CHAPTER ONE | BARKER
You must tell yourself, 'no matter how hard it is, or how hard it gets, I'm going to make it.' – Les Brown
CRUEL BASTARD
CHAPTER ONE | BARKER
MARCUS
"Bayagbayag! Bayagbayag! Isa na lang 'to lalakad na. Miss, sakay ka na. Kasyang-kasya ka pa diyan. Sexy ka naman. Konting-kembot lang siguradong swak na swak ka diyan." Ang ganda pa ng ngiti ko sa babaeng hitsurang nahihiya pa sa akin at iniipit pa ang buhok sa tainga bago sumakay sa jeep. "Mga boss na pogi, mga ma'am na maganda, usog-usog ng konti para makaupo si Miss Sexy. Upong minimum fare lang. Huwag upong Donya para magkasya si Miss Pia Wurtzbach." Lalo nang hitsurang kinilig ang babae nang maupo sa jeep. "Waluhan 'yan. Konting siksik pa."
Narinig kong nagreklamo ang mga pasahero nang sumiksik ang babae. Medyo napangiwi nga din ako dahil medyo malaki ito at talagang alanganin na magkasya sa waluhang upuan.
"Konting siksik pa. Ayan. Ganyan. Galaw-galaw tayo para makauwi na agad. Bawal ang maarte at maselan sa Barangay Bayagbayag." Binibilang ko kung kumpleto na ang mga pasahero at nang masiguro kong tama na ay kinatok ko na ang gilid ng jeep. "Lakad na. Kumpleto na." Pumunta ako sa harapan sa driver at ibinigay sa akin ang bayad ko. Agad kong inilagay iyon sa belt bag na nakasukbit sa balikat ko. Masakit na ang lalamunan ko sa kanina pa kakasigaw dito. Hindi madali ang trabaho ng isang barker. Ulan-araw ang kalaban ko dito minsan mapapaaway pa sa mga kolorum na jeep na nang-aagaw ng pasahero.
"Sipag mo naman, Arcus. Kanina lang nandoon ka sa telahan ni Aling Lagring tapos ngayon dito ka naman. Baka yumaman ka na niyan."
Natawa ako sa narinig kong nagsalita noon. Alam kong si Mang Kanor iyon na presidente ng toda dito sakayan sa Divisoria.
"Kailangan ho, Mang Kanor. Baka sakaling sagutin na ako ni Laurel kapag marami na akong pera." Tatawa-tawa kong sagot.
Napahalakhak ang may edad na lalaki na narinig na sabi ko. "Diyaske ka kasing bata. Hindi mo ligawan ng matino. Hindi 'yong aabangan mo papasok kaya magkakargador ka sa tindahan nila. Tapos pagdating ng hapon nandito ka naman at inaabangan mo dito sa pilahan. Para kang aso na susunod-sunod."
"Ayos lang naman 'yon, Mang Kanor. Sulit naman kahit magmukha akong Doberman kakasunod kay Laurel. Gusto ko talaga sa babae 'yong mailap saka suplada tulad ni niya. Mas nai-inlab ako sa kanya kapag hindi niya ako pinapansin." Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang inaalala ko kung gaano kaganda si Laurel.
"Pero alam mong hindi papayag ang magulang ni Laurel sa katulad mo. Mataas ang pangarap ng mga iyon para sa anak nila. Tingnan mo nga at kahit saktuhan ang kita iginagapang na mapag-aral si Laurel sa kolehiyo. Ano nga ang sabi ni Lagring? Kailangan na mayaman ang mapangasawa ng anak niya para maiahon sila sa kahirapan. Doktor pa nga ang target."
Napapalatak ako. "Mang Kanor, itaga mo sa adobe, sa bakal o kahit sa ulong kalbo ni Mang Pipoy," nakita kong tumingin sa akin ang assistant niya at napahawak sa ulong kalbo. "Yayaman ako at mapapangasawa ko 'yan si Laurel. Akin na 'yon."
Ang lakas ng tawa niya at napapailing. "Sige lang. Wala namang masamang mangarap." Napahinto sa pagsasalita si Mang Kanor nang may makita at napangiti agad na napatingin sa akin. "Nandiyan na ang hinihintay mo." Inginuso niya ang paparating at napangiti ako nang makita kong si Laurel iyon. Ang ganda-ganda talaga niya. Kahit gabi na, ang fresh pa rin ng hitsura sa suot na white nursing uniform. Tapos ang linis-linis ng mukha at kitang-kita ang ganda kasi naka-pusod lagi ang buhok. Siguro kung magiging nurse na talaga si Laurel, mas lalong bagay sa kanya. Nai-imagine ko kung gaano siya kaganda na nurse uniform na ang suot niya tapos ako ang ginagamot niya. Tapos magyayarian kami sa kama ng ospital. Parang mga napapanood ko sa porn.
