CHAPTER FOURTEEN | Killer


Be on guard. The silent killer's goal is to kill.

ROZOVSKY HEIRS 5 | STANISLAV VAUGHN

CHAPTER FOURTEEN | KILLER

SOFIA

Wala kaming imikan ni Ilyenna habang bumibiyahe papunta sa sinasabing stylist ni Stas. Si Patek lang ang kinakausap niya kapag may itinatanong siya tungkol sa mga bagay-bagay na alam ko namang tungkol sa mga illegal na aktibidades nila. Tahimik lang akong nakikinig. I will be the damned fool around them. And if she hated me, the feeling was mutual. I hated her more. I hated the way she acts around Stas. Acting like his non-label girlfriend that kept on sniffing around to any woman that might be close to him.

Wala siyang magagawa. Ako ang nagwagi. Kahit anong gawin niya, ako ang papakasalan ni Stas. I am wearing his damn ring around my finger and no one could take this off from me. This will be the start to fulfill all my plans.

I could smell the sweet aroma of my revenge. Time will come, I could taste it. And all of them will crawl before me. They will never know what was coming for them.

"That is a big rock. I bet that is expensive."

Napatingin ako kay Ilyenna at kahit nakatutok ang tingin niya sa hawak na telepono, alam kong ang singsing na suot ko ang tinutukoy niya.

Napairap ako at napahinga ng malalim.

"How much does it cost?" Tanong pa niya. Sa pagkakataong iyon ay tumingin na siya sa lugar ko. Hitsurang naghihintay ang sagot ko pero kitang-kita sa mukha niya ang pagka-disgusto sa akin.

Ngumiti ako ng nakakaasar. 'Yong alam kong mabubuwisit siya. Iniangat ko pa ang daliri ko at ngiting-ngiting tiningnan ang singsing.

"Just, sixteen million." Walang anuman na sagot ko. Napatingin ako sa rear view mirror at nakita kong tinapunan ako ng tingin ni Patek. Tinaasan ko lang siya ng kilay at nagkibit-balikat siya tapos ay muling itinuon ang tingin sa kalsada.

"Wow. Expensive." Halatang nagulat si Ilyenna sa narinig pero pilit na hindi ipinahalata sa akin. Ibinalik niya sa bag ang hawak na telepono at ngayon ay tablet naman ang kinuha niya at nagpipindot doon. "Well, Stas likes expensive things. I know that because I am the one who bought things that he gives to every woman that he likes. He doesn't want cheap things. Cheap people." Alam kong ako ang pinapatungkulan niya noon. Iniisip niyang cheap ako dahil sa murang singsing na pinili ko.

"How much is your worth?" Tanong ko sa kanya.

Gulat na napatingin sa akin si Ilyenna. "Excuse me?"

"You said Stas doesn't like cheap people. I am asking you how much is your worth?" ulit ko.

Tinaasan niya ako ng kilay at bahagyang inirapan. Muling ibinalik ang tingin sa hawak na tablet tapos ay tumingin ulit sa akin at ngumiti ng maasim. "I am too important for him. I am his lawyer, sometimes his personal assistant. Sometimes, the one who accompanies him when he is feeling down and stressed." Sa pagkakataong iyon ay nakakalokong ngumiti si Ilyenna na para bang may naalala siyang moment nila ni Stas. "I know everything about him. Every little detail about him. His wants. His needs. His type when it comes to woman." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "You don't fit there. I've seen the woman that he's been with throughout the years. Famous. Rich. Models and actresses. And I am the one who always throws them out after he used them. So, you see, I am that valuable. I am not cheap. I am expensive." Punong-puno ng yabang na sabi niya.

"Wow. That's impressive." Sinabi ko iyon na halatang-halata sa akin na hindi naman ako impressed. "You are just like any of his men. A loyal dog. What do they call a female dog again?" kunwa ay nag-isip ako tapos ay napangiti nang maalala kung ano 'yon. "I remember. Bitch." Nakita kong namula ang mukha ni Ilyenna at alam kong napipikon siya. "You can Google if you want to verify."

