Royal: Six

//

That's Baeley Suzanne Earhart. Hindi siya nagkakamali. He was silently walking near the beach when he spotted a familiar figure who was sitting on the white beach sand. Nakatunganga lang ito sa harap ng karagatan. Napa-double take pa nga siya kung tama ang nakikita ng mga mata niya.

Kung bakit niya alam? That's because of his friends, Sawyer and Larkin, who researched about her. They searched her social media accounts and even checked out her old pictures. Ipinakita ng mga ito sa kanya ang lumang litrato nito na iilan sa mga iyon ay kapiling ang soju at pulutan. Pinagdudahan niya ito na habitual drinker but she's perfectly fine. She's still naturally pretty and possessed that cat-like yet intelligent eyes.

Dangan lang na kumain ito ng ice cream na may cannabis at wala itong alam. He approached her to stop her eating that ice cream. He knew about her beach shop. Dahil pa rin kina Larkin and Sawyer. Those two were very nosy. Kahit pa hindi siya nag-iinitiate na alamin ang mga bagay-bagay, may dalawang taong parang mga asong naghahanap ng impormasyon. They were like dogs who were busy digging the soil searching for something valuable.

Sinundan lang siya nito patungo sa beach shop nito. He knew that he was asking random questions out of the blue - totally unrelated. Gusto lang niyang makasigurado kung ito si Suzanne. Ito nga. Her answers were consistent with her photos in her account. She liked drinking green grape and peach soju paired with barbecue.

He deposited the clown fish plushie on his sofa. It was his last day on his cottage. Secured ang area at walang nakakaalam na isa sa mga kapitbahay ng mga ito ay isang prinsipe. The second prince. At ngayo'y maghahanda na naman siya para asikasuhin ang government affairs dahil wala ang nakakatanda niyang kapatid - the Crown Prince. Unlike any other royalties in other kingdoms, they were not typical siblings who wanted to covet the throne by themselves. His older brother deserved to be the Crown Prince. He was not a shadow, but one of his trusted aides. He was only the second prince in name and by blood.

Nagpapalit siya ng damit sa kuwarto niya nang mahagip ng tingin niya ang isang red converse shoe.

Naalala niya kung paano napunta sa kanya ang converse shoe. When he's done changing into his usual black clothes, he checked the sole of the converse shoe. May initials sa gilid niyon na B.S.E.

His forehead knotted.

//

flashback . . .

Ayumi

Diskompiyado talaga ako sa blind date na 'yan

Sabi mo gusto mong may maka-date ka sa Valentine's
O ayan na
Meron na
Sabi ng colleague ko, matino naman daw ang pinsan niya

Guwapo ba yan?
Sasabunutan kita pag mukha yang paa
Pag oo
Back out na ako

Kaya nga blind date
Sasakalin kita pag nagbackout ka
Pinaghirapan kong i-kontrata yan sa colleague ko na ex-crush ko na dahil may gf ampp

Ohhh saklap
Bakit ikaw? Hindi nag-secure ng ka-date mo?

No thanks
Ang rami kong pending works dito sa office

Di ba overkill outfit ko?
Red dress

Nag-mini dress ka?!

Ampots! Hindi! Palitan ko na nga tong dress. Bat feel ko pang one night stand ang dress nato hahahaha

Hahahaha

Di na nga lang. Plain shirt, converse and baggy jeans will do

Para namang kikitain mo ang tropa mo sa hitsura mong yan hahaha

Whatever
I like being comfy with my clothes

Anong oras na
I meet mo na yung Valentine's Date mo

May kickback ka ba sa pangrereto mo?

Wala ka na dun
Basta chika after that

Pag hindi?

Edi nag one night stand na kayo

BALIW! HINDI AKO GANYAN! LUKA

Lumarga ka nga dami mong chenes

Sana hindi na lang niya pinatulan ang pakulo ni Ayumi. Nagkita sila ng ka-blind date niya sa isang Cafe. Guwapo naman ito pero immune na siya sa mga guwapo. Mahangin din dahil achievements agad ang ikinuwento nito sa kanya. Nakailang girlfriend na rin ito. Di ba dapat hindi binabanggit ang mga exes sa blind date? Kahit pa zero sa kanya? Kasi puro lang siya pambabasted noon.

"So, your company wanted to secure the area to built something then the royal government snatched it from your company, tama ba ako ng intindi?" she asked. Naging interesado siya sa direksiyon ng topic.

He sipped on his latte. She observed his facial expressions. Naiirita rin ito sa nangyari. Iyong animosity niya sa royalties ay iba sa ipinapakita nito. He sounded 'insecure'.

