Job

Maaga akong nagising dahil sa excitement na mag-apply.

Chineck ko yung phone ko kung may mga messages and calls.

2 text and 5 missed calls

From: Anna

Best! Nafire ka daw sa work mo. OMG. Gusto mo ba nang  tulong. Sabihin mo lang. Huhuhu.

From: Jen

Uyy, kumusta ka na gusto mobang tulungan ka nalang namin humanap ng trabaho.

Missed call

2 missed calls- Jen
3 missed calls- Anna

Nireplyan ko lang sila na okay lang ako at pinatay ang phone ko. Nagtimpla nalang ako ng kape dahil ayon nalang ang meron ako dito sa bahay.

Natapos akong maligo at nag bihis ako ng pinakadesente kong damit. Hindi rin ako pumasok ngayon dahil mag-aapply ako ngayon sa Chang Mansion.

"Manong ito po yung bayad. Sabi ko kay manong at bumaba na ng tricycle." Simot na simot na pera ko kaya tumawad pa ako kay manong tricycle driver na kinse nalang ibayad ko sa kanya kaysa bente kasi walang wala na talaga akong pera. Buti at pumayag hehe ang bait ni manong.

"Kuyang guard pwede bang pumasok dito sa village mag aapply lang ako sa Chang Mansion."

"Sige iha."

"San po ba dito ang Chang mansion?" Tanong ko. Baka ma wala pa ako dito at hindi pa ako makapag-apply ng trabaho. Nako ayoko naman ng ganun.

"Deretso ka lang tapos lumiko ka at hanapin mo yung malaking gate na kulay ginto. No#61 yung number."

"Thank you kuya guard." Pasasalamat ko sa kanya dahil tinuro nya sakin ang daan. Sinunod ko yung utos ni kuya guard at pumunta ako doon sa malaking gate na kulay ginto. Yayamanin naman talaga. Nakawin ko kaya yung gate nila? Syempre joke lang mawalan pa ako ng trabaho nun.

Nagdoorbell narin ako. Kagandang bahay talaga.

"Sino po sila? Tanong ni manang na nasa mid40's."

"Ahh, mag-a-apply po sana ako for maid." Sabi ko at pinakita yung poster.

"Ahh ganun ba? sige pasok ka." Sabi nya at pinapasok ako.

Sobrang laki ng bahay at lahat ng gamit ay ginto at may malalaking paintings at may mga chandelier at naka aircondition ang buong mansion. Hindi ko mapigilan mamangha da mga nakikita ko. Inimbitahan nya akobg maupo sa malambot at malaking sofa. Ramdam na ramdam ko na lumulubog ako sa umupan dahil sa lambot.

"Iha, marunong kaba sa mga gawaing bahay?" Tanong nya. Ako pa ba? Hasang-hasa na kaya ako sa ganong mga bagay.

"Oho. Marunong po ako."

"Ahh sige tanggap ka na. Basta kailangan hindi malikot ang kamay mo at mapagkakatiwalaan ka." Tumango nalang ako. Buti nalang at inalis ko sa isipan ko na nakawin yung gate nila. Hindi naman malikot kamay ko at kuntento na ako sa kung anong meron ako ngayon.

"Tara na at ituturo ko sa yo ang kwarto mo."

Pumasok kami sa isang kwarto.

"Iha ito ang higaan mo at ito yung gagamitin mong cabinet. Ako nga pala si Manang Celia." Sabi nya ng may ngiti

"Nice to meet you po. Ako po si Macy." Sabi ko at sinuklian rin sya ng ngiti

"Sige iha. Tara na at marami pa tayong gagawin."

"Manang Celia pwede po ba akong pumasok sa eskwelahan at magtatrabaho ako dito sa gabi." Tanong ko. Hindi naman pwede na hindi ako mag-aral. Sayang yung scholarship ko at pangarap ko rin makapagtapos ng pag-aaral.

"Bakit, nag-aaral ka ba?"

"Opo at kailangan ko pong pumasok araw-araw dahil ba ka matanggal po yung scholarship ko at bumaba yung mga grades ko."

