CHAPTER TWENTY-FOUR | I WILL BUY YOU A NEW LIFE
The supreme happiness of life consists in the conviction that one is loved – Victor Hugo
CRUEL BASTARD
CHAPTER TWENTY-FOUR | I WILL BUY YOU A NEW LIFE
MARCUS
"Maaga pa naman. Huwag na muna tayong umuwi."
Hindi ko binibitiwan ang kamay ni Laurel habang hinihintay kong dumating ang sasakyan kong kinuha ng valet driver. Tumingin ako sa relo at nakita kong pasado alas-nuebe pa lang.
Halatang asiwa pa rin siya na hawak ko ang kamay niya. Mukha hindi sanay na hinahawakan ng iba ang kamay niya. Wala bang ibang naging syota ang babaeng ito?
"Gabi na rin. Ihatid mo na lang ako. Maaga pa akong papasok bukas." Hindi niya magawang tumingin sa akin. Ramdam kong nanlalamig ang kamay niyang hawak ko.
Natawa ako. "Maybe you forgot that I own that hospital, Laurel. If you don't want to go to work tomorrow, it would be fine." Sabi ko sa kanya at tinapunan ng tingin ang kamay niyang hawak ko. "You're cold," iniangat ko pa ang kamay niya at hinalikan iyon. Lalo nang nanlamig si Laurel at halatang hindi malaman kung ano ang gagawin. At gusto kong humalakhak ng malakas. Kahit kailan hindi ko nakitang ganito si Laurel na nahihiya sa akin at parang makahiyang tumitiklop. Nagka-edad ako sa barangay namin na sunod nang sunod sa kanya at lagi lang niyang itinataboy. Ngayon, konting bola, konting pang-uuto, bigay na bigay na ang babaeng ito.
Pera lang talaga ang katapat ng lahat ng tao.
"Hindi lang kasi ako sanay," alanganing ngumiti si Laurel.
"Saan? Kapag hinahawakan ang kamay mo?" Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya. "Wala bang ibang nakahawak sa kamay mo?"
Umiling siya. "Wala naman akong naging boyfriend. Wala naman kasi sa isip ko iyon. Ang tanging gusto ko, makaahon sa mga utang ng nanay ko kaya pukpok ako sa trabaho."
"So, ako pa lang?" Nanunuksong tanong ko.
Namula ang mukha ni Laurel. "Pati nga halik ikaw pa lang."
Lalong lumapad ang pagkakangiti ko at mabilis ko siyang hinalikan sa labi. Alam kong gusto rin naman niya ang ginagawa ko at lalo ko lang siyang pakikiligin para lalo siyang mahulog sa akin.
And when she was so into me, she got used to the rich life that I was going to introduce to her, that was when I am going to do my next step.
Leave her and marry someone else.
Kung sino man ang someone else na iyon, hindi ko pa alam. Basta iyon ang plano ko. Natutupad na nga unti-unti. Alam kong hulog na sa patibong ko 'tong si Laurel.
Inalalayan ko pa siyang makasakay sa kotse ko bago ako sumakay din. Sinasabi na niyang ihatid ko na siya pauwi pero idineretso ko sa ibang lugar ang sasakyan ko. Lalong nagtaka si Laurel nang pumunta kami sa isang condominium building. Pumarada ako doon at sinenyasan siyang bumaba.
"Dito ka ba nakatira?" Taka niya.
Umiling ako habang alalay ko siya na makasakay sa elevator. Pinindot ko ang floor kung saan kami tutungo. Hindi ko sinasagot ang mga tanong ni Laurel.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong pa rin niya.
Tinapunan ko lang siya ng tingin tapos ay hinalikan siya sa ulo. "Just remember that I want you to be comfortable all the time."
Tumunog ang elevator at bumukas iyon tapos ay pinauna ko siyang lumabas. Lumakad kami at huminto sa unit na pakay ko. Binuksan ko iyon at pinapasok ko si Laurel. Kita ko ang pagkamangha sa mukha niya nang makita ang buong paligid. Agad siyang lumapit sa balcony area ng unit at binuksan ang sliding window door tapos ay napangiti habang nakatingin sa nagkikislapang ilaw ng buong Makati Skyline.
"Ang ganda." Sa sarili lang niya naibulalas iyon.
"And this will be your view every night." Kaswal na sabi ko at naupo sa couch na naroon habang nakatingin lang sa kanya.
Kunot-noong tumingin sa akin si Laurel. "Ano?"
"This is yours. I want you to stay here from now on." Tumayo ako at tumungo sa kusina at nagbukas ng ref. Kumuha ako ng isang bote ng Corona beer at binuksan iyon tapos ay ininom. Hindi makasagot si Laurel sa narinig na sinabi ko at nakaawang lang ang bibig. Tila pina-process pang maigi kung tama ang narinig niya.
"Ano nga? Ito?" Tiningnan pa niya ang buong paligid. "Nababaliw ka ba? Wala akong pambayad dito. Halika na nga," tingin ko ay napikon si Laurel at padabog na tinungo ang pinto pero mabilis ko siyang pinigilan.
