CHAPTER ELEVEN | BOY BYE
Characterize people by their actions and you will never be fooled by their words
CRUEL BASTARD
CHAPTER ELEVEN | BOY BYE
LAUREL
Walang tigil ang ingay ng bibig ni Nanay.
Sige siya ng sigaw habang minumura at pinagsasalitaan ng masama si Arcus kahit wala na doon. Iyak lang ako nang iyak dahil sa pisikal na sakit na naramdaman ko at pagkapahiya na din dahil sa nangyari.
Hindi ko alam kung kanino ba ako nahihiya. Sa sarili ko ba o sa mga taong nasa paligid ko na nakarinig ng mga sinabi ko kay Arcus.
"Ayaw ko sa mahirap. Mahirap na nga ako, papatol pa ako sa katulad mong mahirap. Humanap ka ng kauri mo at hindi ako 'yon. Hindi ko pinangarap na maging asawa ang katulad mo. Dahil yayaman ako. Ikaw maiiwan dito. Mabubulok ka dito kasama ang mga kabarkada mong walang pangarap."
Lalo akong napaiyak nang maalala ko ang mga sinabi ko kay Arcus. Oo nga at lagi ko siyang binabara pero ngayon, nakakaramdam ako ng konsiyensiya. Hindi ako ganoong tao. Hindi naman ako nangmamaliit. Hind ako nang-aapak katulad ng ginagawa ng nanay ko. Pero sa tuwing maaalala ko ang nakita kong kahalikan niya ang matronang iyon, napupuno ng galit ang dibdib ko.
"Are you okay?"
Napatingin ako kay Doc Verden. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya tapos ay hinaplos pa ang mukha kong nasaktan. Agad naman akong umiwas at lumayo sa kanya.
"Laurel, ano ka ba? Pabayaan mong matingnan ni Doc ang mukha mo. Demonyo talaga ang lalaking iyon. Tingnan mo ang ginawang gulo. Pati si Doc nadamay." Wala pa ring hinto si Nanay. "Doc, nasaktan ka ba?"
Sinamaan ko ng tingin ang nanay ko. Kung puwede lang sigurong siya na ang pumalit sa akin sa harap ni Doc Verden, ginawa na niya.
"Okay lang ho ako, Aling Lagring." Muli ay sa akin nakatingin si Doc. "We need to ice your cheek. Malakas yata ang pagkakatama mo. It will bruise." Nagtangka na naman si Doc na hawakan ang pisngi ko pero iniiwas ko na talaga.
"Gusto ko na sanang magpahinga," iyon na lang ang nasabi ko. Hindi ko naman kasi alam kung bakit nandito si Doc Verden. Nagulat na nga lang ako at biglang kumakatok siya dito sa bahay namin. Ang nanay ko tuloy parang maloloka. Lalo na nang makita ang nakaparadang kotse ni Doc sa harap ng bahay namin at pinagkakaguluhan ng mga kapitbahay.
"Laurel! Ano ka ba? Nakita mong may bisita ka tapos gusto mong magpahinga? Manahimik ka diyan at i-entertain mo si Doc. Pupunta na muna ako sa barangay para ireklamo ang walanghiyang si Arcus. Grabe ang panggugulong ginawa dito." Inis na inis si Nanay at bumaling kay Doc. "Doc, feel at home ha? Pasensiya ka na talaga sa nangyari. Walang modo talaga ang lalaking iyon pero ipapa-barangay ko naman. Sisiguraduhin kong makukulong. Ikaw na muna ang bahala kay Laurel." Ngiting-ngiti si Nanay.
"Sige ho, Aling Lagring. Salamat ho." Nakangiti ring sabi ni Doc.
Agad na lumabas si Nanay at iniwan kami. Wala naman na akong masabi habang kaming dalawa na lang ni Doc Verden ang narito.
"Sure ka ba na hindi masakit ang pisngi mo?" Masuyo pa ring tanong niya.
Umiling lang ako at napahinga ng malalim.
"Boyfriend mo ba ang sanggano na 'yon?"
Muli ay iling lang ang sagot ko.
"Bakit ganoon kung umasta? Parang may something sa inyo. Nagwala pa." Napahinga ng malalim si Doc. "Laurel, hindi ka bagay sa mga ganoong klaseng lalaki. Mga barumbado. Sanggano. Ang totoo hindi ka nga bagay sa ganitong lugar."
Tiningnan ko siya ng masama. "At kanino ako bagay? Saang lugar ako bagay?"
