CHAPTER TWENTY | YA MAMA

Trust no one whose mouth smiles but his face does not – James Worth Barclay Sr.

CRUEL BASTARD

CHAPTER TWENTY | YA MAMA

MARCUS

Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Laurel nang marinig ang sinabi ng security na bumitbit palabas kay Verden. Malayo na ay naririnig ko pa ang malakas na pagsisigaw ng doctor pero hindi ko na lang pinansin. Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Laurel. Halatang nataranta siya sa nalaman at talagang hindi makapaniwala doon.

"Arcus, totoo ba?" Si Wanda na ang nagsabi noon na katulad ni Laurel, gulat na gulat din sa nalaman. "Three hundred million?"

Kaswal lang akong tumango. Sa totoo lang, nang sabihin iyon ng kausap ni Uncle Fedor kagabi alam kong malabo ko nang mabili ang ospital na 'to. Inaasahan ko na nga na papagalitan ako ni Uncle Fedor dahil sa kaimposiblehan ng sinasabi ko. Ako? Bibili ng ospital? Wala nga akong ideya kung paano ang set-up sa ganito. Pero isa lang ang tinanong sa akin ni Uncle. Kung gusto ko daw ba. At kung worth it daw ba ang kapalit kung gagasta ako ng ganoong kalaking halaga. Ang naisip ko agad ay si Laurel. To impress her. And I said yes. Then without second thoughts, Uncle Fedor pulled the strings. Talked to people. I didn't know how he did it but early this morning, I got a call from him and he told me that I already own a hospital.

Hindi ako makapaniwala. How could he pull a stunt like that? Basta sinabi lang niya sa akin na siya na daw ang bahala at maghintay na lang ako sa tawag niya. Pagkatapos kong maka-receive ng tawag sa kanya at papuntahin niya ako sa bahay niya, doon ko nalaman na kausap na niya ang may-ari ng ospital. Si Victor Manansala. Matanda na nga at nasa wheelchair. Kasama ang ilang abogado at sa harap ko tinanong niya ang matanda kung sakaling ibebenta ang ospital, magkano ang presyo nito.

Tumatawa lang ang matanda. Siguro nga kasi alam nitong imposible ang sinasabi ni Uncle Fedor. Parang joke nga lang ang sinabi nitong three hundred million. Pero seryoso si Uncle. Pagkasabi noon ng matanda, agad na may mga tinawagan si Uncle at ilang sandali pa ay sinasabi na ni Uncle na tingnan ni Victor Manansala ang bank account. Akala ko nga ay aatakehin sa puso ang matanda nang tingnan ang bank account nito. Hindi makapaniwala na nakapag-transfer na ng ganoong kalaking halaga si Uncle agad-agad.

Kaya ito. Biglang-bigla, ako na ang may hawak ng pinakamalaking share ng ospital na ito.

All because of Laurel. So, I could talk to her.

"You want a raise?" Natatawang sabi ko kay Wanda.

Lalong nanlaki ang mat anito at hinampas pa sa braso si Laurel. "Girl, bibigyan daw tayo ng raise. Hoy, Arcus walang bawian 'yan, ha? Kuripot naman kasi dito. Ang liit ng suweldo."

"I'll talk to the management and tell them to do something about it," sagot ko at ngayon ay nakatingin na ako kay Laurel na halatang gulat na gulat pa din.

"B-binili mo ang ospital na 'to?" Tingin ko ay pilit pa rin na ina-absorb ni Laurel ang mga nangyayari.

"Yes." Tumatangong sabi ko. "So, I can talk to you." Walang anuman na sabi ko sa kanya.

Impit na tumili si Wanda na parang inasinang bulate ang hitsura. Pinipigil ko rin ang matawa dahil nakikita kong natataranta ang hitsura ni Laurel. Bumuka ang bibig at hindi makapagsalita sa harap ko.

"Laurel! Lintek ka, kinikilig ako." Tumatawang sabi ni Wanda. "Finally, finally, finally! Deserve n'yo na ang second chance." Hinahampas pa ni Wanda ang balikat ni Laurel.

