CHAPTER SEVEN | COUGAR

Life is full of tough choices.

CRUEL BASTARD

CHAPTER SEVEN | COUGAR

MARCUS

Nakapasok na rin naman ako sa mga night club. Pero mga pipitsugin lang 'yon sa Bayagbayag na puro mga christmas lights ang pailaw sa labas at loob noon. Tapos ang mga babae kung sino-sino lang. Mga nakikita kong pinipilahan ng mga tambay kung saan. Wampipti. Tupipti. Talo-talo na. Nakatikim na rin naman ako ng babae. Kinse ako nang maranasan kong yumari. Ang baho pa nga kasi sa may palengke lang iyon. Tindera sa gulayan ni Aling Ising. Ano nga ang pangalan n'on? Vicky? Vivian? Vening? 'Tangina, hindi ko na maalala. Pero ang naalala ko, masarap lang sa pakiramdam sa etits nang yariin ko 'yon. Mainit pero hindi maganda ang amoy. Pagkatapos noon, meron na rin namang mga iba pa na hindi ko na maalala kung mga sino. Kadalasan talaga, mga babaeng sumasama sa inuman sa amin tapos pagkatapos handa nang makipaglabanan. Kahit saan abutan puwede. Kahit anong posisyon. Pero doon ako tinuruan ni Kuya MVP na maging maingat. Okay lang daw yumari nang yumari ng babae basta huwag bubuntisin at huwag kami mahahawa ng sakit.

Pero itong pinagdalhan sa akin ni Jerwin, ibang lugar ito. Ibang-iba sa mumurahing club na napuntahan ko sa barangay namin. Sa labas pa lang ay nakapila na ang mga mamahaling mga kotse. Mercedes-Benz. Jaguar. Rolls Royce. May Mustang at Ferrari pa nga. Halos lumuwa ang mga mata ko habang tinitingnan ang mga iyon na nakahilera sa labas ng club na ang pangalan ay Cozy Inn. Kahapon kasi ay wala ang mga ito. Sabi kasi ni Jerwin hindi naman daw big night kahapon. Ngayon ang big night kaya napakaraming customers ang narito. Harap pa lang ng club ibang-iba na. Nang makapasok nga ako dito kagabi, halos hindi ako makausap ni Jerwin. Nanlalaki kasi ang mata ko sa mga nakita ko. Halatang mayayaman ang mga tao na pumupunta dito. Karamihan ay mga may-edad na babae na mga pusteryosa. Punong-puno ng alahas ang katawan, mamahalin ang mga bag at sapatos, ang mga damit ay halatang gawa ng mga sikat na mananahi at ang mga mukha at katawan ay halatang mga retokado. Pero mababango sila.

At malilibog.

Napangiwi ako nang maalala ko ang ipinakilala ni Jerwin sa akin kagabi. Sabi ng babae, Elica daw ang pangalan niya. Fifty-two years old. Pero wala naman sa mukha ng babae na ganoon na ang edad dahil mapostura talaga at sexy pa din naman. Halatang mayaman din at ang bango. Sabi niya malungkot daw siya dahil namatay na ang asawa niya at kulang na kulang daw ang dilig niya sa kama. Nakaupo pa nga lang kami ay panay na ang himas niya sa hita ko at sa pagitan ng hita. Tuwang-tuwa pa nang makapa ang nagtatago kong sundalo at panay sabi sa akin na gifted daw ako doon.

