CHAPTER NINETEEN | Walls could talk

Secrets have a way of making themselves felt, even before you know there's a secret.

– Jean Ferris

CHAPTER NINETEEN | WALLS COULD TALK

SOFIA

Buwisit si Stas. Hudas talaga. Nakakainis.

Iyon ang mga nababasa kong salita sa hawak kong libro. Shit. Inis kong isinara ang iyon at muling tiningnan ang title noon. This was my favorite book. The Painted Veil by W. Somerset Maugham. This was my third time to read this and yet, I was zoning out while reading this.

Because in my mind, what happened earlier kept on repeating in my head.

Stas was investigating about me. About my life. He found out those names. Kahit mga hindi importante sa buhay ko ay nalalaman niya. What the fuck was he? Ako na rin ang sumagot noon sa sarili ko. He was a powerful and wealthy man that could get whatever he wanted. Money was everything these days. At kapag gumalaw ang pera ni Stas, walang imposible. Imagine, he had those details about those men. Pati si Isaac na isang linggo ko lang naman naging fling nalaman pa niya.

And he found out that I was still a virgin.

Shit.

I could still remember his reaction when he heard me say that. The fire in his eyes. I didn't know if it was excitement that I saw but definitely there was something. And his smile.

Jesus.

Are we going to have sex on our wedding night?

What fucked up question was that? Of course. Parang ngayon pa lang ay kinakabahan na ako sa kung anong mangyayari sa amin. Kung gumawa kaya ako ng paraan para hindi matuloy iyon? Halimbawa, uminom ako ng laxative para mag-tae ako magdamag. O kaya tumabi ako sa may taong infected ng Covid para two weeks akong naka-isolate at makaiwas sa kanya. Ano pa kaya ang ibang puwedeng dahilan para lang huwag matuloy iyon? Hindi ko yata talaga kaya. Mukha pa namang biggie si Stas.

Biggie nga kaya siya? What does his penis look like? Katulad kaya ng mga napanood ko sa porn? Pink? Brown? Mataba? Mahaba? Baka kulay pink kasi medyo tisoy naman ang hayop na 'yon. Were Russian men gifted on that part? Was he circumcised? Kasi naalala ko ang mga male American models noon na nakaka-trabaho ko na hindi nahihiyang maghubad sa harap namin, well... medyo biggie sila kahit nga karamihan sa mga iyon ay bading. But Stas...

Kakayanin ko ba siya?

Inis kong isinara ang binabasa kong libro at tinungo ang kusina at uminom ng tubig. Ano ba 'tong mga naiisip ko? Talagang ang lalaking iyon kung ano-ano ang binubuhay sa utak ko.

Para mawala ang isiping iyon ay tinungo ko ang kuwarto ko at kinuha ang isang maliit na maleta. Dinala ko iyon sa living room at binuksan. Mula doon ay inilabas ko ang iba't-ibang partes ng camera at sinimulan kong linisin. Ito ang gamit ko sa pagta-trabaho bilang professional photographer sa dati kong pinapasukan na ad agency. Dinampot ko ang camera at tiningnan ang lens noon. Inayos ko ang focus ng lens sa vase na nasa harap ko at nag-shoot. Tiningnan ko at napangiti ako. I still have my game. Ang ganda ng kulay. Ang linaw. Nakaka-miss na din ang dati kong buhay. Ang dati kong trabaho bilang photographer. I knew I was good at my job. I was a good photographer. Artists, models and agencies were getting me every time they had a gig. But I had to leave that life just to fulfill my life long promise.

To put down the man that killed my parents and made me like this.

Napahinga ako ng malalim at saglit na huminto. Galit ako kay Stas pero hindi ko maitatanggi na sa tuwing magkakasama kami, unti-unti kong nakikilala ang pagkatao niya. Sure he was the devil that could kill and corrupt anyone, but the way he protected me against Jaime, it was something. That was the first time a man did that to me. I felt I was saved.

And it was only him who made me feel that way. Not even my so-called dad made me feel safe against Jaime.

Natapos ko ang paglilinis ng camera ko at bumalik ako sa kuwarto. Naghubad ako ng suot kong shorts at tanging panty at sando lang ang suot. Mag-isa lang naman ako dito at kumportable ako ng ganito lang ang suot. Pumunta ako sa kusina at gumawa ng mint tea. Bumalik ako sa sala para muling magbasa. Naipagpasalamat kong bumalik na ang mood ko sa binabasa kong istorya. Pero agad ding naistorbo nang marinig kong may nagdo-doorbell sa sa pinto ko.

Who could that be? Si dad? I don't think so. Hindi pa nga siya tumatawag uli magmula kagabi. And I knew he was still pissed at me because of what happened to Jaime.

Tumayo ako at tinungo ang pinto at sumilip sa peep hole? Napakunot ang noo ko. Strange. Bakit wala akong makita? Bakit itim lang? Doon ko binuksan ang pinto at napasimangot ako nang makita kong nakatayo doon si Stas habang ang kamay ay nakatakip sa peep hole.