Umusog siya para mapalapit sa akin at tiningnan ako ng masama.

"If you think that everything will change because he is marrying you, you are wrong. He will still look for other women. He is still going to fuck other women. He will go back to me because he needs me. I am the one who can help him with everything. With you? You will just become a pain in his ass. A nuisance." Umayos siya ng upo. "Real talk ito, Miss Buenaventura. I hate to burst your bubble but that's the truth. We all know that your marriage with him is just for a show. He will never love you."

Natawa ako. "And who is after for love?" Sagot ko sa kanya tapos ay naitakip ko ang kamay sa bibig ko at nanlalaki ang matang nakatingin sa kanya. "Oh my God. You. You like him, don't you?" Exaggerated kong sabi.

Napalunok si Ilyenna at ibinalik ang tingin sa hawak na tablet. "My relationship with Mr. Rozovsky is purely professional. We have been working for so many years and I don't want any distractions for him. We worked so hard for him to be on top. And with your arrival, I am sure everything will be messy. I know you have dirt under your sheets and I am sure I am going to find it. That's how I protect him."

"Napakasuwerte ni Stas. Having a loyal bitch like you." Tiningnan niya ako ng masama. "Hey, bitch is a female dog." Tonong paalala ko. "Don't get mad. That's what you're telling me. You are loyal and we all know dogs are loyal to their masters. But don't worry, when Stas and I are married I will make sure to tell him to give you a raise for being such a loyal bitch." Umayos ako ng upo at muli ay tiningnan ko ang singsing sa daliri ko. "Who cares if he will look for other women if we are married? Who cares if he fucks them?" Ipinakita ko ang kamay ko sa kanya at bahagya pang kuminang ang malaking diyamante sa tuktok noon. "I will be the legal wife and I will be the one who will bear the surname Rozovsky. Those women will be forever his side chicks. And I don't compete with side chicks."

"We're here."

Si Patek ang narinig kong nagsalita noon. Sumilip ako at nasa harap kami ng isang mamahaling boutique. Bumaba si Patek at binuksan ang pinto ni Ilyenna. Nauna na itong lumakad papasok sa boutique at nakita kong agad na binati ng mga staff doon. Nang pagbuksan ako ng pinto ni Patek ay hindi ako tuminag.

"You need to go, Sofia. You need to be presentable for your engagement party later."

Muli akong sumilip sa boutique at umiling. "Can I go to other boutique instead?"

Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha ni Patek at halatang nainis.

"Stas said you need to go there. Get out."

"I promise I will be presentable later. I just don't want to be with that woman." Tumingin ako sa gawi ni Ilyenna na nakatingin sa gawi namin at halatang naiirita na. Sumenyas pa na bilisan namin.

Napahinga ng malalim si Patek. "Can you please go? I am really starting to get pissed, Sofia. This is not my work. Being your bodyguard is not on my pay grade. I am doing this because Stas asked me to take care of you. That's how valuable you are for him. He asked me, his right-hand man to look after you. So, please. Get out and go to that damn boutique." Pigil na pigil ang inis niya.

Hindi pa rin ako kumilos. "I am really sorry if you are pissed with me. I promise I will be ready and presentable later just bring me to another boutique. Not here. Not with her." Punong-puno ng pakiusap na sabi ko.

"Jesus fucking Christ." Napabuga siya ng hangin at inis na isinara ang pinto sa tabi ko tapos ay muling sumakay sa kotse. Tumingin ako sa gawi ni Ilyenna na ngayon ay takang-taka na. Lumabas pa ito sa boutique at pupuntahan ang sasakyan namin pero pinaandar na iyon ni Patek paalis doon. Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti nang lumingon ako at makitang nakatayo sa gitna ng kalsada si Ilyenna at habol kami ng tingin.

"Damn woman problems." Mahinang sabi ni Patek habang nagmamaneho.

