CHAPTER FOURTEEN | BEFORE YOU GO
Tears has no weight but it carries heavy feelings.
CRUEL BASTARD
CHAPTER FOURTEEN | BEFORE YOU GO
MARCUS
"Your flight will be in three hours. We need to be at the airport at nine AM."
Hindi ko pinapansin si Roni na abalang nakatingin sa hawak niyang tablet at panay ang pindot-pindot doon. Ako ay nakatingin lang sa labas ng sasakyan at minamasdan ang mga nakikita ko.
Ngayon ang araw ng pag-alis ko papuntang Amerika para magpatuloy akong mag-aral. Ilang buwan din akong nag-aral dito sa tulong ni Roni. Nakapag-enroll ako nang hindi pumupunta sa mga university. Ang mga professors ang pumupunta sa bahay na tinutuluyan ko. Doon nila ako tinuturuan. Minsan online din. Natuto na akong gumamit ng computers. Ang mga meetings ngayon thru Zoom na lang. Nagagawa kahit nasa bahay lang ako. Pati ang mga importanteng dokumento na magpapatunay na isa na akong Rozovsky ay naayos na rin. Napalitan na ang pangalan ko. Marcus Aurelius Zapanta Rozovsky. Kinuha ko ang wallet ko at kinuha ko doon ang driver's license doon. Iyon ang unang inayos ni Roni. Ang matuto daw akong magmaneho at kailangan ko iyon. Napangiti ako habang marahang hinahaplos iyon habang nakatingin sa pangalang dala ko na ngayon. Hindi ako makapaniwala sa napakalaking pagbabago na nangyari sa buhay ko. Totoo ang sinabi ni Roni sa akin. Sa bawat pagpitik ng daliri ko, nakukuha ko ang lahat ng gusto ko. Nakakagulat pa rin pero unti-unti ay nasasanay na rin ako.
"Your six months business course in California will be face to face. The six months course is equivalent to one whole business course. You need to attend your class. You also have a two weeks one-on-one session with Rupert Oliver. He works at the stock market and you also need to learn that." Nanatiling nakatingin si Roni sa tablet niya. Nang tapunan ko ng tingin ang pinagpipindot niya, nakita kong schedule iyon.
"I already coordinated with the caretaker of the apartment where you're going to live in the US. I love the place. Bagay na bagay sa'yo. It is located in Beverly Hills in 10000 Santa Monica Boulevard. The place is so nice and your neighbors are Hollywood stars," dumikit pa siya sa akin at ipinakita mula sa tablet na hawak niya ang apartment na titirahan ko sa Amerika.
Napalunok ako sa ganda ng nakikita ko. Lalo na nang makita ko ang presyo ng renta ng bahay doon.
"Twenty-four thousand dollars sa isang buwan? Iyan ang renta? Iyan ang babayaran ko? Bakit naman napakamahal? Walang bang mas mura?" Pakiramdam ko ay nalula ako sa mahal noon. Dali-dali kong kinuha ang telepono ko at nag-compute-compute doon. Gusto kong himatayin nang makita ko ang presyo sa pesos ng renta noon. Tumataginting na mahigit isang milyong piso kada buwan. "Roni, hindi ako titira diyan. Napakamahal. Mag-isa lang ako. Sanay akong matulog kahit sa kalye."
Napaikot ng mata ang babae. "Money is not a problem, ano ka ba? Hindi ka pa ba nasasanay? And besides, you are not going to pay any rent for this house. Your father owns this. Technically, you own this. Pinaparentahan ito doon dahil wala ngang nakatira. But since you need a place to stay, here it is." Napahinga ng malalim si Roni at umusog pa palapit sa akin. "Arcus, this is your life now. Huwag ka nang magulat sa mga nangyayari sa buhay mo. Just always remember that you deserve this kind of life."
Napalunok ako at naalala ko si Kuya. "Sana kasama ko si Kuya MVP para nararanasan din niya ang ganitong buhay."
