Royal: Two
//
Tila nabuhusan ng napakalamig na tubig si Baeley Suzanne nang makita ang kagagahan niya kagabi. Gusto niyang ipukpok ng paulit-ulit ang ulo niya upang magising siya nang tuluyan ngunit sumakit lang ang noo niya sa pinaggagawa niya sa headboard ng kama niya.
Para siyang kiti-kiti na pabiling-biling sa kama. Isinubsob niya ang ulo niya sa unan at tumili nang tumili doon. Nalunod siya sa kalasingan kagabi at sa tingin niya'y, mga kaibigan niya ang nagpick-up sa kanya bago pa man siya magkalat ng suka.
"Ang tanga-tanga mo naman Suzanne!" She almost threw her phone when she discovered what she did last night. She sent drunk audio messages to none other than the second prince himself! She groaned in frustration.
Okay sana kung hindi iyon nakita at narinig ng mismong mailap na prinsipe. But he 'seened'it and probably heard it. Narinig nito iyon bandang alas dose. She's doomed! Maybe, may search party na sa kanya dahil sa paninirang-puri niya.
Paano kung masama pala ang ugali ng second prince? Hindi niya alam o hindi alam ng Everion people dahil madalang iyon magparamdam sa society pages. Mas madalas pa ang mga tsismis tungkol sa mga Houses at direct descendants ng Imperial Society.
Napudpod na yata ang kuko niya sa kakagat niyon at nagdurugo na. Panay silip siya sa bintana ng kuwarto niya. Baka may paparazzi na nakaabang sa labas ng bahay niya.
Ang mga tauhan niya sa Nilo's Grill & Seafood Resto ay tiyak na proprotektahan siya pero delikado dahil mga royal guards ang makakalaban ng mga ito. Baka kulungan na naman ang bagsak ng mga ito.
Hindi naman ganoon ka-petty ang second prince di ba? Hindi naman siya makukulong? Paano kung haharap siya sa korte at hindi na talaga makakabangon hanggang sa maging pulubi na talaga siya at manghihingi ng kahit tira-tira sa lansangan?
Habit na talaga niyang mag-overthink. At hyperactive rin ang imagination niya. Mas malala lang talaga bibig niya pag lasing siya. Impluwensiya na rin iyon ng mga ex-convicts niyang tauhan na tauhan pa ng namayapa niyang tatay.
Huminga siya nang malalim at napatili na naman. Paano kung i-assasinate siya ng prinsipe? Tinawag niya ito ng jutay at pinagtawanan pa sa audio messages!
"Langhiya naman Su, pahamak talaga ang bibig mo ano?"
Naligo na muna siya upang alisin ang agiw sa utak niya pero andoon pa rin ang kaba niya. Sana nga hindi pag-isipan ng second prince na hunting-in siya. She was in her bathrobe when the telephone rang.
Kinabahan siya. Ayaw niyang makaladkad na nakasuot lang ng bathrobe. Pinakalma na muna niya ang sarili at sinagot ang tawag.
"Su! Pumunta ka rito sa Nilo's. Bilisan mo! Dali!"
"Ha? Anong nangyari?"
"Bilis! Baka may dadanak na dugo rito. Teka lang, guards! Huminahon po muna kayo!"
At nawala na si Helena sa kabilang linya. "Helena! Helena!"
Nagmamadaling nagbihis si Suzanne, iniisip na baka royal guards na talaga ang kasagupa ng mga tauhan niya. Kahit na mga siga, malalaki mga katawan at may mga tattoo ang katawan ng mga ito ay nagbabagong-buhay na ang mga ito, sa tulong na rin at kabaitang maging respeto ang ibinigay ng kanyang ama sa mga ito.
Lumulan na siya ng e-bike na binili pa niya at inipon ng isang taon. May kamahalan pero sulit at environmental-friendly. May mga nagkukumpulang mga tao sa labas ng Nilo's Resto at nasa harapan niyon ang mga tauhan niyang namimintog ang muscles. Kaharap ng mga ito ang royal guards.
She was expecting for the worst. Ibibitay na talaga siya ni Prince Arzhel kahit na hindi na uso and death execution ngayon.
Tumakbo siya papunta roon at nang makita naman siya ng mga kapit-bahay ng Nilo's ay tumabi ang mga ito. Nakita na rin siya ni Helena na siyang nandoon sa restaurant. Nagkataon lang yata na nandoon ang bruha.
Dahil sa inner panic ay nagsalita na siya, hindi pa man nagtatanong ang mga ito.
"Teka lang po! It's a misunderstanding! Hindi ko po sinasadya yung ginawa ko kay Prince Arzhel! Lasing lang po—"
"Anong pinagsasabi mo? Anong Prince Arzhel! They're here to close down the Nilo's!" Helena blurted out and reached for her. Nanlaki ang mga mata niya sa narinig.