"I'm sorry." Nahihiyang sabi ko at umayos ng upo. "I don't like her."

"You are not the only one," komento niya na nanatiling nakatingin sa kalsada. "Where are we going now?"

"I know a boutique near my place. Doon na lang."

Tumingin sa rearview mirror si Patek at alam kong iniisip niyang sasadyain ko na namang isabotahe ang isusuot ko mamaya katulad ng ginawa ko sa singsing na pinapili ni Stas.

"I promise I will be well-dressed. Hindi mapapahiya ang boss mo. Hindi iisipin ng mga tao na cheap ang mapapangasawa niya." Pag-a-assure ko sa kanya.

"Why did you do it?"

Taka akong tumingin sa kanya. "Did what?"

"The ring. I know sinadya mo iyon. You know that will piss him off. Why?"

Napalunok ako. Seryosong-seryoso kasi si Patek.

"I just don't like being told what to do. I am not like that."

Napatango-tango siya. "But you agreed in this marriage. So much for not liking being told what to do." Sarcastic na sagot niya.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Puwede ko bang sabihin sa kanya na daan ko iyon para makapaghiganti ako sa amo niya?

"That's a different thing. Oh, look. That's the boutique. You can stop here."

Pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag nang huminto ang sasakyan. I knew Patek was starting to probe me. Just like Ilyenna, he was a loyal dog to Stas. I needed to be extra careful. There were so many eyes prying at me right now. They can never know my true motive. They can never know my true identity.

Mabilis akong bumaba at pumasok sa boutique. Napabuga ako ng hangin at nakita kong papasok din doon si Patek at may kausap na sa telepono. Tonong nagpapaliwanag siya at sigurado ako na si Stas na ang kausap niya. Hindi ko na lang pinansin. Nagpatulong na ako sa attendant na naroon at ibinigay sa akin ang mga damit na napili ko para isukat. Maganda kasi ang boutique na ito. Nagki-cater ng mga iba't-ibang luxury brands at hindi rin naman mumurahin ang mga presyo.

Ilang mga damit ang isinukat ko pero ang napili ko ay isang Gucci two-toned old rose and beige off shoulder dress. Simple yet so elegant. Sinipat-sipat ko ang sarili ko sa salamin. I looked so classy wearing this one. Not cheap. I am sure Stas will definitely be proud to introduce me to everyone in that affair. Hindi siya mapapahiya. Hindi iisipin ng mga tao na cheap ang papakasalan niya.

I bought the dress and I will partner it with Jimmy Choo classic beige pumps. Bagay na bagay. Dumeretso na ako sa counter at magbabayad pero sinabi ng nasa counter na kahit anong bilhin ko ay naka-credit na kay Stas.

Yeah. Right. I forgot. I am going to marry the wealthiest hotelier of the country and the biggest arms dealer from Russia and Philippines. Mapapahiya nga naman siya kapag nalaman ng mga tao na pinagastos niya ang mapapangasawa niya. Sinabihan ko si Patek na ihatid ako sa unit ko pero ang sabi niya ay hihintayin niya ako dahil siya ang maghahatid sa akin sa bahay nila Stas kung saan gagawin ang engagement party. All right. Be my guest. Bahala siyang mamuti ang mata sa paghihintay na matapos akong mag-ayos.

Pagdating ko sa unit ko ay naghintay lang sa kotse si Patek. Ako naman ay naligo at nagbihis tapos ay nag-ayos. Hindi ko naman kailangan ng makapal na make-up. I knew how to fix myself depending on the occasion that I will go to. Marunong din akong mag-make-up at mag-ayos ng buhok. Perks of working in an ad agency as a photographer in California for years. Kapag may runway shows or shoots, minsan ako na ang nagmi-make-up sa mga models ko.

Nang matapos ako ay dumeretso ako sa kotse ni Patek. Nagulat pa nga siya nang makita ako at saglit pang napatulala.

"Impressed?" Nakangiting tanong ko sa kanya. "Tingin mo ba papasa sa boss mong sobrang pihikan at ayaw sa cheap?"