Nagkibit siya ng balikat. "Mas bagay ka sa may pinag-aralan. Sa mayaman. Mas bagay kang tumira sa village. Hindi bagay sa'yo ang nagji-jeep. Mas bagay sa'yo ang naka-kotse. Hatid-sundo. Kumakain sa mamahaling restaurant. Nagsusuot ng mga mamahaling damit at sapatos." Titig na titig siya sa akin. "Iyon ang mga bagay sa'yo."
Napaikot ako ng mata. "Makakaalis din ako sa lugar na ito kapag nakatapos ako at nakapagtrabaho. Magagawa ko ang mga iyon sa sarili kong pagsisikap."
Umasim ang mukha ni Doc Verden. "Kailan pa 'yon? Napakatagal pa. Samantalang mayroon namang lumalapit na opportunity. All you have to do is just grab it."
"Anong opportunity? Tatapusin ko ang pag-aaral ko." Sumama ang tingin ko sa kanya.
Umayos ng upo si Doc at lalong lumapit sa akin. "Alam ko naman hindi ka manhid. At lalong hindi ka tanga. You know my reasons why I want to get closer to you. Hindi ako matiyagang tao sa mga hindi ko gusto."
"Anong ginagawa mo dito at nagtitiyaga ka sa barong-barong naming bahay?"
Halatang nagtitimpi ng inis si Doc. "Hindi mo pa ba alam kung bakit ako nandito?"
"Sabi mo may community immersion kayo ng ospital dito sa lugar namin." Katwiran ko.
"Jesus, Laurel." Naibulalas ni Doc at napapailing. "I like you."
Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. Siguro kung iba ang sinabihan noon ni Doc, hihimatayin na sa tuwa at kilig. Lalo na ang mga nurses sa ospital. O kaya kahit si Wanda. Pero hindi ko maintindihan kung bakit kahit katiting na kilig wala akong naramdaman. Unang-una, hindi ko type si Doc. Pangalawa, bad trip pa ako dahil sa ginawa ni Arcus.
"I like you, Laurel. A lot. Alam mo naman 'yon."
"Sorry, Doc hindi ko alam." Marahan kong nahilot ang magkabilang sentidio ko. "Hindi pa ako handang mag-boyfriend. Gusto ko munang mag-focus mag-aral."
"But your mother told me that he likes me for you."
Umasim ang mukha ko. "'Di nanay ko ang ligawan mo." Tumayo na ako at napatayo din siya. "Doc, pasensiya ka na pero wala na ako sa mood. Sumasakit ang ulo ko."
Sumeryoso ang mukha ni Doc Verden. "Laurel, sinasabi ko sa'yo, I don't take rejections well."
Hindi ko inintindi ang sinabi niya. "Makakaalis ka na, Doc. Magkita na lang tayo sa ibang araw."
Nagtagis ang bagang ni Doc Verden. Ang kaninang magiliw na pakikitungo sa akin ay napalitan ng inis. Ang maamong mukha kanina ay napalitan ng bangis. Napalunok ako at napaatras nang humakbang siya palapit sa akin. Nagulat pa ako nang pabigla niyang hawakan ng mariin ang pisngi ko. Lalo nang sumakit ang aksidenteng natamaan kanina nang nagwawala si Arcus.
"Think about it, Laurel." Matalim ang tingin niya sa akin. "My family owns the fucking school and the hospital. We own so much and if I wanted to, we could own this place too including you."
Hindi ako nakasagot. Anong nangyari kay Doc Verden? Bakit biglang nagkaganito na siya? Ibang-iba sa mabait at magiliw na doctor na nakilala namin sa ospital.
"U-umalis ka na, Doc." Pilit akong kumawala sa pagkakahawak niya at umatras palayo sa kanya.
Hindi naman na niya ako hinawakan pa at masama lang siyang nakatingin sa akin. Nang marinig namin na bumabalik na si Nanay ay agad na nagbago ng mood si Doc Verden. Nawala ang dilim ng mukha. Ngayon ay nakangiti na. Magiliw na uli at ito na ang hitsura niyang kinagigiliwan ng lahat ng mga tao. Ibang-iba sa mabangis na lalaking nagagalit sa akin kanina.
"Demonyo talaga ang Arcus na iyon. Nakapagpa-blotter na ako sa barangay." Naiiling na sabi ni Nanay. "Doc, pasensiya ka na talaga sa nangyari."
"Wala ho iyon, Aling Lagring. Naiintindihan ko po." Napahinga siya ng malalim at tipid na ngumiti. "Aalis na rin ho ako."
"Ha?" hitsurang natataranta si Nanay. "Bakit aalis ka na? Magkuwentuhan pa kayo ni Laurel. Ang mga pagkain," natatarantang lumakad si Nanay patungo sa mesa at inialis ang plastic food cover na naroon at nakita ko ang ilang mga plato na puno ng pagkain at kanin. "Hindi mo pa nga natikman ang luto ko."
