problem

Nilingon ko. At pagkalingon ko may biglang nagbuhos sa akin ng juice.

WTH!!?

"Bakit mo ginawa yon?"

"Ang alin?"

"Ang pagbuhos sa akin ng juice,Tanga."

"Bagay lang yan sa iyo."

"At bakit naman."

"Lahat nalang ng Lalaki dito dinidikitan mo hindi ka pa nakuntento kay Kenneth at ngayon nililinta mo na yung new student. Ang landi mo lang noh." Sabi ni Olidia.

Usap-usapan lahat ng lalaki dito sa campus naging boyfriend niya. What a bitch.

"Sino ang sinabi mong dumidikit sa mga lalaki. At sino sinasabihan mong malandi at linta."

"Ikaw sino paba." Mataray na sabi niya

"Wow. Ako pala sinasabihan mo. Akala ko dinidescribe mo yung sarili mo sa akin." Sabi ko at ngumisi.

Pinahiram akp ni Anna ng panyo at pinunasan ko yung mukha ko.

"Uy.. nagalit mo yata ang toro." Bulong ni Jen at tumawa.

Tinignan ko ang mukha nya. Hahaha. Namumula na siya na parang kamatis dahil sa inis.

Sinugod niya na ako at sinabunutan.

Para hindi na ako mahirapan tinulak ko na siya at sinuntok ng tatlong beses para, I HATE YOU diba. Hahaha.

Umiyak na siya kaya dinala na siyang mga kaibigan niya.

"Tara na ibalik na natin yung libro."

Dumeretso na kami sa library at binalik. Pumunta na kami sa classroom at lahat sila nakatingin saamin.

"Bakit?" Tanong ko. Umiwas lang sila ng tingin si Kenneth naman nakaheadphones at sila Leo naman nagkukulitan.

Pumasok na yung teacher at binati namin siya.

"Where is Ms. Reyes?"

Nagtaas ako ng kamay.

"Bakit po ma'am?"

"Pinapatawag ka ni Principal."

Bakit ka ya?

Pumunta na ako sa Principal's office at naka-upo si President. Nag-bow ako.

"Sit down."

Umupo ako, alangan namang tumayo ako. Ehh pinapa upo ako.

"Ang ating napag-usapan ay kapag nagkaroon ka ng kasalanan at kapag naulit pa iyon ay matatanggal ang iyong scholarship. At kapag bumaba ang mga grades mo."

"Opo. Ayun po yung napag-usapan natin. Bakit po."

"Sumapak ka ng dalawang estudyante at bumababa narin ang mga grades mo dahil hindi ka palaging pumapasok at hindi ka minsan pumapasa sa exams."

"Tatanggalin nyo po ba ang aking scholarship." Maiyak-iyak kong tanong.

"Oo. You break the rule. Tatanggalin na namin ang scholarship mo. Pwede ka ulit pumasok dito pero hindi na scholarship. Magbabayad ka ng enrollment fee."

"Miss president, hindi po pwede. Kailangan ko pong mag-aral."

Umiiyak na ako. Kasi hindi dapat ako matanggalan ng scholarship dahil pinako ko nila nanay at tatay na.magtatapos ako ng pag-aaral dito sa school na ito.

"Umuwi ka na."

Tinext ko sila jen na natanggal na yung scholarship ko at umuwi na.

(Buksan mo yung phone mo may nagtext 'wag seenzone.)

Akala ko sila Jen yung tumatawag pero unknown. Sinagot ko na.

Hello, sino toh?

Si Rejie toh.

Oh.napatawag ka.

Kailangan mo nang bumili ng puntod para sa nanay at tatay mo dahil sisirain na daw yung public cementery.

Hah. Sige gagawa nalang ako ng paraan.

Oh. Sige.

Pinatay na niya yung tawag.

Ano bayan ang dami kong problema ?

Naiiyak na ako. Tumulo na ng tumulo ang luha ko. Ano bayan. Wala akong magagawa. Paano ako makakabili ng puntod sa private
cemetery.

Saan ako makakakuha ng malaking pera.

Oo nga pala may kotse ako. Pwede ko iyon ibenta.

Tatawagan ko si Deina. Kaibigan ko.

Hello. Who is this ?