Natawa siya at napailing tapos ay pinagbuksan ako ng pinto.

"I am sure he will like it."

Hindi ko maintindihan ang kaba na nararamdaman ko habang bumibiyahe kami. I already met Stas' father, but what about his mother? Masungit kaya? Magustuhan kaya ako?

Hold your horses, Sofia. Bakit concern ka kung magugustuhan ka ng nanay niya o hindi? Remember, your marriage with him is nothing. Magustuhan ka o hindi ng nanay niya, ikakasal pa rin kayong dalawa ni Stas.

Napabuga ako ng hangin at tumingin sa labas ng bintana. All right. Ito na 'to. Wala ng atrasan.

"Mabait ba ang mommy ni Stas?"

Tinapunan ako ng tingin ni Patek tapos ay itinuon ang tingin sa kalsada.

"Mrs. Rozovsky is the most lovable and kindest person that I met in my life." Seryosong sagot niya.

Napa-oh lang ako at napatango-tango. Ngumiti ako ng mapakla at naalala ko ang magulang ko. Buti pa si Stas kahit demonyo kumpleto ang magulang. Samantalang ako, maagang binawian ng magulang na kagagawan ng hayop na iyon. Pumikit-pikit ako para mabasag ang mga luhang namumuo sa mata ko.

Huwag kayong mag-aalala Nay, Tay. Konti na lang maipaghihiganti ko na kayo. Hindi baleng mapakasal ako sa demonyo basta gagawin ko ang lahat para maiganti ko kayo.

"I am sure your father will be very proud of you." Komento pa niya. Alam kong si Daddy Rom ang tinutukoy niya.

Ngumiti lang ako at hindi na kumibo.

Huminto kami sa isang mansion. Hindi ko mapigil ang sarili ko na hindi humanga sa ganda ng nakikita ko. Hindi talaga matatawaran ang yaman ng pamilya ni Stas. Pero napasimangot din ako. Yaman na galing sa mga taong pinatay nila. Yaman na galing sa masama.

Huminto si Patek at bumaba tapos ay pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. Inalalayan pa ako hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay.

Kung maganda sa labas, mas maganda ang nakikita ko sa loob. Halatang antique ang mga gamit na naroon na mamahalin ang halaga. Wala naman akong taong nakikita kundi ilang staff at tingin ko catering attendants na naglalakad doon. Sumusunod lang ako kay Patek at dumeretso kami sa isang silid at nang buksan niya iyon ay parang kasing laki iyon ng banquet hall sa hotel ni Stas.

Doon ay nakita ko ang mga bisita na halos mga lalaki. Si Ilyenna lang yata ang nakita kong babae na as usual nakadikit na naman kay Stas. Ang sama ng tingin sa akin pero hindi ko siya pinansin. Dahil sa totoo lang, nakakaramdam ako ng panliliit. Confident akong tao pero ngayon na halos lahat ng mata sa silid na ito ay nakatingin sa akin at parang inuuri ako, gusto ko na lang kainin ako ng lupa.

Napatingin ako sa gawi ni Stas at nakita ko siyang titig na titig sa akin. Napalunok ako at hindi ko na lang sinalubong ang tingin niya. I am sure, that bitch told everything that I didn't follow his order. Wala kong pakialam. Hindi ang babaeng iyon ang magdidikta kung ano ang dapat kong isuot at maging ayos sa gabing ito.

Tumayo si Stas at lumapit sa akin. Seryosong-seryoso pa rin ang mukha pero inilahad ang kamay nang makalapit sa akin. Alanganin ako kung kukunin ko iyon pero magwawala na naman ang lalaking ito kapag hindi ko ginawa. Mapapahiya siya sa mga taong nandito.

I took his hand and I immediately felt the heat that radiates throughout my body. His touch was warm. His grip was tight. I blew out a breath and closed my eyes. But that was a mistake. Because I only remembered of what I dreamt of last night.