"Tumigil ka nga," inis na saway ni Laurel sa kaibigan at humarap na sa akin. "Ano ang sinasabi mo? Puwede mo naman akong kausapin kahit kailan."

Nagkibit ako ng balikat. "I was trying yesterday. The dinner, remember? But I know you don't want. I had to do something..." ngumiti ako. "...para mapansin mo ako."

Lalong tumili na si Wanda. Tumitili na tumatawa. "Lord, hindi pala ako sa kunsumisyon sa mga bantay ng pasyente mamamatay. Sa inggit mo pala ako papatayin."

Alam kong napipikon na si Laurel dahil hindi na niya malaman kung paano igagalaw ang sarili sa harap ko.

"You want to have some dinner? If you don't want to have dinner, coffee. Juice. Kahit water. Let's just go somewhere. Huwag dito," tumingin ako sa paligid. "Hospitals give me the creeps."

"Bakit mo binili 'to kung ayaw mo pala sa mga ospital?" Nakaangat ang kilay na sabi ni Laurel.

"Because of you." Nakatitig ako sa mga mata niya nang sabihin iyon.

"Alam n'yo," sabat ni Wanda. "Diyan na kayong dalawa. Huwag n'yo na akong inggitin." Alam kong magpo-protesta si Laurel dahil lumakad na si Wanda palayo. "Bukas na lang tayo magkita, Laurel." Kumaway na ito. "Arcus, ingatan mo 'yang kaibigan ko." Sumenyas pa ng parang manununtok sa akin si Wanda habang palayo na sa amin. Wala nang nagawa si Laurel kundi sundan ito ng tingin.

"Coffee?" Sabi ko sa kanya.

Ang sama lang tingin niya sa akin at napapailing. "Sandali lang tayo." Mariing sabi niya.

"Yeah. Fifteen minutes." Pag-a-assure ko sa kanya.

Napapailing na lang siya at lumakad na. Sumunod na lang ako at hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko mapigil ang pagngiti ko.

Alam kong nagugulat pa rin si Laurel sa malaking ipinagbago ko. Asiwang-asiwa siya nang sumakay sa kotse ko. Halos hindi nga gumagalaw habang nagbibiyahe kami. Yakap-yakap lang ang dala niyang bag at nakatingin sa kalsada. Hindi ko na lang din siya kinausap dahil baka lalo lang maasiwa.

Hindi ko sa coffee shop dinala si Laurel. Idineretso ko sa Fire Palace ang sasakyan ko at lalo lang nanlaki ang mata niya nang huminto kami sa harap ng hotel at pagbuksan siya ng valet attendant doon.

"Arcus," natatarantang tumingin siya sa akin. "Hindi ako bagay dito." Halatang kinakabahan siya.

"Sino nagsabi?" sagot ko at bumaba na sa sasakyan at lumilid para ako ang mag-alalay sa kanyang makababa. "Come on."

Hindi agad kumilos si Laurel. "Tingnan mo naman ang suot ko. Aalis na lang ako. Uuwi na ako."

Sinenyasan kong lumayo ang valet driver at hinawakan ko sa kamay si Laurel. "Let's go. No one is going to discriminate you here. This place welcomes everyone. Come on," muli ay sabi ko.

Ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng kamay ni Laurel habang inaalalayan ko siyang makababa. Agad siyang bumitaw sa akin at ilang beses na huminga ng malalim. Lumakad na lang ako at dinala ko siya sa restaurant doon. Nakatawag na naman agad dito. Tinawagan ko ang pinsan kng si Stas Rozovsky at sinabi kong may bisita akong dadalhin dito.

The Rozovsky family was very good to me. Talagang hindi nila ako pinabayaan at itinuring nila akong pamilya talaga. Lalo na si Uncle Fedor. Parang tatay ko nga siya kung mag-asikaso sa akin. Basta lagi niyang sinasabi, pangako daw niya iyon sa tatay namin ni Kuya MVP. Na kung ano man ang mangyari, hindi kami mapapabayaan. Kaya siguro talagang bumabawi ngayon si Uncle Fedor.