Agad na bumaba ang tingin niya sa katawan ko at tumingin sa paligid tapos ay tuluyang binuksan ang pinto para makapasok siya. Mabilis niyang isinara iyon tapos ay nakaangat ang kilay na tumingin sa akin.

"For real?" Dama ko ang inis sa tono niya.

"For real what?" Taka ko.

Itinuro niya ang suot ko. "You are answering your door wearing something like that? Paano kung hindi ako ang nandoon? Paano kung si Patek? Or ang daddy mo? O ibang tao? May papatayin na naman ako?"

Tumingin ako sa sarili ko at alam kong namula ang mukha ko. Tingin ko naman ay walang masama sa suot ko. I am wearing a boyleg panties. At isa pa, this was my place. My safe haven. Siya lang 'tong punta nang punta dito at nanggugulo.

"What are you doing here again? Wala ka bang ginagawa? Hindi ka busy?" Inis kong tanong sa kanya. Hindi na ako nahiya kahit ganito ang hitsura ko sa harap niya.

Muli ay tiningnan niya ako at kumagat-labi siya habang ang mata ay nakapako sa puwitan ko.

"Stas!"

"What?" Tipong nagugulat pang tanong niya. "I am enjoying my view."

"Asshole." Ang sama ng tingin ko sa kanya kaya dere-deretso akong pumasok sa kuwarto ko at malakas kong isinara ang pinto.

Narinig kong kumatok siya. "Dress up. I want you to wear something nice. We will go somewhere."

"Tinatamad akong umalis," sagot ko habang binuksan ang cabinet ko at nagtitingin kung ano ang isusuot ko doon. Bakit kasi hindi pa umalis ang lalaking 'to?

"Come on, Sofia. Don't make me go in there and dress you up." Sagot ni Stas mula sa labas ng silid.

Tiningnan ko ng masama ang nakasarang pinto at inis akong humugot ng isang white Sunday dress. Low neckline iyon na puff sleeved na above the knee. Itinapat ko sa katawan ko.

"Can you please do it fast? Para hindi na tayo gabihin." Sabi pa ni Stas.

Inirapan ko ang nakasarang pinto. Kahit ayaw ko namang sumama, sigurado akong wala akong magagawa dahil talagang ipipilit din ng lalaking ito ang gusto niya. Isinuot ko ang white Sunday dress at humarap sa salamin. Okay naman. Simple. Inilugay ko lang ang buhok ko at naglagay ng lip tint at cheek tint.

Napahinto rin ako sa ginagawa ko. Bakit ko ba sinusunod ang lalaking ito? I felt I was under a spell and I needed to follow everything he said. I should be sabotaging him. Pero bakit ako nagpapaganda ngayon?

Akma ko nang huhubarin ang damit na suot ko nang bumukas ang pinto ng kuwarto ko. Nakasimangot na ang mukha ni Stas pero saglit na huminto at tinitigan ako.

"Good. Let's go," lumapit na siya sa akin at hinawakan ang kamay ko para lumabas na kami ng kuwarto.

"T-Teka lang. Ano ba? Bakit ba basta ka na lang papasok dito? You are invading my privacy," reklamo ko sa kanya.

"Privacy? You will lose that damn privacy when we get married. Let's go," muli ay hinihila na niya ako palabas pero napahinto din siya nang mapatingin sa kamay ko. "Where's your ring?"

"Nasa cabinet."

Tumaas ang kilay niya. "Bakit nasa cabinet? Cabinet ba ang ikakasal sa akin? You get it and wear it."

Inirapan ko siya at inis na kinuha ang kamay ko tapos ay kinuha ang engagement ring na binili niya at isinuot iyon.

"There. Happy?" asar kong sabi.

Hindi na siya kumibo at hinawakan na lang ang kamay ko para lumabas na kami sa kuwarto. Walang imik siya na tinungo ang pinto para makalabas na kami. Siya pa nga ang nag-lock ng unit ko at tuloy-tuloy kaming tumungo sa parking area. Pinagbuksan pa ako ng pinto ng sasakyan at pinasakay doon tapos ay umikot siya para naman sumakay sa driver's side.

"Wala kang driver?" taka ko. Alam ko hindi umaalis ang isang 'to nang walang bodyguard o driver. "Saka si Patek. I thought he is my bodyguard."

"If you are with me, you don't need a bodyguard." Seryosong sagot niya at itinutok ang tingin sa kalsada.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Kulit ko pa.

Hindi na niya ako sinagot at nanatili lang na nagmaneho.

Hindi na lang din ako kumibo at tumingin sa labas. Pero napansin kong pamilyar ang dinadaanan namin hanggang sa pumasok kami sa isang mansion. Nandito lang ako kagabi. Ito ang bahay ng magulang ni Stas.

"What are we doing here?" Nanlalaki ang matang tanong ko. "May meeting uli? Ipapakilala uli tayo sa mga friends ng daddy mo?"