Akala niya na nandoon ang mga royal guards upang kaladkarin siya sa harap ng second prince. May iba palang dahilan at masyado lang siyang assuming.
"Kapag di ako nakapagtimpi ay uupakan ko ang mga ito," sambit ni Boy Dukot na pinakita pa ang pangil nito. Mas mahaba sa pangkaraniwan ang canine tooth nito sa kaliwa.
Kahit nagtataka ang royal guards sa sinabi niya ay may isa sa mga ito ang humakbang palapit. Ang mga on-lookers naman ay nag-aabang sa masasagap na tsismis. Ilang beses bang may nagreklamo na tanggalin na niya ang mga tauhan niya roon dahil natatakot ang mga tao roon na dumayo?
"As per Executive Order 6781, the crown prince approved the modernization of Area 53. We will provide you with a huge sum of compensation and relocation of your business," ani ng isang royal guard na may blonde na buhok na bagama't kaguwapuhan ay wala siyang pakialam.
A part of her was relieved knowing that it wasn't about the drunk audio messages she sent to the second prince. But they're in a dire situation. Her mind digested the information from the royal guard. If it's Executive Order from the crown prince himself, no one could withold it, not even the Prime Minister.
"Anong modernization? Relocation? So you mean, idedemolish ang Nilo's?" bulalas niya. The demolition and relocation could be possible. The implementation of the EO would be messy if the citizens and the homeowners around the area won't approve of it but that would mean disobeying the crown prince's order.
Kanya-kanya na ng kantiyaw ang mga tauhan ng Nilo's.
Ang mga royal guards naman ay handa nang isanggi ang mga magiging atake ng employees niya.
"Hindi lang ang Nilo's. Pati ang mga kabuhayan namin maapektuhan!" Si Ginang Edna ang nagsalita na isa sa mga naging kaibigan na niya roon at hindi takot sa mga tauhan niya.
Nangunot ang noo niya at hinarap ang 'leader' ng royal guard. Kumapit sa braso niya si Helena upang pigilan siya. Umabante siya na parang maghahamon ng away kahit na sino. Lumaki siya kasama ang ama niya at ang mga kasama nitong ex-convicts noong bata pa kaya boyish talaga siya.
"Hindi maaari. Hindi ako papayag!"
"Oo! Hindi puwedeng mawala ang pinaghirapan ng boss ko!" Ang boss na tinutukoy ni Master Daper ay ang tatay niya. Carlo ang totoo nitong pangalan at kanang-kamay ng tatay niya noon. Ito rin ang chief cook. Sumang-ayon naman ang iba.
"Pakiusap, kung ayaw niyong magkaroon ng gulo rito. Pirmahan n'yo na itong kasunduan namin dahil wala naman kayong magagawa. This is the absolute decision of the crown prince Arthur." ani ng isang guard sa mga ito na ang pinakamaliit at ka-height lang ata niya. Matapang rin ang loob nito at tumaas talaga ang kilay niya.
Napameywang siya. "You can't force your citizens to just sign the Executive Orders. FYI, hindi pa ako naka-recover na dagdagan ng taxes ang liquor! At ngayon, eto na naman? Modernization? At hindi lang kami ang madadamay, pati ang iba! Hindi na kayo naawa sa aming mga simpleng mamamayan ng Everion."
That's why she hated royalties. Mga sarili lang nito ang iniisip ng mga ito kabilang na ang interest at ambisyon ng elites at ng mga nasa high society. Silang mga commoners ay 'oo' na lang ng 'oo' kahit labag sa kalooban nila.
Nagprotesta na rin ang ibang mga tao roon.
"Gusto kong malaman kung bakit gusto niyong baguhin ang area na ito. I want to know the crown prince's reasons. The people have the rights to know his plans in this place so we can understand where he's coming from."
Wala na siyang pakialam kung hindi respetado ang pagbanggit niya ng 'crown prince'.
Direktang tumingin ang mga ito sa mga 'goons' niya at na-gets naman kaagad ng mga tauhan niya kaya nagsihakbangan ang mga ito upang protektahan siya. Pinigilan lang niya ang mga ito nang humakbang siya paharap sa royal guards.
"Mga ilang araw ang palugit bago kami pumirma? Hindi puwedeng ngayon na. You don't have the right to impose it and expect that we agreed to the EO."
"Three days," ani ni blonde royal guard. "You will have three days."
"I will meet the Queen," naniningkit niyang sabi na ikinasinghap ng mga tao roon maging ang royal guard ay nagulat. Her eyebrows were furrowing and she bit her lower lip. Naikuyom niya ang kamao niya.
Nakipagtagisan siya ng tingin sa leader ng mga royal guard na blonde ang buhok.
She really wants to do it, to meet the Queen. The Queen is the people's Queen. Approachable ito sa commoners.
Unfortunately, mukhang hindi mama's boy ang Crown Prince. He has his own will.
She gritted her teeth.
//
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top