"I am not joking," natatawang sabi ko at muli ay dinala ko siya sa balcony area. Pinaharap ko siya para makita niya ang tinitingnan niya kanina at yumakap ako mula sa likuran niya. "I want you to live here, Laurel. If you are worrying about your parents, don't. I already have some place for them. If you are worrying about your brother, I took care of it already. Right now, I just want you to be comfortable. I want you to experience what kind of life I am having right now. You don't need to worry about paying the rent here. I own this." Bulong ko sa tainga niya.
Mabilis na inialis ni Laurel ang pagkakayakap ng mga kamay ko sa baywang niya at humarap sa akin.
"Hindi ako titira dito. Hindi ako bagay dito." Nag-aalalang sabi niya.
Umangat ang kilay ko. "Says who? Bagay na bagay ka dito, Laurel. Actually, when I bought this place, you are the only person in my mind. You are the only reason I wanted to strive hard." Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang mukha niya. "I wanted to buy you a new life. A life that you truly deserve."
"H-hindi ko kayang tumapat sa buhay na mayroon ka na ngayon." Naiiyak na sabi niya.
HInalikan ko siya sa labi. "Don't argue with me. I planned everything already. You will live here. I will support you in everything. Money. Clothes. Shopping. Everything you ask from me I will give it to you."
"Binibili mo ba ako?"
"No. I am just in love with you and I want you to be happy now that you are with me." Nakangiting sabi ko.
Muli ay tumingin sa paligid ng unit si Laurel tapos ay sa akin. Nag-aalala pa rin ang hitsura.
"Baka malaman ng ibang tao. Pag-uusapan ka nila."
"Fuck them. My only concern is your happiness." Hinahaplos ko ang mukha niya. "So, it's a yes? You're going to live here?"
Alanganin pa rin si Laurel. "Sila nanay kasi..."
"Sabi ko nga huwag mo na silang intindihin. I got it covered already. Come here," hinawakan ko siya sa kamay at dinala ko siya sa silid na naroon. Pagpasok ay lalong namangha si Laurel. Nakita niya ang isang glass cabinet na punong-puno ng mamahaling mga bags at sapatos. My cousin Stas helped me to do this. I asked him what were the things that women want. He said women loved luxury things. Bags. Shoes. Jewelries. He told me the brands that he always gave to his women. He endorsed me to a stylist that works in his hotel and the stylist did all of this.
And the way I see Laurel was reacting right now, the stylist did a great job.
"O-original 'yang mga 'yan?" Halatang hindi makapaniwala sa nakikita niya si Laurel.
"Open the cabinet and see it for yourself. All of those are yours after all." Sumandal ako sa dingding ng silid at pinapanood lang si Laurel sa ginagawa niya.
Umiling siya. "Hindi naman ako marunong magtingin ng orig at fake. Secosana nga lang ang gamit ko noon o kaya mga canvass bag o eco bags na free sa mall."
Ako na ang lumapit sa sa glass cabinet at binuksan iyon tapos ay kinuha ko ang isang itim na bag na Goyard ang tatak at ibinigay ko sa kanya. Ayaw pa ngang kunin iyon ni Laurel kung hindi ko ipinilit.
"Para sa'yo lahat 'yan. Bags. Shoes," lumakad ako sa isa pang cabinet at binuksan ko rin iyon. Punong-puno naman ng mga damit. "Clothes."
"Hindi ko naman 'yan magagamit. Alangan naman papasok ako sa ospital at maglilinis doon tapos naka-ganyang bag pa ako." Nilapitan niya ang cabinet at may kinuhang isang pares ng stiletto na Miu Miu ang tatak. "Isusuot ko ba 'to habang nagma-mop ng hallway ng ospital?"
"I want you wear that while modelling in front of me." Kumindat pa ako sa kanya. "Wearing only those shoes." Makahulugang sabi ko.
Kunwa ay sinamaan ako ng tingin ni Laurel pero natatawang ibinalik iyon sa cabinet. May dinukot ako sa bulsa ko at iniabot iyon sa kanya.
"Ano 'yan?" taka niya at hindi kinukuha ang ibinibigay ko.
"For your allowance."
"Ano? Anong allowance? May trabaho ako. Sumusuweldo ako."
Kinuha ko ang kamay niya at inilagay doon ang black Amex credit card at isang ATM card.
"Keep it. Use it. Whatever you wanted to buy, buy it. Ayaw ko lang na pagdating sa pera ay namumoroblema ka. Naranasan mo na iyon noon 'di ba? Remember when Mang Rey spent your tuition money?" Paalala ko.
"Tapos binayaran mo ang tuition ko," ramdam kong nahiya si Laurel nang sabihin iyon.
"Sabi ko nga sa'yo, noon hanggang ngayon para sa'yo lang ang iniisip ko. Lahat ng nangyari sa buhay ko, kasama ka doon. Lahat ng pangarap ko. Kaya kung ano man ang nararanasan ko ngayon, gusto kong maranasan mo rin." Hinawakan ko ang mukha ni Laurel. "Masarap ang maging mayaman, Laurel. 'Yong nabibili mo lahat. Nararanasan mo lahat nang wala kang iniintindi na bukas paano kakain. Paano ang mga gastusin. Kapag ako ang kasama mo, wala kang po-problemahin."