'Tangina tinigasan naman agad ko naisip ko lang 'yon.
Dali-dali kong inayos ang sarili ko at isinuot ang polo na nakasukbit sa balikat ko. Inayos ko pa ang buhok ko at kinuha ang pabango na laging nakalagay sa bulsa ko. Kahit naulanan at naarawan ako ngayon, nag-spray pa rin ako ng pabango para naman mabango ako kapag lumapit kay Laurel.
Hindi ko pinapansin ang mga taong nagtatakipan ng ilong nila sa tuwing mapapadaan ako. 'Tangina ng mga 'to. Hindi maka-appreciate ng mahal. Hindi ba nila alam na mahal ang bili ko sa cologne ko? Tinawaran ko pa ng wampipti sa bangketa ng Sto. Cristo. Prada daw 'to at imported kaya binili ko talaga. Para naman matuwa sa akin si Laurel dahil mabango ako kapag tumabi sa kanya.
"Ano ba 'yan ang baho naman? Bakit amoy bulaklak ng patay?"
Hindi ko pinansin kung sino ang nagsalita noon at ngiting-ngiti ako nang makalapit kay Laurel. Hindi muna ako nagpakita sa kanya. Pumuwesto ako sa likod niya at nakangiti na pinapakinggan ang pag-uusap nila ng kaibigan at kaklase niyang si Wanda.
"Bakit ang baho naman? Wala ka bang naamoy? Naging amoy patay." Bulalas ni Wanda at nagtakip ng ilong.
"Oo nga. Baka kasi ano... dumikit sa damit natin 'yong amoy ng formalin sa laboratory." Sagot naman ni Laurel at inamoy pa ang sarili.
'Tangina, Laurel. Pati boses mo ang ganda. Tinitigasan talaga ako. Ang sakit-sakit ng etits ko.
"Hindi. Wala naman akong naamoy kanina. Ngayon lang talaga." Lumingon pa si Wanda kaya mabilis akong nagtago para hindi nila makita.
"Hayaan mo na. Maligo na lang tayo pag-uwi sa bahay." Natatawang sabi ni Laurel.
"Himala. Wala ang stalker mong tambay." Komento pa ni Wanda at muli ay tumingin sa paligid. "Walang asong susunod-sunod sa'yo."
Napaikot ng mata si Laurel. "Mabuti naman. Ang kulit n'on. Napapagalitan na ako ni Nanay dahil sa kakasunod ng lalaking 'yon. Kaninang umaga nandoon na naman sa tindahan at nakaabang sa mga magpapabuhat na mga namimili."
Napahalakhak ang kaibigan niya. "Pero aminin guwapo 'yong si Arcus. Sila ng Kuya MVP niya. Ganda pa ng katawan. Naglalaway ako doon kapag nakikita ko sa labas ng tindahan n'yo at nag-aabang ng magpapabuhat ng mga tela. Ang muscle, juskolord. Galit na galit."
"Kahit siya pa ang maiwang guwapo dito sa Barangay Bayagbayag, hinding-hindi ko papatulan 'yon. Hindi ko pinangarap na magdildil ng asin kasama ang lalaking iyon. Saka alam mo naman kung anong klase ang magkapatid na 'yon. Notorious snatcher ang kuya niyang si Arcus."
Snatcher si Kuya? Hindi naman kaya. Para nangunguha lang ng sobrang pera ng mga mayayaman. Lagi ko naman iyong naririnig kay Laurel. Lagi ko ring naririnig na sinasabi ng nanay niya at tatay niya. Pero alam ko sa sarili ko na type din ako nitong sa Laurel. Type kami ng lahat ng mga babae sa barangay namin. Kami lang ng Kuya MVP ko ang magandang lalaki doon. Ang dami nga nagsasabi kung nalahian daw ba kami ng porenger. Hindi ko rin naman alam. Basta alam ko si Mama, Pinoy na pinoy ang hitsura.
"Magandang gabi, Laurel." Doon na ako nagsalita at nagpakita sa kanila.
Parehong napasigaw ang dalawa nang bigla akong magsalita sa likuran nila. Agad na umasim ang mukha ni Wanda at umamoy-amoy sa hangin tapos napatingin sa akin.