Si Macy toh. May ibebenta akong sasakyan sa iyo.

O M G. What's the name?

Koenigsegg agera r.

Ok. Bibilhin ko na.

Deal.

Deal.

Binenta ko na yung sasakyan ko.

Nandito na ako sa Private cemetery at pumunta ako sa office non at tinanong ko kung magkano ang puntod.

Ang mahal pero buti nagsakto lang sa pera ko.

Binayadan ko na at sabi nila ituro ko nalang yung puntod ng magulang ko at ililipat nalang nila doon sa private cemetery.

Kailangan ko papalang mag-enroll sa eskwelahan pero wala na akong pera. Huhuhu. Bakit ba ang dami kong problema.

Naiiyak nanaman ako.

Umuwi na ako at doon ako umiyak ng umiyak.

Time check- 7:30 ng gabi

Kruu..kruu..kruu

Bumaba na ako at nakasalubong si Kenneth.

"Ba't namamaga mata mo?" Tanong nya

"W-wala toh." Sabi ko at bumaba na.

"Wait, May itatanong lang ako sa iyo." Sabi niya

"Ano yon. pakibilisan" hay nagugutom natalaga ako

"M-marunong ka bang magluto ?" Bakit niya tinatanong. Syempre marunong akong magluto.

"Oo. Bakit?" Tanong ko

"Pwede ka bang magluto." Tanong niya.

"Nandyan si Manang ahh. Bakit sa akin ka nagpapaluto? " sabi ko

"Wala si Manang nag-day off kaya walang magluluto para sa akin."

"Bakit, hindi ka marunong mag-luto?"

"Hinde ehh." Sabi niya at kinamot ang ulo niya.

"Tara turuan kita."

"S-sige." Sabi niya at pumunta na kami sa kusina.

Tapos na kaming magluto. Mabait din pala tong si Kenneth ehh.

"Macy bakit namamaga yung mata mo kanina pagbaba mo ?" Sabi niya at umupo na sa upuan.

"Wala yon. 'Wag mo nalang pansinin yun."

"Hindi nga. Ano yun" ang kulit niya ah.

" 'Wag na."

"Dali na." Sabi niya at nagpuppy eyes pa.

"Tse, 'wag kang magpuppy eyes mukha kang kwago."

"ASA. Sa pogi kong toh magiging kwago ako. No way, highway.

"Haha. Galit. Ka nanaman."

"Ano kasi yun problema mo."

"Sige na nga."

"Ano yon?" Tanong niya at umayos ng upo doon sa upuan niya naparang bata na ready na makinig sa story ng nanay niya.

"Kasi nga sinuntok ko Olidia kasi sinavihan akong linta at malandi kaya ayun yung napala nya. Tapos pinatawag ako ni Principal at tinanggal yung scholarship ko. Pwede daw akong makapasok ulit kung mag-eenroll ako sa school. Umuwi ako at biglang tumawag si Rejie at sisirain na daw yung public cemetery at kailangan ko na daw ilibing sa private cemetery yung tatay-tatayan ko at yung nanay-nanayan ko nung mga panahon na nawala ako. Binenta ko yung kotse ko at binilhan sila ng puntod sa Private cementery. Pero wala ng natirang pera at kailangan kong mag-enroll. Sa bigat ng problema ko naiiyak nalang ako." Naramdaman ko yung mga luha ay isa-isang pumapatak galing sa mga mata ko.

Umiyak ako sa harapan ni Kenneth. Tumayo siya sa pagkakaupo niya at pinunasan ang luha ko at niyakap niya ako.

"Shhh.. 'Wag kanang umiyak. Tutulungan kita sa problema ko at pwede mo akong maging kuya."

"P-pwede mo ba akong matulungan?"

"Oo. Bukas na bukas pupuntahan natin sila Mom at hihingi tayo ng tulong sa kanya." Sabi niya at humiwalay na sa yakap. "Tara na kain na tayo gutom na ako." Dugtong niya at umupo na.

Sabay kaming kumain at nagkwentuhan. Ang saya pala kasama ang Kenneth Chang.

Nagpaalam na siya na matutulog na daw siya. Umakyat na siya at ako naman ay nilinis ko yung mga pinagkainan at natulog na.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top