Mainit si Elica. Walang tigil ng kakaamoy at kakahalik sa akin kagabi. Nakipag-inuman siya sa akin. Ako ang kasama niya buong magdamag at mamahaling alak ang inoorder niya para sa amin. Tapos noon ay niyaya niya ako sa kung saang parte ng club. Halatang sanay na sanay na dito ang babae. Dinala ako sa isang silid na may kama. Alam ko na naman kung ano ang puwedeng mangyari sa amin. Naupo siya doon at binuksan ang bag niya. Ipinakita ang isang bundle ng pera sa akin. Tinanong niya ako kung magkano daw ang kailangan ko. Agad kong naisip si Laurel. Ang tuition na kailangan ng babaeng mahal ko. Sinabi kong twenty-five thousand. Hindi ako nagdalawang salita at nagbilang siya doon tapos ay ibinigay sa akin. Nanginginig pa nga ang kamay ko nang kinuha ko iyon at binilang. Treinta mil. Pero agad niya akong hinila at hinalikan. Ayaw ko sana. Nandidiri ako. Kahit kailan hindi ako humahalik ng babae dahil gusto kong labi lang ni Laurel ang matitikman ko. Pero wala akong magagawa. Ito na ang pinasok kong trabaho para sa pera. Totoo ang sinabi ni Jerwin sa akin. Mabilis ang pera at madali lang ang gagawin.

Oo. Madali lang naman yumari ng mga may edad na babae. Pero ako, kung may choice ako, hinding-hindi ko gagawin ito.

Dahil si Laurel lang ang gusto kong halikan at makasama sa kama.

Kapalit ng pinambayad kong tuition ni Laurel ay ang ilang beses kong pagpapatirik ng mata ni Elica kagabi.

"'Tangina, Arcus. Panalo ka kagabi. Pulutan ka ng mga matrona sa GC nila." Natatawang sabi ni Jerwin nang makapasok kami sa club.

Napakunot ang noo ko pero hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Dumeretso kami sa likod. May mga nagsasayaw na lalaki sa stage pero sinabi ko kay Jerwin na hindi ko gagawin iyon. Okay na akong mag-table at yumari ng mga malilibog na mga matrona pero hindi ako bibilad sa stage.

"Bidang-bida ka kay Elica. Sulit daw ang bayad niya sa'yo kagabi. Mataba at mahaba daw ang sa'yo, tumirik pa daw ang mata niya sa tindi mo bumayo. Iyon ang kuwento niya kay Sylvia. 'Tanginang, Sylvia 'di pa makuntento sa etits ko. Gusto ka pang tikman. Nagalit si Elica. Ang sabi exclusive ka na daw sa kanya."

"Hindi naman ako magtatagal dito. Sinubukan ko lang para umiskor ng pera dahil nainggit ako sa'yo. Kapag nalaman ni Kuya MVP 'tong ginagawa ko, yari ako do'n. Baka ma-poksa ako ng matindi."

Naalala ko ang usapan namin kagabi ni Kuya. Nakokonsensiya ako dahil alam kong nakakagawa ng illegal si Kuya para lang mabuhay kaming dalawa. Tapos ako, ganito ang ginagawa para lang matulungan ang babaeng mahal ko. Kapag nalaman talaga ni Kuya 'to, matinding gulpi ang abot ko.

"Natatakot ka pa ba sa Kuya mo? Matanda ka na. Saka ginagawa mo naman 'to para sa inyong dalawa. Para kumita ka ng pera. Ano? 'Yong pagbabarker mo sa pilahan? Pagbubuhat ng mga pinamili sa tindahan ni Aling Lagring? Hindi mo kikitain ang kinita mo kagabi. Magkano ang ibinigay sa'yo ni Elica?"

"Trenta."

Malakas na napamura si Jerwin. "N'ong nag-umpisa ako dito wala pang diyes mil ang kinita ko. Napakarami ko pang matandang keps na inararo at dinilaan bago ako kumita ng ganoong kalaki." Napapailing pa siya. "Kung ako sa'yo, i-career mo na 'yan si Elica. Sulit ka na diyan. Regular 'yan dito. Matagal ng biyuda. At kapag may nagustuhan, talagang pinapaliguan ng pera."

Sa totoo lang, ayaw ko na nga sanang bumalik pa dito kung hindi lang nakakahiya kay Jerwin. Baka kasi sabihin niya, dahil nakakuha na ako ng pera bigla ko na lang siyang iiwan sa ere. Tingin ko kasi ay nagkaka-porsiyento siya kapag may naipapasok siya dito.