"Dito tayo magkakape? Mukhang hindi naman uso ang kape dito." Halatang hindi makapaniwala si Laurel at tingin ko, parang nanliliit siya sa dami ng tao na naroon.

"Yeah. Ayaw mo dito?" tumingin pa ako sa paligid. "Wala naman akong makitang masama."

Lumapit sa akin si Laurel. "Anong walang masama? Tingnan mo nga ang hitsura ko. Mukha akong palaboy kumpara sa ibang kumakain dito. Baka akalain nila nadampot mo lang ako sa kalsada."

Natawa ako. "Just sit down, Laurel." Hinugot ko ang isang silya at pilit siyang pinaupo. Halatang hindi pa rin kumportable nang makaupo siya at naupo ako sa harap niya. Ako na ang nag-order sa waiter nang lumapit sa amin. Nang dumating naman ang mga pagkain ay nanatiling walang kilos si Laurel. Tumitingin pa rin sa paligid.

Pinabayaan ko lang siya sa ginagawa niya. Mas okay nga iyon kasi mas natititigan ko siya nang mas matagal. Laurel's face didn't change. Well, a bit. Kita kasi sa mga mata niya ang hirap ng buhay. I could see loneliness in her eyes but still, she got the pretty face that I knew every young boy in our barangay fell in love. Hindi lang makaporma dahil nga bata pa lang, binabakuran ko na siya.

But then I remembered that day again. All those heart piercing words that she told me.

I felt something in my chest. My hands automatically curled into a ball and my teeth clenched. I am still looking at her innocent face while she was looking away. This was the same face that I fell in love before and this was the same face that broke my heart.

Agad akong ngumiti nang tumingin sa gawi ko si Laurel. "Eat." Itinuro ko ang mga pagkain na nasa harap namin.

Tiningnan lang iyon ni Laurel at nag-aalalang tumingin sa akin. "A-Arcus, uuwi na lang ako."

"Ano ba ang problema? You don't like the food?"

"Hindi ako bagay dito." Napalunok siya. "Hindi ako bagay na kasama mo."

Umangat ang kilay ko. "Says who?"

"Bakit mo ba ito ginagawa? Ito ba ang ganti mo sa ginawa ko sa iyo noon?"

"Ginawa mo sa akin?" Napakunot ang noo ko. "Laurel, ano ba ang sinasabi mo? Wala kang ginawa sa akin. I am doing this because I want to talk to you." Napahinga ako ng malalim. "We never had this chance before."

Hindi siya sumagot at nakatingin lang sa akin. Tingin ko ay binabasa ang hitsura ko.

"Hindi ako naniniwala na basta-basta mo na lang makakalimutan ang ginawa ko sa iyo at ng magulang ko." Ramdam ko pa rin ang pag-aalala niya.

Ngumiti ako. Ipinakita ko ang pinakamatamis kong ngiti na alam kong kahit sinong babae ay titiklop ang tuhod.

"I said it before and I am going to say it again. Wala na sa akin iyon. Right now, all I want is just to talk to you." Hindi ko inaalis ang tingin ko sa mukha niya. "To spend some time with you. Just like when we were in our barangay."

Napapikit-pikit si Laurel pero mabilis ding iniiwas ang tingin sa akin.

"Sige. Ano ang gusto mong pag-usapan natin?" Tingin ko ay wala na lang siyang magawa. "Gusto mong malaman kung ano ang nangyari sa buhay namin matapos ka naming pahiyain? Baon na baon kami sa utang. Nawala ang tindahan namin. Hindi ako nakatapos sa pag-aaral. Pati ang kapatid ko ay hindi ko na kasama. Napilitan kaming umalis sa Bayag-bayag dahil napakaraming utang na iniwan ng nanay ko doon. Ilang beses kaming nagpapalipat-lipat ng tirahan. Same old story. Bakit ako nagtitiyaga at magkatulong sa ospital? Dahil ang laki ng utang namin kay Doc Verden na binabayaran ko ng paunti-unti. Na alam kong kahit tumanda ako ay hindi ko magagawang bayaran," Mahabang litanya niya. "Ito na ang buhay ko, Arcus. Alam ko, karma ko 'to dahil sa ginawa ko sa'yo. Umikot ang mundo."