Umirap si Roni. "The Rozovsky family tried to reach out to him so many times but he always declined the help. There is nothing they can do about your brother. Masyadong matigas ang kapatid mo. Napuno ng galit ang puso. You on the other hand is the real king here. Embracing who you really are. And look at you," bahagyang lumayo sa akin si Roni at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Wala nang makakakilala sa iyo na ikaw ang dating hinahamak-hamak sa lugar n'yo. Show them who you are now." Ngumiti pa ng nakakaloko sa akin si Roni.
Dumukwang ako sa driver. "Kuya, puwedeng pakidaan sa Bayag-Bayag."
"What?" Gulat na gulat si Roni. "Hey, no." Dinukwang din niya ang driver. "Gaston, deretso mo sa airport. We cannot be late for our flight." Mariin na ang boses ni Roni.
"Sa Bayag-Bayag, Kuya Gaston. Doon mo deretso." Hindi ko pinansin ang pagpo-protesta ni Roni.
"Arcus, what the hell are you doing? We cannot miss our flight." Protesta ni Roni.
Tumingin ako sa kanya. "Hindi naman tayo mali-late. Gusto ko lang dumaan saglit."
"Jesus Christ. Is this still about that woman? Ano ba? Hindi mo pa rin ba nakakalimutan ang babaeng iyon? I just brought models to your condo last night. Wala ka pa ring nagustuhan sa mga 'yon?"
Hindi ako kumibo. Magaganda naman nga ang babaeng nagpunta sa condo na tinutuluyan ko kagabi. Pagpasok pa nga lang ay mga naghubad na sa harap ko katulad ng sinasabi ni Roni. Halos sambahin ako. Sinasabi kung gaano ako kagusto. Pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi man lang ako nakaramdam ng libog. Siguro kasi, alam kong kaya lang ginagawa iyon ng mga babae ay dahil bayad sila. Sa tamang halaga, gagawin nila ang lahat para paligayahin ako sa kama. Sa tamang halaga, ipaparamdam nila na ako lang ang gusto nila. Pero ayaw ko nang ganoon. Hinding-hindi ko magugustuhan ang ganoon. Kaya ang ginawa ko, pinaalis ko na lang.
"Gaston, ideretso mo sa airport ang kotse. Ngayon na," bahagya nang tumaas ang boses ni Roni. Halatang natataranta na ang driver kung sino ang susundin sa aming dalawa ni Roni.
Doon ko na siya tiningnan ng masama. Nakita kong bahagyang napalunok si Roni siguro sa nakitang reaksyon ko.
"Ako ang boss mo 'di ba? Ako ang nagpapasuweldo sa'yo. Sa tatay mo. At hindi biro ang halagang kinukuha n'yo para lang sumunod ako sa mga gusto n'yong ipagawa sa akin. Puwedeng ngayon lang ako naman ang masunod? Hindi tayo mali-late sa flight ko. Gusto ko lang dumaan sa lugar na kinalakihan ko bago ako umalis at mawala ng matagal." Seryosong-seryosong sabi ko.
Napahinga na lang ng malalim si Roni dahil alam niyang wala siyang magagawa. Inis akong inirapan at binalingan ang driver.
"Doon daw sa Bayag-Bayag." Painis na sabi niya sa driver. "Five minutes, Arcus. That is all you have. Five minutes." Napapailing na sabi niya at itinutok na lang ang tingin sa hawak na tablet.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang bumibiyahe kami papunta sa barangay na kinalakihan ko. Habang papalapit kami doon, pakiramdam ko ay naninibago na ako. Ngayon ko napansin ang kipot ng kalsada papasok sa barangay namin. Ngayon ko napansin ang dumi ng paligid. Ang dami ng mga tambay at mga batang-kalye na naglalaro sa kalsada. Ngayon ko napansin ang kahirapan ng buhay. Siguro kasi may pagkakaiba na ang buhay na nararanasan ko ngayon sa kinalakihan kong buhay. Tinted naman ang sasakyan namin kaya hindi nakikita ng mga tao sa labas na ako ang sakay ng kotseng ito. Hindi ko rin naman pinapahinto ang driver. Sinabi kong mag-drive lang ito sa paligid ng barangay. Gusto kong makita sa huling pagkakataon ang lugar na kinalakihan ko.