Pareho kaming napatingin sa pinto nang may tumawag kay Jerwin. Lumapit siya sa lalaking tumawag at nakipag-usap dito tapos ay nakita kong tumingin sa gawi ko. Natatawa pa si Jerwin habang tumatango-tango tapos ay tinapik sa balikat ang lalaki at muling lumapit sa akin.

"Suwerte mo. Nandiyan na si Elica. Pinapasundo ka na. Higpit ng bantay mo. Alam kasing big night ngayon at siguradong ikaw ang pagpipiyestahan ng mga matrona."

Kumunot ang noo. "Ano? Anong pinapasundo?"

"Take home ka ngayong gabi. Doon kayo magyayarian sa bahay niya." Pinatayo na ako ni Jerwin. "Gago, galingan mo lalo. Baka hindi lang treinta mil ang ibigay sa'yo no'n." May dinukot sa bulsa niya si Jerwin at dalawang kahon ng condom 'yon. "Huwag mong kalimutang gumamit nito. Kahit hindi na mabubuntis ang mga gurang na 'yon, hindi naman tayo sigurado kung sino-sino ang mga sumasawsaw sa kanila. Mahirap nang magkasakit." Itinutulak pa ako palabas ni Jerwin. "Bilisan mo. Huwag mong paghintayin. Nandoon sa parking lot naghihintay."

Napatiim-bagang ako at ibinulsa ko ang ibinigay ni Jerwin tapos ay lumakad na palabas. Palinga-linga ako hanggang sa may tumapat na kotse sa akin at bumaba ang bintana noon. Nakilala ko na si Elica iyon at nakangiti agad sa akin. Binuksan ang pinto at pinasakay ako. Sinabihan ang driver na paandarin na ang sasakyan.

"I was calling you last night. Is there a problem with the phone that I gave you?" Nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.

Kinapa ko ang telepono na nasa bulsa ko. Ibinigay nga niya ito sa akin noong nakaraan. Spare phone daw niya at para madali niya akong ma-contact.

"Nilagay ko sa silent. Sa bahay kasi ayaw kong naiistorbo. Baka magtanong ang Kuya ko." Pero ang totoo, napuyat lang ako kagabi kaka-text kay Laurel kahit hindi naman ako sinasagot. Basta send lang ako ng send ng mga messages sa kanya at masaya na ako doon. Sa dami nga ng text ko kay Laurel isang 'K' lang ang sagot niya sa akin. Pero ang saya-saya ko na n'on.

Naramdaman ko ang kamay ni Elica na agad na pumatong sa pagitan ng hita ko.

"Okay. It's fine. But tonight, this cock will be mine." Bahagya pa niyang pinisil iyon kaya napatikhim ako. Napatingin ako sa rearview mirror at nakita kong nakatingin sa gawi ko ang driver niya kaya tumawa ako ng maasim. Napailing na lang ito at itinutok na ang tingin sa salamin.

Naipagpasalamat kong hindi naman na nangharot pa si Elica. Naging busy na siya sa pakikipag-chat sa telepono niya. Nakatingin lang ako sa paligid at sa dinadaanan namin. Hanggang sa makita kong isang subdivision ang pinasok ng sasakyan. Alam ko ang lugar na iyon. Lugar ng mga mayayaman. Kahit gabi ay nalulula ako sa laki ng mga bahay na nakikita ko sa paligid tapos ay huminto kami sa isang napakalaking bahay. Mansion na yata ito.

Agad na bumaba ang driver at pinagbuksan ng pinto si Elica tapos ako ay bumaba na sa sarili ko. Ang laki ng bahay. Napapangiti pa nga si Elica habang nakatingin sa akin siguro kasi ay nakikita niyang bilib ako sa laki noon. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila papasok sa loob. Lalo akong namangha dahil ang laki din sa loob. Sa mga pelikula at magazine ko lang nakikita ang ganitong klaseng bahay.