The one where he was kneeling in front of me while he was spreading my legs and burying his face right between my thighs.

Jesus. What the hell was wrong with me? Bakit ba pumasok pa iyon sa isip ko?

"Gentlemen, I present to you my only son Stas and his soon to be wife, Sofia." Proud na pakilala sa amin ng daddy ni Stas sa mga bisitang naroon.

Palakpakan ang mga tao at kanya-kanyang lapit sa amin para i-congratulate kami. Hindi ko naman kilala ang mga ito kaya ngiti lang ako at tango sa kanila. Nakilala ko ang ilang mga pinsan ni Stas. May kambal pa. Hindi ko naman naalala ang mga pangalan. In fairness, lahi talaga ng guwapo ang mga Rozovsky na 'to. Walang tapon. Si Stas ang nakikipag-usap sa mga ito. Dapat lang. Mundo niya 'to. Mga kapwa niya mamamatay-tao.

Naipagpasalamat ko na natapos na rin ang pagbuhos ng congratulatory remarks at naging busy na ang mga tao sa pagkain at pagkukuwentuhan. Actually, sa pag-iinom pala. Maging si Stas ay iniwan na rin ako at nakipag-usap na sa mga bisitang naroon. Nakakaasar lang at talagang nakadikit si Ilyenna sa kanya at maging ito ay nakikipagpag-usap sa mga taong naroon. Halatang kilalang-kilala ng lahat ng bisita. Front lang talaga ang engagement na ito pero ang totoo, negosyo pa rin ang pinag-uusapan nila dito. At talagang ipinaparamdam sa akin ng babaeng iyon na wala akong silbi sa ganitong pagtitipon. Na siya ang mas kailangan ni Stas dahil siya ang mas nakakaalam at nakakakilala sa lalaki.

Pumunta na lang ako sa buffet table at kumuha ng makakain. Ngayon ako nakaramdam ng gutom at nakaka-enganyo ang mga pagkain na naroon. Mediterranean cuisine ang nakahain. Darn. Not my type of food. Pero nagugutom na ako. Dumampot na lang ako ng pita bread at hummus. Iyon na lang ang kakainin ko.

"Your dress is so bland. Masyadong simple."

Hindi ako lumingon dahil alam ko na kung sino ang nagsalita noon. The loyal bitch. Nagpatuloy ako sa paglalagay ng pagkain sa plato ko.

"Ayoko ng masyadong magarbo. I think this dress is perfect for this event. The color of my dress matches my ring. Look," muli ay ipinakita ko ang kamay ko sa kanya para isampal kay Ilyenna ang katotohanan na ako ang ikakasal kay Stas at hindi siya.

"The color is not good. Your shoes, too simple. I worked hard choosing the best clothes that you will wear tonight so you could impress the people around then you ran away? Bakit napakatigas ng ulo mo? Hindi ka marunong makinig sa inutos sa'yo." Inis na sabi niya.

Doon na ako hindi nakatiis at humarap ako sa kanya.

"Kung si Stas nakukuha mong bilugin ang ulo, hindi ako. Hindi ako susunod sa'yo. I will wear whatever I want, and I will do whatever I want. Know your place, Ilyenna." Inirapan ko na siya at inis na lumabas sa silid na iyon.

Gusto kong sumigaw sa inis. Nakakapikon na siya.

Lumakad ako at tinungo ang garden. Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko ay dito ako nakahinga ng maluwag. Malayo sa magulong mundo ng mga Rozovsky. Tumingin ako sa paligid at napangiti ako sa ganda ng mga bulaklak na naroon. Mukhang mahilig sa bulaklak ang nanay ni Stas.

"You look pretty. Mukhang mamahalin ang damit mo. Kasing mahal ba 'yan ng singsing mo?"

Napalingon ako at napaikot ng mata. Talaga bang gabi ng mga buwisit ngayon? Pagkatapos ni Ilyenna si Jaime naman ang nandito.