"Sa susunod na lang, Aling Lagring. Siguro naman puwede ko pa ring dalawin uli si Laurel." Tumingin sa akin si Doc at sa pagkakataong ito ay iba na ang tingin ko sa kanya. Tingin ko ay may something kay Doc. Natatakot na ako sa kanya.
Lumakad na si Doc patungo sa pinto habang si nanay ay panay ang pigil dito na umalis. Disappointed si Nanay nang hindi niya magawang pigilan ang doctor at walang nagawa kundi ang tumanaw na lang habang paalis ang kotse ni Doc Verden.
"Hoy! Mga tsismosa! Magsigilid na nga kayo at dadaan ang kotse ang mayamang manliligaw ng anak ko! Baka magasgasan n'yo 'yan. Mahal pa 'yan sa buhay n'yo. Tabi kayong lahat!"
Gusto kong manliit sa lakas ng boses ni Nanay habang mula sa pinto ng bahay namin ay sigaw nang sigaw at nagmumuwestra pa na tila may hinahawing mga tao.
"Lumayo kayo sa kotse!" Sigaw pa niya.
"'Nay, ano ba? Tama na nga ho. Nakakahiya sa kapitbahay." Saway ko.
"Ano bang nakakahiya?" Inis na baling niya sa akin. "Mas nakakahiya ang ginawa ng Arcus na iyon. Nagwala pa dito." Painis na lumakad si Nanay patungo sa mesa at tinakpan ang mga pagkain doon. "Nakakahiya kay Doc Verden."
"Ano ang nakakahiya kay Doc Verden? Saka tigilan n'yo ang ganyan kay Doc. Instructor ko iyon sa ospital. Dumaan lang dito dahil may community immersion. Hindi na ho mauulit iyon na pupunta pa siya dito."
Sumama ang tingin sa akin ni Nanay. "Ako, Laurel tigil-tigilan mo ako ng kaartehan mo. Alam mo ang nangyayari sa buhay natin. Patong-patong ang utang natin sa tindahan, sa mga bumbay dito sa Bayag-Bayag. Si Doc Verden na lang ang pag-asa natin para hindi na tayo maghirap."
"Anong si Doc Verden? 'Nay, naririnig mo ba ang sarili mo? Ano ang magagawa ni Doc Verden sa problema natin sa buhay? Na ang puno't-dulo ng dahilan ng problema natin ay ang katamaran at pagiging sugarol ni Tito Rey."
"Tarantado ka, Laurel ayusin mo 'yang mga sagot mo sa akin. Ano na naman ang kinalaman ni Rey sa usapan natin? Hindi mo lang kasi nakikita ang effort niya. Oo nga at nagsusugal siya pero ginagawa naman niya ang lahat para manalo. Puro na lang si Rey ang nakikita mo. Hindi mo tingnan ang mga nangyayari sa paligid mo. Ang oportunidad katulad ni Doc Verden. Ano? Sino ang gusto mo? Ang Arcus na iyon?" Tumawa ng nakakaloko si Nanay. "Kahit hindi mo sabihin, alam ko naman na may pagsintang pururot ka rin sa tambay na iyon. Sa dukhang iyon. Sa dayukdok na iyon. Hoy, Laurel. Hindi kita ginastusan para lang mauwi sa isang tambay. Hindi kita inalagaan para lang ang katulad ni Arcus ang makakuha sa'yo. Ayusin mo ang mga desisyon mo sa buhay. Si Doc Verden ang bagay sa'yo at gawan mo na nang paraan para makuha mo siya. Kahit maghubad ka sa harap niya gawin mo na para maging kayo na."
"Nay! Ano ba ang mga sinasabi n'yo? Ibinubugaw n'yo na ako niyan." Protesta ko.
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin pero iyon ang gusto kong mangyari. Si Doc Verden ang dapat na makuha mo."
"Hindi ko nga gusto si Doc Verden. Ayaw ko doon." Sagot ko.
Lumapit sa akin si Nanay kaya napaatras ako. "Huwag kang bobo, Laurel. Grasya na ang lumalapit sa'yo. Si Doc. Grasya 'yon. Siya ang mag-aahon sa atin dito sa Bayag-Bayag. Tigilan mo na ang Arcus na 'yon. Wala na 'yon. At kapag tumuntong pa siya dito sa barangay natin, ipapakulong ko na talaga siya."
Sinundan ko na lang ng tingin si Nanay nang lumabas at napapailing na napaupo ako.
Talagang nakokonsiyensiya ako sa mga nasabi ko kay Arcus.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top