"Feel yourself at home, baby boy. I'll be back." Sabi niya at binitiwan ang kamay ko tapos ay umalis. Ako naman ay umiikot lang ang mata sa paligid. Lumakad-lakad ako at tiningnan ang mga litratong naroon na nakasabit sa dingding at mga photo frames na nakapatong sa shelves. Halos karamihan ay mga litrato iyon ni Elica tapos ay may kasama siyang may-edad din na lalaki. Kinuha ko ang isang photo frame at tinitigan maigi iyon. Picture niya iyon kasama ang isang may edad na lalaki na hitsurang foreigner. Ngiting-ngiti si Elica tapos ay ang lalaki ay seryoso lang sa picture.

"That's my dead husband. Victor Rozovsky." Sabi niya kaya agad kong nabitiwan ang litrato at nahihiyang tumingin kay Elica. May dala siyang dalawang baso na sigurado akong alak ang laman at ibinigay sa akin ang isa.

"Bakit dito tayo pumunta?" Taka ko.

Nagkibit siya ng balikat at ininom ang hawak na alak. "So you would know what kind of life I could give you. This could be yours if you decided to stay with me."

Hindi ako nakasagot. 'Tangina, ano 'to? Ibabahay na niya ako?

"Wala ka bang anak? Hindi ka ba papagalitan ng mga anak mo sa ginagawa mo?"

Napaikot ang mata niya. "Walang pakialam ang inutil kong mga anak sa kung ano ang mga ginagawa ko." Inubos niya ang laman ng iniinom niya tapos ay tumingin sa akin. "Did you know that my real name is Mariana Leigh Mendrano Rozovsky? I am just using Elica when I am in the club. My late husband was Victor Rozovsky from the famous Rozovsky clan. If you want to know their family you can Google it. They are rich and famous."

Umiling ako at hindi sumagot tapos ay nakikinig lang sa mga sinasabi niya tungkol sa asawa niya. Ngumiti siya sa akin at sinenyasan niya akong sumunod sa kanya at lumakad kami paakyat sa itaas ng bahay.

Ang daming kuwarto doon. Nakakalula din sa laki at lawak. Pumasok siya sa isang silid at sumunod din ako. Nakatayo lang ako sa isinara kong pinto at sinusundan siya ng tingin.

"I am sleeping alone in this room for so long even before my husband died." Sabi pa at tinungo ang isang cabinet tapos ay binuksan iyon. "My stupid husband who chose a poor whore over me." Pinalapit niya ako sa kanya at nanlaki ang mata ko nang makita ko na napakaraming relo ang nakahilera doon. Ang daming Rolex. Iyon ang kilala kong tatak ng relo na naroon pero marami pang iba. May nakita pa akong Omega. Tudor. Cecil Purnell. Patek Philippe. Anong mga klaseng tatak 'to?

"Pick one." Nakangiting sabi ni Elica at itinuro ang mga relo.

"Ano?" Naguluhan ako.

"Get one. Whatever you want. It's yours. Wala na namang gagamit niyan. My useless son has a collection of his own."

"H-hindi ko alam 'to." Kahit hindi ko alam ang mga relo na 'to, alam kong mamahalin ang mga ito.

Lalong lumapad ang ngiti niya at may kinuhang isang relo. Rolex ang tatak tapos ay isinuot sa bisig ko. "There. Bagay na bagay sa'yo." Ngayon ay nakatingin na sa mukha ko si Elica. "You are so handsome, Arcus." Tumingkayad pa siya para humalik sa akin at hindi ko naman ginantihan iyon.

Pero sige siya ng halik sa akin habang ang mga kamay ay nag-uumpisang maglikot sa katawan ko. 'Tangina, ganito na talaga ang mangyayari. Magyayarian na naman kaming dalawa dahil iyon lang naman ang gusto ng babaeng ito sa akin. Ang etits kong nagpapaligaya at nagpapatirik ng mata sa kanya. Ang etits kong binabayaran niya. Bago kami mag-umpisang magsabong, may iniabot na siyang envelope sa akin. Sigurado na akong pera ang laman noon. Sabi niya para ganahan pa daw ako lalo.