"Grabe ka naman, Arcus. Ikaw naman pala ang amoy formalin. Ano ba 'yang pabango mo? Ang baho naman." Reklamo ni Wanda at nagtakip na ng ilong. Ganoon din ang ginawa ni Laurel at hitsurang nandidiri sa akin.
Inamoy ko ang sarili ko. "Anong amoy formalin? Prada kaya 'tong pabango ko." Ipinakita ko pa sa kanila ang bote ng pabangong ginamit ko. "Siyempre dapat espesyal para kay Laurel." Ngiting-ngiti pa ako kay Laurel na inirapan ako.
"Tanga. Prada na fake iyan. Siguradong sa bangketa mo binili. Ang baho. Lumayo ka nga." Pagtataboy ni Wanda sa akin.
"Ihahatid ko na kayo. Mahirap na baka mabastos kayo. Maigi na 'yong may bodyguard." Hindi ko pinapansin ang pagtataboy nila.
"Puwede ba, Arcus umalis ka na nga. Layuan mo kami." Si Laurel na ang nagsabi noon.
Hindi ko iniintindi ang inis ni Laurel sa akin. "Alam mo, lalo kang gumaganda kapag naiinis ka."
Napaikot ang mata niya at napailing tapos ay lalong binilisan maglakad.
"Arcus! Tara. May laro sa court. Kanina ka pa namin hinihintay."
Nakilala kong si Boyet iyon at pinanlalakihan ko ng mata para umalis na. Sinisira ng gagong ito ang diskarte ko kay Laurel.
"Tara na. Saka mukhang may susugod sa bahay n'yo. Naririnig ko si Ruth nagwawala sa tindahan at may sinasabi tungkol sa kapatid mo."
Doon na nakuha ang atensiyon ko at hinarap ko na si Boyet. "Anong nangyari?"
"Hindi ko nga alam. Tara. Umuwi ka muna." Napatingin si Boyet kay Laurel at napangiti din nang makita ang babae. "Hi, Laurel. Ang ganda-ganda mo talaga."
Malakas kong binatukan si Boyet. "Gago. Huwag mo ngang mabati-bati 'yang si Laurel. Akin lang 'yan. Huwag mong titingnan. Huwag mong kakausapin. Malilintikan ka sa akin."
Lalong napaikot ng mata si Laurel at nagmamadali nang lumakad palayo sa amin. Kahit gusto ko pa siyang sundan, kailangan ko din naman na umuwi at malaman kung anong trouble na naman ang nangyari sa kuya ko.
Naabutan ko si Kuya MVP na nasa harap na ng bahay namin. Agad akong lumapit sa kanya pero humarang naman sa dadaanan ni Kuya si Ruth.
"Buntis ako at ikaw ang ama, MVP."
Nanlaki ang mata ko sa narinig na sinabi ng babae at napatingin sa kapatid ko. Hindi ko naman kinakitaan na nagulat o kinabahan si Kuya. Tumawa pa nga ng malakas tapos ay hinarap ako.
"Mauna ka na sa court, Arcus. Mag-uusap lang kami saglit."
"Pero Kuya-" ayaw ko siyang iwan at baka kung ano ang mangyari dito.
"Mauna ka na." may diin na ang pagkakasabi niya noon at kapag ganoon na ang tono niya, wala na akong magagawa. Kahit labag sa kalooban ko ay niyaya ko na si Boyet at nagpunta kami sa court.
Bad trip ako nang makarating sa court. Hindi ko intindi ang mga naglalaro doon. Painis akong naupo sa gilid at tumabi din sa akin si Boyet.
"Tingin mo nabuntis talaga ng kapatid mo si Ruth? 'Tangina, pinipilahan sa barangay 'yon." Nanlalaki pa ang niya.
"Siyempre hindi." Asar kong sagot. "Hindi naman bobo ang kuya ko para mambuntis. Hirap na hirap na nga kami sa buhay magdadagdag pa ba kami ng bibig na palamunin?" Napakamot ako sa ulo. "Bakit kasi pinauwi mo pa ako? Hindi ko tuloy naihatid si Laurel."
"Matindi din talaga ang fighting spirit mo 'no? Talagang never give up ka kay Laurel kahit nilalait ka na ni Aling Lagring."
"Kunwari lang 'yan si Aling Lagring pero ramdam ko boto sa akin iyon." Mayabang na sabi ko kahit na nga hindi ko na mabilang kung ilang beses ako halos itaboy noon kapag lumalapit ako kay Laurel. "Ayaw lang talaga no'n na makita ng mga tao na lumapalit ako kay Laurel pero alam ko gusto niya ako."