Hindi ako kumibo at nanatiling nakatingin lang kay Laurel. At dapat masaya ako sa nalaman kong nangyari sa buhay niya. Dapat sabihin kong deserve niya iyon at ng nanay niya pero itinikom ko ang bibig ko. Ipinakita kong nakikisimpatiya ako sa nangyari sa kanya.

"I never wished for that to happen to you or your family." Tanging nasabi ko. "When I left Bayag-Bayag, all I ever wanted was to have a new life and to... start all over again. Yes, I was broken hearted but I healed myself. But that doesn't mean that I hate you or your family. No," sunod-sunod ang iling ko. "I never felt hate towards you, Laurel. Kung ano ang nararamdaman ko noon sa iyo, walang nagbago doon."

Halatang hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

"I know you will say it is hard to believe. I understand. But let's have more conversation like this. We never did this before. Naaalala ko, sa may court lang lagi kita natitiyempuhan noon."

Doon na natawa si Laurel. Siguro naalala niya iyon.

"Why you didn't end up with the doctor?" Tanong ko pa.

Napahinga siya ng malalim at napailing. "Ayaw ko naman doon. Si Nanay lang ang may gusto at talagang ipinipilit sa akin."

"He could give you a better life. Akala ko nga may-ari ka na ng ospital ngayon."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Hindi ako mukhang pera, Arcus."

Nag-angat ako ng kamay na tila humihingi ng dispensa. "Sorry. I am not judging. Alam ko lang kasi na talagang gusto ng nanay mo si Verden."

"Nanay ko iyon. Hindi nila ako mapipilit. Nalaman ko na nga lang na pinautang pala ng isang iyon ang nanay ko. Isang milyon para makapag-umpisa daw uli ang pamilya namin. Ang magaling kong nanay at si Tito Rey, inubos sa walang kuwenta ang pera. Si Doc, ang hinihinging bayad, magpakasal ako sa kanya. Pero ayoko," umiiling na sabi niya. "Kahit ipinapangako niya sa akin ang marangyang buhay, ayaw ko. Hindi bale nang habambuhay akong mahirap kaysa ikulong ko ang sarili ko sa lalaking hindi ko gusto."

"Sino ba ang gusto mo?" Deretsong tanong ko.

Napatitig sa akin s Laurel at doon ko nakitang bahagya siyang nataranta at napalunok pa. Tapos ay agad na inilihis ang tingin.

"Kain tayo," tumingin siya sa pagkain at dumampot na lang ng kahit anong pagkain doon at isinubo.

"I'm just going to ask you." I cleared my throat. "Before, did you ever feel the same for me?"

Napahinto sa pagnguya si Laurel at tumingin sa akin.

"I mean, kahit konti wala ka bang naramdaman sa akin? Or, you just hated me because I was poor."

Naging mabagal ang pagnguya ni Laurel at unti-unting nilunok ang kinain tapos ay uminom ng tubig.

"Arcus, ano ka ba?" Pinilit niyang tumawa. "Akala ko ba kuwentuhan lang 'to?"

"Yeah. Kuwentuhan lang 'to. I am sure wala ka naman gusto sa akin ngayon. We are just looking back to memory lane. Minsan, masaya din mag-reminisce. Kailangan ko din minsan balikan kung saan ako nanggaling kasi nakakalunod kung nasaan ako ngayon."

Napatikhim si Laurel at bahagyang natawa. "Lahat naman ng mga babae sa barangay natin may gusto sa'yo. Sa inyo ni MVP." Sabi niya.

"Kasama ka ba d'on? Or, you don't like me because you like my brother more?" Sagot ko.

"Si MVP?" Natawa si Laurel at umiling. "Hindi ko type ang kuya mo. Si Wanda, type na type iyon. Saka 'yong mga dati naming tindera. Type ka naman ng mga iyon. Lagi kong naririnig na ikaw ang laging usapan ng mga babae doon." Hitsurang inaalala niya ang mga nakaraan.