Pikit-mata, pinaligaya ko na lang si Elica. Pinatirik ang mata niya sa sarap dahil alam kong iyon naman ang kailangan niya ngayong gabi sa akin. Sobrang hilig ng babaeng ito. Walang pagod kahit sige ako sa pagbayo. Ang ingay pa niya. Sige na lang. 'Tangina, masarap din naman. At least butas pa rin ng babae 'to kahit may-edad na. Okay na rin. Iniisip ko na lang si Laurel. Para kay Laurel kaya ko ito ginagawa. Titiisin kong yumari ng mga may-edad na babae para makaipon ng pera at may maipagmalaki ako sa kanya.

"W-wait..." mahinang sabi ni Elica habang sige ako sa pagbaon ng mariin sa pagitan ng hita at nasa ibabaw niya. Humihingal pa ako na takang tumingin sa kanya dahil pinapahinto niya ako.

"I-I can't breathe..." nanlalaki ang mata niya sa akin at napahawak siya sa dibdib niya.

Dali-dali akong umalis sa ibabaw niya at hinila ang boxer shorts ko at isinuot iyon. Putangina, mamamatay pa yata ang babaeng ito dahil sa kalibugan niya. Hawak niya ang dibdib niya at sige siya naghahabol ng hininga.

"Anong nangyayari sa'yo?" Kinakabahang tanong ko.

"C-call a doctor," mahinang-mahinang sabi niya at ang diin ng hawak niya sa dibdib niya. Dali-dali akong tumakbo palabas ng kuwarto at tinawag ko ang driver na naghatid sa amin dito. Sinabi ko ang nangyayari kay Elica at dali-dali itong tumakbo. Naabutan namin sa kama si Elica na hindi talaga makahinga at pinagtulungan namin na dalhin sa kotse.

"Umalis ka na pagkaalis namin. Baka abutan ka ng mga anak niya dito. 'Tangina kasing matanda 'to ang hilig sa lalaki. Pangalawang atake na niya ito habang nakikipagyarian sa kama," komento ng driver at dali-dali nang sumakay sa kotse. "Umalis ka na. Ako na ang bahala kay Ma'am." Muli ay sabi niya at pinaandar na paalis doon ang sasakyan.

Naguguluhan na sinundan ko lang sila ng tingin. Nang mawala na sila ay bumalik ako sa kuwarto at nagbihis at umalis na din doon. Habang biyahe ako at nakasakay sa taxi ay binibilang ko ang pera na ibinigay ni Elica. Mas malaki ngayon. Singkuwenta mil tapos ay may relo pa.

Napangiti ako. Ibibigay ko ito kay Kuya.

Mayamaya ay tumunog ang telepono ko. May text message akong na-receive galing kay Jerwin. Nagtatanong kung ano daw ang nangyari kay Elica dahil usapan sa GC na inatake daw ang babae. Sinabi kong nasobrahan sa sex kaya nakatawang emoticon ang ipinadala sa akin. Ang sabi niya ay ligtas na naman daw sa kapahamakan si Elica pero kailangan pang manatili sa ospital para maobserbahan. Bibigyan na lang daw niya ako ng ibang customer. Nag-thumbs up lang ako sa text niya at hindi na sumagot.

Pagdating ko sa bahay ay nagtataka ang tingin ni Kuya sa akin. Siguro ay dahil na rin sa bihis na bihis ako.

"Saan ka galing? Saka saan ka kumukuha ng magagandang damit?" Seryosong tanong niya habang umiinom ako ng tubig. "Simula pa kahapon lagi kang bihis na bihis at ang gaganda ng suot mo."

"Na-iskor ko lang. Mga pinaglumaan ni Jerwin." Pagsisinungaling ko. Ang totoo, ibinili ito sa akin ni Jerwin para presentable daw ako kapag humarap sa mga customer.

"Jerwin? 'Yong dating nakatira dito?" Paniniguro ni Kuya MVP.

Tumango ako. "Oo. 'Yong kinasal noong nakaraan."