Dumaan kami sa court na madalas naming pagtambayan at nakita ko ang mga kasama kong tambay na mga naglalaro ng basketball. May mga tambay sa paligid na kumakain ng fishball. Nakita ko nga doon si Boyet at agad akong napangiti. Siguro naman mabango na ngayon ang kaibigan kong iyon. Naturuan ko na naman siya ng paglilinis ng katawan. Gusto ko nga siyang tawagin pero naisip kong huwag na lang. Siguradong magtatagal pa ako kapag ginawa ko iyon. Minasdan ko na lang ang kaibigan ko na tawa nang tawa habang nakikipagbiruan sa mga kasama. May mga tambay na nag-iinom sa gilid ng kalye. Naaalala kong ganoon din ako noon. Dumeretso ang sasakyan at dumaan sa bahay na tinitirahan namin ni Kuya. Saradong-sarado iyon. Nakaramdam ako ng sikip ng dibdib at lungkot at gusto ko nang ipahinto ang sasakyan at bumaba tapos ay puntahan ang kapatid ko. Pero naalala ko ang huling pag-uusap namin. Naalala ko ang mga sinabi niya. Kilala ko si Kuya MVP. Hindi iyon basta-basta nagpapatawad. At sa pagkakaalala ko, malabo niyang mapatawad ako dahil sa naging desisyon kong sumama sa pamilyang kinasusuklaman niya.
Pinaderetso ko ang sasakyan hanggang sa bahay nila Laurel. Pinabagalan ko kay Gaston. Nakasara ang bahay nila Laurel. Pero sa paligid ay naroon ang mga kapitbahay na naalala kong nakikiusyoso noong nagkaroon ng komosyon dito. Nakatingin sa sasakyan namin na mabagal ang pag-andar. Sinabi kong umalis na kami doon at alam kong nakahinga na maluwag si Roni nang palabas na ng barangay ang sinasakyan naming kotse.
Pero hindi pa ako tapos. Pinaderetso ko hanggang sa tindahan ng tela nila Laurel ang kotse. Doon ko pinahinto sa gilid ng kalsada ang sinasakyan namin. Sa lugar na kita ko ang tindahan nila Laurel. Bakit ganoon? Bakit parang hikahos na hikahos ang hitsura ng tindahan nila? Mula dito ay kita ko ang loob at halos walang laman na mga telang paninda ang tindahan. Dati punong-puno iyon. Saka ang mga customers madalang na rin. Naaalala ko noon kapag ganitong oras, maraming-marami na ang mga namimili. Saka wala na rin akong nakikitang mga tindera. Imposible naman. Malaking tindahan ng tela itong kina Laurel kaya dapat mayroon silang tindera.
Naroon sa loob ng tindahan si Laurel at may kausap na customer. Tumingin ako sa relo ko. Dapat nasa eskuwelahan siya ng ganitong oras pero ano ang ginagawa niya dito? Kahit si Lawrence na kapatid niya. Iyon ang kasama ni Laurel sa loob.
"Arcus, your five minutes are up. We need to go." Paalala ni Roni.
"Five minutes pa uli." Sagot ko habang nakatingin pa rin sa gawi ni Laurel. Ang ganda-ganda pa rin niya. Kahit walang ayos. Walang make-up napakaganda pa rin ng mukha. Napapalunok ako dahil naaalala ko ang huling pag-uusap namin. Naaalala ko ang mga salitang binitiwan niya sa akin. Hanggang ngayon pakiramdam ko ay nakatusok ang lahat ng iyon sa dibdib ko. Masakit pa rin.
Pero handa pa rin akong humarap sa kanya. Handa akong makipag-usap. Handa akong tanggapin kung ano man ang sasabihin niya. Hihingi pa rin ako ng tawad dahil sa nalaman niyang pagkakaroon ko ng koneksyon sa matrona. Kahit sabihin niyang lumuhod ako sa harap niya, gagawin ko. Ganoon ko kamahal si Laurel. Magtatampo ako sa kanya pero mangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kanya.