"I am asking you. Did I ever become your type? Before?" Muli ay tanong ko.

"Arcus naman." Halatang sinadya na lang niyang kunwari ay naiinis.

"Yes or No. Come on. Kuwentuhan lang naman." Pilit ko pa.

Halatang wala nang magawa si Laurel. "Oo. Ano ba?" Kita kong namumula ang mukha niya. "Oo, type din kita. Noon. Noon iyon." mariing sabi niya. "Huwag lumaki 'yang ulo mo."

I smiled but immediately suppressed it. Sure, there was something going on with my head. The head between my thighs. It was getting big and hard and twitching inside my pants. I didn't know that Laurel's blushing would give an excitement to me.

Agad na iniiba na ni Laurel ang usapan namin. Nagtanong na siya ng tungkol sa nangyari sa buhay ko na sinasagot ko lang naman ng mga safe na sagot. Ayaw kong magbigay ng masyadong detalye sa kanya kung bakit nagkaganito ang buhay ko. Tama nang alam niya na ang tunay na pamilya namin ni Kuya MVP ay kilalang angkan at nilinis ko ang pangalan ko tungkol sa haka-haka ng buong barangay namin na inasawa ako ni Elica.

Hindi na rin naman kami nagtagal doon. Nag-aya na rin na umalis si Laurel dahil dadaanan pa daw niya ang kapatid niya. Nalaman kong sa isang kamag-anak daw nakikitira ang kapatid niya para makapag-aral. Inihatid ko siya doon kahit todo tanggi niya. Na-meet ko si Lawrence. Ang laki na rin at nagulat din nang makita ako. Hindi ko akalain na sa loob ng dalawang taon, napakaraming nagbago sa buhay ng tao. Ramdam ko ang lungkot ni Laurel habang nakikipag-usap sa kapatid niya at nakikinig sa mga kuwento nito. Nagsusumbong si Lawrence kung paano ang trato dito ng mga kasama sa tinitirahan. Ginagawa daw katulong. Sinasabi lang ni Laurel na magtiis ng konti at ituon na lang ang atensyon sa pag-aaral. Ipinapangako na darating ang panahon na babawiin niya ang kapatid. Bago kami umalis ay pasimple kong binigyan ng pera si Lawrence. Sinabi kong huwag sasabihin sa ate niya ang tungkol doon.

Nang pauwi na kami ay pilit na nagpapababa sa kanto lang si Laurel. Ayaw niyang magpahatid hanggang sa bahay niya pero hindi ako pumayag. Kahit anong tanggi niya ay wala siyang nagawa. Nang huminto kami sa tapat ng bahay nila ay agad siyang bumaba at pilit akong pinapaalis. Alam kong ayaw niyang makita ako ni Aling Lagring tapos kasama pa niya.

"Sige na, Arcus. Umalis ka," halos itaboy niya ako.

"Magma-magandang gabi lang naman ako sa Nanay mo."

"Okay ka lang? Baka kung ano na naman ang gawin ni Nanay. Umalis ka na. Dali." Halos itulak na ako palayo ni Laurel.

Pero hindi ako tuminag. Hanggang sa makarinig ako ng malakas na boses ng lalaki at babae na palapit sa pinto at nagtatalo. Nang bumukas iyon ay nakita ko si Aling Lagring na kunot na kunot ang noo tapos ay papalit-palit ang tingin sa akin at kay Laurel.

"Ano ba 'to, Laurel? Hindi ka na nga sumasagot sa tawag ko, gabing-gabi ka pa umuwi. At sino ang lalaking ito?" Tinitingnan ako mula ulo hanggang paa ni Aling Lagring. Si Mang Rey naman ay dinaanan kami tapos ay nilapitan ang kotse ko.

"Sa'yo 'to?" Tanong ng lalaki at kitang-kita ko ang paghanga habang iniikutan ang kotse ko.

"Akin ho." Sagot ko at ngumiti kay Aling Lagring.