Napapailing si Boyet. "Hindi ko alam kung lagi kang nalilipasan ng gutom kaya matindi ang bilib mo sa sarili mo. Alam mo bang doktor ang gusto ni Aling Lagring na mapangasawa ni Laurel. Hindi barker, hindi kargador na katulad mo."
"Basta. 'Tangina mo naman panira ka ng pangarap. Tandaan mo, nararamdaman ko yayaman ako. 'Yang si Aling Lagring, mamahalin ako niya. Hahalik sa mga paa ko 'yan. At 'yan si Laurel magiging asawa ko 'yan. Siya lang ang babaeng aanakan ko. Bagay na bagay kami. Maganda siya, guwapo ako. Mabango siya..." napasinghot-singhot ako at ngayon ko nga naisip na mabaho talaga ang pabango na ginamit ko. "Guwapo pa rin ako."
"Amoy formalin ka kasi. Palitan mo naman 'yang pabango mo. Ang baho talaga." Nagtakip pa ng ilong si Boyet.
Kinuha ko ang pabango sa bulsa ko at itinapon iyon sa kalapit na basurahan. "Nasayang naman ang wampipti ko do'n."
"Mag-Axe ka na lang kasi. Tatlo isang daan kay Abdul."
"Kay Abdul ko nga binili 'yong Prada na 'yon." Reklamo ko. "'Tangina, nabudol na naman ako. Yari ako kay kuya. Pambili ng ulam 'yong pinambili ko doon." Magsasalita pa sana ako nang marinig ko na may tumawag sa pangalan ko. Sinasabing may nagrarambulan na mga babae sa loob ng bahay namin. Dali-dali akong bumalik at nakita ko nga ang mga BTS boys na tropa ni Kuya na nasa loob ng bahay namin habang nagpupustahan kung sino ang mananalo sa dalawang babaeng nagsasabunutan.
"Putangina! Tama na 'yan!" Singhal ko at dali-dali kong inawat ang dalawang babae. Wala naman sana akong pakialam sa kanila kahit magpatayan sila. Pero sinisira nila ang bahay namin. Wala na nga kaming gamit, mauubos pa yata lalo dahil sa pagwawala ng mga babaeng ito. "Tumigil na kayo! Sinira n'yo na ang bahay namin mga lintek na babae 'to!" Reklamo ko habang pilit kong pinaghihiwalay ang dalawa na parang mga pusang hindi nayayari kaya mga galit na galit.
Doon lang naawat ang dalawa at talagang pinaalis ko na sa bahay namin. Alam ni Kuya na galit ako habang inaayos ko ang mga gamit doon.
"Dito mo pa talaga pinag-rambol 'yong dalawang, Kuya. Ito na nga lang ang gamit natin, masisira pa. Ang mahal na kayang bumili ng mga gamit alam mo ba 'yon? Golden era na ngayon. Mataas ang inflation."
Natatawa lang si Kuya at panay ang dahilan sa akin. Ipinaparamdam ko talaga sa kanya na naiinis ako pero inakbayan lang ako at nangangatwiran sa akin. Hindi ko naman makukuhang magalit kay Kuya. Sa dami ng sakripisyo niya para sa akin na mapakain ako at mabigyan ng maayos na buhay kahit nga daig pa namin ang daga sa hirap, nagpapasalamat pa rin ako. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko alam kung saan ako
Alam kong kuntento na si Kuya sa ganitong buhay. Pero ako? Hindi. Matagal ko nang ipinangako sa sarili ko na aalis kami ni Kuya dito. Titira kami sa malaking bahay. Magkakaroon kami ng mga kotse, literal na matutulog kami sa pera at magiging boss kami na mag-o-opisina sa mga nagtataasang building sa Makati. Ganoon kataas ang pangarap ko na madalas kapag sinabi ko kay Kuya ay binabasag lang niya. Huwag daw akong masyadong mangarap ng ganoon para hindi ako ma-disappoint.
Pero alam ko sa sarili ko na mangyayari iyon. Ramdam ko talaga na yayaman ako.
At kapag nangyari iyon, si Kuya MVP ang unang-unang taong pasasalamatan ko at patitikimin ko ng maginhawang buhay.
---------------
This story is almost complete in Patreon and VIP GROUP. You can message HELENE MENDOZA'S STORIES FB page to know how to subscribe.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top