Royal: Five

//

Parang cocoon si Baeley sa sofa ng bahay niya. She had a breakdown a while ago. She missed her father again and this time, she wanted to face the reality of accepting that he was all alone.

"Wala na bang stocks ng soju? Or tuba man lang?"

Hindi pala siya nag-iisa. Nagkampo sa bahay niya ang mga kaibigan niya. Si Helena ang naghahanap ng drinks sa ref niya.

"Hindi na muna ako bumili dahil tinapalan na nila ng tax," sambit niya sabay buntong-hininga.

"Nanghahapdi mga mata mo, tapakan mo lang ng ice pack. Kuha lang ako," prisinta ni Carter at tumayo pa.

"Wag na, Cart. Wala ring silbi 'yan. Magkakaroon pa ako ng round two pag natuloy na talaga pag-demolish ng mga establishments rito."

Pasok sa kanang tainga, labas sa kaliwang tainga ang ginawa nito at nagtuloy pa rin sa ref niya at nanguha ng ice roon.

"Madedemolish ba talaga ang restaurant ng Papa mo? Su, sayang rin ang ipinundar ng Papa mo. It was because of this business and his job that you have a good childhood back then. Baka ire-reconsider ng crown prince," komento naman ni Ayumi na busy sa pagsimsim ng iced coffee nito. Gabing-gabi na at alas diez pero heto, kape ang kaulayaw.

Kapag inamin niya sa mga ito ang ginawa niya noong lasing siya ay tiyak na itatakwil siya ng mga ito. The Everion Kingdom greatly respects the royalties, except her.

Tinutulugan nga niya ang royal course subject niya noon at nahuhuli pa siya ng professor kaya standing ovation siya sa labas. Simula noong nawala sa kanya ang Papa niya ay malayo ang loob niya sa mga royalties at elites.

"Oh, ice pack." Tinanggap na lang niya ang ice pack na ibinigay sa kanya ni Carter. She applied the ice pack on her eyes. Pantakip na lang iyon kapag trip na naman umiyak ng mga mata niya.

"Hanggang ngayon, masama pa rin ang loob mo dahil sa nangyari? You couldn't even prouder of your father who saved our King?" Carter said.

She felt like crying again. Narinig niya ang pag 'aw' ni Carter. Malamang si Helena ang nanghampas dito. Mabilis ang mga kamay ni Helena, delikado ang taong katabi nito kapag excited ito, masaya, at galit.

"And then left me orphaned? Is that it? Ganoon lang kadali? It doesn't mean na King na siya ay mas importante ang buhay niya kaysa sa tatay ko. All I have is my father, Cart." Ganito siya ka-sensitive kapag ang ama na niya ang pinag-usapan.

"Kasalanan mo 'to, Cart. Sabing huwag mong banggitin ulit. Iiyak na naman itong si Su."

Lagapak lang ang narinig niya sa mga ito.

"Aray! Kung makahampas naman."

Naging soft ang expression ni Ayumi at tinigilan na ang pagsimsim sa kape nito.

"They will know you since you're the daughter to the man who rescued the King's life."

"I'm sorry. I didn't mean to say that," bawi naman ni Carter na tila na guilty naman sa sinabi.

"It's okay. I'm in my twenties now but hinahanap ko pa rin siya. I don't have memories with my mother so it's not painful not unlike my father. Tapos ngayon, balak pa nilang alisin ang tanging pamana niya sa akin. I know, I am avoiding my duty there as the owner." She graduated as a Culinary student anyway for the restaurant. Marunong din siyang magluto dahil sa tuwing abala ang kanyang ama sa trabaho nito ay instant apprentice siya ni Carlos, ang kanang kamay nito. 'Tay ang tawag niya kay Carlos.

Nawalan man siya ng ama. Hindi naman siya iniwan ni Tatay Carlos at ng mga kasama nito. In her eyes, di mga ex-convicts ito. Ang mga ito ang naggabay sa kanyang paglaki - from teenager to adulthood. Protective ang mga ito sa kanya gaya noong nangyari sa pagitan ng guards at sa mga ito.

"I know, kabaliwan na mag-request na makita ang Inang Reyna." She sighed. She really wanted to meet the Queen or better yet, the Crown Prince - to know his reasons why he wanted to demolish the area.

Ano ang plano nito para sa lugar?

"But you sure a have a brave heart. Kanino ka pa ba magmamana? Kay Tito lang," bawi naman ni Carter at dinaluhan na siya. Ito lang ang bukod tanging lalaki sa grupo nila at kahit na moody sila minsang mga babae ay iniintindi sila ni Carter. Ito rin ang pinakamatanda sa kanila.

"I have to or else the restaurant will be at stake. Ayokong mawala ang restaurant. Paano na ang mga taong nagmamahal kay Papa? My father gave them second chances to live a life. The people around them trust them again. I don't have the heart to break the news na mawawala na ang restaurant."

