Kenneth
Nandito ako ngayon sa bahay at sa Saturday na yung flight namin papunta sa Pilipinas. Hindi ko akalain na babalik na kami sa Pilipinas at doon na ulit kami titira sa tagal ng panahon na umalis kami roon.
Nawala yung iniisip ko nung may kumatok sa pintuan.
"Young master, kakain na po kayo ng hapunan." si Mr. Greg lang pala. Ang second hand ni Daddy. Ang palaging kasama ni Dad sa lahat ng bagay.
"Sige susunod na ako sa baba." Sabi ko bago bumaba at sumabay sa kanila maghapunan.
Habang kumakain ay biglang nagsalita si Mommy kaya mapunta sa kanya ang atensyon ko.
"Kenneth, mag-aaral ka sa Royalton University kapag nakauwi na tayo sa Pilipinas." sabi nya. Tumango nalang ako at nagpatuloy kumain. Nga pala at titira na kami ulit sa Pilipinas kaya't doon na rin ako mag-aaral.
Kenneth Maryin Chang nga pala. Isa akong royalty. Kami ang pinakamayaman at pinakamataas sa Larangan ng Business sa Pilipinas.
Sina Daddy Teilo and Mommy Rea ang mga magulang ko. May twin sister rin ako ngalang ay namatay siya noong mga bata pa kami. Siya ay si Helena Kathrine Chang. Umiling nalang ako para mawala iyon sa isip ko. matagal na panahon na iyon. Kamusta na kaya siya? Nasaan na nga ba siya? Hanggang ngayon ay hindi namin alam kung nasaan siya.
Tinapos ko na ang pagkain ko at Umakyat na para makaligo at makatulog na dahil maaga pa ako gigising bukas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top