Natawa lang siya at ipinarada ang sasakyan at bumaba na tapos ay pinagbuksan ako. Sumunod na lang ako kasi mukhang walang plano ang lalaking ito na sagutin ang mga tanong ko.

Pumasok kami at dumeretso kami sa dining. Naroon ang daddy ni Stas na agad na tumayo nang makitang kasama ako. Lumapit sa akin at yumakap.

"Iha, I am so glad that you are here again. What happened to you last night? Bigla na lang kayong nawala ni Stas," may nakakalokong ngiti ang nasa labi nito.

Napatingin ako kay Stas at nagkibit lang siya ng balikat.

"Sumakit po kasi ang ulo ko kagabi kaya sabi ko kay Stas na ihatid na lang ako pauwi. I am sorry I wasn't able to tell everyone that I was going home." Pagsisinungaling ko. Bahagyang tumango si Stas na parang okay sa kanya ang sinabi ko.

"There's no problem, iha. Come on. Let's have dinner. Our chef cooks the best paella in town." Itinuro pa niyang maupo ako at ipinaghila ako ng upuan ni Stas para maupo ako doon. Tumingin ako sa kanya at nakatingin lang siya sa akin na hinihintay na maupo ako. Sumunod na lang uli ako para matapos na ito.

Hindi naman ako makakakain ng maayos. Para hindi na lang mapahiya sa imbitasyong kumain ako ay naglagay ako ng kaunting pagkain sa plato at sumusubo ng paunti-unti. Si Stas ay ganoon din. Hindi kumakain. Nanghingi lang ito ng brandy sa assistant na naroon at iyon ininom niya.

"You know, I am very happy that you and my son are getting along." Nakangiting sabi pa ng daddy niya.

Tinapunan ko siya ng tingin at tahimik lang na umiinom sa hawak na baso ng alak si Stas.

Getting along? Kung alam n'yo lang ang gagawin ko pagkatapos nito. Sure, I am going to let you all think that I am getting along with the devil so you will never know my plans.

"And finally, magiging totoong pamilya na rin kami ni Romulo. You know your dad has been my friend for more than twenty years. Kaya nga nagulat ako nang bigla niyang sabihin na mayroon siyang anak na babae. Kilala ko ang mga naging babae ng daddy mo but he never mentioned about your mom."

Shit. I thought they already dug about my past. Ang mga ginawang kasinungalingan ni Dad tungkol sa pagkatao ko. Tungkol sa pekeng nanay ko.

"Sabagay," sabi pa ng daddy ni Stas. "Sabi nga ni Romulo ang nangyari sa kanila ng mommy mo ay one night affair lang daw. Hindi na nga niya naalala ang mommy mo kung hindi ka sumulpot. But it's okay. At least, Romulo is happy that he got you."

Doon ako nakahinga ng maluwag. At least okay pa rin ang identity ko. They were not suspecting about who I really am.

"But did your father told you who was the love of her life?" sabi pa nito.

Umiling ako. "Dad never tells me about that."

"Aksidente ko lang naman nalaman. Pareho kaming nalasing at nagulat na lang ako na biglang umiiyak ang daddy mo. Miss na miss daw niya si Vera. I never knew that he loves her. Sabagay, Vera was a beautiful woman."

Vera. Dad never mentioned that name to me. But I remember that he told me something about the love of his life. Iyon kaya ang babaeng iyon?

"What happened to her?" ngayon ay nakuha na nito ang atensyon ko.

Napahinga ng malalim ang tatay ni Stas at sumeryoso. "She died."

Pareho kaming napatingin sa gawi ni Stas dahil sa tabi niya ay ang bumagsak na baso na hawak niya. Kita kong nagngangalit ang bagang niya at bahagyang kumuyom ang kamay. Tinapunan din niya ng masamang tingin ang tatay niya na ngayon ay nagsisimula na ulit kumain.

"H-How did she die?" curious na tanong ko.

"She did something that some people didn't like and that cost her life. Sometimes, it's better to follow what you're being told, Sofia. Because being stubborn will just put you in danger." Pakiramdam ko ay kinilabutan ako sa sinabing iyon ng tatay ni Stas. Was he telling that to me? Was that a kind of threat?

"Dad, can we be excused?" narinig kong paalam ni Stas at para akong nakahinga ng maluwag nang marinig na sinabi niya iyon.

Tumango ang daddy niya at kumumpas pa sa hangin. "Sure." Tumingin ito sa akin at ngumiti. "Sofia, make yourself at home."

Ngumiti lang din ako at naramdaman ko ang kamay ni Stas na humawak sa kamay ko at halos hilahin ako paalis doon. Kitang-kita ko ang pagbabago ng mood ni Stas. Dumilim na naman ang mukha niya at hitsurang papatay ng tao.

I knew that was because of the name that his father said.

That Vera.

Kilala din kaya ni Stas ang Vera na iyon?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top