"Hindi ko kasi alam kung pwede. Pero itatanong natin 'yan kay madam kapag nakauwi na sila dito."

"Kailan po ba uuwi si madame dito?"

"Hindi ko lang sigurado kung kailan ang balik nila dito sa Pilipinas pero ang sabi nila ngayong buwan daw."

"Ahh sige po sasabihin ko nalang po sa mga kaibigan ko na sabihin nalang sa teacher na hindi ako makakapasok."

"Sige sabihin monalang pasensya na iha hindi kita matutulungan sa problema mo ngayon."

"Ok lang po yun basta nagtatrabaho ako at nabubuhay ko yung sarili ko."

"Sige iha. Pupunta na ako sa garden at aayusin ko yung mga bulaklak at lilinisin ko yung fountain."

"Sige po manang maglilinis nalang po ako muna ng mga kwarto sa itaas." Sabi ko at dumeretso na sita sa garden at ako ay umakyat na.

Nandito ako sa isang kwarto na kulay na black and white ang walls at may isang malaking painting ng dalawang bata isang babae at isang lalaki na may korona ang nakatalikod. Naglinis ako sa loob. Malinis naman na ang kwarto kaya ngalang ay may mga kaunting alikabok at mga kalat sa lapag.

Nakakita ako ng picture ng isang batang lalaki na nakangiti at may hawak na cotton candy. Ang cute nyang tignan. Pinunasan ko iyon at yung iba pang mga figurines. Matutukoy mo talaga na panglalaki ang kwarto na ito dahil sa design nito.

Pinalitan ko ng bedsheet yung malaking kama at pinalitan ko rin yung punda at hinuli ko ang pagmop.

Pupunta na sana ako sa susunod na kwarto nung may nagsalita sa likod ko. Si Manang Celia lang pala

"Ako na ang maglilinis sa kwarto nila madam." Sabi ni manang celia.

Parang kabute si manang kung saan-saan sumusulpot. Parang aatakihin ako kanina nung bigla siyang magsalita.

"Ahh sige po."

"Manang pwede po ba akong magluto ng hapunan natin."

"Ahh sige iha may mga pwedeng iluto dyan sa ref."

"Sige salamat po."

Pumunta ako sa kusina at naghanap ng pwedeng iluto. Nakahanap ako ng mga ingredients para sa adobo kaya adovo nalang ang niluto ko. Magsasaing narin ako para may makain kaming kanin mamaya.

"Manang kain na po tayo." Sabi ko habamg naghahain ng pagkain

"Wow parang masarap ang luto mo ahh."

"Opo masarap po yan. Yan po yung specialty ko."

"Sige nga patikim." Tinikman ni manang ang luto ko. Nagthumbs up sya sakin na parang angsarap ng luto ko.

"Tara na manang kain na tayo at baka lumamig pa yung pagkain."

Tapos na kaming kumain nung sinabi ni manang na matulog na daw ako at siya na daw yung maghuhugas ng pinagkainan kaya nandito na ako sa kwarto para maligo at makatulog na.

Buti nalang at nagdala ako ng isang pares ng damit para kung sakaling matanggap ako ay may ipangpapalit ako.

Matutulog na ako kaya nahiga na ako sa kama at nagdasal.

Lord salamat po sa mga biyaya mo.

May, Tay sana masaya kayo diyan sa heaven sana kapiling nyo si God at sana sabihin niyo kay God na masaya ako na naging magulang ko kayo. Sana bantayan nyo ako sa araw-araw na buhay ko.

AMEN.

May naramdaman akong mainit na likidong tumutulo na nagmumula sa mata ko. Naaalala ko nanaman sila nanay at tatay at yung mga masasayang moments namin na magkakasama. Bakit kasi ang aga nilang mawala? Hindi ko naman sila masisisi dahil maaga silang kinuha ni God. Pinunasan ko yung luha ko at natulog na dahil bukas marami pa akong aasikasuhin at gagawin.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top