"Yeah. Maganda ang location. Gumawa na nga ako ng rough draft for that."

Isa kasi itong architect. Although, she was amazed but it didn't make her attracted to his intelligence. It didn't fazed her. Ang paraan ng pagtingin nito sa kanya. She was used to it. Kahit pa boyish, cow girl at 'cuss-like-a-sailor' ang bibig niya lalo na pag lasing ay aware naman siya sa itsura niya. She was not bad-looking.

"Oh really? So tell me about it."

The conversation was quite boring for her. Ayaw talaga niya sa mga taong sentro ang sarili nito. He almost sounded like a self-centered gentleman. Tinanong lang siya nito kung ano ang profession niya - she graduated with the degree of Culinary Arts minor in Business Management. Almost double degree pa nga ang kukunin niyang program pero busy siya sa Nilo's kahit pa si Tatay Carlos ang nag-manage niyon.

"You're pretty," he complimented.

She smiled. Sanay na rin siya sa mga ganoong puri. "Thank you."

Bakit ang creepy ng dating nito sa kanya?

"You want to go somewhere? Your place or mine?"

Shit. Holy shit. Lagot talaga si Ayumi sa kanya.

"No. May gagawin pa pala ako." Akmang tunalilis siya paiwas rito ay hinatak nito ang braso niya na may kasamang pisil. Nangilabot siya. She was very sensitive when it comes to physical contact and he had the audacity to touch her. His hand landed on her butt. Her freaking butt.

"Hey!"

Inis na inis si Suzanne. Kahit pa mag-dress siya o mag-pantalon, may lalaki talagang bastos. Agad niya itong nilingon upang bugbugan sana ito nang mapanganga siya nang tumalilis ito palabas ng Cafe. Na parang walang nangyari. So, ang habol lang nito ay one-night-stand? Hook up?! Mamaya talaga si Ayumi sa kanya. Ni-blind date siya sa isang manyak!

Nagawang hawakan ng lalaking iyon ang puwit niya? How dare him!

"Hoy!" Hinabol niya ito ngunit dahil maraming tao sa loob ng mall ay nahalo na ito roon. Hinanap niya ang lalaking nakasuot ng cap at itim na t-shirt. Iyon kasi ang suot ng damuhong blind date niya.

"Tumigil ka! Hey you!" Nakita na niya ito. Mabilis na naglalakad, patalikod sa kanya. Halos magkanda-kanda tisod na siya sa kakasunod rito palabas ng mall.

"Tigil nga sabi! Mamang nakaitim!"

Isisigaw niya sana ang pambabastos na ginawa nito sa kanya kanina kaso baka maeskandalo ang mga tao roon kahit pa Valentine's Day ngayon.

Di siya nakatiis. Hinubad niya ang isang converse shoe niya at tinapon iyon rito. Natigil naman ito dahil sapol sa balikat. Napalingon ito ngunit masyadong nakababa ang visor ng itim nitong cap.

Oras na para komprontahin ito. Malalaki ang mga hakbang na lumapit siya rito.

"Hoy! Akala mo makakatakas ka sa akin? Alam mo bang black belter ako sa taekwondo ha? Anong karapatan mong hawa–"

Naiangat nito ang mukha nito na ikinatigil niya pagkat ang layo naman ng itsura nito sa lalaking ka-blind date niya. Bahagyang nakaawang rin ang mga mata nito, hindi makapaniwala na tinapunan niya ito ng converse shoe.

Mas matangkad at iba ang aura. He has a commanding aura. Malayo sa manyak na aura ng blind date niya.

"Sorry." At bago pa man siya makalayo ay nakakita siya ng iilang men in black na papunta sa gawi nila. Bakit may mga men in black sa paligid? Saka lang nagsink-in sa kanya na baka importanteng tao ang tinapunan niya ng converse. "Oh shit."

Sa pagmamadali ay hindi na niya nakuha ang isa pa niyang converse shoe na tinapon niya sa estranghero.

"Putik na yan! Itong converse pa naman unang binili ko after kong maitayo ang beach shop ko! Pahamak na buwisit na bastos na lalaki na iyon. Humanda talaga iyon." 

//

Doon na luminaw kay Arzhel ang hitsura ng babae nang mapagtanto na iba ang tinapunan nito ng converse shoe. He read again the initials.

No wonder. He smirked.

Ito ang naglakas-loob na tapunan siya ng converse shoe. The shoe was out of nowhere. Gusto niyang matawa sa kakatwang eksena iyon dahil may kaparehong fairytale roon pero iba ngayon. It was a converse shoe.

And the owner was none other than Baeley Suzanne Earhart.

//

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top