CHAPTER EIGHT | Stronger


The strongest people are not those who show strength in front of us, but those who win battles we know nothing about. - Unknown

ROZOVSKY HEIRS 5 | STANISLAV VAUGHN

CHAPTER EIGHT | STRONGER

SOFIA

Pakiramdam ko ay hindi pa ako makahinga dahil sa nangyari kanina.

Nagpunta dito si Stas. The devil himself Stanislav Rozovsky. At kung gaano kabilis siyang dumating, ganoon kabilis din siyang umalis.

He shook me. Looking face to face with the devil that I vowed to take down, made my anger and fear mixed inside me.

But there was something else.

Stas may be the devil, but definitely he was the handsome devil that could corrupt anyone he wanted. The way he looked at me, the way he touched my skin, I wanted to scold myself why I didn't feel any filth at all. The heat of his hand caressing my skin sent something warm right down my core. That was the first time I felt something like that. I never had any experience with the opposite sex, sure I kissed men before, but I didn't let them touch me. It was only Stas who had the courage to do that and he woke up something in me. Something primal. Something wicked that should be kept hidden forever.

Excitement.

That was he did to me. He made me feel that excitement was a real thing. That it would make me feel good. That by touching me, he made me feel like I am one of those women that worship him and would die just to get his attention.

Inis akong tumayo at tinungo ang kusina. Tumayo ako malapit sa lababo at hinawakan ang mukha ko. Damang-dama ko ang pag-iinit noon kaya binuksan ko ang gripo at naghilamos. Kailangan kong gumising sa kung ano mang gayuma na hinatid ni Stas dito. Demonyo talaga ang isang iyon. Corruptor. Manipulator. Sa ganoong paraan siya nabubuhay para makuha ang lahat ng gusto niya. At hinding-hindi niya ako mako-corrupt. Hinding-hindi niya ako mama-manipulate. It would be the other way around. Hindi man natuloy ang unang plano namin ni Dad dahil sa pagtanggi niyang magpakasal kami, definitely there would be another way to make his empire crumble to the ground.

Kumuha ako ng paper towel at tinuyo ang mukha ko. Nang matapos ay kumuha ako ng oatmeal at nag-prepare para sa lunch ko. Okay na 'to. Wala naman akong matinong pagkain pa dito sa unit ko dahil hindi pa ako nakakapag-grocery. Wala naman kasi talaga akong planong maglalabas muna at gusto kong magpahinga ng ilang araw. Buwisit lang 'tong Stas na 'to at inistorbo ako.

Naupo ako sa harap ng mesa at nagsimulang kumain habang nagba-browse sa internet. Katulad kagabi, mga articles tungkol kay Stas ang tinitingnan ko. Mga articles na isinusulat ni Howard Benitez. May idea naman ako sa mga illegal na gawain ni Stas pero itong mga isinusulat ni Howard ay talagang magpapatunay kung gaano siya kasama. Naroon ang mga taong pinaghihinalaang pinatay niya, mga taong tinakot niya, mga lugar na kinamkam niya. There were so much illegal activities. Hindi ba natatakot ang Howard na ito sa mga inilalabas na articles against Stas? The devil could easily crush him down if he wanted to. Bakit kaya hindi pa ginagawa ni Stas?

Saglit akong napahinto. Just like me. Stas could easily crushed me but he never did. I knew it. This was his play. He loves to taunt his victims. He loves to play games and instill fear in their head. I chuckled. Sorry, Mr. Rozovsky. I am not going to be one of the players in your games. I am not going to be one of his playthings that he can toss and turn whenever he wanted. I would be stronger than anyone and I'll be the biggest threat in his life.

Napatingin ako sa pinto nang marinig kong may nag-buzz doon. Agad na may bumundol na kaba sa dibdib ko dahil baka bumalik ang demonyong si Stas. Tumayo ako at sumilip sa peephole ng pinto at napaikot ang mata ko nang makilala iyon.

"What is with today? Asshole day?" Inis na bulalas ko sa sarili ko habang sumilip uli sa peephole at kita ko ang inip na mukha ni Jaime sa labas.

Muli ay nag-buzz siya kaya napilitan na akong buksan ang pinto. Ang sama ng tingin ko sa kanya at nakangiti lang siya ng nakakainis sa akin tapos ay agad na pumasok sa loob. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya habang isinasara ko ang pinto.

"What do you want, Jaime?" Inis na baling ko sa kanya at muli akong naupo sa harap ng mesa para ipagpatuloy ang pagkain ko.

"Oatmeal? Baka masyado ka nang sumeksi niyan," nakangising komento niya.