Naiiyak na naman siya.

"Napakaiyakin mo talaga." She accepted the tissue that Helena held to her. Ibinaba niya ang ice pack at suminga siya roon. She snatched some tissue from the tissue box to dry her tear-strickened face.

Suminghot siya at niyakap ang plushie niya na penguin.

"I have to close down my anek-anek store. Magfo-focus na talaga ako restaurant."

"Bakit mo naman icl-close down kung puwede ka naman magbranch-out? What if a seafood restaurant? That would be great! Di ba masasarap ang seafood dishes ni Tatay Carlos? Why don't you try it, Su? And of course, pag na-resolve na ang issue," suhestiyon ni Ayumi.

She needs to talk with the Queen. Conflicted talaga ang feelings niya sa mga royalties.

She was really sensitive when it came to her father and he was the reason why she was voicing out her concerns to the royal government. She was aware that the rants she voiced out through the voice calls were only for a selfish reason to drink freely, whenever she wanted to. But knowing that his father's restaurant was at stake, she couldn't let go of that.

"We will let you decide on your own, Su but remember, don't do something stupid," payo ni Helena.

Suzanne rolled on her sofa and hugged her plushie once more. "I'm still contemplating the expansion of our restaurant. Pero now, gusto ko na muna makipag-transact sa kanila."

"If magpapakastubborn tayong mga ordinaryong citizens, tayo lang din ang maapektuhan. It's a decree anyway. Baka maintindihan rin nila but does it have to be the Queen, Su?" asked Ayumi.

Tuluyan na siyang napaupo sa sofa at lumabi. "They're still people, only that, they have privileges as royals and came from royal descendants. Baka pagbigyan nila ako dahil hero ang Papa ko."

"But what if maayos pala ang plano ng Crown Prince? Hindi lang niya na-relay ng maayos sa ating mga ordinaryong citizens."

That's what she thought too. Naunahan lang siya ng emotions niya noong una dahil basta na lang sinabi ng royal guards na idedemolish ang area nila at masasali roon ang restaurant ng Papa niya.

//

Nakatunganga lang si Suzanne sa harap ng karagatan. Naisipan lang niyang tumambay roon matapos niyang isara na muna ang Picka-Picka store niya tahanan ng swimsuits, bathing suits, beach stuffs and cute stuffs and souvenirs. Pinag-iisipan pa niya kung hahayaan na lang iyon doon or i-convert bilang maliit na seafood restaurant. Masyadong matrabaho iyon sa kanya o kaya naman ipa-rent na lamang niya?

Sumisirko ang utak niya sa mga iniisip niya na may kinalaman sa negosyo nang may mahagip ang mga mata niya. Nanuyo ang lalamunan niya nang makita ang isang ice cream stall na pinagkakaguluhan ng mga teenagers at adults. Na-curious siya pagkat mainit rin ang panahon.

She stood up from sitting down on the white sand beach and approached the ice cream stall with her noisy flip flops. Natakam na rin siyang kumain ng ice cream.

Naghintay na muna siya na kumunti ang customers nang bumili na siya roon. Namangha siya sa mga flavors na naroon dahil kakatwa. May dragonfruit ice cream na siyang binili niya sa nagtinda niyon.

"Isang bonus na scoop para sa magandang binibini." Tama ba siya ng nakita nang ngumisi ang lalaki? May ginto itong ngipin. Ilang taon lang ata ang tanda nito sa kanya.

"Ah eh, thank you po Kuya." Tinanggap na niya ang ice cream cup na ngayo'y apat na ang scoops.

Tuwang-tuwa siyang kumain niyon sa harap ng dagat. Medyo mahangin pero sanay na siya. Kahit pa hindi siya nakatingin at focus lang sa pagkain niya ng ice cream ay may napadaan sa gilid niya. Ang nakakuha ng atensiyon niya ay ang binti nito at ang malilinis nitong mga paa dahil nakasuot lamang ng sandals for men.

"May ideya ka ba kung ano ang kinakain mo?"

"Huh?" Nagtaka siya kung bakit bigla na lang itong lumapit sa kanya. At bahagya pa siyang natulala sa side profile nito. He was wearing a bull cap.

Damn, that side profile. Ang tangos ng ilong nito. He has a perfect nose, a nice jawline, pink lips and sharp eyes. Nakatingin lang ito sa harap habang siya'y kulang na lang tumulo ang laway sa hitsura nito. May kakaibang aura din ito na tila hindi ito napapasunod ng kung sino. He was wearing a white shirt and moss green shorts for men.

"It's cannabis." Saka ito lumingon sa kanya. Bagama't nakababa ang cap nito ay tama na ang kalahati ng mukha nito na maganda ang hitsura nito. Poging mama.

"What?" Tila nabingi siya sa sinabi nito. Idagdag pa ang hangin na nagmula sa karagatan. She was also squinting her eyes from the afternoon sun. Anong cannabis?