Nakangisi pa siya sa akin habang humahakbang palapit. May hawak na baso ng alak sa isang kamay at ang hitsura, alam kong lasing na. Baka nga naka-droga din ito. Knowing him na talagang dependent na sa drugs.

"I'll get back inside," ako na lang ang iiwas sa kanya. Pero mabilis akong pinigilan ni Jaime.

"You are not going anywhere."

Gusto kong masuka sa amoy ng alak sa hininga ni Jaime. Inis akong pumiksi para bitiwan niya ako pero lalo lang humigpit ang pagkakahawa niya sa braso ko.

"Jaime, this is not the right time. Let go of me," mahinang sabi ko.

Hindi niya iyon ginawa tapos ay tinuturo ang mukha ko.

"He will kill you." Tumawa pa siya. "He will kill you slowly when he finds out what is your reason for marrying him. You and dad. He will kill you both."

Napalunok ako at tumingin sa paligid. Ang tindi ng kabog ng dibdib ko. Baka may makarinig kay Jaime.

"Stupid. Stupid idea. Marrying that asshole is a stupid idea." Ngayon ay bahagya nang lumakas ang boses ni Jaime.

"You are fucking drunk, Jaime. Get your shit together. Malalagot ka kay Daddy." Banta ko sa kanya.

"Fuck that old man." Inubos ni Jaime ang laman ng hawak na baso tapos ay basta na lang itinapon iyon kung saan. "The only reason why I am keeping my mouth shut is because he is not giving me my damn cut. He will cut me off his will if I open my mouth." Napapailing siya tapos ngayon ay bahagya nang lumambot ang mukha at lumapit sa akin. "Look at you. You are so pretty tonight. It should be me. If daddy only listens to me, he will understand that you should be married to me."

"Jesus Christ, Jaime. Shut your mouth. Umayos ka." Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak niya.

"'Tanginang, Stas iyan. Lahat na lang ng babae sa kanya napupunta. Putanginang demonyo 'yon. Demonyo pero parang anak ng Diyos sa dami ng suwerteng nakukuha." Pagaril na sabi niya. Akma niyang hahawakan ang mukha ko pero pumiksi ako. "Pero ngayong gabi. Titikman kita. Just like I did years ago. I will make sure that I will succeed this time."

Pagkasabi niya noon ay marahas niya akong niyakap pero talagang itinutulak ko siya. Akma akong tatakbo pero mabilis niyang nahablot ang buhok. Shit, Jaime. Bakit ngayon ka pa umakto ng ganito? Naiiyak na ako dahil siguradong malaking eskandalo ito kapag nalaman ng mga bisita ang pangyayaring ito.

Hinila niya ako at akmang hahalikan pero napahinto din siya sa gagawin at bahagyang napaatras. Nanlalaki ang mata ko nang makita kung sino ang lalaking nasa likuran ni Jaime.

Dahil si Stas ang naroon. Dilim na dilim ang anyo habang may nakatutok na patalim sa leeg ni Jaime.

"Just say yes, Sofia and I will slit his fucking throat." Walang kaemo-emosyong sabi ni Stas habang nakatingin sa akin. Idiniin pa nito ang patalim na nasa leeg ni Jaime at kita kong nakabaon iyon at may kaunting dugo na.

Tuluyang nahulog ang mga luha ko at wala akong masabi habang nakatingin sa takot na takot na mukha ni Jaime tapos ay sa nagbabagang mga mata ni Stas.

A simple yes.

One word and I knew he would do it. He would slit Jaime's throat if I said yes.

I couldn't see any humanity from Stas' face. He looked like a cold-blooded killer that would kill anyone who crosses him. A soulless human being without any remorse and could sleep like a baby at night after taking the life of anyone who pissed him.

I was looking at Jaime's face then I remembered what he did to me. The sexual advances every time he would visit me in the States, the attempted rape that he did. If I said yes, he will be dead. Gone in this world. Forever.

He would be out of my life and he couldn't tell my plans to anyone.

If I said yes.

And the devil in me was telling me to say it. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top