"Tell what you're doing here?" Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

Lumapit siya at naupo sa harap ko. "I've heard what happened to your meeting with Stas." Nakangisi pa rin si Jaime at alam kong alam na niya ang kinalabasan ng meeting na iyon kaya ganito kasaya ang mukha niya. "He rejected you."

Napairap ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Sinabi ko na sa iyo, hindi madaling mabilog ang ulo ni Stas." Dumukwang pa si Jaime at idinutdot ang daliri sa kinakain kong oatmeal tapos ay isinubo iyon.

Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya tapos ay sa kinakain ko. "What the fuck?" Nandidiri kong tiningnan ang pagkain at inis na inilayo sa harap ko. Nawalan na ako ng gana.

"Now I got your attention." Natatawa pang sabi nito.

"Will you please leave?" Tumayo na ako at dinampot ang kinakain ko at inilagay sa lababo. Tumayo din siya at sumunod sa akin kaya inis ko siyang tiningnan.

"I told you, whatever plans you have with Dad it will not push thru. Suicide kasi 'yang iniisip n'yo. Sa tingin n'yo mapapabagsak n'yo basta-basta si Stas? Baliw lang ang nakakaisip gumawa noon. I am telling you, mas magiging maayos ang mga plano, ang mga bagay-bagay kung tayong dalawa ang magpapakasal." Ngumisi pa siya ng nakakainis sa akin.

"Eww," asar kong sagot at nilampasan siya. Bumalik ako sa sala at pasalampak na naupo sa couch na naroon.

"What's eww with me? Sofia, I am a good catch." Pagmamayabang pa ni Jaime.

"What's eww? People know that we are brother and sister. Tapos iniisip mo tayo ang magpakasal? You are freaking crazy, Jaime. The drugs you took over the years fried your tiny brains already."

"What's crazy about that? That is the most logical thing to do. In our world, everything people wanted is power. Personal feelings should be set aside. Dad wanted power for so long but, he always come second from the Rozovsky's. Nakakapagod laging pangalawa. Nakakapagod laging taga-sunod sa mga utos nila. Bakit hindi natin palakasin ang kung anong meron tayo? We don't need those assholes. We can do it together. Us. For our family." Seryoso na ngayon si Jaime habang nakatingin sa akin.

Inirapan ko lang siya at napatingin sa pinto nang may mag-buzz ulit doon. Tumayo ako at sumilip. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong si Daddy ang nakatayo doon kaya agad kong binuksan ang pinto.

"Iha," nakangiting bati niya at agad na yumakap sa akin. Pero nawala din ang ngiti nang makitang naroon si Jaime at maasim lang na ngumiti kay Daddy. "What are you doing here?" Tanong ni Dad dito.

"Visiting her," tumawa pa nang nakakaloko si Jaime.

Nagpapalit-palit ang tingin ni Dad sa amin ni Jaime pero umiling lang ako at muling napaupo sa couch. Tiningnan ko lang silang mag-ama. Halatang-halata ang pagka-disgusto nila sa isa't-isa.

"Whatever plans you have in mind, shut it. Hindi matutuloy iyon." Patiuna ni Daddy at tiningnan ng masama si Jaime.

Doon na sumeryoso ng mukha si Jaime. "Why? Because you think your plan is more brilliant than mine? Ipapakasal mo siya kay Stas? Now what happened?" Tumawa ng malakas si Jaime. "Ano ngayon ang gagawin mo na tinanggihan iyon ni Stas? That devil can sniff if you are concocting something against him. Hindi mo pa nauumpisahan, binaril na niya agad ang plano mo."

Nagtagis ang bagang ni Daddy. "Get out."

Naipagpasalamat kong tumayo na si Jaime at tinungo ang pinto. Tumingin pa sa akin at napapailing na tuloy-tuloy lumabas. Siguradong kung sumagot pa si Jaime, hahaba pa ang diskusyon nila ni Daddy.

"Thank God," iyon na lang ang naibulalas ko at talagang para akong nakahinga ng maluwag nang makaalis si Jaime.

"Whatever crap he is telling you, don't believe it." Napahinga ng malalim si Dad at tumabi sa akin tapos ay ngumiti ng mapakla. "And about Stas."

"I know, Dad. His rejection for that arrange marriage is a game changer. What are we going to do now?"

Hindi agad sumagot si daddy at tumingin lang sa akin. "Well, I always have a plan B."

"Ano? Makikipag-usap uli tayo sa kanila? The man definitely doesn't want any marriage. It's over. What if bumalik na lang ako sa Amerika? There is another way to bring that man down even if I am miles away against him."

"You are just going to give up without a fight?" Natawa ng nakakaloko si Daddy. "Hindi kita nakilalang naggi-give up agad. Iyon lang ang nangyari bibitaw ka na? I told you I have a plan B."

"And what is it?"