"Pero sanay naman ako sa hirap." Katwiran niya.
Lumukot ang mukha ko at umiling. "Sinabi ko rin iyan noon pero hindi pala. Iba kapag nasa itaas ka na. Mas masarap ang pakiramdam. Kaya tanggapin mo 'yan. Tanggapin mo ang lahat ng ibinibigay ko. Trust me, once you tasted it, it's addicting and you'll keep coming back for more."
"Bakit? Na-addict ka na ba sa yaman na tinatamasa mo ngayon?"
Tumango ako. "But you know there is always something missing. Even if I had it all before, something is lacking." Titig na titig ako sa mukha niya. Ramdam ko na. Konti na lang talagang hulog na hulog na 'tong si Laurel. Walang kahit na sino ang makakatanggi sa offer ko na ito. Kahit si Roni ay hindi ko binigyan ng ganitong klaseng perks. Sure, she was earning so much from me but what I was offering to Laurel was no way could equal to anything I spent to someone.
"May kulang pa? Mukha namang nasa iyo na lahat."
Tumango ako. "Meron. Ikaw. Wala namang silbi ang lahat ng yaman ko kung wala ka sa tabi ko at maibigay ko sa'yo ang kung anong meron ako. This is for you, Laurel. All I have is for you."
Nakita kong namasa-masa ang mata ni Laurel at napapikit-pikit pa.
"Enjoy your new life. Gusto kong masanay ka sa ganitong buhay dahil ganito na ang mararanasan mo kung sa susunod ay papayag ka nang magpakasal sa akin."
Malakas akong hinampas sa braso ni Laurel. "Baliw ka talaga, Arcus! Para kailan ka lang bumalik, kanina lang kita sinagot tapos kasal ka diyan."
Natawa ako. "Tingin ko doon din naman tayo papunta. Bakit? Hindi mo ba nakikita ang sarili mong mapapakasal sa akin?"
Nahihiyang tumingin siya sa akin. "'Yong totoo?" napahinga pa siya ng malalim. "Naiisip ko iyon noon. Naiisip ko nga sa court lang tayo ikakasal tapos bisita natin sila Boyet at ang buong taga-Bayag-Bayag. Pero hanggang sa isip ko lang iyon kasi nga..." tumingin pa siya sa akin. "Katulad mo mataas din ang pangarap ko noon at hindi ko nakikita na aasenso ang buhay ko sa iyo."
"And here we are now." Hinila ko siya palapit sa akin. "Here we are," unti-unti ay seryoso akong nakatingin sa mga mukha niya.
"Saka nakita kita noon na may kahalikan kang may-edad na babae. Tapos nalaman ko ang mga ginawa mo. Kalat na kalat sa buong barangay na pumapatol ka sa matrona. Nasaktan ako noon. Nagselos ako."
Tingin ko ay nahihiya si Laurel na aminin iyon pero ramdam kong totoo ang sinasabi niya.
"I'm sorry. That will never happen again. I promise, you will be the only woman in my life. The one that I will love for the rest of my life. Parinig naman. Ang tagal-tagal kong pinangarap na marinig na sabihan mo rin ako ng I love you."
Namula ang mukha ni Laurel. "Ano ka ba? Okay na 'yong ganito. Hindi naman na kailangang sabihin pa iyon."
"Come on." Pilit ko. "I just want to hear it coming from you. Mas mararamdaman kong totoo na talaga. Na sa wakas, nakuha din kita."
Naitakip ni Laurel ang kamay sa mukha at umiiling. "Basta alam mo na iyon. Nagpahalik na nga ako sa'yo."
"Please?" Punong-puno ng pakiusap na sabi ko. "I want to hear it?"
Hindi siya agad na nakakibo at nakatingin lang sa akin tapos ay napabuga ng hangin.
"I love you nga." Labas sa ilong na sabi niya. Halatang hiyang-hiya na sabihin iyon.
"What?" lalo ko pa siyang tinukso. "What did you say? Sometimes my ears have problems from hearing words."
"Arcus," banta niya.
"I didn't hear it clearly. Say it again."
Napahinga siya ng malalim at masama nang tumingin sa akin. "I love you."
"Ang hina. Hindi ko pa rin marinig."
"Leche ka, Arcus! I love you nga! Gaano pa ba kalakas na I love you ang gusto mo?"
Napahalakhak na ako at niyakap na siya. "I love you more. Dito ka na titira, ha?"
Yumakap din ng mahigpit sa akin si Laurel at tumango. Habang nasa ganoon kaming ayos ay unti-unting nawawala ang ngiti ko sa labi.
This was just the beginning.
I can't wait to see her crawling and begging at my feet once I am done playing with her.
She and her family would taste my fucking wrath that I am holding in my heart for years.
-------------
This story is already complete in Patreon https://www.patreon.com/c/helene_mendoza and VIP group. Message Helene Mendoza's official FB page for details.
Cruel Bastard is also available in EBOOK copy just check this link https://payhip.com/b/wdtpz
Physical books are also available but currently SOLD OUT.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top