamay sa bibig ko.
"Don't bother, Patek. I already got what I need," pagkasabi noon ay inilapag niya ang hawak na telepono sa mesa. "You're telling me something?"
Hindi ako sumagot at itinaas ko lang ang noo ko para makabawi. Tiningnan ko ang plato ko at pinilit na lang na kumain. Nang tapunan ko ng tingin si Stas ay nakita kong may bahagyang ngiti sa labi niya.
"I think I have something to look forward on our wedding night." Mahinang komento niya.
Ngayon ay lumapad na ang ngiti niya sa labi habang nagpatuloy sa pagkain.
Ako?
Parang ayaw ko nang dumating ang next week para sa kasal naming dalawa.
Lalong-lalo na ang wedding night na sinasabi niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top