"You are going to marry Dmitri Botkov instead."

Napaawang ang bibig ko. Sino daw? "Dmit... who?"

"Dmitri Botkov. He is the leader of the Red Odessa group."

"I don't know who is he, Dad." Napatayo na ako at gulat na gulat ako sa sinabi niya. "Our plan is Stas. Ano 'to ngayon? Bakit kung kani-kanino mo ako ipapamigay?"

Hindi inintindi ni daddy ang sinasabi ko. "Magaling kang researcher then start to search about Dmitri. He is our plan B. He is the ultimate rival of Stas. We need him if we want to have additional power."

"But I don't know him!" Protesta ko.

Tumalim na ang tingin sa akin ni Daddy.

"You don't know Stas either. Pareho lang naman sila. Parehong ganid sa kapangyarihan. Parehong mamamatay-tao. The only difference is Dmitri didn't kill your parents."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya at nagtagis lang ang mga ngipin ko. Lumapit sa akin si Daddy at lumambot ang mukha habang nakatingin sa akin. Marahan pang hinaplos ang mukha ko.

"I need you in this war, Sofia. You are my ultimate weapon. I cannot do this without you. Hindi dahil sa tumanggi si Stas ay basta na tayo bibitaw," umiling siya. "We always need to look for another way to bring them down and Dmitri is the answer."

"But Dad..."

Sinenyasan niyang tumahimik ako. "That's the best option that we have. Trust me on this. You will have your revenge even if you don't end up with Stas. You will see him crumble to the ground."

Hindi na lang ako kumibo pero hindi ako kumporme sa sinasabi ni Daddy. Hanggang sa magpaalam siyang umalis ay iniisip ko ang sinabi niya. Nagsimula akong mag-research tungkol kay Dmitri at totoo ang sinabi ni Dad. The man was a monster. There were lots of articles about him being the madman who kills people without mercy. Labas-masok sa kulungan. Notorious drug smuggler pero hindi makasuhan dahil matindi ang mga connections. True enough, this Dmitri and Stas were the same. Both monster and needed to be put down.

Pakiramdam ko ay sumakit ang ulo ko dahil sa nalaman ko. Kung noon kay Stas ay buo ang loob ko na mapakasal sa kanya, hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba kay Dmitri. Sa hitsura pa lang ng lalaking iyon mukhang talagang hindi na gagawa ng matino. The tattoos all over his body was a reminder to people how cruel he can be. And my dad was giving me away to this man? He was really that desperate.

Pissed, I decided to go out and have a little walk. My place was located at the heart of BGC at pagbaba pa lang ng unit ko sumalubong na sa akin ang napakaraming establishments kung saan puwede akong kumain, mamili ng mga gamit. Nag-stroll ako sa paligid at nakita ko ang mga mamahaling boutique ng damit. Naalala kong wala nga pala akong mga matitinong evening dress or party dress. Naisipan kong bumili. I decided to party out tonight. By myself. Sanay naman akong lumalabas mag-isa lalo na kapag gusto kong mag-isip.

Nang matapos ako ay bumalik ako sa unit ko. Sinukat ang mga damit tapos ay nagbabad sa bathtub. Gusto kong ma-relax. Sa dami ng mga nangyayari ngayon, pakiramdam ko ay sasabog ang utak ko. Nakapikit ako habang nakasandal at nakababad ang katawan sa bathtub. Sa isang kamay ko ay hawak ko ang isang wine glass na may lamang wine.

I wanted to clear my head for a bit. Away from all the thoughts about my dad was telling me. About Jaime being a prick. About the new monster that my dad told me. That Dmitri. I wanted to be free, away from all their thoughts. Away from all the chaos their dark world was bringing into me.

But then, there was Stas.

His domineering nature, his ruthless ways, he being the devil that corrupts others.

I remembered how he touched my skin. I remembered how I smelled his breath. Even it reeks authority. My hand automatically went down to my belly where he touched it. I slowly caressed it under the bubbly water reminiscing how his hand touched my skin. The button of my shorts that he easily unbuttoned, the zipper...

My eyes were still closed while I remembered everything about him. His breath, his manly smell. I hated him but I couldn't deny the fact that I found him secretly attractive.

I was wondering where his hand could land if he didn't stop earlier. He was trailing his hand against my skin. It was warm and it was sending chills of excitement down my spine. Down to my stomach, down to my abdomen, down to my...

Doon ako napamulat ng mata at napatingin sa kamay ko na nasa ilalim ng mabulang tubig. Hindi ko man nakikita pero nanlalaki ang mga mata kong nakatingin doon.

Because I could feel my hand, my fingers between my thighs.

I was touching myself!

Dali-dali kong inalis ang kamay ko doon at mabilis na umahon sa bathtub.

