sungit
Nakita ko si Macy na pagod na pagod na tumatakbo papunta sa akin.
"Kenneth, *hingal* sorry *hingal* napaghintay ba kita ?"
"Tss. Tara na uwi na."
Pumunta ako sa sasakyan ko.
"Macy marunong kabang magdrive?"
"Oo, bakit?"
"Ikaw mag-drive tinatamad ako." Sabi ko sa kanya at ibinato ko sa kanya yung susi ng kotse ko.
Macy's pov
Ibinato ni Kenneth yung susi ng kotse niya.
Wow! Makakapagdrive na ulit ako ng kotse.
Nung una akong magdrive akala ko hindi ako marunong pero nung nasubukan ko yung kotse ni Caleb, marunong pala akong magdrive.
Kaya nung araw na iyon. Doon ako nagtry mag car racing dahil sabi ni Caleb may talent daw ako sa pagdadrive.
Nagkacar racing ako nang patago dahil ayaw ni nanay na mag car racing ako dahil ba ka mapahamak ako.
Yung huli kong araw ng car racing ay nahuli ako ni nanay at pinauwi ako sa bahay.
Pumasok na ako sa kotse ni Kenneth at ngiting-ngiti ako dahil ang ganda ng kotse niya.
Pinaandar ko na yung kotse niya at pinaharurot iyon ng mabilis.
"H-hoy!" Bagalan mo yung pag dadrive mo. Sigaw ni Kenneth sa akin.
Binagalan ko yung takbo at pinaandar nalang sa normal.
Hahaha, ang epic ng mukha niya.
"Bakit ang bilis mong magpatakbo?!" Tanong niya
"Car racer ako dati. Why?"
" 'Wag mong gawin dito sa oras na ito. Baka mamatay ako. Mahal ang B.U.H.A.Y.K.O. alam mo yon."
"Alam ko. Ikaw ang nag pa drive saakin kaya wag mo akong sisihin."
"Blah....blah...blah.." sabi niya tapos ginawa niyang puppet yung kamay niya
Tumahimik nalang ako at nag drive.
-----------------------
Nandito na kami sa mansyon at pinark yung kotse niya bago bumaba. Ibinigay ko na sa kanya yung susi at dumeretso na ako sa kwarto at gagawa pa ako ng project ko.
"Hoy! Saan ka pupunta?" Tanong niya
"Pupunta na sa kwarto at gagawa ng project bago ako mag linis dito sa masyon." Sabi ko.
"Maglinis ka muna sa kwarto ko at gawin mo rin yung project ko."
Wala na akong magagawa dahil amo ko siya.
Pumanik na ako sa kwarto niya pumasok siya sa walk in closet niya at kumuha ng damit at pumunta sa c.r.
Inayos ko yung magulo niyang kama at ibinaba ko yung mga damit niya na nasuot na nya.
Inilagay ko sa laudry basket yung mga damit at pumasok ako sa kwarto niya na dala-dala yung project ko.
Kinuha ko yung project nya sa bag niya at ginawa na iyon.
Habang gumagawa ako nun lumabas na si Kenneth sa banyo at nakapambahay na siya at ako naka uniform parin ako huhu.
Humiga lang siya sa kama at binuksan yung
t.v.
"Hoy! Wala ka bang balak tulungan ako sa project mo."
"Wala." Sagot nya
Ang tipid niyang magsagot. Sheezz naiinis na ako sa kanya.
May narinig akong kotse na nag busina.
Hindi ko nalang pinansin yun at ipinagpatuloy ang paggagawa ko ng project ko at project ni Kenneth.
(Buksan mo yung phone mo may nagtext 'wag seenzone.)
From: Jen
Macy, sino yung susunduin mo kanina.
-------------------------
To: Jen
Ok.ok. si.............Kenneth
-------------------------
From: jen
Omg. Ang swerte mo girl
-------------------------
To: Jen
Sino ang swerte. Ang sungit nga.
-------------------------
From: Jen
IKAW.
-------------------------
"Hoy sino ang katext mo dyan tapusin mo yung project ko."
"Oo na."
To: Jen
Bukas nalang nagagalit na si Kenneth.
-------------------------
From: jen
Ok.
-------------------------
"Tok..tok.."
"P're."
Hindi ko na pinansin kung sino pa yun.
"Saan ka na pumapasok?"
"Sa royalton. Ikaw?"
"Lilipat na rin ako sa royalton. Nasaan sila Leo."
Tumingala ako at nakita ko yung lalaki.
Si.......si.......
"CALEB!" sigaw ko.
"MACY!" Sigaw nya.
Siya si Caleb Dion Sergon.
Best friend ko. Pogi, matalino, mabait and car racer.
Siya ang tagapagmana ng Sergon Company.
Isa siya sa pinaka mayamang tao sa mundo.
Crush ko nga siya.MATAGAL NA.
Niyakap niya ako. kumawala ako sa yakap at kinamusta ko siya.
"Musta na?" Tanong ko sa kanya
"Ok lang.Gusto mo bang mag car racing." Sagot niya
"Sige sino kalaban?"
"Si jander siya yung nangunguna ngayon at gusto kaniyang makalaban."
"Sige lalaban ako.Ano ba yung prize."
"Koenigsegg agera r."
"Haist.. wala akong kotse ngayon."
"Ako ang bahala."
"Wehh. Oh my. Kailan ang laban ?" Excited kong tanong.
"Bukas na yung laban. DEAL."
"DEAL." Sabi ko sa kanya na may ngiti sa mukha ko.
Nagtext ako kay Jen at kay anna na sasali ako sa car racing.
To: jen
Sama ka bukas, mag kacar racing ako bukas.
-------------------------
To: Anna
Sama ka bukas, mag kacar racing ako bukas.
-------------------------
(Buksan mo yung phone mo may nagtext 'wag seenzone.)
From: Anna
Okie.
-------------------------
From: Jen
Ok.
-----------------------
Tinapos ko na yung project ko at yung project ni Kenneth.
"Kenneth, ito na yung project mo oh." Sabi ko sabay bigay sa kanya nung project niya.
Wala siyang sinabi kaya lumabas nalang ako sa kwarto nya.
Umuwi narin si Caleb.
Naligo na ako at nagbihis na pangtulog.
Nag apron ako at nilinis ko yung mga pinggan na hindi pa nahuhugasan.
Excited na ako bukas.
Natapos ko na hugasan yung mga plato kaya hinubad ko na yung apron at dumeretso na sa kwarto at natulog na at bukas may sasalihan akong car racing.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top