Napahinga ng malalim si Roni. "If you want to talk to her, go. I'll give you another five minutes. Just end whatever you need to end with her." Halatang naiinis na siya.
At iyon nga ang gusto kong gawin. Hinawakan ko ang handle ng pinto ng sasakyan at akmang bubuksan iyon nang makita ko ang isang pamilyar na kotse na pumarada malapit sa tindahan nila Laurel. Hindi ko nagawang buksan ang pinto at humigpit lang ang pagkakahawak ko sa handle.
Nagtagis ang bagang ko nang makilala ko ang lalaking bumababa sa sasakyan. Ang putanginang doctor na ipinagmamalaki ni Aling Lagring. Mula sa passenger side ng kotse ay bumaba din doon ang nanay ni Laurel at ngiting-ngiti pa na tinawag ang anak niya.
Napakuyom ang kamay ko habang nanatiling nakatingin kung ano ang nangyayari. Deretso sa tindahan si Aling Lagring at ang doctor na kasama. Halatang sanay na sanay na doon. Pinalapit si Laurel at ngumiti pa sa doctor. Ang ganda ng ngiti ni Laurel habang kinakausap ang doctor na iyon. 'Tangina, ang ganda ng ngiti niya na kahit kailan hindi niya ipinakita sa akin. Agad na nagtubig ang mga mata ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanila. Ang dibdib ko ay literal na parang sinusuntok. Ang lakas ng kabog hindi dahil sa kaba kundi dahil sa galit na pumupuno doon.
"Do you still have any reason to stay here?" Seryosong tanong ni Roni. "You went here so you can tell yourself if she is worth for you to stay here and have your old life back?" Tumawa ng nakakaloko si Roni. "You are just fooling yourself, Arcus. Look around you. No one wants you here anymore. Even the woman that you are fighting for."
Napalunok ako at tuluyang nahulog ang mga luha ko na mabilis kong pinahid.
"Tara na, Kuya Gaston. Umalis na tayo." Iyon na lang ang tanging nasabi ko at tumingin na lang ako sa kalsada at iniwasang tumingin sa gawi nila Laurel.
"Drive fast, Gaston. We already wasted time coming here." Muling itinuon ni Roni ang pansin sa hawak na tablet.
Habang umaandar kami palayo ay hindi ko na tiningnan pa si Laurel. Naiinis ako sa sarili ko dahil bakit tumutulo ang luha ko. Hindi ako dapat na umiiyak. Hindi karapat-dapat na iyakan ang babaeng iyon. Mukhang pera. Mahilig sa mayaman. 'Tangina, nagkamali ako ng pagkakakilala sa kanya. Akala ko pa naman kahit na mataas ang pangarap niya, hindi niya gagawing umasa sa kung sinong mayamang lalaki ang lalapit sa kanya. Marami na akong pera ngayon. Puwedeng-puwede kong isampal sa kanya at sa nanay niya. Kaya ko na silang bilhin pero hindi ko gagawin. Kahit isang singkong duling hindi na ako magwawaldas para sa babaeng katulad niya.
Walang kuwenta. Putanginang puso kasi 'to. Bakit sa babaeng iyon pa tumibok? Sasaktan lang pala ako.
Inis kong pinapahid ang luha ko at mayamaya ay nakita kong may inaabot sa akin si Roni. Isang box ng tissue.
"I won't tell anyone that you cried over a woman. Just promise me that this would be the last." Seryosong sabi niya. "Arcus, please remember who you are. Keep that in your mind. You don't cry to any woman. Women cry over you. That's the way it has to be."
Tumango ako. "Ito na ang huli. Hinding-hindi na mangyayari uli." Sa sarili ko lang sinasabi iyon.
At sisiguraduhin ko, sa pagbalik ko dito, si Laurel naman ang luluhod sa harapan ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top