"Jesus! What the hell is wrong with me?" Pakiramdam ko ay nandidiri ako sa sarili ko dahil sa nagawa ko. I never do that kind of thing in my life. I would never touch myself. And I was thinking about Stas? Eww. Yuck. That beast. Sinasabi ko na talagang demonyo ang isang iyon. Dini-demonyo niya ako.

Mabilis akong nagbanlaw ng sarili at nagbihis. Isinuot ko ang bago kong biling damit. I will go out. I will treat myself and definitely tonight I won't be thinking about Stas. I won't be thinking about anything else.

I decided to go to Fire Palace. I hated that place and the owner of it but definitely the bar inside the hotel gives a chill vibe that could help anyone to unwind. Hindi ko pinapansin ang tingin ng mga tao sa akin habang naglalakad ako papasok. Dumeretso ako sa bar kung saan kami unang nag-meet ni Stas. Pinili ko ang isang lugar sa isang sulok. Ayaw kong magambala ng kahit na sino kaya dito ako pumuwesto sa hindi ako mapapansin ng mga tao.

Gumagala ang tingin ko sa paligid tapos ay umorder ako ng vodka tonic sa waiter. Dalawa agad para mabilis na tumama sa akin. True enough, pagkaubos ko ng dalawang baso ay magaang na ang pakiramdam ko. Masaya at makulay na ang buong paligid. The music was upbeat, people were dancing and I was tempted to do the same. I ordered for another round and i was already smiling by myself.

I could hear people around me screaming, laughing wildly. People were happy and I couldn't take off the smile on my face. I stood up and went to the dance floor and started to dance. The alcohol gave my body a reason to be untamed. I needed this release. I needed to let out myself.

There were people dancing with me. Strangers that began to dance near me. Unfamiliar faces that smiling and laughing at me. Talking to me. Asking my name while I could feel their hands were touching me. I didn't mind. We were here to be happy. To be wild.

Until a stranger started to dance with me. Looking at me with eyes full of lust. I smiled at him while we continued to dance. He was getting touchy and I felt his hand traced the side of my curves.

Dapat ay nagagalit na ako dahil hindi ko kilala ang lalaking ito. Pero masaya ang lahat sa paligid ko kaya dapat ako din at alam kong dala lang iyon ng alcohol na nainom ko. Tonight was a wild night and I needed to get wild. Lalong lumapit pa sa akin ang lalaki at akmang hahawakan ang mukha ko pero may kamay na pumigil noon tapos ay itinulak ang lalaki.

Napasigaw ako nang bumagsak ang lalaki sa sahig dahil may tumulak dito at nanlalaki ang mata ko nang tingnan kung sino ang gumawa noon.

Si Stas iyon at ang sama-sama ng tingin nito sa lalaking naroon at takot na takot na nakatingin sa kanya.

"M-Mr. Rozovsky!" bulalas ng lalaki.

"Take him out. Cut his hand that touched my fiancée," he hissed. Napahinto ang mga tao sa paligid ko na nagsasayaw lang kanina. Shocked sa nangyaring gulo.

Wait, what? Did I hear him say that? What the fuck was he talking about?

"Mr. Rozovsky! Hindi ko po alam!" naiiyak na sabi ng lalaking kasayaw ko lang kanina habang hawak ng mga tauhan ni Stas.

"Get him out. I want to see his severed hand on my fucking table," muli ay utos ni Stas habang nagngangalit ang hitsura na nakatingin sa lalaking halos nagmamakaawa sa kanya.

"Wait. No! Stop!" pigil ko at humarap sa kanya. "What the hell are you doing?"

Rinig na rinig ko ang pagkagulat ng mga tao sa paligid ko dahil sa paraan ng pagkakausap ko kay Stas. Natatakot sila sa lalaking ito? Ako hindi. Kahit siya ang may-ari nitong lugar na ito, wala siyang karapatan na guluhin ang pag-a-unwind ko. I am a paying customer.

"He was touching you," he said that between his teeth.

"And? What the hell was wrong with that? We were dancing!" Sagot ko.

Tiningnan lang ako ng masama ni Stas tapos ay inilapit ang mukha sa mukha ko. Napalunok ako at bahagyang napaatras.

"No one is allowed to touch you. No one is allowed to look at you. Because right now, you are mine. You belong to me. You will be married to me." He said that in between his teeth.

Napaawang ang bibig ko sa sobrang kabiglaan ng sinabi niya. What the hell was he talking about? He just told me he didn't want to marry me.

"You are my fucking fiancée and soon to be my goddamn wife."

Pagkasabi niya noon ay hinawakan niya ang kamay ko at pahila akong inilabas sa bar na iyon. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top