"Pamilyar ang mukha mo." Sabi ng nanay ni Laurel sa akin. Maya-maya ay nakita kong unti-unting nanlalaki ang mata nito habang nakatitig sa mukha ko. "Arcus?"

Ngumiti ako dito. "Kumusta ho, Aling Lagring?"

Hindi makapaniwala ang hitsura ni Aling Lagring habang nakatingin sa akin. Napaatras pa nga at na-off balance pa. Agad kong inalalayan na makaupo dahil tingin ko ay nanlalambot ang tuhod.

"Arcus? Si Arcus ka na taga-Bayag-Bayag? Kapatid ni MVP?" Si Mang Rey naman iyon na hindi rin makapaniwala.

"Ako nga ho."

"T-tubig. Kailangan ko ng t-tubig," pare-pareho kaming napatingin sa lugar ni Aling Lagring na hawak ang dibdib at hitsurang hindi makahinga. Napatingin ako kay Laurel at nakasimangot lang ang mukha niya at ang sama ng tingin sa nanay niya. "L-Laurel, hindi ako makahinga."

"Okay ka kanina, 'Nay." Inis na sagot ni Laurel.

Napatingin sa akin si Aling Lagring tapos ay lalo nang umarte na nahihirapan huminga.

"H-hindi ako makahinga," sabi pa nito.

Nagulat kami sa ginawa ni Mang Rey dahil lumapit ito kay Aling Lagring at binuhusan ito ng tubig sa mukha.

"Ayan ang tubig mo. Dami mong arte." Sabi nito at lumayo sa amin.

"'Tangina mo, Rey." Inis na inis si Aling Lagring habang pinapahid ang mukha at napapahiyang humarap sa akin. "Ikaw ba talaga si Arcus? Anong nangyari sa'yo? Bakit ganyan ang hitsura mo? Saka may kotse ka na? Ibinahay ka na ng matrona mo?"

"'Nay!" Saway ni Laurel.

Ngumiti lang ako at tumingin sa gawi ni Laurel. "Alis na rin ako, Laurel. Magkita na lang tayo sa ospital." Bumaling ako kay Aling Lagring. "Sige ho, Aling Lagring. Kumusta na lang po ulit." Lumakad na ako pabalik sa kotse ko pero bumalik din at dumukot ng ilang lilibuhin sa bulsa ko at iniabot ko kay Aling Lagring. "Pang-meryenda n'yo bukas."

Nakita kong ang lapad ng ngiti ni Aling Lagring nang kuhanin ang pera kahit na nga sinasaway ni Laurel. Lalong lumapad ang ngiti nang makita limang libo iyon.

"Aba, Arcus. Ibang-iba ka na ngayon. Yayamanin na ang hitsura mo. Pati ang kotse mo. Mahal 'to," si Mang Rey naman 'yon.

Dumukot din ako ng pera sa bulsa at iniabot naman iyon kay Mang Rey. "Pang-yosi ho."

Tulad ni Aling Lagring, ang lapad din ng ngiti nito at agad na kinuha iyon. Dumeretso na ako sa kotse ko at bago sumakay ay kumaway kay Laurel na simangot na simangot ang mukha.

Nang makasakay ako sa kotse at paandarin iyon paalis doon ay unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ko. Alam kong kung titingin ako sa rear-view mirror, makikita ko ang pagkadilim noon.

Seeing Aling Lagring again brought back so much painful memories. It brought me back to those times that I felt so small and useless.

I stopped at a red traffic sign and looked at myself from the rear-view mirror. I made a fake smile for myself. This was the face I was showing to people. The fucking fake smile that they see every day. They never knew that it was just a façade that I wanted them see. Because when they look deep in my eyes, they would see the opposite.

Anger. Pain.

I took a deep breath and focused myself on the road.

So much for my fucking comeback. 

-----------

This story is already complete in Patreon https://www.patreon.com/c/helene_mendoza and VIP group. Message Helene Mendoza's official FB page for details.

Cruel Bastard is also available in EBOOK copy just check this link https://payhip.com/b/wdtpz

Physical books are also available but currently SOLD OUT. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top