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit pinagkakaguluhan kanina ang ice cream na iyan? That's because it has cannabis. Nakikita mo ba yung berdeng bagay diyan? Dinagdagan ka pa talaga ng isang scoop. Good luck with that."

Saglit siyang napatingin sa ice cream niya. May toppings nga na green doon maliban sa natural na kulay ng dragonfruit. Bago pa man siya makahuma sa nalaman ay bigla na lamang umalis ang misteryusong lalaki.

"Hey! Hoy mamang pogi! Totoo bang may damo sa ice cream na ito?" Hinabol niya ito at nanghihinayang man ay tinapon na lamang niya ang ice cream sa pinakamalapit na trash can. Ang hahaba ng biyas nito at kahit pa matangkad siya sa average na height ng mga babae sa kingdom nila ay halos magkumahog siyang sundan ang lakad-takbo nitong mga hakbang. "Di ba illegal iyon? May mga batang bumibili ng ice cream. Hindi mo ba nasabi sa mga authorities?"

Nakasunod lang siya sa likod nito. Hindi na niya alintana ang paglubog ng mga paa niya sa buhanginan sa pagsunod rito.

Okay, fine. Ang pogi kasi niya. Parang gusto ko siyang istorbuhin tutal sinira na niya ang mood kong mag-ice cream, usal niya sa sarili.

"Why would I waste my time telling it to the authorities? If you care too much, you will be bothered by it," he simply said. Ni hindi man lang ito lumilingon sa kanya.

Umarko lang ang kilay ni Suzanne ng mapansin niya na ang direksiyong tinatahak nito ay ang souvenir shop niya na Ocean Paradise. She smiled to herself. She slowed down and just following him while looking at the view beside them.

Doon na siya napangisi nang akmang papasok ito sa beach shop niya pero naka-lock iyon. She cleared her throat. Agad naman itong napalingon sa kanya.

"Allow me to open the door of my beach shop, my Lord," pormal niyang sabi at siya na ang nagbukas ng pinto nang umatras ito ng kaunti. Narinig niya itong patawang suminghal at tumaas na naman ang kilay niya sa reaksiyon nito. Sumunod naman ito sa kanya.

"How may I help you, Sir?" pormal niyang sabi nang makalapit na sa counter na may matamis na ngiti sa mga labi. Pagkapasok nito ay iginala nito ang mga mata sa paligid na parang may hinahanap.

May mga rack roon kung saan naka-hang ang mga beach clothes at sa magkabilang gilid ay mga swimsuits for men and women. Sa silangang bahagi ay mga souveniers naman na may kinalaman sa beach, like sea creatures plushie, keychains, wallets, purse at kung ano-ano pa. Sa kanlurang bahagi nama'y mga gawa niya, handicrafts. Ito ang pinagkakaabalahan niya kapag hindi siya nagluluto o nag-eexperiment ng menu sa Nilo's Restaurant.

Hindi ito umimik at sinuyod lamang ang beach shop niya. Nagtingin-tingin lamang ito roon na parang may hinahanap. Inobserba niya ang kilos nito hanggang sa humarap ito sa kanya. Napakurap-kurap siya nang matagal siya nitong titigan hanggang sa pakiramdam niya ay tutubuan siya ng kulaba sa mata. Kahit pa nakababa ang visor nito ay alam niyang nakamasid ito sa kanya.

"Do you have a bottle of soju here?" he asked. Siya nama'y napamaang rito sa pagiging random nito. Masyadong out of the blue ang sinabi nito. Soju? Sa tanghaling tapat?

"Sa pagkakaalam ko, hindi convenience store ang beach shop ko."

"But if you have a soju in your hand, what is your favorite flavor?"

"Green grape or peach."

Nangungunot na rin ang noo niya sa takbo ng usapan.

"I see. Along with?"

"Barbecue."

"Wait, makikipagtagay ka ba sa akin? Tirik na tirik ang araw ngayon, mister."

Humakbang ito papalapit sa kanya at halos iduldol na rin nito ang mukha nito sa kanya kaya napaatras siya. Hindi niya alam kung bakit siya kinabahan. Bakit ngayon pa nauumid ang dila niya?

"Okay." At saka na ito lumayo sa kanya. Basta lamang itong dumampot ng plushie roon na isang clown fish. "I want to buy this."

Weird. Super weird ng actions nito. Basta na lamang itong lumapit sa kanya kanina at ngayo'y nagtatanong ng kung ano-ano. He paid the plushie in cash and she carefully placed it on the paperbag.

"Thank you, Sir. Come again." Bago pa man ito makalabas ay tinawag niya ito. Curious siya kung ano ang hitsura nito at kung bakit bigla na lang itong lumapit sa kanya kanina. Curiosity killed the cat. That's why she approached him with deliberate steps and tiptoed before him.

She removed his cap, revealing the most handsome face she'd ever seen in her entire life.

Damn.

//

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top