"Pokpok daw 'yon. Yumayari ng mga bakla at matrona."

"Hindi ko alam, Kuya. Nagkita lang kami noong nakaraan tapos binigyan na niya ako ng mga damit. Ganda 'no? Dalawang beses lang daw niya itong nasuot. Puwede na siguro akong umakyat ng ligaw kay Laurel."

"Arcus, umamin ka sa akin." Seryosong sabi niya at lumapit na sa akin. "Sumasama ka ba sa ginagawa ni Jerwin? Tumuturbo ka na rin ng mga bakla at matrona?"

Napakunot ang noo ko. "Hindi. Kuya, ano ka ba? Hindi," labas sa ilong na sagot ko.

Hindi pa rin siya ngumingiti. Halatang hindi kumbinsido sa sagot ko. "Tumanda na ako ng ganito. Nagnanakaw ako para may makain tayo pero kahit kailan hindi ko naisip ang babuyin ang sarili ko para kumita ng pera."

Doon na rin ako sumeryoso. "Wala nga akong ginagawang masama. Hindi ba ako puwedeng rumaket din para makatulong din sa'yo? Ang lagay ikaw lang ang puwedeng magtrabaho?"

Halatang napikon si Kuya MVP sa isinagot ko. "Nagtatrabaho nga ako para sa iyo."

"Hindi mo ba naiisip na kulang pa rin iyon para yumaman tayo?" Kahit ako ay nabigla sa nasabi ko. Unang beses na nasagot ko nang ganoon si Kuya kaya nakita kong nagtagis ang bagang niya. "Pasensiya na, Kuya." Naisuklay ko ang kamay sa buhok ko tapos ay napatingin ako sa relo na nakasuot sa braso ko. Inialis ko iyon at iniabot ko sa kanya. "Sa'yo na 'to."

"Ano 'yan?" Walang kangiti-ngiti si Kuya.

"Na-iskor ko lang. Binenta ni Abdul. Wampipti." Pagsisinungaling ko. Tingin ko fake din naman talaga ang relo na 'to galing kay Elica. May siraulo ba naman na mamimigay ng mamahaling relo sa katulad ko? Tingin ko pang-akit lang ni Elica ang mga iyon sa mga lalaking naikakama niya sa bahay niya.

Kinuha ni Kuya ang relo at tiningnan-tingnan. "Parang orig na orig 'to, ah." Nakahinga ako ng maluwag at tingin ko hindi na badtrip si Kuya sa akin. "Ganda. Mukhang naka-jackpot ng mga benta si Abdul. Noong nakaraan may gumulpi doon kasi Polex ang nakasulat sa relo na binibenta niya."

Napangiti lang ako at umakbay pa kay Kuya. "Sa'yo na 'yan. Mas bagay sa'yo. At kapag yumaman ako, mas magandang ganyan pa ang ibibigay ko sa'yo. Maraming-maraming ganyan. Kahit dalawang braso mo at paa mo lagyan mo pa ng relo."

Mahina akong binatukan ni Kuya pero natatawa na rin siya. "Puro ka kalokohan. Ano? Aakyat ka ba ng ligaw kay Laurel?"

Tiningnan ko ang sarili ko at inamoy. "Sige, Kuya. Mabango naman ako ngayon."

"Lakad na. Nasa telahan pa nila nang dumaan ako kanina. Wala si Aling Lagring. Masosolo mo ang syota mo." Tinitingnan-tingnan pa rin ni Kuya ang relo habang isinuot niya sa bisig niya.

Mahina akong napa-yes at umalis na doon. Mabilis akong lumakad papunta sa tindahan nila Laurel.

Sigurado akong masayang-masaya siya dahil naka-exam na siya gawa ng binayaran ko ang tuition niya. At masaya din naman ako dahil ako ang naging tagapagligtas niya.  

-------

This story is already complete and ready to be binged read on PATREON and VIP. Slide a message to Helene Mendoza's FB page to know how to subscribe and read the exclusive stories. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top